Chapter 35 Claude POV Tama ba yung narinig ko? Dahil sa aking narinig ay napaawang ako ng aking bibig. May gumugulo sa aking utak ngayon dahil sa aking narinig. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako napapansin ng lalakeng nasa harapan ko. Kung gano'n abo pala ng asawa niya ang nakalagak dito. "Pinapasabi nga rin pala ni Summer na pasensya na kung hindi ka niya madadalaw ngayon. Siya ang nagbabantay kay Sky. I'm sure magiging magaling na ate si Summer kay Sky," muli ay nagulat ako sa sinabi niya. Daddy pala ni Summer ang lalakeng ito? Nagkamali ako sa panghuhusga ko kay Summer? At ang bata kanina ay kapatid ni Summer? Ang gulo! Ano itong nagawa ko?! Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga naririnig ko ngayon. Napahawak din ako sa dibdib ko dahil bigla akong hindi maka

