Story By Lyy_Villegas
author-avatar

Lyy_Villegas

ABOUTquote
Welcome to my imaginary world.
bc
THE LOVE UNTOLD
Updated at Oct 24, 2022, 08:22
Ito ang istorya ng dalawang taong nag-ibigan sa maling oras at pagkakataon. Mula bata pa, kahit hindi gaanong magkakilala ay pinagtatagpo na sila ng tadhana. Si Leon Bryle Tolentino at si Brea Villafuente ay pinagtagpo sa magkakaibang pagkakataon at pinag-ugnay sa iba’t-ibang oras upang magkakilala at matagpuan ang pag-ibig na para sa kanila. Sa kabila ng dalisay, halos perpekto at punung-puno ng pagmamahal ay pinaghiwalay sila ng kapalaran at takot. Takot na maiwanan mag-isa, takot na magkatotoo ag lahat ng nasa panaginip, takot na makasakit, takot na maging malabo at takot na tahakin ang kapalarang hindi handing lakbayin ng magkasabay. Maiuugnay pa kaya nila ang kanilang mga puso kung darating ang panahon na pagtatagpuin sila ng tadhana at pagbibigyang makanakaw ng oras at sandali sa isa’t isa? O mananatili na lamang itong parte ng istoryang mala-perpekto at nagtapos na.
like
bc
AETHER SOPHOS ACADEMY
Updated at Nov 23, 2021, 07:33
Ang storya ay iikot sa anim na kabataang pinagtagpo sa iisang paaralan at pamumuhay kung saan sila nararapat. Ang Aethertheos Sophos Academy ay isang paaralan at magsisilbing kanilang tunay na tahanan ay tinatawag nilang Querencia. Ito ay ang huling paaralan at tahanang itinatago ng mga Aether o mga taong may power abilities at may buong dugo ng Aether na naghahangad ng kabutihan. Sila ay nagtatago at nagpapalakas dahil sila’y hinahanap at pinupuksa ng Mephistopheles. Ang Mephistopheles ay mga tinakwil na taksil ng sinaunang kuro dahil sa kanilang mapaminsalang dark arts at masasamang balak. Sa dami ng paaralan na nangangalaga sa mga Aether at sa iba pang may abilidad at taga-taguyod ng kabutihan, halos di na sila matagpuan. Dahil dito, itinipon lahat ng natitirang may dugong Aether mula sa mundo ng normal na tao at sa buong island ng Querencia upang itrain ng sobra para maprotektahan ang huling paaralan at tahanan na meron ang lahat ng Aether. Maraming sekreto ang bumabalot sa paaralan maging sa mga tao rito. Sa pagpasok sa bagong mundo ni Eli, ano ang kanyang matatagpuan? Ano ang magiging kanyang kapalaran? Ano ang mangyayari sa kanyang buhay kapag nakasama na niya ang lima na makakatulong sa kanyang pagtuklas? Tama ba ang landas na tinatahak ni Eli o mas mabuting hinanap na lang niya sa normal na mundo ang kanyang mga magulang at kasagutan?
like