Reign's POV
"Ina?"
Nakita ko sa panaginip ang aking ina at nasa likod nito ang aking ama kasama ang aking kapatid.
"Reign, anak, maging malakas ka. Hindi ka masama. Maging matapang ka para sa amin, huwag mong hayaan na kainin ka na'ng galit na sisira sa taglay mong kapangyarihan at makakapaslang ng maraming tao," sabi ni ina.
"Anak, halika dito at yayakapin kita. Hindi mo deserve na masaktan, pagpasensyahan mo na kung kami'y nauna na'ng namayapa dahil sa labanan noon. Maaari mong simulan ang binuo naming tapang para ipagtanggol ang ating lipi lalo na ang buong Aether," sabi sa akin ni Ama.
"Ate kaya mo iyan, ikaw ang nagturo sa akin kung paano kontrolin ang galit at maging mabuti't malakas araw-araw diba? Ate, ipagtanggol mo kami laban sa mga masasama," nakangiting sabi ng kapatid kong si Roigh.
"Ina, ama, roigh, natatakot at nagagalit ako. Hindi ko man lamang kayo napagtanggol noon. Kung sana sinunod ko kayo na umalis na agad sa gubat na iyon edi sana kasama ko pa kayo, edi sana hindi kayo nahuli, pinagbintangan at pinaslang. Edi sana, kasama ko pa kayong linangin ang kakayahan ko," umiiyak kong sabi.
"Anak, Reign, huwag mong sisihin ang sarili mo. Obligasyon naming protektahan ka," sabi ni Ina.
"At ngayon na nandiyan ka sa Aethertheos, pangalawang pagkakataon mo na ito upang ipakita sa lahat na kaya mo, na malakas ka, na kaya mo na makabawi dahil ikaw ang nag-iisang livitus oracle ng mga Preatigies," sabi ni Ama.
"Ina, Ama, kailan po tayo magkikita?" Pagtatanong ko dahil miss na miss ko na sila. Buong buhay ko, naulila ako sa kanila. Sana naibalik ko ang pagkakataon na bata pa ako at kasama ko sila. Hindi na ako susuway sa sinabi nilang huwag pumaroon sa pinagbabawal na gubat.
Ngunit hindi, hinayaan kong sundan nila ako sa pinagbabawal na gubat na iyon at nagkaroon tuloy ng pagkakataon ang mga Mephistopheles na gamitin ang kanilang mahika upang gayahin ang imahe ng aking ama at makapasok sa Aethertheos.
Isang araw, napagbintangan kami lalo na ang aking ama na nagnakaw ng salapi at phoenix ng Head Minister dahil nakita ito sa vision ni Prof. Gaudiano na si Ama'y pumasok sa silid ng Head Minister pero ang totoo ay ginaya lang ang kaniyang anyo na'ng isang Mephistopheles.
Dinakip kami na'ng mga ninja's ng Aether at pinarusahan ng apoy ngunit ako'y nakatakas sa tulong ni Gwen. Hindi ko nagawang mailigtas ang aking pamilya dahil nahuli sila na'ng ninja's.
Sa huling hantungan ay nagsisi ang buong Aether sa pagkamatay ng aking pamilya dahil nalaman nila na isang Mephistopheles na nagpanggap na kagaya ng anyo ng isang Aether ang nakapasok at nakakuha nito dahil sa ipinadalang vision ng Mephistopheles sa Head Minister.
Umabot ng sampung taon ang galit ko sa paaralang ito, mabuti't nakilala ko muli si Gwen na nagligtas at naniwalang wala akong kasalanan. Paunti-unti ay natutuhan kong magpatawad lalo na no'ng namayapa ang Head Minister. Doon ko napagtanto na kasalanan ko kung bakit napagbintangan ang aking magulang, kung hindi sana ako sumuway, hindi sana sila nagayahan ng anyo edi sana buhay pa sila.
At ngayon, nandito akong muli sa Aether upang ipagtanggol ang aking pamilya at ibang lahi. Hindi ko na hahayaang makapanlinlang ang mga Mephistopheles.
"Sa tamang panahon anak, sa ngayon, magpakalakas ka dahil nalalapit na ang paghahari na'ng mga Mephistopheles. Nakompleto na kayong mga livitus oracle ng bawat lipi ng Aether kaya kailangan mo silang hanapin," sabi ni Ama.
"Livitus Oracle? Kami? Ha?"
Bigla silang nawala sa panaginip ko na naging dahilan para magising ako.
"Ina??? Ama??? Roigh??"
Nagpalinga-linga ako pero hindi ko sila mahanap.
Tinitigan ko ang mga natitirang nakasulat at paskil sa pader, mga nakakalat at basang papel na tinanggal ko at ang buong paligid.
Hindi niyo ko masisira.
Tumayo ako at pinunasan ang aking mga luha, nilinis ang buong paligid at gumamit na ako ng spells para mapabilis ang pagtanggal ng mga sulat sa pader.
"Ako si Reign, hindi ako padadaig, ipaghihiganti ko pa ang aking lahi at ang aking mga magulang," sabi ko sa sarili ko at pagkatapos kong linisin ito ay buong kumpyansa at tapang akong lumabas ng pinto upang alamin ang mga kasagutan sa sinabi sa akin ng aking mga magulang.
Naglakad na ako papuntang dorm. Tahimik aat kalmado ang paligid, sumabay sa pagkapayapa na'ng isipan ko na'ng makausap ko sandali ang aking namayapang pamilya. Naririnig ko ang mga tawanan, daldalan ng mga tao sa paligid. Normal na araw, sobrang payapa. Naririnig ko ang mga klaseng nagkakagulo dahil siguro walang guro.
HIndi ko alam kung hanggang kailan mananatiling payapa ang Aethertheos. Ramdam ko ang pagpapaalala sa akin ni Ama at Ina about sa mangyayari. Hindi ko alam kung malakas na kami, malakas na ako, kaya na ba namin? Kahit may mga kapangyarihan at alam kami sa spells, kapag nasa harapan mo na ang katunggali mo, talagang manghihina ka. Ayoko na munang isipin, nadidrain pa ang utak ko ngayon.
Pagpasok ko sa dorm ay naabutan kong naglalamon ng instant noodles si Gwen habang nakataas ang paa sa may bangko at may hawak na aklat ng spells sa kanang kamay. May laman pa ang bibig niya na tumingin sa akin. Nagsalita na ako agad.
"Magpapahinga na muna ako, huwag ka mag-alala okay na ako, pasabi hindi ko muna mabibisita si Eli sa clinic," sabi ko sabay dire-diretsong pumasok sa silid ko at humiga.
"Wala pa akong sinasabi, sige pahinga ka na," sabi ni Gwen habang nginunguya ang noodles sa bibig.
Eli's POV
"Nurse Daffodil, pstt, nurse, uyyyy, nurseeeeeeeee," pabulong na tawag ko kay Nurse Daffodil na may kausap sa ano ba tawag diyan? Parang screen na gawa sa mahika at may kausap pa siyang isang nurse din.
"Sandali, kakausapin kita mamaya at mukhang nangangailangan na na'ng pampatulog ang pasyenteng makulit," sabi nito sa kausap niya.
Lumapit siya sa akin.
"Anong kailangan mo Elianna?" Pagtatanong nito.
"Nurse, pwede na ba ako bumalik sa dorm ko? Marami pa po akong hahabulin na klase at aaralin na spells at need ko pa po makausap si Prof. Valderama about sa pagkatao ko," sabi ko.
"Sige, kung kaya mo na," sabi nito.
"Salamat po," Tumayo ako at lalabas na sana ako na'ng clinic ng biglang nagsalita si Nurse Daffodil.
"Elianna, sana hindi na kita muling makikita na isusugod sa clinic. Ingatan mo ang sarili mo at huwag magpapaapi. Higit na mas kinakailangan ka na'ng lahat. Gawin at alalahanin mo lagi ang sinabi kong ito," makabuluhang sabi ni Nurse Daffodil.
"Ahm-- hanggat buhay at nakakalakad pa si Xander at ang kaniyang mga kaibigan siguro malabo pong mangyari na hindi ako isugod dito muli dahil takot din ako na lumabag sa batas pero huwag po kayo mag-alala, mauuna na si Xander na mamalagi dito kaysa sa akin," sabi ko.
"Sige, ikaw bahala," sabi ni Nurse Daffodil.
Umalis na ako sa clinic. Nakasalubong ko si Xander. Wala siyang kasamang tropa, naging maawain ang tingin nito sa akin.
Bakit naman? Paawa dahil siguro pinarusahan na.
"Eli, okay ka na ba?" Pagtatanong nito.
"Anong okay? Pang-ilang clinic ko na ito dahil sa kagagawan mo. Galit na galit ka at sa akin, pasalamat ka at hindi ako gaya na'ng mga nasa aklat na papatol sa ginagawa mo dahil takot ako na lumabag sa school ru---," hindi ko naituloy ang sinabi ko dahil nagulat ako sa ginawa ni Xander.
Hinawakan niya ang bandang braso na may konting pasa at tinignan niya ito. Mukhang wala naman siyang balak baliktarin ako or iuppercut.
"Eli, pasensya ka na," sabi nito in mahinahon version. Gagi, natauhan na ata ito, first time naging ganyan ang expression.
"Xander!" Sigaw ng mga tropa niya. Papalapit na sa amin ang tropa niya na si Ken at Otep. Bigla akong sinipa ni Xander.
POTANGINA???!!!
"Pasensya na Eli pero-- pero ano deserve mo iyan ahha..haha," sabi nito.
PUTRAGIS!
Umalis at sumunod na siya sa tropa niya pero binigyan niya muna ako na'ng huling seryosong tingin sabay iwas.
"TANGINA MO XANDER MAMATAY KA NA, ANG LAKAS NG TOYO MO SA UTAK, NANUNUOT," gigil kong sabi.
"Eli? Okay ka lang, halika itatayo kita," nagulat ako na'ng biglang nasa harapan ko na pala si Hanz.
"Kasi naman si Xander, sinipa ako," sabi ko.
"Nako naman, balita ko kagagaling mo lang clinic dahil sa kagagawan ng mga pranks niya ah?" Pagtatanong ni Hanz.
"Oo, tapos sisipain niya pa ako," sabi ko.
"Anyways, hayaan mo na, makakaganti ka rin diyan. Ako pa mismo gaganti isang sabi mo lang," sabi ni Hanz.
"Huwag na, ako na bahala," sabi ko.
"Anyways Eli, noong nasa subject ka daw ni Prof. Luxia balita ko nagpalabas ka daw ng anong kulay ng soul?" Pagtatanong ni Hanz.
"Ah, gold na may red soul, natakot nga sila and maski ako natakot, hindi ako makahinga, feeling ko ang bigat ng soul na iyon," sabi ko.
"Ahh-- ahmm, ako oo tama, ako rin may gold and red soul, ano, hindi rin ako makahinga pero kinaya ko, may tattoo ka rin ba or tatak or something sa braso mo?" Pagtatanong ni Hanz.
"Ha? Paano mo nalaman? Mayroon ka rin ba?" Pagtatanong ko.
"Ito yo'ng akin oh," inangat ni Hanz ang manggas niya at nakita sa braso niya ang isang tatak ng Falcon? Hindi naman ganiyan ang akin e.
"Hindi ganiyan yo'ng akin, ganito yo'ng akin oh," tinanggal ko ang concealer ko sa braso at pinakita sa kaniya ang spell ata ito or what na binanggit ko noong pumasok ako sa pugon.
"Marauders aether eli eisago, at isang phoenix? wow, ikaw nga," sabi ni Hanz.
"Anong ako?" Pagtatanong ko.
"Ikaw nga ang may pinakamagandang tattoo," sabi ni Hanz.
"Hindi naman tattoo ito e, simula pagkabata ko mayroon na akong nakalimbag sa kanang braso ko na ito, ito rin yo'ng binanggit ko sa pugon para makapasok ako dito," paliwanag ko.
"Eh, bakit mo tinatakpan?" Pagtatanong nito no'ng napansin niyang kinuha ko ang concealer sa bag at tatakpan ito uli.
"Kasi hindi ko pa kilala ang sarili ko at wala akong tiwala sa tao," sabi ko.
"So sa akin may tiwala ka?" Pagtatanong ni Hanz.
"Hindi ko alam, oo ata, hindi ko alam bakit," sagot ko.
Hindi ko naman talaga alam bakit bigla kong nasasagot tanong niya at pinagkatiwalaan siya over my friends.
"Dahil siguro nakikita mo na tunay akong kaibigan or magiging kai-bigan," sabi nito,
"Hoy, wala sa isip ko iyan tsaka please sekreto lang natin yo'ng mga nakwento ko sa iyo ah?" Sabi ko.
"Oo naman, Eli," sagot nito.
"Ay Eli, sandali, need ko na umalis, hinahanap na ako e, paalam, see you sa susunod," sabi nito.
"Ahh, sige, salamat pala sa kwentuhan," paalam ko.
Anyways, need ko muna puntahan si Prof. Valderama ngayon kahit pinapatawag niya ako mamaya pa e hindi na ako makapag-intay. Need ko na talaga siya makausap.
Kasalukuyan akong nahihilo mula sa putragis na elevator na kailangan ko tiisin dahil urgent na makausap ko si Head Minister Valderama.
Nang nasa harap na ako ng pintuan niya ay inayos ko ang aking sarili at ang aking buhok na magulo saka ngumiti at pumasok sa loob.
"Ahm, magandang araw po, Prof Valderama. Maaari ko po ba kayong makausap?" tanong ko.
Siya'y kasalukuyang nakatalikod at nagliligpit ng aklat. Inilalagay niya ang mga iyon sa shelf na nasa likuran niya at siya'y nagsalita.
"Sige, umupo ka diyan, ano bang concern mo?" pagtatanong nito.
Umupo muna ako sa upuan na nasa harap ng kanyang mesa at kasalukuyan pa rin siyang busy sa pag-lalagay ng aklat.
