Nasasabik na siyang makauwi ang kasintahan mula sa opisina nito. Hindi na ito nagpasundo sa kanya dahil gagabihin ito sa opisina at iyun ang pagkakataon niya para gawin ang plano niya. Naghanda siya ng masasarap ng pagkain na mga paborito ng dalaga. Dinampot niya ang isang bugkos na samu't-saring bulaklak. He smiled. Nasasabik na siya. Dinukot niya ang isang kulay itim na maliit na box. Binuksan niya iyun. Isang simpleng singsing lang iyun pero alam niyang mas magiging malaki ang kapalit niyun kapag umu-o ang kasintahan sa pag-alok niya rito ng kasal. Yeah,gusto na niyang matali sa kanya ang dalaga habam-buhay. Napukaw siya ng marinig ang pagbukas ng pintuan. Agad na binalik niya ang maliit na box sa bulsa ng suot niyang pantalon. Malalaki ang hakbang na lumabas siya sa dining area. A

