Chapter 38 Unti-unti minumulat ni Summer ang kanyang mata, noong una ay hindi pa malinaw ang kanyang paningin pero maya-maya ay nakapag-adjust na siya sa kapaligiran kaya naman ngayon ay nakikita na niya ang kanyang paligiran at hindi pamilyar sa kanya ang lugar na kanyang kinalalagyan ngayon. “Nasaan ako?” tanong ni Summer sa kanyang sarili pagkatapos ay sinubukan niyang bumangon. Saka niya lang namalayan na nakatali pala ang kanyang paa at kamay. “Gising ka na pala,” napatingin siya sa lalakeng nakasuot ng blue suit na nasa kanyang harapan. Dahil siya ay nakaupo lamang sa semento ay kinakailangan niya pang tumingala dahil nakatayo ito. “Sino kayo?! Bakit niyo ako dinala dito?” matapang na sigaw ni Summer sa kanya. “Kalaban ka ba ni Daddy ha?” Yumukod ang lalake saka niya pinisil ang

