Maagang umalis si Raji para sa stag party ng kaibigang si Jonathan. Mula sa Makati ay binaybay niya ang kahabaan ng EDSA dahil sa isang bar sa Quezon City gaganapin ang party. Tamad na isinandal niya ang likod sa leather seat ng kotse dahil nagsisimula nang bumigat ang daloy ng trapiko. Alas nueve na siya halos nakarating sa Zenclub at tumuloy sa ikalawang palapag kung saan gaganapin ang private party. As usual ay naroon na ang ilang kaibigan at nagsisimula na ang kasayahan. Bumabaha ng alak at pagkain ang mesa at marami na ang sumasayaw na kababaihan sa gitna ng dance floor. Tamad siyang umupo sa isang silya habang pinapanood ang mga kaibigan na pinagti-tripan na ang ilang kababaihan na na-hire bilang guest relation officers. "Join us!" wika ni Jonathan na piliy siyang hinahatak.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


