bc

IN A HEARTBEAT

book_age4+
2
FOLLOW
1K
READ
others
like
intro-logo
Blurb

Meron akong girlfriend 2 years na kami. Our relationship was full of love and happiness, parang wala ka nang hihilingin pa kaya I'm so thankful dahil mabait siya, maalaga, matalino, sweet at isa siyang girlfriend material kaya wala na akong rason para maghanap pa ng iba kasi sobrang kontento na ako sa kanya at masaya not until nagbago ang lahat.

It all started nung nalipat siya ng Hospital. Yep, she's a doctor kaya ganon nalang niya ako alagaan.

chap-preview
Free preview
IN A HEARTBEAT
IN A HEARTBEAT. Written by: Kaizer Constello and Talia Bright. Take your time to read this! (Play Synesthesia song by Mayonnaise habang binabasa to.) - Meron akong girlfriend 2 years na kami. Our relationship was full of love and happiness, parang wala ka nang hihilingin pa kaya I'm so thankful dahil mabait siya, maalaga, matalino, sweet at isa siyang girlfriend material kaya wala na akong rason para maghanap pa ng iba kasi sobrang kontento na ako sa kanya at masaya not until nagbago ang lahat. It all started nung nalipat siya ng Hospital. Yep, she's a doctor kaya ganon nalang niya ako alagaan. Dati, nu'ng nasa Medical Hospital pa siya nakaduty, sobrang gaan nung flow ng relationship namin pero ngayon? It feels like nagbago na siya, may third party pero ayokong isipin yun. I have a trust on her. "Hon, saan punta mo?" tanong ko sa kanya habang nag aayos ng polo ko. "may lakad lang kasama si Tazzi" sagot nito habang busy sa pag lalagay ng make up. "Ah ganun ba, sunduin kita mamayang lunch time hon sabay na tayong mag lunch" Ani ko sa kanya. "wag na baka madami ka pang gagawin at saka sa mall nalang kami kakain" may natinigan akong pagkairita sa boses niya na lagi niyang ginagawa these past few weeks. "Ganun ba, sabay ka nalang sakin hon ihahatid na kita, saan ba kayo magkikita?" Pag aya ko sa kanya dahil natapos narin ako sa pag aayos and besides eto lagi yung ginagawa ko. Hinahatid at sinusundo siya. "H'wag na baka makaabala pa ako sayo." "Nako, hindi hon tar-" hindi man lang niya pinatapos yung pagsasalita ko at kaagad lang itong umalis. Hindi ko alam pero tila natamlay ako kasi hindi man lang humalik o nag paalam gaya nang ginagawa niya noon. Lumipas ang ilang araw na ganun siya, ang cold ng treatment tapos laging abala sa cellphone, 'pag tinanong anong ginagawa sinasabi lang na busy sa papers sa Hospital. "Hi hon! kumain kana ba?" tanong ko sa kanya at sabay niyakap siya. "Oo" matipid lang na sagot nito, ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil sa ginagawa niya. "Hon, hindi mo naman kailangang isubsob yung sarili mo diyan, kayang kaya kitang buhayin. May bar ako remember?" Pagkasabi ko non ay bigla niyang inalis yung pagkakayakap ko sa kanya. Nagulat naman ako pero hindi ko na yun pinahalata. "Tulog na ako" ngumiti siya ng pilit bago humiga patagilid. Napabuntong hininga nalang ako sa mga inaasal niya at pilit nalang siyang inintindi. LUMIPAS ang mga araw, it's a Sunday morning at pahinga ko. Maaga akong nagising para ayain sana si Jillian na mag simba kami at mag date but sadly wala na siya sa tabi ko pag gising ko. Chinek ko ang oras, it's already 9;30 am. "Hon?" sigaw ko mula sa labas ng pinto ng cr pero walang sumagot. "Hon?" sigaw ko uli at nilibot narin ang bahay. Sumigaw ako ng sumigaw pero walang sumasagot. Mukang wala nga siya at ang aga na naman niyang umalis, kaya nagpasya akong tawagan si Tazzi, ang lagi niyang kasama. Ilang