"Gusto ko po sanang malaman ang abilities na mayroon ako, ayoko na po kasing pagkaisahan at tawanan ng iba dahil hindi ko po maipakita ang abilities na mayroon ako. Ilang beses ko pong inaral ang spells sa mga aklat at sinusundan ko naman po 'yong pamamaraan o instructions ng tama pero aksidente, pagsabog at malalang pangyayari lang po ang nangyayari," paliwanag ko.
Tumingin lang sa akin si Head Minister Valderama. Binalik niya ulit ang tingin sa may aklatan, kinuha niya ang isang aklat doon. Bumaling ang tingin niya saakin at ngumiti siya bigla bago magsalita
"Hanga ako sa tapang mo para makilala ang iyong sarili. Hanga ako sa determinasyon mo habang nagsasalita. Sana'y hindi magbago ang tapang na mayroon ang puso mo ngayon. Matututuhan mo siya at ituturo iyon sa iyo kapag nakaluwag-luwag ka na sa iyong oras at natapos na ang disciplinary action niyo kay Prof. Agustin Eli," sagot ni Head Minister Valderama.
"So, ano nga po?" sabi ko.
"Ano ba ang unang nais mong malaman Eli?" Pagtatanong ni Prof. Valderama.
Nagbuntong hininga muna ako sabay nagsalita.
"Ano pong mayroong abilities ako? Bakit po nagpapalabas ako na'ng mixed of red and gold soul instead of usual white?" Mabilis na tanong ko.
"Maraming cases ang mga ganiyan, its either you are from the rarest family or you are the powerful living soul crown pero imposible na ikaw iyong living soul crown dahil una galing ka sa Erean simula pagkabata, wala kang qualities ng pagiging Soul Crown like tapang, golden brown eyes and marami pang iba. Lastly, wala kang seal or tattoo of being a Soul Crown Phoenix," paliwanag ni Prof. Valderama.
"Phoenix? Yo'ng uri na'ng ibon po ba?" Pagtatanong ko.
"Indeed," sagot ni Prof.
Kinuha niya ang isang aklat at hinanap ang isang pahina sa may gitnang bahagi nito. Pinakita niya sa akin ang anyo na'ng tattoo na mayroon ang isang living soul crown na may malakas na abilities.
What the fuckkkkkkkkkkkkkkkkkkkkk??? Parehas.
Parehas sa akin.
Dapat ko bang ipakita? Wala akong tiwala, baka isa rin siya sa mga taksil. Nakakatakot. Ayokong mapaslang. Kailangan ko munang makasiguro na ako talaga iyon.
"Saan po ba mahahanap ang aklat tungkol sa Soul Crown? Nang sa gayon ay mabasa ko at maunawaan," pagsasabi ko.
"Higit na itinago na'ng matagal na panahon ng mga sinaunang Aether ang aklat upang malaman ang mga soul crowns ng Aether. Tama, mga dahil hindi lang siya iisa, hindi namin alam kung ilan pero nagbuhat sila sa iba't ibang lipi na napaslang noon at sila ang pinakahuling henerasyon. Ang Living Soul Crown ang may pinakamalakas na kapangyarihan at ayon sa pangitain, mapapaslang ng isang blood flun ang living soul crown at mamamatay ang lahat ng lipi ng Aether at mabubuti sa buong Querencia. Iyon ang iniingatan namin kaya hinahanap namin ng matagal na panahon ang mga soul crown lalo na ang living soul crown. Humingi na kami na'ng tulong sa buong alapaap upang mahanap ito ngunit hindi namin siya matagpuan," paliwanag ni Prof. Valderama.
"Bakit niyo po need mahanap ang mga soul crown and yo'ng living soul crown?" Pagtatanong ko.
"Dahil lumabas sa pangitain na malapit na makapaghasik ng kadiliman ang mga Mephistopheles at nagkakaroon na sila na'ng idea about sa propesiya na ang pagpaslang ng blood flun o tagapag-mana at sugo nila ang papaslang sa Soul Crown at ang buong lahi nila ang maghahari sa buong Querencia. Kailangan mahanap agad upang maipaghanda sila sa kahit anong mangyari. Mahirap rin dahil ang paaralan ay hindi tiyak kung ligtas dahil maraming mapagpanggap na Aether pero tauhan pala na'ng Mephistopheles. Ngunit huwag kang mag-alala, ginagawan na namin ito na'ng paraan upang masolusyunan," paliwanag ulit ni Prof. Valderama.
Natahimik ako at inaabsorb ko lahat ng sinasabi ni Prof. Valderama.
