Hindi na niya naabutan ang Tyang niya na buhay sa hospital. Inatake ito sa puso pero hindi rin nagtagal sa ICU ang Tyang niya. Nagkaroon ng komplikasyon ang bigla pag-atake sa puso nito ayon sa doktor na umasikaso rito. Tahimik lang siya nakatitig sa kabaong ng Tyang niya. Ibuburol niya iyun ng tatlong araw lang. Napukaw siya ng maramdaman ang paghawak sa braso niya ng kasintahan. Blanko ang maganda nitong mukha pero nakakakitaan niya ito ng pagdadalamhati para sa matanda na matagal na nanilbihan rito. "Sabi niya sakin noong isang araw malakas pa siya kaysa sa kalabaw," usal niya sa dalaga. Hinaplos nito ang mukha niya. "Pasensya na..kung alam ko lang na may sakit pala siya sa puso noon pa lang na nasa poder ko siya sana naipagamot ko siya agad,nagiguilty ako,wala ako ginawa kundi kuma

