Claude POV "Salamat Manager, pasensya na talaga sa late notice," sabi ko sa manager ko na kausap ko sa kabilang linya. Sabado ngayon at wala ako sa mood para magtrabaho. Gusto ko munang mapag-isa sa mga oras na ito kaya naman pina-cancel ko kay manager ang lahat ng nasa schedule ko para sa araw na ito. May balak din kasi ako na pumunta sa kung saan nakalagak ang abo ng nakakatanda kong kapatid. Matagal-tagal ko na din siya na hindi nabibisita dahil busy ako sa school at sa trabaho ko. At sa palagay ko ay ngayon ang tamang oras para dalawin siya. Ganito naman ako lagi kahit noong nabubuhay pa si kuya. Kapag may problema ako o may iniisip ako ay si kuya ang takbuhan ko. At dahil sa wala na nga ang kuya ko ay ang pagbisita na lang sa kanya ang nagpapagaan sa kalooban ko. Ang daddy at mommy

