1 friend request
Zane Axl Resse sent a friend request
Inistalk ko yung profile niya. Hala! Siya nga! Bakit niya ako inadd? Aaccept ko ba?
"Mahal. Bakit parang nakakita ka ng multo diyan?" Pinitik ni Arisha noo ko. Lagi na lang ako pinipitik sa noo neto.
"Inadd ako nung lalaki kanina. Si Vren. Bakit ba kasi sinigaw niyo pa pangalan ko! Maria nga sinabi ko!" Nakasimangot kong sabi. Baka kasi mamaya awayin na naman ako ng girlfriend non. "Accept ko ba? Ano?"
"Akin na nga!" Kinuha ni Arisha phone ko at may pinindot. "Confirm. Ayan na ha. Inaccept ko na for you. Para hindi ka na maaligaga diyan!"
Nanlaki mata ko noong nagwave siya sakin sa messenger. Gago ka ba? May girlfriend ka na tapos magwawave ka pa diyan!
"Hala, Mahal. Nagwave sa messenger. Parang tanga!" Sabi ko kay Arisha. Sakto namang paglabas ni Sydney ay pinindot ni Arisha ang wave back. Anak ka ng tatay mong kalbo! "Oh ayan! Ikaw na makipagusap!" Pabiro kong binigay kay Arisha phone ko.
Hindi ko nalang pinansin ang reply ni Zane nagsend pa ng picture niya na nasa gym siya dito sa mall. Pinatayan ko nga ng data. Feeling gwapo ha.
Nagpaalamanan na kaming tatlo at may kanya kanyang raket pa kami. 5PM pa lang naman. 6PM ang next tutorial ko. Makakahabol pa naman ako. Sumakay na ako sa kotse ko at nagdrive pauwi.
Pag dating ko sa bahay ay sinalubong ako ni Mommy. "Nak. May sulat galing University of Sta. Elena." Inabot sakin i Mommy at umalis na. May pupuntahan daw siyang importante. If I know, pupunta lang sa mga amiga niya doon sa kanto.
Inilapag ko yung letter na galing sa University of Sta. Elena at nagsimula na magtutor. Mamaya ko na lamang bubuksan yon kapag wala na akong gagawin.
Nang matapos ko ang pagtututor umidlip muna ako saglit dahil may work pa ko mamaya. Call center agent ako diba? Kaya ang eyebags ko, parang maleta na!
"Ate! Gising na. Hindi ka na naman nakakain." Gising sakin ni Ana. "Ate. Patulong naman sa homework ko. Hirap na hirap na ako dito." Paglalambing pa niya sakin.
"Bukas na, Ana. Biyernes naman ngayon. May time pa tayo. Anong oras na ba?" Tinignan ko phone ko at 8:59PM na. Sabi ko idlip lang. Tulog na pala ginawa ko. Masarap matulog kapag malamig. December na kasi kay malamig simoy ng hangin.
Tinignan ko yung letter na galing sa USE.
To: Ma. Sophia S. Alvarez
Congratulations! You are now part of the University. You passed the scholarship. This scholarship is good for 4 years. We hope that you will enjoy you stay in our school. You can enroll now for the Second Semester. Good luck!
From: University of Sta. Elena Administration
Hindi pa din ako makapaniwala na papasok ako sa isang yayamaning paaralin at scholar ako doon! Niresearch ko kasi ang University na iyon. Napag-alaman ko na Hari pala ang may-ari noon at ang anak niya ang namamahala doon.
Binuksan ko yung phone ko at nagfacebook muna saglit bago kumain. Binalitaan ko ang dalawang impakta na makakapag enroll na ako for second semester since may nacredit akong subjects. Natanong ko naman na din iyon sa registrar at sabi nila pwede ko daw itake ang mga iyon, since walang pre-requisites.
Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko. Pwera na lang dito sa isang to. Naalis na sa isip ko tong lalaking to. Naturn off ako sa pagsesend ng picture sakin eh.
