Brea's POV
Excited akong pumasok sa school today. Performance kasi sa Physical Education Class namin na Zumba ang naeexcite akong magpakitang gilas at ipakita na magaling akong sumayaw.
"Abby, Joy, ready na ba kayoooo?" sigaw ko ng makita sila na papalapit saakin habang ako'y papasok pa lang ng gate.
"Tae, kinakabahan nga ako e, sila Leon nagpiprepare na sa taas," sabi ni Abby.
"Bakit ka naman kakabahan, simpleng-simple lang naman ang gagawin. Sasayaw lang tapos ngiti. Si sir at mga pangit lang na kaklase natin ang manonood duhh," sabi ni Joy.
"Anong pangit na mga kaklase? sa school grounds daw magpeperform, maraming dumadaan doon, maraming chismokers duuhh, nakakahiya," sabi ni Abby.
"Kaya niyo 'yan. Kaya natin ito, let's go!" pag-aaya ko.
Pagkaupo ko, pinuntahan ko kaagad sila Leon at tinanong kung ready na sila.
"Syempre, baka bakstretboyz to HAHAHAHHAAH" pabirong sabi ni Leon.
"Nice, tara na" pag-aaya ko na bumaba papuntang school grounds.
"Ready na ba kayo? bunutan muna ng groups kung sino ang mauuna, mga representatives pumunta na kayo rito sa harapan at bumunot," sabi ni Sir.
"Ako na bubunot," pagpipresenta ni Leon.
Bumunot na siya at nawindang ang kanyang mukha. Nang ipakita niya saamin ang kanyang nabunot ay nawindang din kami.
"UNA TAYO!"
"UNA TAYO?!"
"UNA???"
"LET'S GO" biglang sabi ko para mabasag ang kaba at gulat nilang lahat.
Eyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy! You can do this Brea.
Napalingon ako kay Abby at nginitian siya at kay Leon sabay ngiti.
(MUSIC PLAYS: MATERIAL GIRL/BUDOTS)
"WHOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOHH!"
"GO ABBY!"
"ABBY LOVE LEON!"
"BREAAAAAA IHATAW MO PA HAHAHAHAHAH"
"GO GUYS!"
Sigawan nila.
Hays natapos din! Whoohhh! nakangiti akong umupo sa bench at uminom ng tubig.
"Ang galing natin!" bati ko kay Leon sabay apir sa kanya.
"Kung 'di dahil sa inyo ni Abby, hindi tayo makakasayaw ng maganda. Salamat sa inyo," dagdag ko.
Leon's POV
Tapos na ang sayaw namin, umupo ako sa pangalawang bench.
Biglang lumapit saakin si Brea.
"Ang galing natin!" bati saakin ni Brea sabay lahad ng kanyang palad para mag-apir.
"Kung 'di dahil sa inyo ni Abby, hindi tayo makakasayaw ng maganda. Salamat sa inyo," dagdag niya.
Natuwa ako sa ngiti niyang sobrang natural. Oh s**t, nevermind.
"Oo, ahm syempre, lahat tayo nagtulong-tulong at nagpractice maigi para doon e," sabi ko.
Tumango at ngumiti lang siya sabay alis.
"Boss Tolents, okay ka lang?" pagtatanong ni Miggy saakin.
"Oo naman, medyo napagod pero masaya lang dahil tapos na ang performance," sabi ko.
"Second group na, tara upo na tayo," pag-aaya ni Joy.
"Ang ganda talaga ni Sunshine, kung guwapo lang ako niligawan ko na iyan," bulong ni Miggy.
"Wala e, ito lang tayo, pero maniwala ka sa sarili mong soon gaguwapo ka at may tatanggap saiyo," sabi ko.
"Nuks naman boss Tolents, inlove ka na naman ba?" pagtatanong ni Miggy.
"Hindi ah," mabilis kong sabi.
Natapos na ang aming PE class. Nagdadaldalan kaming lahat na bumalik sa classroom.
Eli's POV
"Good morning everyone! Please Sit down, this month is a perfect month for preparation para sa magaganap na Creative Month. Nag-iikot ikot ako sa bawat section to ask kung sino ang mauy gustong sumali sa Dub Competition.. Ganito ang mangyayari, you will group yourself into 10 or less and you will record and edit your voices to dub the movie entitled, Inside Out. Strictly no professional editor. It should be edited by your team only," paliwanag ni Ma'am.
Ohhhh this is my genre. Ackk, sinong isasali ko, alangan ako lang mag-isa.
"Chloe, gusto mo sumali?" pagtatanong ko.
"Ayoko, dagdag gawain lang iyan," sagot ni Chloe.
"Sino pong gustong sumali, please paki-write ang inyong mga names sa isang paper and submit it to me mamaya okay? Thank You and God Bless," sabi ni Ma'am.
"Joy! Sasali tayo nila Abby ah?" sabi ko.
"Eh, tatlo lang tayo e, kahit maging anim man lang para makapasok talaga tayo," sabi ni Joy.
"Wait magrerecruit ako," sabi ko.
Sino bang mababait? ackkk.
"Hello guys, sino pong gustong sumali sa Dub Contest," pagtatanong ko sa lahat.
"WALA"
"Eh, dagdag gawain lang iyan"
"Kaya mo na iyan,"
"Ayoko"
"Katamad"
Nanlumo akong umupo sa upuan ko.
"Ano, wala?" pagtatanong ni Abby.
"Wala eh."
"Brea, kami ni Miggy sasali. Saan ko ililista ang pangalan ko?" pagtatanong ni Leon.
Yesss!!!! Makakasali kami!
"Ako na maglilista, anong full names niyo,?" pagtatanong ko.
"Leon Bryle G. Tolentino tsaka Miguel Santos," sagot niya.
"Ako rin, June Arjo Salazar," natuwa ako bigla.
"Anim na tayo!" sabi ko kay Joy at Abby.
"Let's Go!!!!!!" masayang sabi nila.
"Saka na natin pag-usapan ang mga mangyayari after namin magpasa ng papel kay Ma'am.."
"Ma'am Lastimosa kasi." sabat ni Joy.
"Oh sige, chat mo na lang kami Brea," sabi ni Miggy.
"Add kita mamaya Brea sa f*******:," sabi ni June.
"Oh sige," sabi ko sabay tango.
Nagklase na kami.
.
.
.
Pumunta na kami ni Joy at Abby sa Faculty at binigay ang list ng names ng sasali.
"Okay, from what section are you?" pagtatanong ni Ma'am Lastimosa.
"Section Shakespear Ma'am," sagot ko.
"Okay, so here's the paper and it contains the rules and instructions. The deadline of the dub clip is on the first week of next month so we are expecting na gagawin niyo na agad ito right at this moment. I am rooting for your section since kasali ka at kasama niyo si Brea. She is know to be the best theater artist before. Goodluck Guys!" pagbati ni Ma'am Lastimosa saka umalis.
Pagkalabas namin ng faculty ay agad kaming nagulantang sa nabasa sa rules and instructions.
"Mayghad, akala ko pa naman mahabang-mahaba ang preparation time, next-next week na pala pasahan nito," reklamo ni Joy.
"Kaya dapat simulan na natin kaagad," sabi ni Abby.
"Meeting tayo mamaya," suggestion ko.
Matapos ang buong klase ay iniyaya ko sila Abby, Joy, Miggy, Leon at June na magmeeting.
"Kailangan na natin siyang simulan as soon as possible kasi mahirap pa ata iedit ito," sabi ni Abby.
"Kaninong bahay ang bukas for us para magpractice?" pagtatanong ko.
"Ay ekis bahay namin, maliit lang baka sa tabi ng aso ko kaya paupuin HAHAHAHH," pagbibiro ni Joy.
"Huwag sa bahay kasi marumi tapos ahm. magulo at iba pa," pagdadahilan ni Abby.
"Hindi rin pwede sa bahay e," sabi ni June.
"Sa bahay na lang namin, alam niyo naman ata. If hindi kita-kita na lang tayo sa 2nd street," sabi ni Leon.
"2nd street? Malapit lang bahay niyo doon? Malapit lang din kami doon," sabi ko.
"Medyo malapit," sagot niya.
"Ahh. Anyways ako na gagawa at magpapaprint ng script na idu-dubbed natin na Inside Out. Bukas na tayo magdecide kung sinong characters ang ating ipoportray," paliwanag ko.
"Sige,"
"Okie Dokie,"
"Oh sige,"
"Sige na goodbye everyone, ingat sa pag-uwi," paalam ko.
Kan’ya-kan’ya na silang alis at uwi. Papunta naman ako sa computer shop para gumawa ng script.
Ending, nag garena lang ako AHHAHHAHAHHAHAAH. 'Nong 10 minutes na lang ang natitira sa nirent kong 2 hours, saka ko ginawa ang script.
Angas. Anyways mabilis naman ako mag-isip at gumawa ng script kaya no problem.
Uuwi na ako. Uwian namin 12:30 ng tanghali tapos 3 na na'ng hapon. Patay.
After 10 minutes nakauwi na rin ako sa bahay.
Nakita kong umuusok ang mata na’ng nanay ko kaya inunahan ko na.
"Mama galing akong computer shop gumawa ako ng script para sa sasalihan kong competition. Wala naman tayong computer dito kaya hindi ka pwedeng magalit tsaka hindi ako nakapagchat or text kasi wala akong cellphone," sabi ko sabay ngiti.
Medyo nawala ang baga sa mata na'ng nanay ko. Mukhang nakumbinse ko naman.
"Oh sige, bibilhan kita ng cellphone kapag okay na iyong mga dapat ko munang bayaran. Kumain ka na ba? May pagkain diyan sa lamesa," sabi ni Mama.
"Sige po!" masaya kong sabi.
Gutom na gutom na kasi ako.
Leon's POV
"Ma, dito kami maggogroupings sa mga susunod na araw dahil may sasalihan akong competitions," paalam ni Leon.
"Kasama mo ba si Ate Lyssa kuya? Ayieeee," pang-aasar ng kapatid ko.
Alam kasi ng pamilya ko na matagal ko na'ng mahal si Lyssa. Hindi ako nagsesekreto sa kanila tungkol sa feelings ko. Kahit lalaki ako, sobrang close ko nga sa mama at papa ko maging sa mga lola at lolo. Close rin kaming lahat ng mga pinsan ko kaya't alam nila kung gaano ako kabaliw dati kay Lyssa.
Pero ngayon masaya na ako para sa kanya. Siguro naman bagong opportunity na sa akin para sumaya naman. Hindi ako sad boy ah? Baka isipin niyo.
"Hindi tsaka mga bagong kaibigan ko sila," paliwanag ko.
"Oh sige anak," sagot ni mama.
Sobrang bait sa akin ng aking mama kaya hindi ko talaga kayang suwayin siya pero..
May isa lang siyang hilling na hindi ko alam kung masusunod ko.
Ayaw niyang magsundalo ako. Matagal ko na'ng pangarap iyon maliban sa pagiging Architect kaso wala e.
Sana soon pumayag siya.
"Akyat na muna ako mama, papahinga pa ako," sabi ko.
Agad akong umakyat sa aking kwarto at naglinis dahil simula bukas ay dito na kami maggogroupings.
"Hoy James, umalis ka muna dito at maglilinis ako. May mga bisita akong kaklase simula bukas at dito kami maggogroupings," sabi ko sa kapatid ko.
Bali- tatlo kaming magkakapatid at nasundan pa nga ng isang baby bali- apat na.
Masaya kaming pamilya, magkakaayos na kamag-anak, nagbobonding pa nga kami. Sa buong street na ito magkakatabi or nasa paligid lang ang aming mga kamag-anak.