Chapter 39 Agad namang nakaiwas si Summer sa patalikod na atake ng isa sa mga tauhan ng mafia leader na dumukot sa kanya, nakaya pa nitong bumangon kahit na duguan na rin siya. Sinugod ni Summer ng suntok ang lalakeng iyon at nakita naman ng mafia leader na naktalikod na muli si Summer kaya naman aatakehin niya ito ulit ngunit agad siyang sinugod ni Claude kaya naman sila ang naglabang dalawa. Nang matapos ay nagulat pa si Summer dahil hindi niya inaasahan na makikita niya si Claude sa lugar na iyon ngunit naputol ang pagtitinginan nila nang mas lalong dumami ang mga tauhan ng mafia leader ang pumalibot sa kanila dahil rin doon hindi nila namalayan na tumatakas na pala ang mafia leader ngunit hindi hahayaan ng daddy ni Summer na makatakas na lang siya ng ganong kadali. Kaya naman silang d

