CHAPTER 1

1035 Words
  “Lyssa, saan pala tayo gagala?” pagtatanong ni Brea.   “Sa may ville tayo pupunta, jogging lang tayo doon,” sagot ni Lyssa.   “Okay na ba kung nakapangbahay na suot lang ako?” pagtatanong ni Brea.   Naka pajama at napakalaking t-shirt kasi si Brea samantalang si Lyssa ay nakapalda at makulay na crop top.   “Ano ka ba okay lang ‘yan. Tara na!”   Naglalakad sila nang masaya sa ville. Habang nagtitiktok live si Lyssa, may batang kalye ang bumangga sa kanya.   “Hoy ate, akin na lang selpon mo” sabi no’ng bata.   “Bili ka,” pagtataray ni Lyssa.   “Hoy pstt. bansot, umalis ka dito,” pagtataboy ni Brea.   “Hoy, siga kayo ah, gusto niyo masaktan? Pre, halika dito may sigang p****k dito oh,” pagtawag no’ng bata sa kan’yang mga kaibigan.   “Lyssa, itago mo ‘yang cellphone mo bwesit ka. Kalma lang.” pabulong na sabi ni Brea.   Nagchat sa group chat ng mga kaibigan niya si Lyssa at nanghingi nang tulong. Agad na rumesponde ang kanyang kaibigan kasama na si Leon.   “Nasaktan ba kayo?” pagtatanong ni Leon.   “Ako hindi, ‘di ko alam kay Brea, siya yung humarap kanina,” sabi ni Lyssa.   “Ah. Ako? Okay lang po ako, gaga okay lang ako Lyssa,” sabi ni Brea.   “Mabuti. Anyways, Salamat pala. Guys ito pala si Brea, Brea ito si Ken and si Leon at ‘di ko na knows ang iba,” pagpapakilala ni Lyssa habang naglalakad sila pauwi.   “Ahh, hello. Una na ako, baka mapagalitan pa ako ni mama,” sabi ni Brea sabay umalis na.     ………………………………………………………….   3 years later   Ringggggggggggggggggggggggggggggggggggggggggg!   “Baklaaaaaaaaaaaaaaaa! Omayghad, magkaklase tayo! Look oh,” sabi ni Abby sabay hila kay Brea papuntang bulletin board.   “Oo nga noh, yieeeeee. May makokopyahan na kayo. Charot!” sabi ni Brea   “At sama-sama uli tayo sa colors martial! Eyyyy!” pagdiriwang ni Joy.   “Osya! Tara na, baka mahuli pa tayo sa klase!” sabi ni Brea. ……………………………………………………………………     “Goodmorning class, I’m Mrs. Santos and I’m your adviser for this year. I don’t want you to introduce yourself kasi masyadong gasgas na yun. Sa mga transferee na lang tayo maggagano’n. Okay, since we only have one transferee, please Mr. Tolentino, introduce yourself in the class.”   “Ahm, good morning everyone! I’m Leon Bryle Tolentino, you can call me Leon. Nice meeting you!” pagpapakilala ni Leon.   “Thank you Mr. Matikas este Tolentino, grabe ang liit pero akala mo mamaw dahil sa tikas ng boses. Pangarap mo magsundalo noh?” pagtatanong ng adviser ni kay Leon.   “Opo,” sagot nito.   “Ahhh, humanda na!” biglang matikas na sabi na’ng adviser nila kay Tolentino.   Nagtawanan ang lahat.     Brea’s POV   “Bored na bored na ako sa klase natin, Brea, pahiram naman ng w*****d books mo, baka may dala ka?” pagtatanong ni Joy.   “Wizards tale lang dala ko e, ito oh.”   “MAKE SURE NA IBABALIK AH?” dagdag ko.   “Gago naman, parang ‘di kaibigan. Syempre hindi na, char. Oo ibabalik ko.” sabi ni Joy.   Nakakailang book na kasi ako na pinahiram tapos ‘di binabalik. Sila pa umiiwas at nagagalit kapag sinabihan mong ibalik.   Nakakapikon lang, ilang pera inipon ko para makabili na’ng mga libro na ‘yon.   Ay teka, nasaan na nga ba si Abby?   “Bruha, nasaan si Abby?” pagtatanong ko kay Joy.   “Nasa CR, kanina pa nagcecellphone. ‘Di mapigilang magchat doon sa ka-internet love niya na nakilala niya sa neargroup,” sagot ni Joy habang pokus na pokus sa pagbabasa.   Ang gaga, inlove na inlove. Tsk. Mapuntahan nga.   “Abby? Uy Abby, gaga ka anong kaharutan yan? Gusto mo maconfiscate ‘yang phone mo? Bawal ‘yan ah?” paalala ko.   “Hindi yan. Magaling naman ako magtago e. Naaawa lang ako sa Hubby ko, may sakit siya ‘di ko siya maalagaan huhuhu,” pagdadrama ni Abby.   What The f**k???   “Mahal mo?” pagtatanong ko.   “SOBRAAAAAAAAA. ANG GUWAPO NIYA KAYA TAPOS MABAIT TAPOS INLOVE NA INLOVE SAKIN KAHIT MORENA AKO.” parang nagdi-day dream na sabi ni Abby.   “Alam mo, kahit Morena ka, maganda ka. Hindi basehan ang kulay, tangkad o timbang para masabing maganda ang isang tao. Tsaka, anong guwapo? mamaya scam ‘yan. “   “Anong scam ka diyan? Hindi kaya.”   “Anong hindi? Eh ayaw nga makipag-Video Call sayo. Sows” sagot ko.   Nako alam ko na kasi ‘yang mga scam na yan. Mga posers na ‘yan. Goodluck!   “Baka nahihiya lang.. Bahala ka na nga. Papasok na ako.” sabi sabay alis ni Abby.   Papasok na rin sana ako sa room kaso naalala ko na pinapatawag pala ako ni Mam Garcia kanina.   Dali-dali akong pumaroon sa Faculty.   “Mam Garcia, bakit po?” pagtatanong ko.   “Ms. Villafuente, I want you to be prepared for the next months kasi I know you are good at films and acting. Basta be prepared ha? I will call you again if concrete na yung plans for next months upcoming celebrations,” sabi nito saakin.   “Okay ma’am.” Sagot ko.   I know. Bida-bida ako. Gusto ko lahat ng competitions kasali ako. Gusto ko lagi nag e-excel.   Lagi kong pinupush ang sarili ko into pressure para mas maging magaling ako.   Para mas maabot ko ‘yong mga imposibleng bagay.   Mga awards and medals na sobrang hangad ko laging mahawakan at maangkin.   “Ay sorry,” nabangga ako ng isang..   “Uy Leon,” bati ko.   Kaklase ko pala ‘yong dating manliligaw ni Lyssa na tumulong samin ‘nong nasa kapahamakan kami.   “Uy Brea, sorry. Nagmamadali kasi ako e. Sorry,” paliwanag nito.   “Okay lang. Malakas ka sa’kin charot,” sabi ko.   Tapos tuluyan na akong umalis at bumalik sa room. Gano’n talaga ako, banat ng banat.   Malakas tama at iba pa.   Coincidence ah. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD