“Guys ‘wag na kasi kayong maingay. Ang hirap kasi maging President sa section na ‘to. Ang iingay, mga pasaway,” naiiyak na sabi na’ng President.
Usual classroom set-up. Iiyak ang President.
Boom nagwalk-out ‘yung President. HAHAAHAHAHAHHA.
Sino ba naman matutuwa sa section namin, sa likod may nagrewrestling, sa gilid may nagtatalian ng buhok, sa gitna may nag uuno cards, sa harap may nag bb-boy, sa upuan may nagtatayuan at nagbabatuhan, ‘yong iba natutulog sa sahig. Ito pa malupet, maya-maya may mga magtutunog hayop diyan. Akala mo Zoo room namin.
Mayghad, matatanda na kami pero gan’to pa rin kami.
Pustahan may mga magbibida-bida na naman na kaklase diyan na feeling officer at guidance counselor.
“Guys, WALA BA KAYONG RESPETO, BINOTO-BOTO NATIN AS PRESIDENT TAPOS ‘DI GAGALANGIN? ANONG KALOKOHAN ‘YAN. MATATALINO PERO WALANG MANNERS.” sigaw no’ng bida-bida kong kaklase na sipsip sa teacher.
See?
Ayan na bumalik na ‘yung President. Ayan na ‘yong mga hawi buhok and comfort girls. HHAHAHHAHAH.
Natutuwa ako sa gan’tong set-up.
If you are asking me kung anong ginagawa ko, well nanonood lang sa mga kaklase ko. Ang saya kaya.
“Guys! And’yan na si Sir.” sigaw ‘nung taga-look out samin.
“Good morning class.”
“Good morning Sir”
“Okay sit down. Ie-explain ko lang gagawin tapos lalabas na tayo. Mayroon akong ibibigay na mga activities sa Physical Education na dapat gawin including the Sit and reach, long jump at iba pa. Sagutan at gawin niyo ‘yan within 2 hours. Understood?”
“Yes Sir.”
“Go labas na!”
“Te pahingi pulbo,” panghihingi ni Joy sakin.
“Kunin mo, itago mo baka manghingi rin sila. Pang-ilang pulbo ko na ‘yan na nauubos within a day,” iritang sabi ko.
“Ok. GUYS MAY PULBO DITO KUHA LANG KAYO” sigaw ni Joy.
“POTANG---inaaaaa ka,” gigil na pabulong na sabi ko.
“Brea, pahingi.”
“Brea ako rin.”
“Brea baka naman”
“Breabells tenks”
Susungalngalin kita Joy. Tawa-tawa ka pa diyan ah. Sasabunutan kita.
Habang naglalakad pababa na’ng hagdan ay may tumawag sakin.
“Brea, ahm., nakakahiya, Maaari ba akong makahingi ng pulbo sa iyo? Naiwanan ko kasi ‘yong akin,” napakacute na pakiusap ni Leon.
“Ahhh. Go. Balik mo na lang.” sabi ko.
…………………………………………………………………………
“8,7,6,5,4,3,2,1”
“Kabila naman”
“1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 8, 7, 6, 5, 4, 3, 2, 1”
Taeng nakakapagod na Physical Education ‘yan. Almost two hours na tapos na rin ako sa lahat.
Nakakahiya lang, ako ‘yong pinakakaunting nagawang push-ups. Naka 10 lang ako.
Hindi ako obese, mahina lang talaga muscles and bones ko for that.
“Guys, gather here, tawag tayo ni Sir,” sabi ng umiyak naming President kanina.
Juskooooooooooo ‘di pa rin ba tapos??????????????????
“Students, Good Job for today. For next meeting, I want you to perform a Zumba dance. I made a bunutan para hindi na kayo mahirapan. Secretary, please let them get one and find their groupmates in a count of 30,”
“29”
“Syete! Anong group mo Joy? 2 ako” pagtatanong ko.
“Group 2 din ako” sabi ni Abby.
“Group 2 din akooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooooo!” sabi ni Joy
POTAAAAAAAA ang sakit sa tenga.
“Uy, group 2 din kami nila Randy, Justin at Miggy “ sabi ni Leon
“Okay good. Complete na tayo.” Sabi ko
“Sir okay na po kami. “ Sabi ni Randy
“Ahm bukas sa likod ng building annex tayo magpractice, 8 am sharp bawal late. MAPAPATAY. Thanks” sabi ni Abby.
“Okay. See you!” sabi ko.
‘Nung pabalik na kami sa room, nagrecess na agad kami ni Joy.
Anyways, if you are asking kung frenny pa rin kami ni Abby, oo naman.
Kaya lang ‘di namin siya laging kasama kasi lagi siyang nagcecellphone sa comfort room para makausap or makachat yung bebe niya na mukhang poser.
“Pautang naman, gusto ko bumili ng siomai rice, kulang ako ng lima.” paghingi ko kay Joy.
“Eh! Wala nga akong pera eh! Uy papa Leon pautang daw si Brea ng lima kulang daw siya pambili ng siomai rice HAHHAHAHHA”
Potangina ka JOY TANGINAAA KA.
“Uy hala hindi, mema ‘tong si Joy” sabi ko
“Ito oh.”
Nagulat ako ‘nung inabot niya sakin ‘yung lima.
“Hala hindi oka-------” tinakpan ni Joy ang bibig ko.
“SALAMAT DAW! MAARTE LANG ‘TONG PULUBI KONG FRENNY BABYEEEEEEE” sabi ni Joy sabay kuha sa pera at hila sakin sa siomai rice stall.
“Ang pota mo. Nakakahiya na nakakapikon ka.” inis na sabi ko.
“Sakin? Maiinis ka? HAHAHAHAHAHAH” pang-aasar niya
Alam niya kasing ‘di ko kaya kasi kapatid na turing ko sa kanya tsaka okay na rin noh, atleast makakabili na ako siomai rice HAHAHHAHAHHA.
‘Wag tanggihan ang grasya ng maykapal. AMEN!
……………………………………………………………………………….
Matapos ang buong klase at masaya naman akong nakauwi sa bahay. Higa at tulog kaagad.
Mahina kasi talaga katawan ko kaya need ko kaagad ng pahinga bukas walang pasok pero may practice pa kami.
Pagkagising ko, akala ko umaga na ‘yon pala gabi na. Mayghad haba na’ng tulog ko.
“Ma, sorry ‘di ako nakatulong sa gawaing bahay” sabi ko kay mama.
“MAGLABA KA BUKAS HA! PURO KA HIGA PURO KA CELLPHONE WALA KA NA GINAGAWA!” sigaw ni mama
Hindi naman ako nag-cellphone ah.
“Okay po ma,” ‘yon na lang nasabi ko.
"Feels like I'm walking in the rain, I found myself..."
Hays, ang aga naman nag-alarm ng phone ko, ano bang meron today?
FUDGEEEEEEEEEEE alas-siete na. Naalala kong may groupings pala kami today shete.
Bawal pa naman malate.
Agad akong tumalon sa kama at tumakbo sa comfort room.
Inorasan ko ang aking kilos by 15 minutes para mabilis.
Shooottt, lagpas 5 minutes.
After 20 minutes nakakilos na ako at bumaba na’ng kwarto.
"Ma, may groupings kami. Late na po ako hindi na muna ako kakain ng almusal," sigaw ko dahil nasa kusina si mama at nagpiprito baka hindi niya ako madinig.
"Ha? ito baunin mo na lang at huwag kang kumain kung saan-saan," sabi ni mama sabay lagay sa bag ko ng baunan at tubig.
"Salamat ma, alis na ako," sabi ko sabay takbo pasakay ng tricycle.
Shet 30 minutes na lang malalate na ako.
After 10 minutes nakarating na ako sa Annex B kung saan kami mag-gogroupings.
Wala pa pala sila. Shet, nagmadali pa ako. Kinain ko muna 'yong pinadala saaking baon ni Mama.
"Brea! Kanina ka pa rito?" pagtatanong ni Leon pagkarating niya.
"Oo, dito na rin ako nag-almusal. Akala ko kasi andito na kayo lahat, one minute na lang at mag 8 na. Ikaw lang ba?" pagtatanong ko habang may kanin sa bibig.
"Hindi, andito na rin sila Randy, Justin at Miggy," sabay sulpot ng tatlo sa likod na bising-busy sa paglalaro sa cellphone.
"Hello guys sorry I'm late," sabi ni Abby.
"Okay, si Joy na lang aantayin, 8:15 na," sabi ko.
"Habang wala pa si Joy, plano na tayo ng gagawin Brea. Ano bang music natin?" pagtatanong ni Leon saakin.
"Hindi ko nga alam e, alin ba 'yong kantang hindi na need masyadong gawan ng steps at alam ng lahat?" pagtatanong ko.
"BUDOTS!"
"BUDOTS!"
"BUDOTS?"
"MATERIAL GIRL,"
Sabay-sabay nilang sabi sabay lingon sa naiibang suggestion na si Abby.
"Duh, kababae kong tao tapos magbubudots ako, mayghad," maarteng sabi ni Abby.
"Oh sige, sa kan’ya ang masusunod basta siya gagawa ng steps within this moment kasi bukas na ito ipeperform," sabi ni Leon.
"Tama!"
"Tama"
"Trueness"
Sabay-sabay na sabi ng mga ugok na busy sa cellphone.
"Okay," sabi ko.
"Okay din, gagawa muna ako steps," sabi ni Abby.
Leon's POV
Dapat budots na lang e para mabilis matapos itong practice. Maglalaro pa kami ng Call of Duty sa PC mamaya.
Tinitignan ko si Abby na bising-bisi sa paggawa ng steps. Sige, bida-bida pa more.
Biglang nahagip ng aking mata si Brea na tawa na’ng tawa kay Abby habang gumagawa ito ng steps. Sobrang natural ng tawa niya. Sobrang puti niya pala, medyo chubby at kapag tumawa lalong sumisingkit ang kanyang mga mata.
Pero mas maganda si Lyssa ko, since elementary mahal ko na iyon, pumayag nga iyon na manligaw ako sa kanya for 5 years, hatid-sundo ko iyon. Tapos noong nagfirst year high school kami, pinatigil niya ako sa panliligaw. Ang sabi niya magfofocus na muna daw siya sa pag-aaral. After a month, sila na pala 'nong pogi na kaklase ko.
Pero okay lang, sino ba naman ako? n***o, maliit, may pasa sa dibdib, kulot. Walang-wala ako sa syota niyang matangkad, tan 'yong kulay, matalino at sikat.
Ang pangit nga noong una, kasi kaklase ko siya pero nagkausap naman na kami.
(Flashback)
(Lyssa Nicole Santin: Sorry Leon, sa mga nagawa ko before. Medyo nagugustuhan naman na kita before kaya kita pinaligaw. Sorry kasi nawalan ako ng gana kaya kita pinatigil and noong nakilala ko si Anthony, sobrang nabago niya ang buhay ko.)
(Leon Bryle Tolentino: Okay lang Lyssa, masaya ako at napapasaya ka niya. Huwag kang mag-alala hindi ako galit sayo. Mag-iingat ka lagi at maging masaya, andito lang ako. Hindi mo ko need iwasan sa room kung maging magkaklase tayo. Treat me as your childhood friend again.)
(Lyssa Nicole Santin: Oo naman Leon, walang magbabago sa pagiging magkaibigan natin. Salamat.)
(Leon Bryle Tolentino: Salamat din)
Log out
(Music Play: Upside Down 6cyclemind)
(End of Flashback)
"Leon? Okay ka lang? Kanina pa kita kinakausap tulala ka sa kawalan," nagulat ako ng marealized na nasa harapan ko na si Abby at kanina pa pala niya ako kinakausap.