ring palang ay sumagot agad ito. "Taz? Goodmorning si Jillian ba? kasama mo?" ilang segundo pa bago ito makasagot. "Uhm Cj sorry hindi eh" Nakapagtataka naman, si Tazzi lang naman yung alam kong lagi niyang pinupuntahan pag aalis or si Tazzi ang lagi niyang kasama sa gala. "Ganun ba, may idea kaba Taz kung nasaan siya? kanina ko pa siya tinawagan cannot be reach e, wala din daw siya sa bahay nila sabi ng kapatid niya" Narinig ko sa kabilang linyang na parang nagbubuntong hininga lang siya, may tinatago ba sila sakin. "Uhm? Taz? andiyan ka pa?" "Cj hindi ko alam kung nasaan siya eh, tawag na ako bye!" *toot toot toot* Binaba niya na ang tawag at nung tinawagan ko ulit hindi na ma-contact. "Hindi na maganda 'tong nangyayari" sambit ko sa sarili ko. Nagpasiya nalang ako na mag mall mag isa at maka bili ng mga regalo kina mommy at daddy dahil dadalaw nalang ako sa kanila. Pag dating ko sa mall ay pumunta agad ako sa bilihan ng mga regalo. Papunta na sana ako ng parking lot nung mahagilap ng mata ko ang magandang imahe ng babae na may kasamang maputi na lalake at medyo katangkaran kesa sakin, hindi ko ipagkakailang may itsura ito. Kung makikita mo sila hindi mo din mapagkakaila na sobrang sweet nila, nagtatawanan at magka holding hands pa. Dahan dahan akong lumapit sa kanilang dalawa nang may ngiti sa labi. "Hi Hon!" Pagbati ko. Pinilit kong ngumiti sa kanila nang bumati ako. Kitang kita ko kung pano napahinto si Jillian at gulat na nakantingin sakin, "C-Cj?" nauutal na sabi nito. "Babe? who's he?" tanong ng kasama niyang lalake. Napatitig ako dito saka napaisip, kawawa naman 'to walang kamalay malay sa pinag gagawa sa kaniya ng girlfriend KO. "Cj pala pare, nice to meet you. Umm, di ko akalain na makikita ko kayo. Btw, boyfriend niya ko." Nakipag kamayan ako sa kaniya pero halatang gulat pa siya. "B-Boyfriend?" Nauutal niyang tanong saka tumingin kay Jillian. "Babe, what's the meaning of this?" "Please.. wait, mag eexplain ako.." kitang kita ko ang takot sa reaksyon ni Jillian. "No need to explain, just answer my question Jillian." Matiim ko siyang tinitigan. "Mahal mo pa ba ako o hindi?" "H-Hon.." inabot niya ang kamay ko pero iniwas ko iyon. "ANSWER MY DAMN QUESTION!!" Hindi ko na maiwasang hindi mapasigaw sa sobrang galit at sama ng loob na nararamdaman ko. wala akong pake kung may makakarinig man. Instead of answering my question, huminga siya ng malalim bago sabihin ang mga katagang sinasabi kapag hindi na maisalba ang isang relasyon. "I'm breaking up with you" nakayuko niyang tugon "Ikaw pa talaga yung makikipag break?! seriously Jillian?!" aalis na sana ito pero hinawakan ko sa braso. "Bitawan mo ko Cj! maghiwalay na tayo hindi na kita mahal!" Sa mga binitawan niyang salita kusa nalang akong napabitaw sa braso niya at tiningnan nalang silang umalis sakin papalayo. Akala ko masakit na yung makita yung mahal mo na may kasamang iba, mas masakit parin pala talaga na marinig mula sa kaniya yung salitang hindi na kaya, hindi na mahal. Umuwi ako ng bahay na may dalang regalo na para sana kila mommy at daddy but instead na pumunta ako sa kanila, umuwi nalang ako sa bahay namin ni Jillian. I feel so empty? So break? So sad? Unwanted? Unspecial? Ginago? I don't know. Nakahiga lang ako sa kama NAMIN habang nakatitig sa ceiling, iniisip kung saan ako nagkulang. Binigay ko naman lahat kay Jillian. The care, love, affection and attention halos pabayaan ko na sarili ko wag ko lang siya mapabayaan. Niyakap ko ang unan namin saka inisip na si Jillian. yon, ang mahal ko. Galit ako sa kaniya pero nangingibabaw parin yung pagmamahal ko, nangingibabaw parin yung hope na babalik siya sakin. Sana nga bumalik pa siya sakin. [JILLIAN POV] "Hindi mo sakin sinabi babe!" Tahimik lang kami ni Gelo sa loob ng sasakyan niya kanina at ngayon lang siya nagsalita. Halo halo yung nararamdaman ko, pagsisisi, saya na kasi hindi ko na kailangan pang mag sinungaling kay Cj at yung takot na baka iwan rin ako ni Gelo. Call me desperate, malandi, hindi marunong makuntento tatanggapin ko. Kasi totoo naman. I cheated on him. I admit it. Hindi ko naman to ginusto. Hindi ko to plinano, basta nalang gumising ako isang araw na hindi ko na mahal si Cj. Naghanap ako ng ibang tao, naghanap ako ng love sa ibang tao, yung pagkukulang na nararamdaman ko? Nahanap ko kay Gelo. At hindi ko pinagsisisihan yon. "Gelo, babe.." Hinawakan ko ang kamay ni Gelo na nasa manubela pero tinignan niya lang yon. "Nakipag break na ako kay Cj, wala ng problema. We can do whatever we wanted." Tinignan ko si Gelo na diretso lang ang tingin. "Pwede na tayo magsama.." Ilang minuto pa ang inantay ko bago siya magsalita. "Mahal mo ko?" Tanong niya Agad akong tumango, "mahal na mahal.." "Pero nauna si Cj, mas mahal mo siya am I right?" Tinignan ako ni Gelo sa mata. "We can't change the fact na nauna siya, nagloko ka sa kaniya at hindi malayong magloko ka rin sakin." Biglang nangunot ang noo ko sa tono niya, kinabahan habang naguguluhan. "Sa tingin mo kaya ko yung gawin sayo?! Gelo look, nakipag hiwalay ako kay Cj kasi mahal kita!" Tumaas ang labi ni Gelo sa sinabi ko. "Bakit ka nga ba nagloko?" Natigilan ako sa tanong niya at saka yumuko. Bakit nga ba? "Bakit mo siya niloko? Bakit ka nagsinungaling sa kaniya? Bakit ka nag cheat? Ha Jillian?" Sunod sunod na tanong niya "I.. I dont know.. siguro, nagkulang?" Nakayuko parin ako "At sakin mo nahanap yung pagkukulang na yun?" Dahan dahan akong tumango saka tinignan siya. "W-Why?" Umiling lang si Gelo saka binuhay ang sasakyan. "Ihahatid na kita sa bahay niyo. " Nang umandar na ang sasakyan pumikit ako habang isa isang pumasok sa isip ko yung mga what ifs pati na rin yung pagsisisi ko. Tama lang ba yung ginawa ko? Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako. Nagising nalang ako na nasa kwarto na ko, sa kwarto ko noong hindi pa kami ni Cj. Niyakap ko yung unan na nasa gilid ko saka inisip na si Cj yun. Namimiss ko siya.. Pero niloko ko e. Tama bang magdemand ako na mahalin niya uli ako? Napahinto ako sa pag iisip saka huminga ng malalim at kinumbinsi ang sarili ko. "Hindi mo na mahal si Cj, hindi na. Mag focus ka kay Gelo. Mag focus ka!" Paulit ulit ko yung sinasabi. Paulit ulit kong pinapaalalahanan yung sarili ko na limutin ko na si Cj. Why? Kasi kaya kong mabuhay ng wala si Cj. Noon, nung hindi pa ako ganap na doctor I can't stand with my own feet, kailangan ko si Cj pero ngayon? Hindi ko na siya kailangan. Kaya tama lang yung ginawa ko, tama lang na iwanan ko siya kesa lumaki ng lumaki yung kasalanan ko sa kaniya. Pumikit ako at hinayaang makatulog uli ang sarili ko dahil sa sobrang daming nangyari. KINAUMAGAHAN, nagbihis agad ako kasi monthsary namin ni Gelo, I'm pretty sure na mag d-date kami kaya kailangan kong magpaganda. Tumayo na ako saka tinignan yung kalendaryong minarkahan ko. July 7, 2019 monthsary namin ni Gelo at malapit na ang birthday ni Cj. Pero who cares? Wala na kami ni Cj kaya dapat hindi na ako maghahanda para sa kaniya, dapat ngayon ako maghanda kasiiiiii monthsary namin ng babe koo!! Owemjii, I can't believe na aabot kami ng 3 months ni Gelo. Akala ko kapag nahuli kami ni Cj mawawala sakin si Gelo pero hindi nangyari! Naligo na ako saka inayos ang sarili ko, ilang sandali pa tumunog ang cellphone ko. Nagtext si Babe! From: Babe❤ Luneta park @ 5 pm. Received✔ Tinignan ko ang orasan, 10 am palang. Pwede pa kong magchill. Hinanda ko muna yung susuotin ko bago ako mag chill. Nanood ako sa Netflix katulad ng ginagawa ko noon. Tuwang tuwa ako mag isa sa panonood hanggang sa nag pop up sa cellphone ko ang isang text mula kay Cj. From: Honey? Liligawan uli kita. Hindi ko kaya ng wala ka. Lilimutin ko nalang yung nangyari basta wag mo nalang uulitin ha? Iloveyou. Malapit na birthday ko hon, date naman tayo? :)) Received ✔ Hindi ko pinansin yung text sakin ni Cj. Lumipas pa ang ilang oras at pumatak na ng 4:30. Nagbihis na ako saka pumunta na sa Luneta Park. Pagdating ko sa Park, nakita ko kaagad si Gelo. Sa pwesto kung saan ko siya nakilala, sa oras kung saan ko siya nabangga at sa parehong araw kung kelan ko nahanap yung pagkukulang ni Cj sakin. "Babee!" Sigaw ko saka kumaway "Hey!" Paglapit ko sa kaniya agad ko siyang niyakap saka hinalikan. "Happy monthsary!" Ngiting ngiting wika ko "Happy monthsary too, I love you" Ngumiti ako at doon na nagsimula ang date namin. Naglakad lakad kami, foodtrip, we do crazy things, nagpakasaya hanggang sa gumabi na. "Babe, naging masaya ka ba ngayon?" Nakahilig ako sa balikat niya habang nasa sea side kami ng Manila Bay. "Ofcourse!" Sagot ko "Buti naman.. babe, mahal mo pa si Cj?" Nakakunot ang kilay ko na napatingin sa kaniya. "Bakit mo naman natanong yan? Look, hindi ko na siya mahal." Tinitigan ko si Gelo saka nag salita ulit. "Nakipag break nga ako sa kaniya para sayo diba?" Wala siyang naging sagot agad. Nakatingin lang siya sakin na parang nag aalangan. "Babe gusto kong balikan mo si Cj" wika niya. Unti unti akong lumayo sa kaniya, nagulat at nagtataka. "Why?!" Hindi ko mapigilang hindi tumaas ang boses ko. "Hindi mo ko mahal?ha? Gelo hindi mo na ko mahal?!" "No. It's not that.. that's not what I meant!" "Then what?!" "Lately napag isip isip ko na kung kaya mong gawin kay Cj yon, kung kaya mong mag cheat sa una, kaya mo rin yun sa pangalawa." Matamlay niyang sabi "W-Wala kang tiwala sakin?" Nauutal kong tanong dahil naguguluhan talaga ako! "Meron.." "Meron naman pala e, bakit mo ko pinapabalik kay Cj?" Naguguluhang tanong ko "Kasi in the first place sa kaniya ka naman talaga." Ngumiti siya sakin pero alam kong hindi iyon totoo. "Wala kang tiwala sakin babe.. wala." Umiiling na sabi ko "Meron. May tiwala ako sayo pero sa nararamdaman mo? Sa decision mo? Wala." Tumayo siya saka tinignan ako. "I'm sorry pero I'm breaking up with you." Akmang aalis na siya nang hawakan ko ang kamay niya para pigilan siya. "K-Kaya mo? Kaya mo kong iwan? Hindi mo na ko mahal?" Malapit na akong umiyak pero pinipigilan ko lang "Hindi ko kaya kasi mahal kita. Mahal na mahal. Pero alam mo yun? Kada naiisip ko na nag cheat ka kay Cj nawawala yung tiwala ko sayo, yung pagmamahal ko sayo. Rachell baka nakakalimutan mo, lalaki rin ako." Wala na akong alam na way para hindi niya ako iwan kundi lumuhod. Lumuhod ako sa harap ni Gelo habang hawak hawak yung kamay niya. "Please Gelo.. wag mo kong iwan please.." pagmamakaawa ko. "P-Please?" Umiiyak na tugon ko "Babe.." "Gelo please.. i-ikaw nalang yung meron ako, wag ka naman mawala