Maghapong wala si Samir kinabukasan at hindi alam ni Gia kung saan ito nagpunta. Mag-isa lang s'yang kumain sa tanghalian kaya wala s'yang magawa kung hindi ang magbasa na naman ng mga magazine sa cabin na puro naman may hubad na larawan. Nakaidlip s'ya sa bandang hapon at nagising nang maramdaman na may tao sa cabin bukod sa kanya. Napabalikwas s'ya ng bangon nang makitang umupo si Samir sa gilid ng kama. "M-may pagkain pang tira sa niluto ko kanina," agad niyang wika saka bumaba sa kama. Namumula na ang balat ni Samir sa kabibilad sa araw. "Please cook some soup," utos nito saka pumikit na til nahahapo. Agad naman siyang naghanap ng maluluto sa kitchen cabinet. Makalipas ang labinlimang minuto ay dinalhan n'ya na ng sopas ang lalaki. "Heto na ang sopas," wika niya sa lalaki at

