"Kinakabahan ka no? Huwag kang mag-alala nandito naman ako eh," nakangiti niyang sabi sa akin sabay lahad ng kanyang palad sa akin. "Shall we?" napatingin ako sa palad niya saka sa kanya pagkatapos hindi ko na namalayan na napangiti na lang ako sa kanya saka ko inabot sa kanya ang kamay ko saka kami naglakad papasok sa school. "Huwag mo na sila pansinin," bulong sa akin ni Claude dahil mukhang nahalata niya na naiilang ako sa mga matang nakatingin sa amin ngayon. "Alam mo bang ikaw ang pinakamaganda dito ngayong gabi? I mean maganda ka, pero mas special nga lang talaga ngayong gabi." "C-Claude, nakakabigla ka naman," naiilang na sabi ko. "Pasensya na Summer. Ganito lang talaga ang isang Claude Fukuda na tamaan," sabi ni Claude na nagpatigil sa paglalakad ko sabay kindat niya sa akin ka

