Halos magdilim ang paningin niya sa mga narinig niya mula sa isang boses ng lalaki..maaga siya umuwi dahil alam niya ngayon ang dating ng pamangkin ni Nanay Elsa at kakapasok pa lang niya sa entrada ng mansion niya kung ano-ano na ang negatibong narinig niya mula sa lalaking iyun.
Umuwi pa naman siya para iwelcome ito dahil nga naeexcite siya at iyun ang hindi niya mapigilan maramdaman bigla na lang yun lumalabas pero sa mga narinig niya napalitan iyun ng inis at talagang naiirita siya!
Hayaan mo na hindi ka pa naman niya nakikita eh..
Naningkit ang mga mata niya sa sinabi ng wolf niya alam niyang tinatawanan din nito ang mga narinig nila sa lalaki.
Saka ayaw mo yun,paniguradong tutulo laway niya kapag nakita ka na niya..sino ba mapapahiya? Di ba siya?
Kumibot ang ugat niya sa sintido. Mukhang hindi niya magugustuhan ang bagong cook niya pero wala na siya magagawa nakaapak na ito sa teritoryo niya kaya hindi na niya maaari pang palayasin ito at ayaw niya madismaya sa kanya si Nanay Elsa.
"Magaling talaga manghusga ang mga tao," puno ng pagkasuya niyang saad.
"Sabagay dyan lang naman magaling ang mga tao..ang manghusga kahit hindi naman nila lubusan kakilala," dagdag niya ng puno na ng pait.
Relax,princess,remember,patience is a virtue!
Umismid siya.
"Kung siya lang naman ang pagpapasensyahan ko hindi ako sigurado kung hundred percent," naiirita na niyang saad.
Nagngingitngit talaga ang kalooban lobo niya dahil sa mga sinabi ng Arthur Becham na yun.
Tinawag ba naman siya nitong pathetic! At higit sa lahat tawagin inahin-baboy!
Gustong-gusto niya ito sakmalin at ito ang gawin niyang hapunan sa sobrang inis niya sa ugali ng lalaking iyun!
Marahas siya bumuga ng hangin. Mariin niya ipinikit ang mga mata.
Lumabas siya sa may hardin niya at dahiL may oras pa naman siya bago ang oras ng hapunan niya. Magpapalipas muna siya ng inis sa may kakahuyan.
Ilang saglit pa ay malayang tinatahak ng itim na lobo ang kakahuyan.
Madilim na ng makabalik siya sa mansion niya. Nilundag niya ang balkonahe ng silid niya at walang ingay na pumasok roon para maghanda sa hapunan niya.
Kakainin niya ang sinabi niya sakin!
Kung ang ama niya ang makarinig niyun paniguradong tapos ang buhay nito.
Tsk,tsk...kawawang nilalang pero magpasalamat siya wala dito ang ama niya...at sisiguruduhin niyang mapapahiya ito sa kanya!