bc

AETHER SOPHOS ACADEMY

book_age18+
36
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
mystery
like
intro-logo
Blurb

Ang storya ay iikot sa anim na kabataang pinagtagpo sa iisang paaralan at pamumuhay kung saan sila nararapat.

Ang Aethertheos Sophos Academy ay isang paaralan at magsisilbing kanilang tunay na tahanan ay tinatawag nilang Querencia.

Ito ay ang huling paaralan at tahanang itinatago ng mga Aether o mga taong may power abilities at may buong dugo ng Aether na naghahangad ng kabutihan.

Sila ay nagtatago at nagpapalakas dahil sila’y hinahanap at pinupuksa ng Mephistopheles. Ang Mephistopheles ay mga tinakwil na taksil ng sinaunang kuro dahil sa kanilang mapaminsalang dark arts at masasamang balak.

Sa dami ng paaralan na nangangalaga sa mga Aether at sa iba pang may abilidad at taga-taguyod ng kabutihan, halos di na sila matagpuan.

Dahil dito, itinipon lahat ng natitirang may dugong Aether mula sa mundo ng normal na tao at sa buong island ng Querencia upang itrain ng sobra para maprotektahan ang huling paaralan at tahanan na meron ang lahat ng Aether.

Maraming sekreto ang bumabalot sa paaralan maging sa mga tao rito. Sa pagpasok sa bagong mundo ni Eli, ano ang kanyang matatagpuan?

Ano ang magiging kanyang kapalaran? Ano ang mangyayari sa kanyang buhay kapag nakasama na niya ang lima na makakatulong sa kanyang pagtuklas?

Tama ba ang landas na tinatahak ni Eli o mas mabuting hinanap na lang niya sa normal na mundo ang kanyang mga magulang at kasagutan?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
“Mabuti at nagkakaintindihan tayo. Ako lang ang kakampi mo dito Hadess, ako lang. Dapat mo lang sundin ang sinasabi ko at mapapasayo lahat ng kapangyarihan, karangyaan at mga naisin mo sa mundo ng Querencia. Kaya’t kailangan mong magpakabait dito” sabi ng isang Marauders.   (Marauders ay isang itim na usok na tanging matatagpuan sa ilalim ng lagusan patungong kagubatan na pinagbabawal patunguhan ng mga Aether at tanging ang Head-Minister lang ang nakakaalam.)   “Masusunod.” Sabi ni Hadess   Biglang nakarinig siya ng tawanan ng mga kaklase niya sa likod.   “Nababaliw na si Hadess! May saltik na ata. HAHAHHHAHAHA. Kababasa mo ng libro yan! Tulog- tulog din HAHAHAHAAH”  sambit ni Eduard.    "Diba pinagbabawal ang lugar na iyan? Bakit jaan ka galing? Isusumbong ka namin!" bulyaw ng isang kaibigan ni Eduard   "Hayaan mo siya, dito siya nakatira malamang sa malamang. Kaya dito siya nararapat. Isang sinto-sinto at walang kwenta ay nararapat dito" pagmamayabang ni Eduard   Balang-araw luluhod ka at ang iyong lahi saakin bulong ni Hadess sa sarili.   “Pasensya, mauuna na ako.” Sabi sabay lakad paalis ni Hadess.   “Ingat ka! Pabasbas ka HAHAHAHAH” sigaw ni Eduard.   ………………………     “Nawawala ang Oracle, sinong pumasok dito?” Natatarantang sambit ni Professor Aetheron.   “Hindi ko alam at bakit makukuha yan kung may isang mahika na inilapag sa oracle upang ‘di mabuksan ang pintuan patungo sa kinalalagyan niyan?” sabi ni Professor Gaudiano.   “Liban na lang kung may maitim na mahika siyang tunay na taglay o natutuhan mula sa kalaban” sabi ni Eduard   Gulat na lumingon si Professor Aetheron at Gaudiano kay Eduard.   “Bakit naririto ka? Ipinagbabawal na makinig sa usapan ng mga nakakataas sayo Eduard”  galit na sambit ni Professor Aetheron.   “Dahil alam po namin ni Randolf kung sino ang posibleng kumuha ng Oracle” sabi ni Eduard “Sino? “   “Si Hadess po. Nahuli namin siya ng mga tropa ko laging pumupunta sa pinagbabawal na gubat tapos nahuhuli naming siya na may kinakausap doon at ang sabi niya ay ‘masusunod po’.” sumbong ni Eduard   “Sa katunayan, nakipagkaibigan ako kay Hadess at nalaman kong may dugong Mephistopheles ang kanyang ama at tinatago niya lang yun kasi pakiramdam ko may binabalak siya. Kasama ko siya sa dorm, kapag alas-dose ay umaalis siya ng palihim at pumupunta sa gubat. Hindi siya nahuhuli pero ako ang nahuli” dagdag ni Randolf.   ………………………………………….   “Nawawala si Hadess” Sigaw ni Professor Gaudiano   “Ministro nagkakagulo po sa labas! Andami pong mga Marauders at Mephistopheles! Nababasag na po yung mga pader! Andami pong sugatan!”  takot na sambit ni Fenelope   “Maghanda, biglaan pero kailangan na natin makipaglaban. Ilikas ang dapat malikas” Utos ni Professor Aetheron   …………………………………………..   “Hindi maaaring makuha nila ang natatanging soul crown ng Aether kaya ikaw ang inaatasan ko na mamuno sa bagong itatayo na paaralan. Ito’y iyong linangin at  panatilihin mo sana ang kabutihan sa iyong puso Valderama.” Sambit ni Professor Aetheron na nanghihina.   “Bakit po ako?  Bakit hindi ang inyong anak?” umiiyak na tanong ni Randolf   “Dahil alam kong magtataksil siya pagdating ng araw na itinakda at sasama siya sa kanyang ina.” Paghihikahos ni Professor Aetheron.   “Pero.” Umiiyak na sabi ni Randolf   “Va.l..de..rama.. Nag..titiwa.la ako sayo.” . Huling sinabi ni Professor Aetheron bago siya pumanaw.   

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

His Obsession

read
104.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook