TWO

525 Words
Pinitik niya ang upos na sigarilyo sa malayo break time niya at nanigarilyo siya pagkatapos ng sobrang abala niya sa kusina. Nagtatrabaho siya bilang isang chef sa isang restaurant sa may bayan sa kanilang probinsya. Siya si Arthur Becham,nakapag-intern siya sa America pero dito siya sa probinsya nila sa Isabela pinili niyang magtrabaho.Well,dati siyang tambay at wala dereksyon sa buhay,gimik at pambabae ang alam pero ng kausapin siya ng tiyahin niya na pag-aaralin siya doon niya natanto na hindi na siya bumabata kaya naman nakapagtapos siya na kasabayan ang mas bata sa kanya. Nag-iisa kamag-anak na lang niya ang Tiyahin niya na nasa maynila naman nagtatrabaho bilang isang personal cook ng isang negosyante. Ito ang nagpaaral sa kanya hanggang sa magtapos siya kaya bilang ganti pinangako niya na pagpapahingahin na niya ito sa pagtatrabaho at siya naman ang susuporta rito may edad na rin kasi ang tiyahin niya. Sa ngayon kumukuha lang siya ng experience bago siya tumulak sa maynila at palitan ang kanyang tiyahin kung saan man ito nagtatrabaho. Pinapagpagan niya ang harapan ng suot niyang Chef's uniform na kulay itim. "Chef! Ready na yung order para mamaya," pukaw sa kanya ng assistant niya. May umarkila ng restaurant para sa isang confidential event at may limang putahe na kailangan niyang lutuin para sa mga ito. Tinanguan niya ito. "Sige,sunod ako," tugon niya rito. Bago siya magpasya bumalik na sa loob nagring naman ang celpon niya na nasa bulsa ng pantalon niya. Agad na dinukot niya iyun at makitang ang tiyahin niya ang  tumatawag. Mabilis na sinagot niya iyun. "Tyang!" tugon niya sa kabilang linya. "Ihanda mo na ang mga gamit mo paluwas rito,magpapaalam na ko sa amo ko,"tugon nito. Napangiti siya. Iyun naman ang hinihintay niya na magpasya na itong tumigil sa pagtatrabaho. " Mabuti naman po at naisipan niyo na kong sundin?"nakangisi niyang biro sa tiyahin niya. "Kung tutuusin kaya ko pa naman kaso naisip ko kasi sayang naman ang pinag-aralan mo kung dyan ka lang magtatrabaho mas mainam na magamit mo yan propesyon mo na may mataas na sahod," sagot nito sa kanya. Napailing siya. Namangha nga siya ng malaman ang sinasahod ng tiyahin niya bilang personal cook doble iyun sa sinasahod ng nakapagtapos na chef. Galante ang amo ng tiyahin. DahiL sa sahod nito nakapag-Amerika pa nga siya! At gusto niya pasalamatan ang amo nito dahil doon at mangyayari na yun dahil malapit na niya ito makatrabaho. Saka ang pagkakasabi ng tiyahin niya. Ayaw ng kumuha ng iba ang amo nito at may isang bagay na confidential tungkol sa pagtatrabaho ng tiyahin niya sa amo nito kaya malaki ang sahod nito. Curious siya dun. Pero malalaman na rin niya yun ngayon siya na ang papalit rito bilang personal cook ng isang negosyante na ayaw banggitin ng tiyahin ang pangalan. Isa raw iyun sa agreement na napagkasunduan ng mga ito. Makikilala rin naman daw niya ito sa oras na kunin na siya pamalit ng tiyahin niya. "Sige,Tyang,tawagan niyo na lang ako ulit kung kailan ako luluwas nakapagpaalam na rin naman na ko sa boss ko," aniya. "Sige..baka itong linggo paluwasin na kita," Nang matapos ang tawag agad na bumalik na siya sa loob ng kusina. Sasarapan niya ang pagluluto para sa huling sandali niya sa restaurant na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD