Nagising na lang ako na nasa ibang kwarto. Nakita kong 7PM na. Tinignan ko ang suot ko, kompleto pa naman at walang nabago pero may nabago sa katawan ko. Ang dami kong pantal at nagsugat sugat na. May nakain akong hindi pwede sa akin. Kaya siguro ay bigla akong inantok kanina. Hindi ko na matandaan ang kinain ko kanina. Kinuha ko phone mo at tinawagan si Travis. "Travis. Sunduin mo ako dito kila Zane. Alam mo naman bahay nila diba? Paki na lang. Dalan mo na din ako ng jacket, may allergies ako." Pagkababa ko ng call ay sakto namang pumasok si Zane sa kwarto. "Kumusta ka? Ano nararamdaman mo?" "Eto pakiramdam ko at mamamatay na ko. May shrimps ba ang iba sa handa mo? Hindi ko napansin sa gutom ko eh." Oo, napakatimawa mo kasi Maria Sophia. "Meron, dami mo ngang nakain na chopseuy kanina

