Ako si Maria Sophia Schaudt Alvarez. Panganay sa apat na magkakapatid. Simula noong humito ako sa pag-aaral, ako na ang nagtataguyod sa aming anim. Sila Mommy at Daddy ay senior citizen na. Hindi na din sapat ang buwanang sweldo nila galing sa gobyerno. Kaya nagtratrabaho na lang ako.
"Ate! Bumangon ka na nga diyan! Wala pa tayong almusal. Alam mo naman na ikaw ang magluluto ngayon!" Gising sakin ng magaling kong kapatid na si Travis.
"Puyat ka kasi ng puyat diyan. Tignan mo an eyebags mo maleta na! Pwede ng ibenta." Nakatayo siya sa gilid ng kama ko habang salubong ang kilay.
"Anong oras na ba, Travis?" Tanong ko habang nag-iinat. Hindi kasi nila alam na naghohome based call center agent ako sa gabi. Ang alam lang nilang trabaho ko ay nagtututor online.
"6:30AM na ate. 8AM pasok namin." Sabi ni Anastacia at nasa likod niya si Adelaide nakasilip sa pinto na pupungas pungas pa. Mukhang kagigising pa lang nila.
"Sige na. Maligo na kayo sa kanya kanya niyong kwarto. Maghihilamos lang ako tapos prepare ko na breakfast natin. Okay?" Nginitian ko sila. Kapag nakikita nila akong masaya, masaya na din sila. Kaming magkakapatid ang nagkukuhanan ng saya ng isa't isa. Kahit na minsan nag-aaway.
Chineck ko phone ko habang papunta sa banyo ng kwarto ko. Hay naku! Ano na naman ba to? Dami na namang message ng bwisit kong ex. Ibinulsa ko ang phone ko at naghilamos na.
Matapos kong maghilamos at magtoothbrush bumaba na ako at pumunta sa kusina para magluto ng breakfast. Fried rice, omelette at bacon ang niluto ko para mabilis lutuin.
"Breakfast is ready! Kain na tayo baka lumamig pa ito." At narinig ko ang mga yapak na naguunahan pababa ng hagdan.
"Careful! Baka madulas kayo!" Ipimagtimpla ko na din ng kape si Mommy at Daddy. Nang makarating ang tatlong naguunahan sa pagbaba ay piningot ko isa-isa. "Napakahaharot niyo!"
"Hi Mom and Dad!" Sabay sabay naming bati nung pumasok sila sa dinning area. Pawis na pawis silang dalawa. Nagjogging na naman siguro. "Kain na po tayo. Nagluto na po ako." Nagsimula na kaming kumain ng tahimik ng simulang basagin ni Mommy ang katahimikan.
"Sofie. Anak, gusto mo bang mag-aral ulit?" Nasamid ako sa sinabi ni Mommy. "Sayang naman kasi, nak. Mag-aral ka na lang ulit. May pascholarship ang University of Sta. Elena. Sayang naman iyon! Limited lang at ito nga binigay sakin yung form."
Lumapad ang ngiti ko. "Talaga? Gusto ko yan Mommy! Kukuha ako ng Education. BSED Major in English."
Masiglang sabi ko. "May ipon naman na ko, mom. Naipon ko sa pagtututor ko at sa pagcacall center agent ko."
"Sige. Ayusin mo ang mga dapat ayusin ha? Tutulungan ka din naman namin sa gastos." Hanggang sa matapos pagkain ay nakangiti ako.
"Bye Mommy! Bye Daddy! Bye Ate!" Sabay sabay nilang sabi habang kumakaway. Ngumiti ako at sinara nila ang gate pagkasakay nila sa tricycle ni Mang Kanor. Pumasok ako ng bahay ng masigla at hindi nawawala ang ngiti sa mga labi ko.
Kinuha ko phone ko at tinawagan si Arisha at Sydney
"Hello bes." Sabi ni Sydney "Kumusta ka na? Tagal mong hindi tumawag." Pasunod pa niya.
"Ayos naman ako bes. Mamakapag aral na nga pala ulit ako!" Sabay tili ko sa sobrang saya. Wala ng intro pa!
"TALAGA BES?!" Sabay nilang sabi ni Arisha. Nabingi ako don. Nagtandem pa talaga silang dalawa. Ang tinis pa naman ng boses nila!
"Oo. Mag-Education ako. BSED Major in English!" Sabi ko. Natatawa ako kasi takot ako sa madaming tao tapos gusto ko pang magturo.
Mabilis akong tumakbo papasok ng kwarto at naligo. Pagkatapos kong maligo ay namili ako ng susuotin kong damit. Napili kong mag high waist pants tapos oversized shirt. Naglugay lang ako tapos naglagay ng konting make up. After 1 hour na pagaayos, umalis na ako ng bahay at pumunta na ako sa dati kong pinag-aralan.
Pagkapasok ko ng University, dumiretso ako sa Registrar para kunin ang TOR ko sa dati kong course at pumunta na ako sa University of Sta. Elena para kausapin ang COO ng school for Scholarship. Napakagwapo ng COO ng skwelahan. Intimidating siya. Tinanggap niya ako sa scholarship dahil sa estado ng buhay namin. Ang itsura niya ay parang Prinsipe!
Bago ako umuwi dumaan muna ako sa mall at namili ng pagkain. Tumambay muna ako sa isang mall at namili ng ibang gamit ko.
Naglakad lakad ako sa mall habang nagcecellphone ng may nakabunggo ako at tumapon sa damit ko ang hawak niyang lemon juice.
"OH f**k! ANO BA! TUMINGIN KA NAMAN SA DINADAANAN MO!" Sigaw nung babae saakin.
"Sorry." Iyon na lang sinabi ko at pinunasan damit ko. Hindi ko ugaling makipag-away. Kapag kasi nakikipag-away, pakiramdam ko walang pinag-aralan.
"CELLPHONE KASI NG CELLPHONE! LIKE HELLO! NASA MALL KA TAPOS CELLPHONE KA NG CELLPHONE!" Hindi pa din siya tumitigil sa kakatalak sa harap ko which is nagcacause na ng commotion. Parang gusto ko ng makipag-away. For the first time.
"Look. Sorry, Miss. Hindi ko naman napansin eh. Kung nakita mo ko sana umiwas ka na lang. Baka nagcecellphone ka din habang naglalakad." Sabi ko na lang at aalis na sana nang bigla niyang hatakin buhok ko.
"KINAKAUSAP PA KITA!" Higpit ng hawak niya. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa buhok ko.
"Babe! Ano na naman ba yan!" Napatigil yung babae nung may sumigaw na lalaki. Binitawan niya ako at napaupo sa sahig. Ouch! Sakit naman non.
"Nawala lang ako sandali, nakipag-away ka na." Nakayuko lang ako. Ang lamig ng boses nung lalaki. Nakakawet. Ay charot! Hindi ko namalayan na nakalapit na siya sakin at nakalahad ang kamay. Inabot ko naman yon paa makatayo ako.
"Sorry sa ginawa ng girlfriend ko. Pasensya ka na." Ngumiti siya sakin. Ako naman napanganga na lang.
"Miss?" Hala. Hindi ko namalayan na nakanganga na nga pala ako.
"Zane. Ang tagal mo naman makipag-usap sa tontang yan!" Lumapit siya sa lalaki na Zane pala ang pangalan at hinila to. Tumalikod na lang ako at nagsimula ng lumakad. Uuwi na ako. Hindi ko na kaya to.
Sinundo ko na muna ang mga kapatid bago ako umuwi dahil malapit lang din naman sa mall ang school nila.
Kinukulit nila ako kung bakit daw ang gulo ng buhok ko at basang basa ang damit ko. Sabi ko na lang na natapunan ako at sinabunutan ko sarili ko dahil makati.
Pagkauwi namin sa bahay ay nagluto na kaagad ako ng hapunan namin. Kinukulit pa din nila ako kung ano nangyari sakin. Hindi ko na lang singot dahil okupado ang isip ko. Pagkatapos ay pumanhik na ako para maligo.
"Kung ano kinabait niya, kinademonyo ng girlfriend niya." Tumapat lang ako sa shower at pumikit. Napakasakit non.
Pagkatapos ko maligo ay bumaba na ako. Naabutan kong naghahain na sila.
"Ate. Mag-aaral ka na talaga? Mabuti naman kung ganon. Matalino ka pa naman." Sabi niya habang kumakain.
"Oo. Kailangan ko din naman mag-aral. Para hindi ako mapag-iwanan ng panahon. Nakakahiya din sa mga kaibigan ko." Sabi ko sakanya.
Kinabukasan
Same routine lang katulad ng dati. Ako na naman ang nagluto at nag-asikaso sakanila. Kailangan ko bumawi sa tutee ko. Hindi kasi ako nagturo sakanya kahapon.
Hindi mawala sa isip ko yung Zane na yon. Ang gwapo. Ang tangkad. s**t! Lakas ng appeal niya. Kinuha ko ang laptop ko at nagfacebook muna. As usual, dami na namang notification at friend request.
Binuksan ko messages ko. Nagbukas ako ng GC.
Arisha: Girls! Labas naman tayo. Punta tayo sa mall!
Sydney: Hoyyy. Tara! Gusto ko lumabas ng lungga!
Me: Tara mamaya mga after lunch. Sunduin niyo ko. Tatapusin ko pa muna trabaho ko.
Mabilis natapos ang tutorial namin. Isang oras lang naman yon.
Mabilis akong naligo at nagbihis. Saktong pagbaba ko ng hagdan bumubusina na sila. Lumabas na ako ng bahay at sumakay sa sasakyan.
"Hi Sofie!" Bati nila sakin.
"Hi! Saan tayo?" Sabi ko habang nagfafasten ng seat belt.
"Dating gawi. Shopping!" Sabi ni Arisha. Ang babaeng ito talaga!
Pagdating namin sa mall ay dumaan muna kami sa Starbucks. Naupo ako sa may labas, nagpaorder na lang ako. Nagbabasa lang sa news feed ko ng may lalaking tumayo sa harapan ko.
"Hi. I remember you." Sabi niya. Ay s**t! Si Zane! "Ikaw yung inaway nung girlfriend ko." Natawa siya sabay napapailing. Aba loko to! Natatawa ka pa ha! Sakit kaya ng pagkakahila sa buhok ko. Pakiramdam ko natanggal pati anit ko!
"Uhm. Zane, right?" Binaba ko phone ko sa table sabay ngiti.
Inabot niya kamay niya sakin. "Yes. And you are?" Hindi niya binababa kamay niya hanggat hindi ko kinakamayan.
"Maria." Kinamayan ko na din siya. Ay shet! Lambot ng kamay niya. Huhu.
"Sorry nga pala ulit sa ginawa niya ha? Malakas lang talaga saltik non." Natawa pa siya. Oh my god! Ang hot naman ng tawa niya.
"Wala yon. Kasalanan ko naman din. Kaya napatawad ko na." Napatingin ako sa dalawang babaeng padating na nakangiting demonyo na naman!
"Sofie Alvarez!" Sigaw nung dalawang impaktita.
Napapikit na lang ako ng madiin. "Oh. Hi! Sino ka po?" Tanong ni Sydney.
"Zane." He smiled. "I have to go, Maria. See you around." Tumayo na siya at umalis.
"Hoy Sofie! Sino yon!?" Tanong ni Arisha.
"Wala yon. Boyfriend nung kwinento ko sainyong nanabunot sakin. Nakilala ako at nagsosorry lang ulit." Kinuha ko order ko at ininom iyon.
"Talagang dito pa kayo nagkita? Hindi kaya sinusundan ka niya?" Panunukso ni Arisha sakin.
"Paano na si Kuya?" Sabat ni Sydney. Natawa ako. Grabeng mga pag-iisip ang meron sila. Ganon agad ang naisip nila samantalang ako iniisip ko kung ano kakainin ko pag-uwi.
Naglibot na kami sa mall at namili ng mga gamit. Tipid na tipid ako tapos marereach ko na naman limit ng credit card ko. May lakas pa ako ng loob kumuha ng credit card at magwaldas ng pera.
Sabagay ay hindi naman masama dahil may mga trabaho naman ako at kaya kong ibudget.
Habang nagsusukat sila Arisha, naisipan kong magfacebook. Napangiti ako ng makita kong may friend request na naman. Natutuwa ako kapag may mga nagsesend ng friend request sakin. Hindi ko alam kung bakit.
"Hala. Omg!" Napatakip na lang ako ng bibig sa nakita ko.
1 friend request
Zane Axl Resse sent a friend request.