p-please?" Pagmamakaawa ko pero wala, Dahan dahan niyang tinggal ang kamay ko na nakakapit sa kaniya. "I'm sorry.." Two words pero halos napakaraming meaning para sakin, meaning na hindi na siya babalik, nagkamali ako, hindi niya na ako kailangan. Is this my karma? For leaving Cj while loving Gelo? Pero gusto ko lang sumaya, bawal ba yun? "Don't worry, I'm always here." Wika niya bago tuluyang umalis. Naiwan akong mag isa sa sea side katulad nang ginawa ko kay Cj. Naiwan ako mag isa na walang wala kahit isa. Imagine, iniwan mo yung isa taong para lang sa iba tapos yung pinili mo iniwan ka rin. Ang daming nakatingin saking tao na dumadaan pero hindi ko sila inintindi. Niyakap ko ang sarili ko nang umihip ang malamig na hangin habang umiiyak ako. "B-Bakit ba kasi sa w-wrong decision a-ako s-sumasaya?" I want Gelo pero hindi ko inisip kung gusto niya rin ako. I don't need Cj pero hindi ko naisip na kailangan niya ko. Now I know kung gano ako kagago. Pinagpalit ko yung 3 years sa 3 months lang. Putangina. Ang sakit, ang sakit sakit. "Cj.." naibulong ko sa hangin, "I'm sorry.." Pumikit ako saka hinayaang mapagod ang sarili kakaiyak. Ang bigat sa loob. Ang sakit sakin pero alam kong mas masakit parin yung nararamdaman ni Cj ngayon. Umuwi ako ng bahay ng alas- diyes na pasado. Hindi ako kumain, hindi ako nakipag usap, basta lang tumulala ako sa harap ng Manila Bay iniisip kung gaano ako kagago. Isang doctor pero ganon? Haha nakakahiya. Ngayon, hindi ko alam kung nasan si Gelo. Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Cj. Kinuha ko ang cellphone ko para itext si Cj, I need him just like before. To: Honey I'm sorry :(( Sent ✔ Wala pang isang minuto tumunog na ang cellphone ko. From: Honey? Shh, it's okay. I know you're hurting. Tomorrow liligawan kita uli. Iloveyou, cheer up honey! Received ✔ Napahiga nalang ako saka pinilit ulit na patulugin ang sarili ko. I don't know what's next pero sana bumalik sakin si Cj. KINAUMAGAHAN, pupunta ngayon si Cj kaya naman nilinis ko yung bahay dahil bukas may duty na ako bukas sa Hospital. Alam kong darating si Cj, alam kong dadating siya kasi ganon siya manligaw. Niligpit ko lahat ng kalat, nag ayos ako ng sarili ko, nag linis, nagpaganda just like before. Kahit masakit pa rin feeling ko bumalik ako sa dati, yung nararamdaman ko parang bago parin. Lumipas pa ang mga oras. Isang katok mula sa pinto ang narinig ko. Dali dali akong tumakbo dito at binuksan. It's Cj, my man. "Honeyyy!!" Niyakap ko siya saka dahan dahang umiyak. "I'm sorry, please forgive me.." "Shh, I'm always here, guarding and guiding you." Pinakalma niya ko pero sobrang bigat talaga ng nararamdaman ko. "I'm sorry.. I'm sorry.. I'm sorryyy, napakagago ko, p-patawad" patuloy kong sabi "Shh tahan na, bumalik nalang tayo sa dati. Ibalik natin kung paano tayo nagsimula." Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kaniya, "I'm sorryy, hindi ko deserve yung pagpapatawad mo. Gantihan mo ko honey, awayin mo ko, gawin mo lahat ng revenge na alam mo pero wag mo lang akong iiwan. I'm scared.." Hinaplos niya ang buhok ko saka ako hinalikan doon. "Mas pipiliin kong maging tanga makasama ka lang uli, mas pipiliin kong masaktan matanggap ka lang uli kasi ganon kita kamahal Jillian." Patuloy akong umiiyak sa dibdib niya, natigil lang iyon ng tapikin niya ako para pumasok kami. At sa pagpasok namin, nagsimula na ang lahat. Ang panliligaw niya, ang pagbibigay niya sakin ng second chance. And in that way, I remember our