Brea's POV
Shett late na naman ako pumasok, makakatay na talaga ako na'ng guard e.
Omayghad. Buti na lang wala yo'ng guard.
Humarurot ako ng takbo matapos kong makita na walang guard sa gate. Ackk! 4th floor pa room namin. Let's go! Harurot sa takbo e.
"Jusmeyo, mabuti at wala pa si Mam," sabi ko sa sarili ko.
"Gaga, bakit pawis na pawis ka? Ang aga- aga marathon ka agad ang gusto mo," pang-aasar ni Joy.
"Akala ko kasi late na ako, anyways may assignment ka sa English? Pakopya ako, papakopyahin kita sa susunod," sabi ko kay Joy.
"Oh, ito kinopya ko lang iyan kay Leon. Mabuti at mabait ang tao. Dalian mo," sabi ni Joy.
"Shet, wala akong ballpen, pahiram muna ako," sabi ko.
Bakit naman kasi nalimutan ko mag-ayos ng gamit kagabi? Nasobrahan kasi panonood ko ng movies kaya ayan, late.
"Jusko teh, nag-aaral ka pa ba? Bakit wala kang kagamit-gamit? Wala na akong gagamitin," sabi ni Joy.
"Pahiram lang saglit, bibili ako mamaya," sabi ko.
Pinahiram niya ang ballpen niya at mabilis kong kinopya ang sagot.
Matalino naman ako kaso wala akong sa mood mag-isip dahil second subject yo'ng English at wala na akong time mag-isip. Next time, hindi na ako magbababad manood hanggang midnight.
Natapos na ang first and second subject namin na hindi ko namamalayan. Alam niyo yo'ng pakiramdam na parang lumulutang ka, nakamulat ka pero hindi mo naiintindihan ang paligid? HHAHAHAHAHHAH puyat pa self.
Ayoko na talaga mag-puyat.
"Brea, mamaya groupings sa bahay pagka-uwi ah? Kain muna kayo saglit sa mga bahay niyo tapos kita-kits sa 2nd street," sabi ni Leon.
"Sige," sabi ko.
Natulog lang ako buong recess. Wala akong sa mood magkakain.
Bumaba na kami sa old building first floor para mag-take na'ng physical education subject.
Habang nagbubugbugan, nagdadaldalan at nagkakantahan kami sa room ay nakita namin sa corridor na dumaan ang teacher namin sa physical education at dire-diretso lang siya. Ang mga ulo namin ay sinundan lang siya ng tingin. Mga 1 minute ang nakalipas biglang narealized namin na bakit wala kaming ginawa. Hindi man lang namin siya tinawag.
Tumayo ang President sa harapan.
"Shet, bakit hindi natin tinawag si ma'am? Baka pumunta iyon sa new building sa fourth floor. Yari tayo guys," nag-aalalang sabi ni President.
"Sino bang favorite ni ma'am sa atin, siya ang sumundo kay ma'am para hindi masyadong magwala," suggestion ng vice president.
"Si June tsaka si Gab," sigaw nila.
"Oh sige na sund--" hindi na nasabi ni President ang kanyang sasabihin dahil tumakbo siya papuntang upuan niya na'ng makita niyang papunta na sa room si ma'am at galit na galit.
Potek na section 'to.
"WALANG HIYA KAYO, DUMAAN NA AKO RITO MGA PUNYETA TAPOS HINDI NINYO AKO TINAWAG? MGA HAYOP BA KAYO? UMAKYAT PA AKO SA NEW BUILDING FOURTH FLOOR! BWESIT! ANONG KALOKOHAN ITO? PINAGKAKAISAHAN NIYO AKO? TATAWAGIN KO ADVICER NIYO," sigaw ni Ma'am sa amin.
"Ma'am hindi po namin kayo napansin, sorry po," sabi ni Gab.
"HINDI NAPANSIN, MGA BULAG BA KAYO? DAHIL SA KALOKOHAN NIYO KUMUHA KAYO NA'NG PAPEL AT MAG-EEXAM KAYO DOON SA LABAS SA MAY INITAN. DALI!!!!!!!!!!!!!!!!!" sigaw ni Ma'am.
Shett! nakakatakot si Ma'am.
'Yong iba kong kaklase natatawa pa.
"ISA! DALAWA! LABAS!" sigaw niya.
Kasalanan ba namin na nalimutan niyang dito kami tuwing physical education class? Bakit nagagalit siya sa amin?
Ending, hindi makapagkopyahan dahil layo-layo kami sa isa't isa. Sa may daanan pa kami pinuwesto hindi sa gymnasium. Sobrang tirik pa ang araw.
Natapos ang exam at nagsorry kami kay ma'am. Na'ng umalis na ito ay biglang nagtawanan at nagsisihan ang mga kaklase ko.
"HAAHAHAHAHA HUWAG GALITIN BAKA SA INITAN PAG- EXAMIN," sabi ni Gab.
"HAHAHHHAHAHA, bakit parang kasalanan namin, parang kasalanan namin?" pag-aacting ng kaklase kong bakla na si Eddie.
"HAHAAHHAHAH GIGIL NA GIGIL," dagdag ni Miggy.
Nakakatakot naman kasi si Ma'am. Anyways isang subject na lang at uwian na.
Matutulog muna ako habang wa----
"Magandang umaga," bati no'ng teacher ko sa Filipino.
Ackkkk. Bakit naman dumating agaddddddddddd!
Leon's POV
Kanina ko pa napapansin na parang antok na antok si Brea sa klase. Masyado siguro siyang napagod sa kapaplan ng scipt and everything.
Naaawa tuloy ako. Dapat kasi hindi lang leader kumikilos. Mamaya, ako na magreremind sa mga kamembers ko na pumunta on time.
After ko magpasa ng lathalain kay ma'am ay dumaan ako malapit sa upuan ni Brea para sana tanungin kung kaya niya mamaya kaso ayun, tulog siya.
Uwian na, napasilay uli ako kay Brea at mukhang nakabawi na siya ng tulog dahil nakikipag- batuhan na kay Joy.
"Hoy Miggy at June, walang malalate mamaya ah?" paalala ko.
"Copy boss Tolents,"
"Okay boss,"
Umuwi na kaagad ako sa bahay para makakain at makakilos agad.
Pagkatapos ko kumain nagpaalam na ako kay Mama na susundin ko sila.
"Ma alis na ako, intayin ko sila jaan sa 2nd street," sabi ko.
"Sige 'nak," sabi ni Mama.
Pumunta na ako kanila June at Miggy. Nasa 2nd street na kami sa may tulay at inaantay namin sila.
Maya-maya ay may nakita na akong tatlong babae sa malayo na papunta sa amin. Yo'ng isa alam kong si Abby na iyon kasi Morena, yo'ng nasa gitna na sobrang puti at nakacap, nakamalaking tshirt at jogging pants, sino iyon?
Brea?!?
Buang Leon.
Nakangiti siyang pumunta sa amin at tumingin sa mata ko.
"Sorry, medyo nalate kami, ang bagal kasi kumilos ni Joy," sabi niya.
Innocent Eye..............
"Oh. Okay lang hahahhaa, tara na," sabi ko.
Buang ka Leon.
Brea's POV
Andito na kami sa bahay nila Leon. Normal shelther for average people. Hindi sila sobrang yaman at hindi rin sobrang hirap.
Nagsimula na kaming magpractice ng script namin.
Si Joy as Joy.
Ako as Riley
Abby as Disgust
Leon as Anger
Miggy as Fear
June as Sadness
"Okay na, aralin na lang iyan tapos try natin sabayan,"sabi ko.
Matapos ang practice ay nag-aya sila na magkwentuhan.
Kwentuhan lang ang nangyari buong hapon.
"Uy anong oras na, uuwi na kami," paalam ni Abby.
"Ay oo nga, bukas na lang uli. May pasok pa tayo bukas," sabi ko.
"Oh, sige. Bukas practice tayo tapos record na natin iyan," sabi ni Leon.
"Gegege!" sabi ni Joy na puro cellphone.
"Sana manalo tayo, kapag manalo tayo dito, sana sumali pa rin kayo sa ibang competions na sasalihan namin," sabi ko.
"Mayroon pa bang mga competitions na paparating?" pagtatanong ni Miggy.
"For sure marami pa iyan," sabi ni Abby.
"Thank you sa inyong lahat, masaya ako at may new friends kami," sabi ko.
"Kami rin," sabi ni Leon.
"Sige na aalis na kami,"paalam ni Abby.
"Tita aalis na po kami maraming salamat po," paalam ni Abby na'ng makababa na kami.
"Thank you po!"
"Thank you po!"
"Babye Thank you po!"
"Thank you!"
"Salamat tita!"
Sabay-sabay naming paalam.