Iba't ibang pose ang ginawa namin. Mabuti nga dahil pumayag si grandpa sa ganitong set-up. Bandang tanghali natapos ang shoot namin pero hindi pa umuwi sina Miss Elizabeth at ang ibang staff dahil pinayagan din kami na mag pool party kaya tuwang-tuwa naman sila. Sobrang saya ng araw na ito para sa akin. At sana ganito rin kasaya at kaayos ang gabi ko sa party. Kinakabahan pa din ako ng kaunti dahil si Claude ang makakadate ko. Pero pumayag naman ako na maging date niya sa party na ito kaya kailangan kong panindigan. Pinagpahinga muna nila ako dahil maya-maya ay aayusan na nila ako para sa party namin. Bago umalis sina grandpa at daddy ay binilinan muna nila ako na huwag masyadong magpapalate ng gabi. May mahalaga daw silang pupuntahan na dalawa ni daddy. "Ayan! Ang ganda talaga ng alaga

