Chapter 9

1973 Words

LULAN NA sina Catherine at Lance Pierro sa kotse ng huli ito nang hagilapin nito ang isa sa dalawang cell phone na nasa dashboard. Hindi maalis-alis ang ngiti sa guwapong mukha nito. Malayong-malayo ito sa unang impresyong nabuo niya tungkol dito. Salamat at hindi siya nito tinantanan kaya naranasan niyang magmahal ng isang tulad nito. Nag-dial ito sa cell phone at mayamaya pa ay may kausap na ito sa kabilang linya. "Hi, Nana Cela," masiglang bungad nito. Medyo nagulat siya na si Nana Cela pala ang tinawagan nito. "May gustong kumausap sa 'yo," anito at agad na inilagay sa speaker mode ang telepono. Pagkatapos ay iniabot nito sa kanya iyon. "Catherine? Ikaw ba 'yan, hija?" Nag-init ang mga pisngi ng dalaga. Pakiramdam niya ay para siyang ipinapakilala ng binata sa nanay nito. "Ako nga p

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD