Chapter 26 Summer POV "Ganda ng kotse ah," halos mapatalon ako sa gulat dahil narinig ko ang boses ni Reena sa aking likuran. Sakto rin kasi na kakaalis lang din ni Tatay Fernand kaya naman kinakabahan ako sa mga oras na ito. "R-Reena, ikaw pala," ngumiti na lang ako para maitago ko ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito pero mukhang nahalata pa rin ni Reena. "Relax, tense ka naman masyado," nakangisi na sabi ni Reena sa akin. "Iba talaga kapag may sugar daddy." "Anong pinagsasabi mo?" kunot noong tanong ko sa kanya ngunit mas lalo lang niya akong nginisihan bagay na hindi ko nagustuhan dahil baka mamaya ay may gawin na nanaman siya sa akin na hindi maganda. "See you tomorrow sa party, sana mag enjoy ka sa date niyo ni Claude dahil baka last na iyon," seryosong sabi ni Reena b

