Chapter 37 Sa isang lumang warehouse dumiretso ang van na sinakyan ng kumidnap kay Summer. Kasalukuyang nakahiga si Summer sa upuan ng van at wala siyang malay habang ang mga kumidnap ay tumawag sa kanilang boss para sabihin na nakarating na sila sa warehouse na kanilang pagtataguan kay Summer. “Boss, tagumpay nakuha namin ang anak ni Furukawa,” nakangiti na sabi ng isa sa mga kidnapper ni Summer. “Very good. Papunta na ako, siguraduhin niyo na hindi makakatakas ang batang iyan. Pero huwag biyo din siyang maliitin dahil hindi natin aalam kung ano ang kayang gawin ng anak ng gagong Furukawa na iyon. Understood?” mahigpit na bilin sa kanila ng kanilang lalakeng boss. Iyon ang mafia leader ng isa sa mga kalaban ng pamilya ni Summer. Matagal na niyang inaasam na makuha ang kapangyarihan at

