"Wala po kayo dapat ipag-alala,Ma'am..mapagkakatiwalaan ang pamangkin ko na yan," anang ng personal cook niya na si Nanay Elsa.
Sampung taon na itong nagseserbisyo sa kanya. Ito ang kinuha ni Zei bilang personal cook niya at talaga naman masarap ito magluto.
Mataman na pinakatitigan niya ang hawak na papel nakaattach din doon ang whole body picture ng pamangkin nito.
Arthur Becham,29yrs.old.Single.
Natuon ang walang emosyon niyang mga mata sa mukha ng lalaki.
He looks so manly. Maganda ang tindig. Lalo ito nagmukhang lalaki dahil sa balbas at bigote nito na hindi naman ganun kakapal tama lang para masabing kung gaano kamatured ang kagwapuhan nito.
Handsome,right? Anang ng inner wolf niya.
May kung ano siya nararamdaman habang tinitigan niya ang larawan ng lalaki.
Nagsalubong ang mga kilay niya at nakakunot ang nuo.
What's wrong with me? Tila siya naeexcite na makaharap ito ng personal.
Woah! Hindi kaya siya ang mate natin?!
Agad na nabitawan niya ang papel at tila kinabahala iyun ng matandang cook niya.
"May...problema po ba,ma'am?" nababahala saad ng matanda sa kanya.
Agad naman siya naguilty sa tinuran niya.
Umiling siya.
"Wala naman po..hindi na po ba magbabago ang isip niyo?"mataman niyang saad dito.
Hey,I want to meet him!
Shut up,wolf!
Nakangiti na umiling ang matandang babae.
" Kinukulit na rin kasi niya ko na huminto na sa pagtatrabaho tutal naman daw naipagtapos ko na siya sa pag-aaral at pinagpapasalamat ko po talaga sa inyo dahil sa malaking pasahod niyo sakin naibigay ko sa kanya ang kailangan niya sa pag-aaral at nakapag-intern pa siya sa America dahil na rin sa financial support niyo,"matapat na saad nito sa kanya.
Humugot siya ng hangin mukhang desidido na talaga ang matanda na magretired na.
Tumango siya pagkaraan. "Sige ho,Nay Elsa..maraming salamat sa matapat niyong serbisyo sakin," aniya.
"Oo naman..at maswerte ako ikaw ang naging amo ko," magiliw nitong saad.
Hindi siya madali mapangiti pero dahil pinagkakatiwalaan niya ito at napalapit na rin siya rito isang mabilis na ngiti ang tinugon niya rito.
Well,mukhang kailangan niyang harapin ang Arthur Becham na yun..at ang kakaibang pakiramdam na iyun.
I'm so excited,princess..baka siya na nga!
Humalukipkip siya at humarap sa wall glass ng mansyon niya. Sa labas makikita ang nagtataasan mga kawayan at mga punong Narra.
Maganda ang lugar na kinuha ng dating panginoon para sa tutuluyan niya habang nandito siya sa mundo ng mga tao. Kahit nasa siyudad ang kinalalagakan niya nakahanap pa rin ang dating panginoon ng lugar na bibigyan siya ng pribadong buhay.
Kung siya ang mate niya mas kinailangan niya maging maingat.
"Huwag ka basta magtitiwala sa mate mo,Alexiz Ann..kilalanin mo muna siya ayokong mapunta ka sa isang lalaki na walang paninindigan," habilin ng kanyang ama na si Haring Brikz bago siya tumawid sa Mundo ng mga tao.
She sighed. "Kung siya nga..anong unang dapat natin gawin? Pahirapan ba natin?" kausap niya sa wolf niya.
Hmm..what if to intimidating him malay mo puro pagwapo lang ang alam at wala naman talaga binatbat?
Matiim siyang tumango-tango.
Right,that's easy for her. To intimidating anyone even her mate.