Zane: Pansinin mo naman ako, Maria.
Zane: Hey
Zane: Galit ka din ba sakin dahil sa ginawa ng girlfriend ko? Sorry na.
Me: I'm not mad. Don't chat me. May girlfriend ka. Baka sugurin ako niyan pag nakita ako sa daan.
Sofie Schaudt went offline
Nilagay ko sa ilalim ng unan yung cellphone ko at bumaba na papunta sa kusina. Naabutan ko si Travis na naghuhugas ng plato.
"Travis. Sa tingin mo ba pwede na ko magenroll bukas sa USE? Hindi naman ba ako excited masyado?" Sumandal ako sa may ref namin. Nakaharap ako sa likod niya.
"Hindi naman ate. Kasi sakto lang yon. Baka maubusan ka ng slot. Ang alam ko kasi sakanila may pre-enrollment sila. Hanggang next week na lang ata yon, sabing kaibigan ko." Kahit papaano may kwenta siyang kausap.
"Sige. Magpapasama na lang ako kila Arisha bukas. Monday to Saturday naman sila open." Pumunta na ako sa lamesa at nagsimulang kumain.
"Baka naman magboyfriend ka doon! Balita ko madaning gwapo doon. Pero mas gwapo ako sakanila." Humarap siya sakin at nagpogi pose. Hala siya.
Muntik ko na maibuga yung kinakain ko kung hindi ko lang napigilan. Lakas ng confindence ha. Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta na sa kwarto ko pagkatapos kong kumain para magstart na sa work ko.
Kinabukasan
Nagising ako ng dahil sa sinag ng araw. Tinignan ko ang orasan sa tapat ng kama ko. 9AM na pala. 11AM ang usapan namin nila Sydney papunta sa University of Sta. Elena.
Dali dali akong tumayo at naligo. Sa tagal kong mag-ayos baka 10:30 na ako matapos at umusok na mga ilong at tenga nila kakahintay sakin. This January daw magstart ang klase ng USE. Since December 15 end ng class nila. January 28 daw ang start ng 2nd sem. Nakakaexcite.
9:30AM na! Ang tagal ko pala sa banyo. Agad akong pumunta sa cabinet ko at namili ng susuotin. Knitted blue dress ang suot ko at rubber shoes. Trip ko lang. Bagay naman.
"Alis na po ako!" Sigaw ko ng nakababa ako ng hagdan.
"Kumain ka muna, Sophia!" Sigaw ni Daddy sakin habang hawak ang newspaper. Lumapit naman ako at kumuha ng dalawang pandesal na may palaman na hotdog.
Nagmano ako kay Mommy at Daddy. "Alis na po ako." Lumabas na ako ng bahay at kinuha susi ng kotse ko. Dadaanan ko na lang yung dalawang impakta sa Pulang bubuyog malapit sa subdivision namin.
University of Sta. Elena
Napakahigpit naman dito! Ang daming tanong ng guard. Pero sabagay. Mayayaman nga naman nag-aaral dito. Binigay ko na lang lisensya ko at kinuha yung visitor's pass.
Nagpark ako sa tabi ng isang napakagarang sasakyan. Halatang milyones ang halaga. Bumaba na kaming tatlo at napanganga..
Napakalawak at ang tataas ng mga building per department. Naglakad na kami papunta sa registrar. Doon daw ako mageenroll.
"Mahal. Ang swerte mo at nakapasok ka dito ng walang kahirap hirap!" Sabi ni Arisha sakin.
"Oo, mahal. Napakagandang opportunity neto para sakin."
Hindi nagtagal ay nakapag-enroll na ako. This is it! Makakapag-aral na ulit ako! Tila napasuntok ako sa hangin..
"Hi, Maria." Napalingon ako sa lalaking tumawag sakin. Paglingon ko nanlaki mata ko.
"Zane? Ano ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong at napalingon sa dalawang bruha na nasa tabi ko na ganon din ang reaksyon.
