You're Still The One (The Synopsis and The Prologue)
SYNOPSIS
Si Sophia ay isang dalagang nangangarap para sakaniyang pamilya. Gusto niyang maging guro habang siya ay nagtratrabaho. Madaming pagsubok ang dumaan na nalampasan niya at ng kaniyang pamilya maski sa relasyon nila ng kaniyang nobyo na si Aaron. Si Aaron ay isang sikat na binata sa ibang bansa pero mas pinili niyang makasama ang pinakamamahal niyang nobya na si Sophia. Madaming beses na silang naghiwalay ni Aaron ngunit nagkakabalikan din sila.
Nakapagtapos si Sophia ng kursong Bachelor or Secondary Education Major in English sa isang sikat na paaralan na pagmamay-ari ng isang Elite. Dumaan ang maraming buwan ay may isang pagsubok ang dumating sa buhay nila, ang mawalan ng anak si Sophia at Aaron, at ang mawalan ng tatlong kapatid.
PROLOGUE
Lahat tayo ay nakakagawa ng mga pagkakamali sa mga punto sa ating buhay. Pero kapag dumating na tayo sa puntong wala na talaga, hindi natin kayang imotivate sarili natin na bumalik sa dati.
"Give your partner a second chance, because it's never too late to start again."
"Love is sweeter for the second time around."
Sa pagbibigay ng pangalawang pagkakataon, maaayos ba ng magkasintahan ang relasyon?
Huli na ba ang lahat para ito ay ayusin?
Sa pagkawala ng kaniyang mga kapatid ay makakabangon ba sila ng tuluyan? o ikukulong nila ang sarili nila sa nakaraan?