"Ngunit Elianna, ginagawan ko na na'ng paraan kung paano natin malalaman kung sino ka talaga at bakit ka naglabas ng ganoong soul kahit na may dugong buo na'ng Aether ang iyong ama at ina. Huwag kang mag-iisip masyado dahil baka ito'y isang pagkakamali lamang," dagdag ni Prof Valderama.
"Huling tanong na po, bakit po laging galit sa akin si Prof. Agustin?" Pagtatanong ko.
"Siguro dahil sa mapait na nakaraan, matalik na magkaibigan si Agustin at ang iyong ama. Labis ang galit na naipon nito noong nagkaroon ng kaguluhan sa buong Aethertheos dahil mas pinili na'ng iyong ama na ipagkanulo siya sa isang Mephistopheles kapalit ng isang kasunduan at ang pagpunta na'ng pamilya niyo sa mundo ng Erean. Dahil sa pagkakanulo na'ng iyong ama, pinilit ng anak ni Agustin na isalba ito upang makatakas at sa huli ay namatay ito. Besides, nakuha mo ang anyo ng mata at ilong ng iyong ama kaya siguro naaalala ka ni Agustin," paliwanag ni Prof. Valderama.
Ganoon pala ang mapait na karanasan ni Ama at ng matalik niyang kaibigan. Usong-uso ang taksilan. Nakakatakot makipagkaibigan.
"Anong kasunduan po ba iyon?" Pagtatanong ko.
"Iyon ang kasalukuyan kong tanong na ang ama mo lamang ang makakasagot. Sa ngayon ay hindi pa rin namin siya at ang iyong ina mahanap ngunit gumagawa na kami na'ng paraan, huwag ka mag-alala," sabi ni Prof. Valderama.
Napatingin na lang ako sa kisame sa sobrang mixed emotions ng takot, frustrations, galit at iba pa.
"Tingin niyo po ba, para dito ako sa mundong ito?" Pagtatanong kong muli kay Prof. Valderama.
"Kung ako ang tatanungin mo, oo. Hindi mo pa talaga nalilinang ang lakas at abilidad na mayroon ka pero nasa puso mo iyan kung tingin mong nababagay ka rito pero maniwala ka Elianna, para ka dito," sagot ni Prof. Valderama.
May biglang kumatok at pumasok sa pinto.
Si Prof. Agustin na biglang naglaho ang kalmadong itsura noong nakita ako.
"Magandang u-- hmm nandito pala ang hindi pumapasok sa klase kong si Elianna ha? Magandang umaga Prof. Valderama, need ka ngayon sa punong pagtitipon dahil sa mga isyung nararapat mong malaman," sabi ni Prof. Agustin habang nakakasindak ang tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
"Sige, mauuna na ako Eli," paalam ni Prof. Valderama.
"Sige po," sagot ko.
Naunang lumabas sa pinto si Prof. Valderama at sumunod si Prof Agustin. Bago pa man ito makalabas ng tuluyan ay tinaasan na ako na'ng kilay nito at tinignan ako na'ng nakakasindak na tingin.
Inantay ko muna mag siguro isang minuto bago ako humakbang papuntang pintuan ngunit bigla akong nacurios sa aklat na pinakita sa akin kanina ni Prof. Valderama.
Nilapitan ko ito at nakita ko sa unang pahina nito ang limbag na nakita ko rin doon sa isang aklat na nabasa ko noong naglilinis kami sa Hadezar Building.
Hyacinth,
Tinignan ko pa ang ilang bahagi pero wala na'ng nakasulat kundi mga linya??
Mga parallel lines and pinilit kong hanapin yo'ng pahina kung nasaan ang tattoo na pinakita sa akin pero wala ganoon pa rin. Puro mga parallel lines. Ano ba ito?
Binaliktad ko na lahat-lahat pero wala pa rin.
"Sorry Prof. pahiram muna ako ah huhu," sabi ko sa kawalan at kinuha ang aklat at inilagay ito sa aking roba at umalis na ako sa silid.
"For sure may nakatagong message or what sa aklat na iyon at hindi ako nagkakamali dahil alam kong ito ang aklat na pinakita sa akin ni Prof. Valderama kanina, tinitigan ko talaga kung saan niya inilapag iyon. Baka may mahika lang ito," sabi ko sa sarili ko.
"Elianna," sambit ni Xander.
Nakasalubong ko na naman itong gagong ito.
Kinunutan ko lang siya na'ng noo.
"Elianna, ahm, sorry kung malala ang napala mo kanina, hindi ko naman alam na ganoon ang epekto noon sa iyo e," pahumble na sabi niya.
"Tigilan mo ko sa mga sorry mo, mamaya sipain mo pa ako, che!" Pagtataboy ko sa kaniya.
"Ikaw na nga sinabihan ng sorry ikaw pa maarte," sabi niya.
"Ahh wow? so do I need to be thankful for being a person na sinabihan mo na'ng sorry? Sorry your ass gunggong," sabi ko sabay roled eyes.
