Noong nalaman ko na buntis ako ay sobrang saya ko. Pinangako ko sa sarili ko na aalagaan ko ang sarili ko at mag-iingat ako sa pagbubuntis ko. 8 months na rin ang nakalipas simula noong nalaman kong buntis ako at 8 months na rin ang nakalipas noong iniwan kami ng mga anghel ko. Nandito ako ngayon sa kwarto ni Adelaide at Anastacia. Tinititigan ko mga larawan nila. Hindi ko alam na ang mga anghel ko noon ay tuluyan ng naging anghel. Alam kong nasa paligid lang sila. Dahil minsan ay nasa panaginip ko pa sila. Siguro ay hindi pa sila tapos sa misyon nila dito. Hinimas ko ang tiyan ko. Nakakatuwa naman ang kambal ko, sabay pang sumipa. Hindi ko makalimutan noong araw na nalaman kong kambal ang anak ko, lalo na noong nalaman ko ang gender. Nagpagender reveal ako, walang nakakaalam ng gender

