"Nasa opisina na raw ang bagong boss?" pabulong na tanong ni Lauisa kay Gia. Kararating lang niya dahil ma-traffic at nahirapan siyang mag-park sa eskwelahan ng anak. "Ows? Ano'ng oras ba ang meeting?" "Nasa loob na sila kasama ang mga supervisors at si Mr. Cruz. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ipinapatawag ang mga writers." "Bakit parang kinakabahan ka?" tanong n'ya kay Luisa. "Baka mamaya magtanggalan ng empleyado. Hay... nakakainis, bakit ba kasi kailangang ipagbili 'tong publishing sa iba?" "Relax," natatawa niyang wika. "Hindi ka tatanggalin dahil marami ka rin namang followers sa social media account mo na panghihinayangan ng kumpanya. Ako nga 'tong walang kahit anong account eh." "Pero lahat naman ng nai-publish mong libro ay kumita. Lalo na 'yung 'Stranded with Mr.