"Napakaletche mo talagang babae, napakabasag-utak ng ugali mo, nakakabwesit ka, mamatay ka sana," pikon niyang sabi.
"Ako pa talaga? Eh sino bang nangunguna? May pasorry-sorry ka pa tapos ikaw magtatantrums ng ganiyan? Gago ka?" Sabi ko kay Xander.
"Bahala ka nga," sabi niya sabay alis na parang batang asar na asar.
"Abnormal, magsosorry e halatang hindi naman nature sa kaniya iyon. Baka maeexpel na siya kaya nagpapakasanto pero hindi uubra sa akin iyon tsk," iritableng sabi ko sa sarili ko sabay talikod at naglakad papuntang dorm.
Nakarating na ako sa dorm.
Nadatnan kong naglilinis ng dorm si Gwen.
"Uy, Eli, bumalik ka na rin, okay ka na ba?" Pagtatanong ni Gwen sa akin.
"Okay na daw ako sabi ni Nurse Daffodil kaya pinayagan niya na akong lumabas. Teka, nasaan si Reign?" Pagtatanong ko.
"Shhhh, may pinagdadaanan huwag mo muna lapitan o kakausapin kung gusto mo mabuhay," pabulong na sabi sa akin ni Gwen.
"Bakit?"
"Basta shhh long story," sambit nito.
Tumango na lang ako at kumuha na'ng tubig sabay diretso sa higaan ko at isinara ang pinto.
Agad kong inilabas sa damit ko ang libro at pinagmasdan muli kung paano ito mababasa.
Sinimulan ko sa pag-amoy ng libro at amoy lumang aklat siya ah? Tinignan ko ang bawat sulok ng pabalat nito kung may mga marks or palatandaan upang mabasa ko ang nilalaman nito. Nabigo ako dahil wala akong nakita.Sinimulan ko sa mga pahina at nagsabi na'ng mga ilang spells na random at hindi ko alam.
"Aether!"
"Flamore!" ay gagoooooo! nagliliyab ang aklat.
Tumakbo ako sa comfort room at mabuti at wala sa labas si Gwen. Agad kong nilubog sa balde ang aklat upang mawala ang apoy.
Mayayari talaga ako nito, hindi ko naman matandaan na ang huling nabanggit ko ay ang spell ng apoy. Kainis ka Eli.
Amoy sunog at nasunog talaga ang halos 1/8 na bahagi nito at basang-basa ang buong aklat. Nilagyan ko ito na'ng ano ba ito?
Basta lupa siya na nasa halamanan na nakadisplay pero kulay pulbos siya. Astig. Para sipsipin yo'ng tubig. Ang gagong mindset na mayroon ako.
Binuksan ko ang bintana na nasa uluhan ko kapag ako'y nakahiga sa higaan at hinayaang matuyo ito habang nakababad sa araw.
Sana matuyo na mayayari talaga akoooo!
Humiga muna ako saglit.
Bwesit.
Nalaglag sa mukha ko ang aklat.
Pagkakuha ko nito ay nagulat ako sa nakapa ko dahil tuyo na ito. Ang--- ang mga parallel lines paunti-unting nabubuo bilang mga letra. What the f**k? dahil ba iyon sa araw? Pero. Ang angas.
Nagsimula na akong magbasa.
Elianna,
Uy gago, bakit naman pangalan ko ang nakalimbag sa unang pahina.
The curse.
Hala??? Sumpa daw ako?
Baka ibang Elianna ito, assuming naman ako masyado.
Hanapin ko nga ang pahina kong nasaan ang tattoo.
Ayun, same nga silaaaa.
"Marauders aether eli eisago," same ngaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa.
Ako kaya ang living soul crown?
"Eli?"
May kumakatok sa pintuan. Kinabahan ako pero nafamiliar sa akin ang boses at ito si Reign. Agad kong inilagay sa ilalim ng higaan ang aklat at tumalon patungong pintuan.
"Reign? Halika pasok," sabi ko.
"Okay ka na ba? balita ko kasi hindi ka raw okay sabi ni Gwen," pagtatanong ko.
"Okay na ako, hindi na mahalaga ang mga nangyari kanina," sabi ni Reign.
"Binully ka ba nila Xander? Ikaw ba ang sinunod nila?" Galit na sabi ko.
"Hindi ko alam kung sila ang may kagagawan ng kacheapan na iyon about sa family ko pero hayaan mo na dahil may isa akong dapat gawin na mas karapat-dapat at dapat na unahin dahil wala na'ng oras ang buong Aether," seryosong sabi ni Reign.
"Ano iyon?" Pagtatanong ko.
"Ang dapat kong gawin ay---"
"ELIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIII! REIGNNNNNNNNNNNNNNN! SI GWEN NAAKSIDENTE!"
Hindi naituloy ni Reign ang sasabihin dahil narinig namin na sumisigaw ang isa sa mga kaklase namin na kumakatok sa pinto.
"Gwen?"
"Si Gwen?"
Sabay naming sabi at sabay kaming kumaripas papuntang pintuan upang mapuntahan ang kumakatok.
"Oh, Beatriz, bakit? Anong nangyari kay Gwen?" Pagtatanong ko.
"Si Gwen nakita namin sa isang bahagi ng grounds na may dugo sa ulo at nakahandusay sa sahig," sabi ni Beatriz.
"Eh nasaan siya ngayon?" Nag-aalalang tanong ni Reign.
"Nasa Clinic siya at dinaanan lang namin kayo baka hindi niyo pa alam," sabi ni Riza.
"Salamat," sabi ko.
"Tara na, ilock mo na ang pintuan Eli," Pag-aapura ni Reign.
Nilock ko na ang pintuan sa dorm.
"Tara na,"
Kumaripas kami na'ng takbo papuntang clinic.
Noong nakarating na kami malapit sa clinic ay nadatnan namin sa harap ng pintuan nag-uusap si Nurse Daffodil, Prof. Valderama, at si Ms. Fenelope.
Tumigil muna kami sandali sa isang tabi at inantay na matapos sila sa pag-uusap.
No'ng matapos na sila sa pag-uusap ay agad kaming kumaripas papasok.
"Nurse Daffodil, nabalitaan po namin na naaccident si Gwen, kamusta po ang lagay niya?" Pagtatanong ni Reign.
"Kasalukuyan pa siyang inoobserbahan dahil malala ang tama sa kaniyang ulo at ilang mahihirap spells na ang ginagamit para masulusyunan ito," sabi ni Nurse Daffodil.
"Sino po bang may kagagawan nito?" Pagtatanong ko.
Putangina pag si Xander iyan mapapatay ko siya.
"Sabi sa mga naitalang impormasyon sa mga nakakita, nakita daw nilang tulala si Gwen at pumunta sa may school grounds mag-isa. Maya-maya naabutan nilang nakahandusay na ito," paliwanag ni Nurse Daffodil.
"Tulala? very unusual naman po no'n e kanina po sa dorm masaya po siya," sabi ko.
"Kaya nga iniimbestigahan pa nila Prof. Valderama ang nangyari," sagot ni Nurse Daffodil.
"Hindi po kaya si Xander ang may kagagawan nito? Siya lang po may interes sa aming tatlo at magkakasunod po kaming napahamak," sabi ko.
"Si Xander? Kahapon ay umalis siya sa paaralan dahil pinagpaalam siya na'ng kaniyang ama," sabi ni Nurse Daffodil.
"Eh baka yo'ng mga kaibigan niya lalo na si Otep," suspetcha ko.
"Iyon ang aalamin pa," sagot ni Nurse Daffodil.
Kapag si Otep iyon gagawin ko siyang OTAP!
"Sige po, salamat po sa impormasyon," sabi ko.
Umalis na muna si Nurse Daffodil at tumulong sa paggagamot kay Gwen.
"May problema ba si Gwen o nakaaway today?" Pagtatanong ni Reign.
"Wala hindi ko alam, masaya naman siya noong nadatnan ko siya," sagot ko.
"Ano kayang nangyari doon," sabi ni Reign.
Bumuntong hininga na lang ako.
Habang nag-aantay sa labas ay kumakain ako at si Reign ng Fish cake.
Maya-maya'y nakita namin na lumabas si Nurse Daffodil at lumapit siya sa amin. Tumayo kami at nilapitan din siya.
"Okay na pwede na kayong pumasok," sabi ni Nurse Daffodil.
"Sige po, salamat po," sabi namin ni Reign.
________________________________________________________________________________________________________
Unknown POV
"Handa na ba lahat?" sabi ko sa mga alagad ko.
"Handa na po," sagot ng isa sa mga alagad ko.
"Mabuti, tiyakin na tama at sinusundan niyo maigi ang aking mga sinasabi upang hindi mabisto at matuluyan na mapuksa na'ng aking anak ang Living soul crown," masayang sabi ko.
"Ama, hindi ba marami silang sou crown? Bakit ang living soul crown lang ang papatayin ko?" Pagtatanong ng anak ko. Siya ang nag-iisang blood flun ng buong Mephistopheles. Ang katuparan ng pangarap kong matalo ang Aether at sakupin ang buong Querencia.
"Dahil kapag napatay mo siya ay manghihina ang buong lakas at pwersang mahika na'ng buong Aether anak, nasa iyo ang kapangyarihan at susi," sabi ko.
"Sino po ba ang Living Soul Crown?" pagtatanong ng anak ko sa akin.
"Malalaman din natin iyan at tiyak akong nasa tabi lang iyon," sabi ko.
Hindi niyo matatakasan ang kapalaran na sa amin ang tagumpay. Lahat ng paghahanda na ginawa namin ng mahabang panahon habang nananahimik ay isang malaking patibong at palabas kung paano kayo mawawasak na parang mga dagang pinapaslang AHAHAHAHAHAHAHA.
"Anak, cheers," sabi ko.
"Cheers po," masayang sabi na'ng aking anak.
Hindi pa kayo bayad sa nagawa niyong pagpaslang sa aking asawa, ngayon ay magbabayad kayo.
Valderama, isusunod na kita.
"Gusto kong makita kayong magkakasamang lumuhod sa akin harapan at umiyak Eduard," sabi ko sa isang kaaway na ngayo'y nakapiit sa silid sa tabi na'ng nanghihina niyang asawa. Hindi nila magawang magpalabas ng kapangyarihan dahil ito'y sagrado at walang maaaring Aether ang makapagpalabas ng kapangyarihan dito.
"Humanda ka, hindi kami matatalo at mamamatay ang anak mo at ang buong lahi mo!" sigaw ni Eduard sa akin.
"HHAHAHAHAHAHA, tignan natin," sabi ko sabay dura sa kaniyang mukha.
"Bagay lang sa iyo 'yan," sabi ko.
"Kapag ako nakalabas dito, ako mismo ang papatay at dudurog sa iyo lalo na kapag dinamay mo ang anak-- kapag ano dinamay mo ang mga anak ng Aether," sabi nito.
"May anak ka?" Lumapit ako sa kaniya at tinanong siya.
"Sana, may anak ako para patayin ka," sabi nito.
"HHAHAHAHAHH, huwag ka na magsinungaling, sige ipapahanap ko anak mo para family bonding kayo diyan sa loob kasama na ang ilang matatalik mong kaibigan," sabi ko sa kaniya.
"WALANG HIYA KA HINDI KA MAGTATAGUMPAY!" Sigaw nito sa akin.
"Hays, ang ingay, Labore Tenungo," nagbitaw ako ng spell upang maitikom niya ang pesteng bibig niya at ang ingay-ingay niya. Ayoko muna siyang paslangin dahil gusto ko na'ng reunion bago sila mamatay ng sabay-sabay.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------
Prof Valderama's POV
"Prof Valderama, ano po kayang tunay na nangyari sa estudyanteng si Gwen? Tingin niyo po ba may kinalaman ito sa mga kalaban o isa lang itong prank ng mga kaklase niya?" Pagtatanong sa akin ni Fenelope.
"May nakita ba kayong kahina-hinala sa lugar ng pinangyarihan?" Pagtatanong ko habang naghahanap ako na'ng mga papel na may sangkot sa kahit anong gulo o pangbubully sa paaralan.
"Wala po, malinis at tanging ang dahilan ng pagkahimatay at pagdurugo ng ulo niya ay dahil sa puno dahil ito'y may dugo," sabi ni Fenelope.
"HAHAHA, imposibleng iuntog niya ang ulo niya sa isang puno, hindi naman siya nasisiraan," sagot ko.
"Yo'ng nga po punong ministro, hindi po kaya may kinalaman ito sa mga kaaway niya na mga kabataan?" Suggestion ni Fenelope.
"Huwag ka mag-alala, malalaman natin iyan at titignan natin ang totoong nangyari gamit ang oracle of past, malalaman natin ang nangyari," kinuha ko ang bato ng oracle of past at inilagay ko ito sa may malaking sisidlan na may lamang dalisay na tubig na natagpuan noong unang panahon sa bundok kung saan naninirahan ang mga visions ng Aether, sing puti pa rin ng malinis na tubig ang kulay nito at nagiging itim ito kung may kapahamakan. Ginagamit ko ito upang malaman ang mga pangyayaring nais kong makita sa loob at labas ng Aethertheos.
"En cancio al bustamientin oracle pasterios," inilagay ko ang bato at biglang nagflash ang pangyayari sa school grounds.
Mag-isang naglalakad ng masaya si Gwen habang may hawak na basura at biglang may nakita siya at nanigas siya. Nabitawan niya ang hawak niya at parang isang robot na naglalakad papuntang dulo ng school grounds kung saan nangyari ang aksidente. Naluluha ang mata niya ngunit hindi siya makapagsalita. Wala siyang kasama, nagulat kami na'ng bigla niyang inuntog ang kaniyang ulo sa may bahagi ng puno at natapos ang lahat ng pangyayaring ito.
"Bakit ganoon ang nangyari? May nakapasok kayang mephistopheles sa paaralan?"