love story. Kung paano niya ko binuo even tho durog na durog siya. Kung paano niya ako itinaas kahit na lubog na lubog na siya. Kung paano niya ko minahal, pinagkatiwalaan kahit may trust issue siya. Kung paano niya ko sorpresahin every week. Kung paano niya ako inispoil sa attention niya. Kung paano niya binigay sakin yung pinapangarap ng ibang babae. Siya yun, si Cj, ang taong binuo ako pero winasak ko. "Huy! Smile naman diyan!" Saktong pagtingin ko sa kaniya biglang nag flash yung camera "Nakakahiya!" "Okay isa pa.." umayos na ako ng pwesto para picturan niya. "One.." "Two.." "Three.." "Mahal kita, mahal na mahal." Hindi ko namalayang napangiti ako at saktong sunod sunod ang pagclick niya sa camera. Nang tignan namin ito napangiti nalang ako. "Perfect." He whispered as he saw my smile. Napangiti nalang ako habang nasasaktan thinking kung pano ko siya nagawang lokohin. "I love you too." Napalingon siya sakin saktong paghalik ko sa labi niya. "Nako naman! Mga galawan!" Natatawa niyang sabi Natawa nalang ako sa naging reaksyon niya. Now I know, he's not only my partner, he's my life. A life that once I threw away. Umuwi na si Cj bago mag alas- dose kasi bukas may meeting pa siya habang ako? May duty na sa Hospital. Nakatulog ako ng mahimbing, walang iyak na naganap, walang pag ooverthink, lahat bumalik sa dati at dahil yun kay Cj. Nagising ako sa sinag ng araw na tumama mismo sa mukha ko. Agad akong bumangon at naligo na. Pagtingin ko sa cellphone ko tadtad na naman ng text galing kay Cj na lagi niyang ginagawa pero sa lahat ng text niya? Isa lang ang mahalaga. His 'I love you' for me. Nireplyan ko yung text niya saka pumasok na sa trabaho. Sobrang daming pasyente ngayon, as usual busy na naman lahat. Kaniya kaniyang toka. "Doc kamusta? May bakas na pagkamugto yung mata mo ha? Ayos ka lang?" Tanong ni Faith "Ah, oo naman. Ayos ako Faith pero mas ayos ako pag nabawasan ng pasyente tong Hospital kaya magtrabaho na tayo." Natawa kaming dalawa sa sinabi ko at bumalik na sa kaniya kaniyang toka. Sobrang daming tao pero mabuti at nakakapag pahinga ako kahit papaano, nakakatext ko rin si Cj kahit na hindi minu- minuto. From: Honey ? I have a surprise to you hon, see you! Received✔ Napangiti nalang ako ng wala sa oras dahil sa nabasa ko. It's his birthday! Lagi nalang siya mahilig manopresa, mahilig siyang gumawa ng secrets tapos hindi ko namamalayan na bonggang bongga pala yon. Hays, ano kaya yung surprise niya sakin ngayon? I'm so exciteddddd. Parang hindi na ako mapakali, ang dami kong naiisip na surprise at lahat ng iyon ay napapangiti ako. Pagdating kay Cj, lahat ng effort niya maliit man o malaki, lahat yon napapasaya ako. "Doc pakitignan naman yung room 04" Tumango ako kay sir Jonathan at tinungo ang room 04. Actually, dalawa kaming doctor ng pasyente na to, dapat si sir Jonathan ang titingin ngayon e nataon namang may pasyente pa siyang tatapusin. "Ma'am less stress na po ha? Para tuloy tuloy na yung pag galing mo." Sabi ko habang chinecheck yung katawan niya. "Gagaling po ba ako doc?" Tinignan ko sa mata ang matandang halos 3 months ng naka confine dito. "Gagaling po kayo kung gusto niyo" sabay ngiti. Ilang bilin pa ang iniwan ko sa kaniya bago ako lumabas para makapag pahinga siya. Sa kalagitnaan ng paglalakad ko, natanaw ko ang mga nurses na nag tutulak. May panibagong pasyente na naman. "Doc kailangan operahan, masyadong napuruhan" "Anong nangyari?" "Bumangga yung sasakyang minamaneho niya, natusok yung tiyan ng kahoy nang bumangga sa sanga ng puno." "Teka.. may pasyente pa akong dapat tapusin, punta niyo na yan sa OR" "Yes doc" "Hanapin niyo na rin si doc Jillian, siya lang ang free ngayon. Sabihin mo operahan niya yan may permiso na galing sakin" Matapos kong mapakinggan yung usapan nila, agad agad akong pumunta doon. "Doc.." "Jillian, ikaw ng bahala diyan. May mga nakapila pa sakin" Agad akong tumango at pumunta na sa OR matapos mag hugas ng kamay. "Let's start. 2 hours lang ang ilalaan para matanggal ang tumusok sa kaniya.." tumango silang lahat sakin, Inilahad ko na ang kamay ko at binigay na sakin ang materyales na gagamitin ko isa isa. Tumingin ako sa lalaking nakahiga, punong puno ng dugo ang mukha. "G-Gelo.." Bigla akong kinabahan nang mas lalo kong makita kung sino ang pasyente ko. "Jusko! Anong nangyari sayo?" Wika ko pa dahil hindi ako makapaniwala na si Gelo ang ooperahan ko. Tumingin ako sa orasan. 1:20, kailangan kong matapos bago mag alas- kwatro. Sinimulan ko na ang pag oopera kay Gelo, maingat at dahan dahan lang. Kailangan ko siyang mabuhay, hindi siya pwedeng mawala. Sobrang kaba ko sa pag oopera kay Gelo, at sa bawat paghiwa ko ng balat niya unti unting pumasok sakin lahat ng ala- ala naming dalawa.. kasama na rin si Cj. From the start hanggang sa nahuli kami, at ngayon na hindi parin ako makapaniwalang inooperahan ko siya. 2 hours lang ang tinatagal ng ganitong klaseng sitwasyon, hindi pwedeng umabot ng 3 hours kasi sobrang tagal na non. "Yeyyy!!!!! Operation success!!" Nakahinga ako ng malalim nang matapos ang dalawang oras at successful ang operation. Nag apiran ang mga naka assist sakin. "Ang galing mo talaga doc!" Ngumiti ako sa kanila. "Salamat!" Tinitigan ko si Gelo na nakaligtas mula sa kamatayan ngayon. Sobrang gwapo niya talaga kapag tulog, isa na siguro yun sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Tumingin ako sa nurse na nagdala sa kaniya dito, "ano nga palang nangyari?" "Ah doc. Lasing po kasi ang pasyente nang umuwi kanina, nakita ko po na hindi maayos ang pagmamaneho niya tapos ayun nga po, bigla siyang nabangga. Actually doc, dalawa ang nasangkot sa insidente e." Nagulat ako sa narinig ko. Tumango naman ang nurse na kausap ko, nagpapahiwatig na hindi siya nagbibiro. "May nakasalubong po kasing sasakyan si sir at dahil pagewang gewang ang kotse niya nawalan na rin ng kontrol ang isa pang kotseng kasalubungan niya." Pagkwekwento niya "Oh, nasan yung isa? Ba't si Gelo ang inoperahan? Kamusta yung nakasalubungan niya?" "Si sir Gelo po ang tinakbo sa OR dahil alam naming mahal mo siya.." ngumiti siya sakin na naging dahilan ng pag blush ko "Nako talaga kayo!" "Oo nga doc. Yung isang nakabanggaan niya nirerescue pa kasi bumangga sa poste habang si sir Gelo natusok, pinili namin yung mas critical yung lagay" ngumiti sila sakin, Iyon kasi ang turo ko sa kanila. "Hindi ko alam doc kung nasan yung nakabanggan ni sir, baka nasa labas po" "Sige titignan ko lang ha? Kayo ng bahala diyan." Pagpapaalam ko Paglabas ko ng OR agad kong nakita si sir Jonathan. Dalawa lang ang pwedeng mag opera dito at kaming dalawa ni sir iyon kaya maraming namamatay dahil hindi namin kayang mag opera ng sabay sabay. "Sir!" Masaya kong bati "Oh Jillian? Succesful ba yung operation?" Nakangiti niyang tanong "Yes sir" "Good job!" "Thank you sir. Nga pala sir, nabalitaan kong may kasalubungan si Gelo bago siya mabunggo, nasan na iyon?" Nagtatakang tanong ko "Ah yun ba? Nasa ER pa, papunta na ako doon para linisin