Chapter 32

1943 Words

Nanginginig sa galit si Gia nang bumalik sa opisina niya.  Naroon pa rin si Art na naghihintay at nagtatanong kung bakit siya pinaakyat ng big boss.  Hindi niya alam kung paano uumpisahang sabihin na si Samir ay ang lalaking pinakasalan niya at nang-iwan sa kanya na tila basura. "What's wrong?  Bakit namumutla ka?  At bakit ka umiiyak?" "Art..."  Ginagap nito ang kamay niya at hindi niya alam kung paano sasabihin na nagbalik ang asawa niya para bawiin sila.  Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman.  Wala sa hinagap niya na babalik pa si Samir sa buhay niya.  Natutunan na niyang palayain ito sa puso niya. "Tell me what's wrong.  Nag-aalala ako sa 'yo." "N-nandito na ang a-asawa ko..."  "Saan?  Nakausap mo?  Sinabi mo ba sa kanya na gusto mo ng annulment?" Marahan siyang tumango.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD