CHAPTER 5

2039 Words
Brea's POV Nakalipas ang isang linggo na lagi kaming nagprapractice. Madalas nauuwi sa daldalan at galaan. Bukas na pasahan nito kaya magoovernight kami mamaya kila Leon.  Nakakahiya nga na lagi kami andoon kila Leon pero okay lang naman siguro kaysa naman sa tabi-tabi lang kami.  "Leon, saan natin irerecord?" sabi ko. "Sa phone ko na lang," sabi niya. "Kinakabahan ako, may mga malulupet silang equipments and editing skills. Sana manalo tayo," nag-aalalang sabi ko.  "Kaya natin iyan Brea. Kahit hindi professional editing natin, kahit wala tayong maaangas na equipments kung ibubuhos natin lahat pati ang ating buong emotions na parang tayo talaga ang gumanap, mananalo tayo," sabi nito.  Ngumiti lang ako.  Bumalik na ako sa upuan ko dahil dumating na ang advicer namin. Sheeeeeeeeeeeeeeeeeeet! Reporting pala namin ngayon. Napalingon ako kila Joy na nanlaki ang mata ng nagtanong si ma'am kung sino ang group 1. "Ma'am sila Gab po ang group 1. Group 2 naman po si Leon , Group  3 po sila Fate, Group 4 po sila Brea for this day po," sabi ng President namin.  Ay buti group 4 tayo. nakahinga kami ng maluwag dahil alam naming matagal pa kami at hindi aabutin ng oras.  "Okay, group 1. You may now begin," sabi ni Ma'am.  "Ma'am, wala po ang lahat ng group 1. Pinatawag po kasi sila sa Office for preparations in Club po," sabi ni President.  POTA! "Okay group 2 na tayo. Mr. Tolentino, proceed," sabi ni Ma'am.  Halatang prepared sila. Nagsimula na maghanap ng bond paper sila Joy at Vien tapos ako naman nagsimula na ako magkabit ng bond paper para maging kasing laki ng manila paper.  Tinawag ko si Leon.  "LEOOOOONNN, PSSST" bulong ko.  "LEONNN," sa wakas narinig niya rin ako at lumingon siya sa akin.  "Tagalan niyo, labyu!" sabi ko.  Ay pota bakit ko sinabi iyon? HAHAHHAHHA baliw na ata ako.  "Okay boss," sabi niya.  Binagalan nga nila hahahhahaha. nagpaandar sila ng maraming explanation at natapos ko lahat ng susulatin ko sa manila paper. As always, ako mageexplain sila maghahawak at magbabasa.  "Thank you!" bulong ko ng magtagpo ang aming mga mata ni Leon.  Nag 'okay sign ' siya.  Natapos na ang reporting.  Mula sa pinagkabit-kabit na bondpaper at colored paper ang aming visual aids. Mas maganda siya kung pagbabasehan ang kulay pero ang sulat, nevermind.  Whoohh! Uwian na sa wakas, makakapagpractice na kami mamaya at magfi-final recording.  "Una na ako, hindi muna ako sasabay sa inyo Joy, sasakay kasi ako na'ng tricycle," paalam ko kila Joy. "Shala, sige mamsh kita kits mamaya," sabi ni Joy. Sumakay na ako ng tricycle. Mabilis lang akong nakauw sa bahay. 1 pa naman groupings, may 30 minutes pa ako para magpahinga. Nakatulog ako. (*alarm ringtone*)  Ang aga-aga pa e. Minulat ko ng kaunti ang aking mga mata para makita ang oras sa aking cellphone.  2:00pm. ahh. 2 pa lang--- 2 NA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Inopen ko kaagad ang messenger ko.  (Leon Bryle Tolentino2: Guys nasaan na kayo?) 1:00 pm (Abbygail Cruz xD: Waiting na ako na sunduin ako nila Brea) 1:00 pm (Joy AlexaTorral: Ang tagal ni Brea) 1:20 pm (Miggy James Obias: Kayo na lang kaya pumunta dito?) 1:30 pm (Abbygail Cruz xD: Sabay-sabay daw kami e, baka magkasalisihan) 1:32 pm (Joy AlexaTorral: Pupuntahan na lang kita diyan Abby)  1:42 pm (June Lozano: Sunduin na lang namin kayo diyan tapos puntahan natin si Brea) 1:45 pm (Leon BryleTolentino2: Isang oras na kami nag-aantay dito, kayo na pumunta) 1:45pm (Abbygail Cruz xD: Papunta na kami kila Brea) (Joy AlexaTorral: (like emoji) ) "Brea kaklase mo kanina pa nasa baba, ang dami na nila!" sigaw ni mama. "Opo pababa na," sagot ko.  Sandali lang akong nag-ayos ng buhok at nagbihis sabay bumaba na ako. "Sorry, nakatulog ako," sabi ko. "Galing! HAHHAHAHHA" pang-aasar ni Joy.  "Hindi, wala, sus," pang-aasar ni Miggy. "Sorry na, tara na libre ko na lang kayo ng pagkain mamaya," sabi ko. "Iyown, pagkain lang?  Walang panulak? HAHAHAHA" hirit ni Leon.  "Tubo ipangtulak niyo sa lalamunan niyo," sarkastikong sabi ko. "FUNNY AHHHAHAH," sagot ni Leon. "Tara na," pag-aaya ni Abby. "Alis na po kami Tita,"  "Alis na po kami," "Babye mami," Tahimik lang ako habang naglalakad kami papunta sa bahay nila Leon. "Hello po tita," bati ni Abby. "Alas- dos na ah? Ngayon lang kayo magsisimula?" pagtatanong ng mama ni Leon. "Yo'ng leader po kasi namin, tulog," pang-aasar ni Joy. "Hahahahaha," tawanan nila. "Hayaan niyo na, leader iyan. Maraming inaasikaso kaya pagod," sabi ng mama ni Leon. Ngumiti lang ako at umakyat na kami para magpractice at magrecord. Nagsimula na kaming magpractiice at magbatuhan ng mga linya from the movie Inside Out 1. "Okay na?" tanong ni Joy. "Oo, try na natin irecord," sabi  ko. "Sige ito, 1,2,3 go" sabi ni Leon. Leon's POV Kasalukuyan na kaming nagrerecord, ang gagaling namin and for sure mananalo kami dito. Ang galing din ni Brea. Sobrang flexible niya, halos kaya niya lahat i dubbed. Nakangiti lang ako na pinagmamasdan sila habang nagiinternalized sa mga lines na sasabihin ko. Natapos na ang mga linyahan and masayang- masaya kaming nagpalakpakan dahil maganda ang kinalabasan ng recording. Hindi na kailangan iedit ng sobra.  Pagkaclick ko ng save sa flash drive na ipapasa namin bukas ay napapalakpak ang lahat at bigla akong napalingon kay Brea na wagas ang ngiti. Natural yo'ng ganda niya.  "Oh sige na, kainan na. Nasaan na ang libre mo Brea?" pagtatanong ni Joy. "Oo na bibili na, samahan mo ko," sabi ni Brea kay Joy. Bumili na sila sa tindahan habang kami'y naiwan at nagkukwentuhan.  "Kapag nanalo tayo, icecelebrate natin ito," sabi ko. Dapat lang. "Gusto ko iyan," sagot ni Abby. "Ang bilis niyo naman?" sabi ni Miggy na'ng makitang andiyan na agad sila Brea. "Syempre. Tara kain na," pag-aaya ni Brea.  Bumili siya ng 1.5 coke, chips, bisquits. Pagkatapos kumain ay nagsi- uwian na sila. Umakyat ako sa taas uli at kinuha ang phone ko. Inopen ko ang f*******: at sinearch ang f*******: ni Brea.  Nagstalk ako sa mga larawan niya. Sobrang cute niya talaga. Chubby siya ng konti, maputing-maputi, wala masyadong kilay pero maganda siya, medyo singkit ang mata. Ackkk. Bakit sobrang cute niya? Nagcrop ako ng photo niya at mata niya lang ang iniwan ko sabay save sa gallery. Para hindi malaman ng lahat na natutuwa at naku-kyutan ako sa kan'ya. FAST FORWARD Umaga na, papasok na ako sa school and ewan ko kung bakit naeexcite ako. Sobrang naeexcite ako, siguro dahil ramdam kong mananalo kami? Pagpasok ko sa room, as usual wala pa gaanong tao kasi lagi akong maaga.  Magtatime na, nagulat ako na'ng makita si Brea na pumasok. Bakit kinakabahan ako? Nakangiti lang siya na pumunta sa kanyang upuan.  Genuine.  No'ng science time na, umalis sa tabi ko si Fae at nagulat ako na'ng umupo sa tabi ko si Brea. Shit. Bakit ako kinakabahan?  Focus, matikas look Leon. Lalaki tayo. "Hello Leon, nadala mo ba yo'ng flash drive?" tanong nito sa akin. "Oo boss, kukunin mo ba ba?" tanong ko. "Oo, need na ipasa e," sabi niya. Kinuha ko sa bag ko ang Flash drive at binigay iyon sa kanya. "May 1/4 paper ka? Hihi, need kasi lagyan ng names natin and sections," sabi ni Brea. "Oh ito," sabi ko sabay abot ng 1/4 ng katabi ko.  "Hoy gagi! HAHHAHAH" natawang sabi ni Brea na'ng makita niya ang ginawa ko.  "HAHAHHAHHA shhh," banat ko.  Pagkatapos niyang isulat ang names and section namin ay inirolyo niya ito sa flash drive para ipasa. "Samahan na kita," biglang sabi ko. "Oh, sige tara," sabi ni Brea.  Pumunta kami sa faculty at pinasa ang flash drive. "Oh, magkasama kayo ah? Anyways isasali ko kayo sa film making para may representative ang section niyo," sabi ni Ma'am Lastimosa. Hala? Isasali kami uli? Yes, masaya ito. "Sige po ma'am," sabi ni Brea.  Umalis na kami ng faculty. Habang naglalakad ay biglang nagsalita si Brea. "Kaya ba?" tanong niyo. "Sige lang," sabi ko. Ngumiti lang siya. That smile. Sana manalo kami.  "Anyways, gagawa na ako kaagad ng script and story line mamaya para makita niyo. Balak ko sana horror. AHHAHAHAH," sabi ni Brea. "Oo tapos multo si Abby, HAHAHAHAH," sagot ko. "Hoy, HAHAHAHH same tayo ng inisip," sabi niya. "Nagkataon lang na mukha talagang multo si Abby," sabi ko. "HAHAHAHAHHA, sige ako bahala," sabi niya. "Sige boss," sagot ko. Bumalik na kami sa room.  Brea's POV Nasa room na ako. Nandiyan na ang teacher kong maarte at mukhang, sorry ah.. Ang hirap sabihin. Lumingon sa akin si Joy at binato ang nakalukot sa bilog na papel.. Binuklat ko ito at binasa, 'Ayan na naman si Ma'am Ack Ack HAHAHAHH ang itim pero nag- all green. Ganda 'yan,' lumingon ako kay Joy at saka sabay kaming tumawa. Hindi naman masama ang ugali namin, judgemental lang talaga. Bakit naman kasi mag-gegreen na hair band, green na tops, white slacks, green na malalaking bilog na hikaw, green na heels e super morena ni Ma'am. Natatawa ang mga kaklase ko sa likod.  Bigla siyang biniro ni Gab. "Ma'am napakaganda niyo naman sa green, nature na nature," sabi nito. "Yieeeeee," sigawan ng lahat. "Huwag niyo ako bolahin, hindi niyo ako madadaan sa kagaganyan niyo," iritableng sabi ni Ma'am. See, laging galit at bugnutin sa amin. "Witwiw," pang-aasar pa nila. "Kopyahin niyo ito," sabi ni Ma'am sabay lapag ng WHAT THE f**k? Halos mapuno ang buong black board tapos lumagpas pa sa pader na lang niya idinikit. 1, 2, 3, 4, 5, 6, 7, 8, 9, 10, 11, 12!! Mayghad. "Kailangan matapos ngayon tapos pipirmahan ko, kapag walang pirma walang exam, walang grades," nakakayawang sabi ni Ma'am. Pumwesto ako sa unahan kasi malabo ang mata ko. Sa sahig ako umupo. Tumabi sa akin si Joy. May salamin siya pero hindi niya ginagamit, nakikipagdaldalan lang iyan sa akin. "Pabilisan tayo magsulat," pag-aaya ko. "Mauuna pa ata ako sa iyo kasi may technique ako e," sabi ni Joy. "Anong technique iyan? Share naman," sabi ko. "Shortcut method,  hindi naman babasahin ni Ma'am ang pagkasunod-sunod kaya may mga paragraphs ako lalagpasan HAHAHAHAHA," siraulong sabi ni Joy. HAHAHAHHHA, nice idea Joy. After 30 minutes, naunang natapos si Abby. Tumingin siya kay Joy at kumindat. Alam na this. Sunod na natapos si Joy at inantay niya ako para sabay kaming magpapirma. Habang nagsusulat ang lahat ay grabe ang daldalan ng mga kaklase ko syempre pati ako. Ang iingay kahit na nagsusulat.  Nagulat kami ng binagsak ni Ma'am ang aklat at sinigawan kami. "Hindi ba kayo mananahimik?" sigaw nito. Nanahimik kami sandali.  Maya-maya nandiyan na naman ang mga bulungan hanggang sa naging maingay na ulit.  "ISA PA SHAKESPEAR LALAYASAN KO KAYO!" bulyaw ni Ma'am sa amin. "Bye," nagulat kami sa bulong ng kaklase namin na si Gab. Rinig na rinig 'yong bulong niya.  Tumingin si Ma'am at niligpit ang gamit niya at biglang nagsalita. Isusumbong ko kayo sa adviser niyo. Pag-kaalis ni Ma'am nanahimik ang lahat tapos balik sa ingayan na naman. Abnormal talaga itong section na ito, matatalino pero mga abnormal. Sa gitna ng ingayan namin ay biglang bumalik si Ma'am pero sa likod na pinto siya dumaan.  "Nag-walk out na ako nag-iingay pa rin kayo? Wala man lang humabol sa akin? Huwag niyo na ako habulin, kita-kita na lang sa harap ng adviser niyo, bwesit!" sabi ni Ma'am. At tuluyan na'ng umalis si Ma'am. Pumunta sa harapan ang President.  "Gago, nagtatampo si Ma'am. Gab naman bakit kasi hindi mo sinuyo?" sabi ni President. "Mayayari talaga tayo bukas kay Ma'am Santos niyan,"  sabi ni Vice President.  "Yare-yare" sigaw ng mga lalaking abnormal sa likod. "Goodluck sa buhay natin bukas," sabi ni Secretary.  kringggggggggggggggggggggggggggggggggggggg! Uwian na.  Naglalakad na ako palabas ng gate at ang iingay ng mga nasa likod, alam kong mga kaklase kong lalaki iyan. Sila lang naman mga baliw at maiingay e.  "Joy, crush ka daw ni Jonathan," pang-aasar ni Miggy. "Gago, putangina mo,"sabi ni Jonathan.  "Ang ganda ko para sa iyo duhh," sabat ni Joy. "Gandang sapakin," sabi ni Jonathan. "Nako, goodluck. Diyan nagsimula lovestory ng nanay at tatay ko," sabat ni Leon. "Pati lolo at lola ko," sabi ko. "HAAHAHHAH ayieeeee," pang-aasar namin. Binilisan ni Joy ang lakad kaya napabilis na rin ako sa paglalakad. Ang bilis tuloy naming nakarating sa bahay ng bawat isa.  Pagkatapos ko kumain ay gumawa na ako ng script para sa film namin. Sana magustuhan nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD