Literal na namangha si Arthur habang sinusuyod niya ng tingin ang kabuoan ng mansion na kinaroroonan niya. Nang makarating siya roon na sinundo pa siya ng Tiyahin ay agad sya nito iniikot sa bawat sulok ng mansion at mas namangha siya sa kinaroroonan niya ngayon.
Isang malaking silid na puno ng mga nakaimbak na pagkain. Kung ikukumpara mo sa mga palengke na may samu't-saring klase ng gulay at pagkain ganoon na ganoon ang silid na nasa harapan niya.
"Ito ang imbakan ng mga pagkain tuwing linggo nagsusupply dito si Zei," pukaw sa kanya ng tiyahin niya.
Napalingon siya sa tiyahin niya na abala sa pagsipat sa mga patatas sa isang malaking basket.
"Kahit isang taon hindi basta-basta mauubusan ng supplies dito sa dami ng imbak ng pagkain rito," reak niya.
Hinarap siya ng tiyahin niya. "Kayang ubusin ang mga iyan sa isang linggo lang,Arthur," anito.
He smiled wickedly,"Ganun katakaw ang pinagluluto niyo rito,paniguradong wala na sa timbangan ang bigat nila sa lakas nilang kumain,"aniya.
Nangunot ang nuo ng tiyahin niya sa sinabi niya. "Anong nila? Isa lang ang amo ko dito na magiging amo mo na rin at...Arthur iyun ang sinasabi ko sayo confidential.."
Napaawang ang bibig niya sa sinabi ng tiyahin. "Ang ibig niyo sabihin isang lang tao ang pinagluluto niyo at ganun siya katakaw?" maang niyang saad.
Nagkibit ng balikat ang tiyahin,"Oo.."
Dahil maloko siya isang malakas na tawa ang kumawala sa bibig niya.
"Tibay ng amo niyo,Tyang! Ilang pounds ba ang nadadagdagan sa kanyang araw-araw? May personal doctor rin ba siya rito gusto ko itanong kung healthy pa ba ang amo niyo?" natatawa niyang saad.
Pinanlakihan siya ng mga mata ng tiyahin niya sa sinabi niyang iyun.
"Huwag kang loloko-loko dito ha! Binabalaan kita,Arthur ha,ngayon nandito ka na sa poder niya wala kang kahit ano sasabihin sa mga kakilala mo..ang mga bagay na nalaman mo at lalo na ang tungkol sa amo mo!" puno ng kaseryusohan nitong saad.
Pilit niyang pinigilan na matawa. Ganun ba ka-big deal sa amo niya ang tungkol sa pagiging matakaw nito?
"Ang pathetic naman ng amo niyo,Tyang. Eh bakit niya nililihim na matakaw siya kung magiging obvious naman dahil paniguradong sobrang taba niya tingnan," aniya at muli natawa.
Isang hampas sa braso niya ang ginawad ng tiyahin niya sa kanya. Tumawa lang siya ulit.
"Baka kapag nakita mo si Ma'am Alexiz Ann baka tumulo laway mo!" naniningkit ang mga mata saad ng tiyahin.
Ngumisi siya. Babae pala ang amo niya. Hmm,Alexiz Ann..magandang pangalan pero maganda nga ba?
"Tutulo ba laway ko,Tyang..siguro kasi parang ako nakakakita ng inahin baboy na masarap ilechon at gawin paksiw na lechon!"
Isang hampas muli sa braso ang tinugon ng tiyahin niya sa kanya.
"Puro ka kalokohan! Halika na sa kusina ikaw ang magluluto ng hapunan niya,kailangan maimpress mo siya,"anang ng tiyahin.
At natatawang sumunod siya agad rito.
Sasarapan niya ang luto inspired siyang magluto kung ganun pala katakaw ang ipagluluto nya.
Isang ngisi ang nakapagkit sa mga labi niya ng tinahak niya ang malaking kusina.