“Hindi ko inakala, binigay ni Bathala ang tamang oras at pagkakataon para bumalik ka sa piling ko, mahal ko. Halika’t isasayaw kita, hindi na ako mawawala. Itutuloy natin ang storyang binuo natin sa ilalim na’ng mga tala, sa gitna ng ulan at sa dulo na’ng bahaghari,” tumunog ang cellphone ni Leon habang kami’y nag-aaral ng Physics.
“Ang ganda naman ng kantang yan, Dyy.!” papuri ko.
“Ahh, Paraiso title niyan. Bakit, ‘yan ba gusto mong kanta kapag kinasal na tayo?” pagtatanong nito.
Namula ang aking pisngi at natuwa.
“Hmm.. Sa reception na lang ‘yan. ‘Di naman ‘yan ang theme song natin e.” sabi ko.
“Minamahal nga pala noh, ehem ehem..Tulaan na lang kita, kung hindi na ako makakita, mahahanap pa rin kita, kung hindi na ako nakakalakad, gusto ko nasa tabi pa rin kita..”
“Ikaw ang pag-asa sa bawat umaga, ikaw ang papawi sa sakit na makikita sa aking mga mata. Galing! Dugtungan pa.”
“At ikaw ang kapeng barako na nagpapatapang sa akin sa bawat sakit at hirap na nararanasan ko sa tuwina. Ang korni ata? HAHHAHAH pero Myy, kapag nakatapos na tayo, mayaman na tayo, papakasalan kita! Kahit magkahiwalay man, magkagulo atbp. ‘di ko alam, basta ang alam ko, mananatili ka sa puso ko.” sabi niya sabay hawak sa aking mga kamay.
"Iniirog kita."
"Iniirog din kita"
"Tara, bilisan mo na sagutan 'yan, ihahatid pa kita sa inyo. Ayokong mapagalitan ni Tita dahil ginabi ka."
.
.
.
.
" Sa wakas, andito na rin ako kasama mo, pero hindi ganto ang pinangarap kong sitwasyon para saatin mahal ko"