"Ahh, sorry may naisip lang. Ano ulit 'yong sinasabi mo?" tanong ko.
"Kung pwede remix na lang, from umpisa to chorus 'yong material girl tapos sunod nun is freestyle ng budots na ikaw ang magtuturo," sabi ni Abby.
"Actually, kayo ang magtuturo ni Abby," sabi ni Brea.
"See, nahirapan ka noh? HAHAHAHHA. Sige lang," sabi ko.
Nagulat kaming lahat ng biglang bumukas ang pinto.
"Sorry guys late ako, sa susunod ulit," si Joy dumating na.
"Guess what? 9:30?" nakasarcastic na ngiting sabi ni Brea.
"Parusahan na 'yan," pang-aasar ni Miggy.
"Mama mo, tara na nga simulan na natin, libre ko na lang kayo ice tubig mamaya," sabi ni Joy.
"Five, six, seven eight."
Tuloy-tuloy na ang practice namin hanggang sa naging maayos na at nag break-time na kami.
Brea's POV
Hay shet buti natapos din ang practice.
"Asan na paice-tubig mo Joy?" pagtatanong ko.
"Ito na nga bibili na nga e," umalis si Joy at pinasamahan ko siya sa mga boys para mabilis.
"Abby, kamusta okay ka na?" pagtatanong ko.
"Okay naman ako, okay na kami ng bebe ko. Nag-away kasi kami kagabi," sabi niya saakin.
"I see, kaya pala namamaga ang iyong mga mata,"
"Halatang-halata mo talaga?" pagpapanic na sinabi ni Abby sabay tingin sa salamin.
"Hindi lang halata, ramdam ko pa. Syempre kaibigan kita e." sabi ko.
"Oh, ito na pala sila" sabi ko ng makita silang papasok na sa room.
"Pahingiiiii"
"Tara picture tayo guys," pag-aaya ni Leon.
Ang dami naming shots. Para kaming mga ngayon lang nakapagpicture. HHAHHAHAHAA.
Nagbakla-baklaan pa sila at kaming tatlo naman ay nagpaphotoshoot as besties forever.
"Oh, anong oras na uuwi na ako, may klase pa ng maaga bukas. Make sure na dala niyo ang mga PE uniforms niyo bukas at galingan natin tommorrow okay?" paalala ko.
"Sige babye guys," paalam ni Abby.
Lahat kami'y nag-paalam na.
Umuwi na rin ako sa bahay dahil may handaan ngayon doon. Birthday ni Papa.
Masayang-masaya ako today kasi kompleto ang aking family. Kahit may araw na nag-aaway ang aking parents, atleast nagkakasundo sila.One goal na lang need ko which is masama sa simbahan ang aking papa.
(Leon Bryle Tolentino sent friend request)
(Miguel Sebastian sent friend request)
(Randy Jein Santos sent friend request)
(Justin Habanez Jr. sent friend request)
Accept.
Sana maging friends ko sila, mas masayang kaibiganin ang mga lalaki kasi most of them hindi plastic and masasaya ang adventures with them.
Maliban sa dalawa kong pinakabestfriend, syempre ramdam ko naman na hindi sila plastic e.
Since elementary bestfriend ko na si Abby while si Joy ay 'nong third year highschool ko lang naging bestfriend. We always laugh and laugh kasi sa asaran atbp. Lagi kaming magkakasama sa Colors, CAT, Journalism, Officers or Club Officers at mga competitions.
Sana magtagal kaming tatlo hanggang sa pagtanda. Ang saya kaya sa pakiramdam na 'yong kaibigan mo mula bata ay kaibigan mo pa rin hanggang sa ikaw ay macollege, magtrabaho, ikasal at tumanda. Never kong pinagdudahan ang pakikitungo nila saakin kahit na laging libre ang sagot para pakisamahan nila ako or fame ang sagot para samahan nila ako.