
Ito ang istorya ng dalawang taong nag-ibigan sa maling oras at pagkakataon. Mula bata pa, kahit hindi gaanong magkakilala ay pinagtatagpo na sila ng tadhana.
Si Leon Bryle Tolentino at si Brea Villafuente ay pinagtagpo sa magkakaibang pagkakataon at pinag-ugnay sa iba’t-ibang oras upang magkakilala at matagpuan ang pag-ibig na para sa kanila.
Sa kabila ng dalisay, halos perpekto at punung-puno ng pagmamahal ay pinaghiwalay sila ng kapalaran at takot. Takot na maiwanan mag-isa, takot na magkatotoo ag lahat ng nasa panaginip, takot na makasakit, takot na maging malabo at takot na tahakin ang kapalarang hindi handing lakbayin ng magkasabay.
Maiuugnay pa kaya nila ang kanilang mga puso kung darating ang panahon na pagtatagpuin sila ng tadhana at pagbibigyang makanakaw ng oras at sandali sa isa’t isa? O mananatili na lamang itong parte ng istoryang mala-perpekto at nagtapos na.

