Chapter 8

1959 Words

"ITO NA lang ang kainin mo," ani ni Lance Pierro. Inilapag nito sa harap ni Catherine ang lalagyan ng paborito niyang mixed fruits in caramel dip. "Gusto mong gumimik mamaya? Mag-bar or something?" yaya niya rito. Madalas na rin kasi silang mamasyal na dalawa at minsan ay kasama pa si Justine. Si Margaux sana ang yayayain niyang lumabas pero may tinatapos itong feasibility study. Agad umiling si Lance Pierro. "Bar? Manood nalang tayo ng sine." Iniumang nito sa bibig niya ang isang piraso ng breaded shrimp na isinawsaw nito sa garlic and oyster sauce. Umiling siya, sa halip ay ito ang sinubuan niya ng prutas. Tinanggap nito iyon. Bahagya pa siyang napaigtad nang tumama ang mga labi nito sa daliri niya. Mabilis na binawi niya ang kanyang kamay. Natawa naman ito. "The science of electrici

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD