“Ellianna! Ellianna! Gumising ka dalian mo. Nasaan ang maleta????? Ilagay mo doon ang iyong mga gamit. Bilisan mo” apura saakin ni mama.
Kay aga-aga ito agad ang bubungad sakin. Nalimutan ba ni mama na galit pa ako sa kanila dahil sa usapan kagabi???
“Hindi ko susundin yan. Galit pa ako sayo!” sigaw ko
“Ellianna, hindi ito ang oras upang mag-ngawa ka jaan! Kung gusto mong maligtas tayo, bilisan mo!”
Inihagis saakin ni mama ang ilang mga damit ko upang dali-dali kong mailagay sa bag.
SHEEEEEEEEET. Bat naman puro t-shirt to, nasaan na ba yung mga tops ko from shopee. Mayghad! ayokong walang mapoporma pagnapunta na kami sa bagong lilipatan.
Di ata kasya yung ringlight ko huhu!
"Ellianna! Putragis dalian mo. Hindi mo kakailanganin yan. tara na!"
Binato ni mama ang ilan sa magagandang damit ko at agad na sinara ang maleta at hinila ako palabas.
Nakakapagtaka, bakit kailangan magmadali? Asan si papa?
“Ma? Asan si papa? “tanong ko Habang nagmamadali kaming tumungo sa kagubatan.
“Malalaman mo rin lahat anak. Sige na pumasok ka riyan.
Kami’y tumigil sa gitna ng malaki, luma at maitim na pugon. Tinulak siya ng ina papasok roon kasama na ang kanyang mga gamit at isang papel.
Mag antay lang daw ako at banggitin ang salitang nakalimbag sa aking kanang braso pagkatapos umalis ni mama.
“Nakakabaliw tong pinagagawa mo ma? Anong pinagsasabi mo?” reklamo ko
“Ellianna Hyacinth, sumunod ka para sa kaligtasan mo, mauuna na ako. “
At dali-daling tumakbo si mama palayo saakin.
“Susundin ko ba si mama? Bahala na. wala naming masama. “
Teka bago ko gawin ang kabaliwan na to, asan ba yung phone ko? Ititiktok ko muna to.
FUDGEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE I forgot my phone huhuhu pero wala na akong oras! Hays bahala na.
Tinignan ko ang aking braso at nakatatak ang peklat o tinta na mayroon ako simula pagkabata.
"Ma-ra-ude-rssszz- aether ei-s**o"
“Marauders aether eli eisago.”
Ang gago AHAHAHAHAHH. Kung andito tropa ko Pinagtatawanan na ako.
Wala naming nangyayari. Isa pa nga.
“Marauders aether eli eisago.”
kaasar! kalokohan ata to.
“MARAUDERS AETHER ELI EISAGOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOO”
Uminit bigla ang aking balat at para akong kinakain ng apoy.
Hinihika ba ako??
“MAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!”
……………………………………….
“Sino siya? Bat siya nakahiga jaan? Ang dumi niya.”
“Ginamit siguro niya ang pugon AHHAHAHAAHHA”
“Sabihan niyo ang head ministers”
Iminulat ko kaunti ang aking mga mata dahil sa mga naririnig kong bulungan.
Hinahabol ko sa parin ang aking paghinga dulot nong nangyari saakin.
“Iha, halika..”
Binuhat ako ng isang matandang lalaki …………
…………………………………………………………………………..
“Okay na ba siya? Daffodil? “
“Okay naman na po siya ministro, siya po’y gumamit lamang ng makalumang pamamaraan upang mapunta rito at ito ang pugon kaya po siya nagkaganyan.”
Nagkamalay at iminulat ko ang aking mata. Nasa isa akong makaluma pero sobrang gandang silid. Nakakatakot ang mga tao dahil sila’y may balabal.
Ang mga kabataan ay nakasuot ng pampaaralang saya na pula at puting longsleeves na may ribbon na asul, dilaw at pula sa gitna. Ang ilang matatanda ay may suot na balabal na kulay itim.
“Iha, ako sa Mrs. Fenelope, ito sa nurse Daffodil, kamusta ang iyong pakiramdam?” Tanong nung matandang maganda at bigla akong lumingon sa sinasabi niyang si Daffodil na..
“WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH”
Isang mukhang halimaw pero maganda pero nakakatakot yung Daffodil
“Kalma. Halatang baguhan ka, masasanay ka din.” Sabi ni Daffodil.
“Teka teka, asan ba ako? Sino kayo?? Mga nasa panaginip ko ba to? Mayghad. Ayokong masira utak ko. Sana di ko na langfaaiknxfbfwxrpe”
Tinakpan ng mahika ni Fenelope ang bibig ni Eli.
“Manahimik ka at aking ipapakilala kung sino at nasaan ka. Ito ang paaralang Aethertheos Sophos Academy. Ako si Mrs, Fenelope, Head master ng assembly. Pinapunta ka rito ng iyong magulang dahil dito ka nararapat. Sa pagdaan ng panahon ay matutuklasan mo rin kung bakit” paliwanag nito
“ehhhhhhhhhhhmmmmm ehmmmmmmmmmmmmmmmmme ehmmmmm” hindi ako makapagsalita potek na parang may nakatape sa bibig ko. Mga mangkukulam siguro ‘to
“Pasensya na, “sabay kumpas ng kamay para maalis ang kung anong harang sa aking bibig.
“Hihinga muna ako ah? “ sabi ni Eli
“ Reign pumasok ka na. Nga pala iha, ito si Reign at siya ang mag-iikot sayo sa buong paaralan at sa iyong dormitoryo” agad na kumaway ang napakagandang dilag na mukhang kaedaran ko.
“Hello!” bati ni Reign
“hehehe”
Nahimatay si Eli.
“Hayaan niyo na, nalilito pa siya sa ngayon. Hayaan niyong magpahinga.
Lordddddddddddddd kung nababaliw na ako please tama na. gusto ko na magkunwaring nahimatay Habang-buhay. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhh
Dear self,
Kaya mo yan, hindi ka baliw, hindi ka sira toktok labyu.
Nababaliw,
Ako
...................................................................
"Kelan kaya siya magigising noh? Ganyan ba nangyari sayo nong bago ka pa lang dito? " pagtatanong ni Reign
"Hindi e. Actually, siya lang ata yung halos mabaliw nung napunta dito. Balita ko sa pugon siya dumaan" sagot ni Gwen habang nagpupunas ng mukha
Iminulat ni Eli ang kanyang mga mata upang pagmasdan ang paligid.
"Nasaan ako?" tanong ni Eli.
"HELLOOOOOOOOOOO! Andito ka sa Aethertheos Sophos Academy. Ang lugar ng mga may dugong Aether. Dito na ang bahay mo, ang school mo habang-buhay! Ako nga pala si Reign at yung pagod na bumuhat sayo kanina, yun si Dianne Gwen perooo Gwen ang itawag mo sa kanya ‘wag Dianne bago ka niya mapaslang!" Masayang bati ni Reign kay Eli.
"Putchang boses yan Reign, ansakit sa tenga. Parang nalaglag na kaldero sa madaling-araw! " Pagrereklamo ni Gwen
"Sup, ako si Gwen, kamusta kalagayan mo? Mukhang nabaliw ka?" dagdag nito.
"Sinong ‘di mababaliw? Nanay mo gigisingin ka maagang-maaga. Sumisigaw at pinagmamadali ako. Naiwan ko pa mahahalagang gamit ko. Pinabanggit pa ako ng mga salitang nakalimbag sa braso ko. Nasunog pa ako sa ulingan na malaki. Naging madungis, pinagtawanan tapos pagmulat mo may mukhang engkantong nurse sa tabi mo! Sinong di mababaliw dun? " paliwanag ni Eli.
ELI'S POV
Totoo naman. Nakakabaliw lahat. isama mo na ‘tong babaeng to na nasa tabi ko na ang ganda at ang liit pero ang ingay.
Nakalaklak ata to ng Cobra na may Enervon na sampu.
"Hello ako si Ellianna Hyacinth, you can call me Eli." Medyo Awkward na pakilala ko.
"Nice meeting you room mateeeeeeee!" beso sabay hug ni Reign sakin.
Namiss ko bigla si Kish. Sana andito siya.
"Gusto mo ba kumain? halika dito" Pag-aaya ni Gwen
"ahm.. wag niyo sanang mamasamain.. maitanong ko lang, anong kinakain niyo dito? Normal food ba like people? Like uhmm.. normal human na gaya ko?.. If you don't mind lang"
Bigla napakunot ang aking noo sa pagtawa ng dalawa.
"HAHAHAHHAAAAAAAAAAAAAA"
"HAAHHAHAHAHHAHAH, medyo, nakakabrain damage ata yung pugon HAHAHHAHA" sabi ni Gwen sabay apir kay Reign.
"Ang gago niyo. Seryoso nga akooooooooo!" sigaw ko
Natigil sa kadaldalan sila at lumapit si Reign sakin.
"Sorry, duhhhhh HAHAHA... HA. sorry. malamang normal food pa rin. Tao rin kami. TAO TAYO may dugong AETHER nga lang." paliwanag ni Reign
"Dugo ko kasi Type O. "
Tama naman type O dugo ko. Kita ko pa yun nung nagpacheck up ako last month.
"Whooooohh.. okay okay.. Aether bloods are those people who has abilities and strong powers."
paliwanag ni Gwen
"And Aether are the remaining academy that has powers. Napaslang lahat ng ibang academy at kingdoms. Kaya tayo tinipon uli, so that we can equipped ourselves to protect our lives and our academy." dagdag ni Reign.
Natahimik ako..
Hindi ko alam kung totoo ba ito o may mga saltik lang sila. Pero deep inside, feeling ko totoo.
Wala namang masama kung susubukan kong manirahan muna dito at alamin ang totoo diba?
Dear Self,
Walang masama kung susubukan.
Sana hindi mental ang aking babagsakan
Nasisiraan,
Ako.