Chapter 25 Summer POV "Sino ka? Bakit mo ako sinusundan?" tanong ko sa kanya pero nananatili lang siya na tahimik. Alam ko na isa siyang lalake base na din sa appearance niya. May takip rin kasi ang mukha niya kaya naman hindi ko gaano makita ang buo niyang mukha tanging mata niya lang ang nakikita ko. Bahagya ako nagulat ng bigla niya ako nabuhat at ibinalibag niya ako sa may semento mabuti na lang dahil nakalapag ako ng maayos. Saka naman siya tumakbo papatakas mula sa akin pero hindi ko hahayaan na makakatakas siya. Hinabol ko siya ng hinabol at ng makakita ako ng pagkakataon ay tumalon ako para mapunta ako sa kanyang harapan. Upo ako at inilagay ko ang dalawa kong palad sa may semento saka ko pinaikot ang katawan ko para mapatid ko siya ng aking paa nang magtagumpay ako sa aking bal

