"It's so beautiful here, Mama," tuwang-tuwang wika ni Jaime nang isama nila minsan sa paglalayag. Bakasyon nito sa school at abala rin si Raji sa kabi-kabilang meeting kaya naisip na lang nilang isama Jaime. "Yes, baby. Alam mo bang dito kami nagkakilala ng Papa mo?" "Dito ako inakit ng Mama mo." Kumindat si Samir sa anak at tumawa siya ng malakas. "Kung ikatataas ng kumpyansa mo sa sarili, sige ako na ang nang-akit," natatawa pa rin niyang wika. Yumakap naman ang asawa sa kanya habang sabay silang tumanaw sa papalubog ng araw. "May naisip ka na bang pangalan ng anak natin?" tanong niya kay Samir. Ang Jaime ay hinango niya noon sa pangalan ni Benjamin. "Saira. It means princess." "It's a beautiful name." "Beautiful as her mother." Ngumiti siya bago binigyan ng isang halik