"Dito ako nag-aaral. Dito ka din pala nag-aaral. Ano course mo?" Tanong niya sakin ng nakangiti.
"Ah. Oo, natanggap kasi ako sa scholar dito. Nagrant ni Mr. Aguillanes. BSED in English ako. Ikaw ba?" Siniko ko si Arisha para sabihin na umalis na kami.
"Talaga? BSED in MAPEH ako. Sana makaklase kita. Irregular ako. Fourth year na first year." Tumango na lang ako.
"Ah. Sige. Una na kami." Nagmadali kaming lumayo nila Arisha kay Vren na may kasamang barkada. Kinantyawan pa siya.
Nagkwekwentuhan kami habang naglalakad. Balak kasi namin libutin amg University. Nakwento ko din sakanila si Mr. Aguillanes. Nagtatawanan kami ng may mabangga ako. Napaka-clumsy ko naman.
"Sorry Miss." Sabi ng isang babae.
"Sorry din." Hindi ako makatingin sakanya. Kasi baka maulit na naman yung nangyari sakin na nasabunutan. Siniko ako ni Sydney at Arisha. Tumingala ako para tignan kung sino yung nakabangga ko.
"Sorry again, Miss. I'm Belle. I'm just new here. Mageenroll ako. Nakatanggap kasi ako ng scholarship." Ngumiti siya sakin at nilend yung hand niya sakin para makipagkamay.
"Sofie. Sorry din kanina. Una na kami." Hinila ko yung dalawa at umalis na.
"Mahal! Bakit mo naman nilayasan kagad yung girl? Ang bait bait niya kaya." Sabi ni Sydney.
"Gaga! Natrauma na si ate girl mo sa ganong sitwasyon. Baka bigla na lang siyang sunggaban non." Sabi naman ni Arisha kay Sydney.
Naglibot kami sa buong Univeristy. Totoo nga at madaming gwapo at magaganda dito. Hindi ko namalayan nasa Administration Building pala kami. Kung saan nandoon ang office ni Mr. Aguillanes.
"Uwi na tayo, mahal. Pagod na ko." Sabi ni Sydney samin. "Daan muna tayo Jollibee bago umuwi. Gutom na din kasi ako."
Tumango na lang kami ni Arisha at umalis na. Si Mr. Aguillanes ang pinakagwapo sa paningin ko ngayon. Hindi ko akalain na isa siyang Prinsipe.
Nakarating na kami sa Jollibee at umorder ng paborito naming chicken joy at umorder din kamo ng family pan na spaghetti. Grabe ang sarap sarap! Pagkatapos naming kumain ay umuwi na kami.
"Mommy! Daddy!" Sigaw ko pagpasok ko ng pinto. "Nakapag-enroll na ako!!" Sigaw ko pa din.
"Ano ba yan anak! Sigaw ka ng sigaw! Hindi ka na nahiya sa kapitbahay natin!" Sabi ni Mommy.
"Talaga nak? Nakapagenroll ka na? Mabuti naman! Natutuwa ako at makakapag-aral ka na ulit." Sabi sakin ni Daddy habang pababa ng hagdan.
"Opo. Excited na nga po akong pumasok. Sa katunayan nga po nakabili na ako ng damit at gamit ko noong nakaraang araw pa." Kinikilig kong sabi.
"Halika na. Saluhan mo na kami sa meryenda. Gumawa ako ng paborito mong meryenda. Karyoka at turon." Ngiting sabi ni Mommy.
Kakakain ko lang tapos kakain na naman ako. Tataba na ako nito. Hindi maaari! Ayaw ko! Pero patuloy pa din ako sa pagkain.
Mabilis lumubog ang araw at gabi na naman. Konting panahon na lang at makakapag-aral na ulit ako. Magiipon pa ako para sa pag-aaral ko.
Excited na din ako makipagkaibigan.
Excited na din ako makita magiging kaklase ko.
Sana makamit ko na ang pangarap ko.
Ang pagiging isang guro..