ang bangkay niya. " "B-Bangkay?" Bigla akong nanlamig. Hindi parin talaga ako sanay na makarinig ng namatay. "Oo, halika ipapakilala ko siya sayo." Sabay kaming pumunta ni sir sa ER pero hindi namin naabutan yung pasyente, nasa morge na daw kasi kaya naman dun na kami dumiretso ni sir. Pagpasok namin sa kwartong iyon, isang nakabalot na bangkay ang bumulaga sakin. "Namatay siya hindi dahil sa insidente, nang dalhin siya dito nakakausap pa siya. Inalok ko siyang operahan pero ayaw niya, inabot siya ng 2 hours sa ER walang gumagalaw sa kaniya kasi nagagalit siya." Tinignan ni sir Jonathan ang lalaking nagbabantay sa bangkay Tumango naman ito saka akmang tatanggalin ang kumot. "He died because of bleeding" tinignan ni sir ang record niya. "He died exactly 3:20 kung kelan natapos ang operasyon mo" binigyan na ng sign ni si Jonathan ang lalaki na tanggalin ang kumot At duon ko nakita ang isang lalaking maputla, payapa at maayos na namatay. Daig ko pa ang binuhusan ng isang drum ng yelo sa nakita ko. Para akong binato ng napakalaking bato ng hindi ako nakatingin. Dahan dahang bumagal ang paghinga ko, nag kakarerahan ang mga luha ko habang pilit na hindi tinatanggap ng sistema ko ang identity ng taong nakaratay. "Cj Del Luna died because of you doc Jillian. Tinignan ako ni Sir. "C-Cj.." hindi ko alam ang gagawin ko, kinakabahan ako, nanlalamig, nag bloblock out yung utak ko. At sa pagtulo ng una kong luha nagsimulang mag flashback sakin lahat ng ala- ala namin. How he save me from depression, how he take care of me when I'm sick, how he makes me calm whenever I'm nervous. He save me at all cost. "Alam mo ba kung bakit ayaw niyang magpagalaw kanina?" Punong puno ng luha ang mata ko nang tumingin ako kay sir. Umiiling habang pinipigilang humagulgol. "Ayaw niyang mag pagalaw kasi hinihintay ka niya. He wants you to do his operation but sadly.." Binaba ni sir ang record niya saka ako tinignan ng diretso. "Habang nag oopera ka para mabuhay ang isang pasyente, namamatay naman si Cj." Tumalikod si sir Jonathan. "He saved you kahit nahihirapan pa siya noon pero sa panahong kailangan ka niya? Wala ka. Laging wala ka Jillian, wala ka para iligtas ang pinsan ko." Naglakad papalayo si sir Jonathan. Ngunit bago sumara ang pinto nagsalita muna siya. "Pakibigay yung regalo ng pinsan ko sa kaniya. " wika niya sa lalaking nagbabantay bago tumingin sakin. "I'm so disappointed to you, akala ko pipiliin mo siya pero nagkamali ako." Pagsara ng pinto, saka lang ako humagulgol. Agad kong niyakap si Cj saka tinignan kung mabubuhay ko pa siya. Kahit na, imposible, kahit hindi ako ang Diyos, hindi ko kayang maghimala sinubukan ko. Tumigil nalang ako sa pag iyak nang ibigay sakin ng lalaki ang regalo ni Cj. Isang bouquet at marami pang iba. Balloons, cake, explosion box. Lahat na ng pwedeng iregalo, with his letter saying.. 'Happy birthday to me, iloveyou honey! Nasurprise ka ba?' Mas lalo akong napahagulgol dahil sa natanggap ko. Until his last breathe gusto niya parin ako. Nagsalita ang lalaking nasa gilid ko "Ang sakit lang isipin na kaya mong mag ligtas ng ibang tao pero mismong importante sayo, hindi mo nailigtas." Matapos niyang sabihin iyon, umalis na siya. Dalawa nalang kaming naiwan ni Cj. Sa kwartong nagpapatunay na hindi na siya mabubuhay, sa lugar kung saan niya ako unang nakilala at ngayon.. iiwan na. Why can't I save the person who saved me when I can't even save my self? End.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook