CHAPTER 1: ANG SIMULA

1119 Words
“Ma, gusto ko pong mag-aral sa Maynila. Alam mo ba si Kish mag-aaral sa Maynila. Natanggap siya sa Lyceum, ako rin ma.” sabi ni Eli sa kanyang ina. Abala sa pagpupunas ng pinggan ang ina nito at napatigil ito dahil sa narinig niyang hiling ng kanyang anak.   “Tigilan mo nga nanay mo Eli, ilang beses na naming sinasabi sayo, kaya ka naman naming turuan dito sa bahay. Bakit kailangan mo pa pumasok e magbabayad ka lang ng magbabayad.” sambit ng kanyang ama   Hindi alam ni Eli ang dahilan kung bakit ayaw siya pag-aralin ng kanyang magulang at tinuturuan na lamang sa kanilang tahanan.  Pinagbabawalan din siya lumabas ng kanilang bahay at pumunta sa malalayo. Tanging si Kish lang ang kanyang kaibigan. “Hindi naman mura or libre ang pag-aaral tsaka masaya po akong tinuturuan niyo ko pero wala po yung mas malalalim na dapat kong pag- aralan.”  “Anong gusto mo?  Algebra? Magagamit mo ba sa pagasaing yan?  Sa paglalaba? Hindi. ‘Yang aral-aral na yan, standards lang ng mundo ‘yan dito. Sapat na maunawaan mo na magandang alam mo na ang basic kaysa kung ano ano”  iritang sabi ni ama. Tingin ni Eli, matibay lang ang kapit ng kanyang ama sa tradisyon na ang babae ay dapat na nasa tahanan lamang at nangangalaga sa pamilya.   Para sa kanya, hindi dapat laging gano'n ang turing sa lahat ng kababaihan na may pangarap sa buhay at kaya ding makipagsabayan. “At saka anak, di ka nababagay sa mundong ito. Kasi.”    "WALA" sabat ni Papa  Sabay na napalingon si Eli at ang kanyang ina sa kanyang amang tumayo sa mesa at pinutol ang mga susunod na sasabihin ng ina ni Eli. “Ang pinagsasabi lang ng nanay mo ay pumirmi ka at makinig ka samin. Umakyat ka na nga sa kwarto mo.” Dagdag nito.   “Sige po..”  Sambit ni Eli   Nang makaakyat si Eli ay agad na nilapitan ng ama ni Eli ang kanyang ina.   “Alice, diba sinabi ko na sayo ‘to, ‘di pwedeng malaman niya yung tungkol sa pagkatao niya,  NATIN. Gusto na nating lumagay sa tahimik. Ayokong palabasin siya nang palabasin dahil ayoko nang mawalan pa nang anak dahil sa mga pesteng Mephistophele na yan” galit na sabi ng Ama ni Eli.   “Pero Eduard, tagal na nating namalagi sa Aethertheos, darating ang panahon na kakailanganin niya malaman lahat. May dugo tayong Aether kaya’t mahahanap at mahahanap tayo ng mga Mephistopheles” takot na sinabi ng ina ni Eli.   “17 years na, ‘di pa tayo nahahanap. Wag kang praning. Hangga’t nabubuhay ako ‘di maaring malaman ni Eli lahat. Ayokong mawalan ng anak lalo na’t alam mo kung anong taglay ni Eli. Manahimik ka na, ipagluto mo na lang ako.” Sagot ni Eduard  Nahimik na lang sa isang tabi ang ina ni Eli samantalang napadungaw sa bintana ang kanyang ama upang lumanghap ng sariwang hangin.   Eli’s POV  (Music playing *Ako Na Muna*)  Hays nakakairita lang ah? Inaasar na nga akong bobo ng mga kababata ko sa labas kasi ‘di ako nakakapag-aral. Buti pa si Kish. Naiinggit ako. Gusto ko rin mag-aral. 18 na ako oh!  Asan na ba phone ko..  Ayun.   (Opens i********:)   *Ting* (MESSAGE RECEIVED) (Kish_StellaR. : Beh loookkk! Ang ganda pala ng uniform ng Lyceum. Taeng yan sexy ko tignan mo.)   (Kish_StellaR sent a photo)   (EliHyacinth24: Potchaaaaa nakakainggit. Sana all. Kelan alis mo papuntang Maynila?)   (Kish_StellaR: Bukas baklaaaaa! EeEyyyy I’m on vacation, every single day numakoplikation char syempre mag-aaral ako ng mabuti dun.)   (EliHyacinth24: Ewan ko sayo. Nga pala, laro tayo mamayang mga 12, rank ah? Angela ka uli, Fanny ako. Para naman makalimutan ko bugnot ko dito sa bahay)   (Kish_StellaR:Tanga! End season na, wag muna. tsaka duhh maaga alis ko bukas ayokong pumangit.) (EliHyacinth24: One game lang, papa-mythic glory lang ako!)    (Kish_StellaR: Useless lang, babalik ka din naman uli sa Legend. Hanap ka kasi bebe na papatong sayo tutal di ka marunong pumatong.) (EliHyacinth24: gege balaka bye )   Bwesit!   Anyways ganun lang talaga kami magtratuhan ni Kish. Parang magkapatid na magkagalit HAHAHAHA. Matutulog na nga ako, may gagawin pa ako bukas.   EDUARD’S POV   Mula noong namatay sa insidente sa Aethetheos Sophos Academy ang panganay kong anak, hindi ko na pinatapak muli ang aking buong pamilya sa paaralan na yun maging sa buong Querencia Island.   Alam kong hinahanap ng mga pesteng Mephistopheles ang mga natitirang Aether lalo na ang pamilya at anak ko pero magkakamatayan muna bago mangyari yun.   Wala na rin akong tiwala kay Randolf dahil simula noong nagkaroon siya ng posisyon, kinalimutan niya at pinabayaan niya ako.   Hindi niya nagawang protektahan ang anak ko kahit na may paraan siya para protektahan ito.   “Madaling araw na, magpahinga ka na Alice.”  sabi ko sa asawa ko noong makita ko siyang gising pa.   “Eduard, pakiramdam ko may nagmamasid satin. “Sambit niya   Malakas ang abilidad sa pakiramdam ng asawa ko kaya’t alam kong di siya nagkakamali.   “Ako na bahala. Magpahinga ka na.” sabi ko sabay halik sa noo ng asawa ko.   Ako nang bahala, kaya naman ng aking kakayahan ang labanan ang mga Mephistopheles.   Pero hindi ko alam kung hanggang saan.   Si Eli kaya niya, pero hindi ko pinalilinang sa kanya yun dahil ayokong mawala siya saakin. Mahal na Mahal ko ang anak ko.   .......................................................   ALICE POV   "Eduarddddddddddddddddddddddddddd!!!!!!!!!!!"  nakita kong tinangay ng mga Mephistopheles na naka anyong tao.   isang maluhang tingin na lang ang kanyang pinakita saakin at sinenyasan na akong tumakas.    (Flashback)    "Alice, kung ito na yung huling pagkakataon na makakasama ko kayo, sa huling ito, nais kong masilayan lang ang mga mata mo at ipaalala kung gaano kita kamahal. kung gaano ko kayo kamahal ni Eli. "    Naluluhang sabi niya sakin.   "Eduard, hindi ba masarap ang luto kong Caldereta? bakit nagdadrama ka mahal ko?"  sabi ko sabay hipo sa kanyang mukha.   "Masarap ang Caldereta. Paborito ko to. Ang sinasabi ko lang ay walang kasiguraduhan, sana ingatan mo si Eli. Kapag wala na ako, papasukin mo siya sa mundo kung saan siya nararapat upang maligtas."    Niyakap ko si Eduard ng mahigpit sabay bulong.   "Hindi ka mawawala. Sama- Sama tayo. Halika nga, pakiss sa noo"   (mwuaaaahhh)    "Mahal kita Eduard, Mahal ko kayo ni Eli"    "Mahal na mahal kita Alice. Mahal na mahal ko kayo."    Umakyat na kami sa silid upang matulog pero ako'y kinakabahan.    Itutulog ko na lamang ito.   (END OF FLASHBACK)   Umiiyak akong tumatakbo papunta sa bahay.    Bago pumasok sa pinto ay pinunasan ko ang aking luha at itinago ang aking tunay na emosyon sa pamamagitan ng irita at apura.   Kailangan na lumisan ni Eli dito habang may oras pa.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD