Leon's POV
Maaga akong pumasok ulit at nagulat ako dahil nandito na pala si Ma'am Santos. Nagtataka ako, hindi naman namin klase sa kanya pero nandito siya.
"Good morning po Ma'am," bati ko.
"What's good in the morning Tolentino?" sabi ni Ma'am.
Halaaaa?
Nakaupo lang habang inaantay ang iba kong mga kaklase. Same gulat reaction and bati ang ginawa nila na'ng makita si Ma'am na nasa unahan na at mukhang badtrip.
Nang mapansin na ni Ma'am na kompleto na kami halos, nagsalita siya.
"Hindi ko alam kung lata ba ang inyong mga utak. Ang iingay niyo, hindi kayo naturuan ng disiplina na kapag may tao sa harapan ay matuto kayong manahimik. Kahapon, hindi ako makapaniwala sa ginawa niyong pambabastos sa teacher niyo. Matatalino kayo, highest section, top nopcher's are almost here tapos mga bastos? Anong klaseng section ito. 'Yong president niyo and other officers walang ginagawa. Ano bang balak niyo sa buhay niyo? Ngayon, nandito ako sa harapan nagdadaldalan pa rin kayo. Anong balak niyo sa buhay niyo Shakespear?" sermon ni Ma'am Santos.
Nagsumbong na sa advicer namin si Ma'am Toliba. Kahapon kasi after niya mag walk-out nagdaldalan ang lahat.
"Dahil sa kawalang hiyaan niyo, pagpapalitin ko kayo ng upuan. Kapag umalis kayo, isama niyo na bag niyo at huwag na kayo dito sa section na ito," sabi ni Ma'am.
Pinalabas niya kami at inisa- isa kami kung saan kami uupo.
Naka likod ako ni Brea habang nasa unahan naman siya. Halos hiwa-hiwalay ang magtotropa.
Brea's POV
"Isa pa na makakarinig ako about sa kawalan ng disipllina niyo, humanap na kayo ng adviser niyo," sabi ni Ma'am sabay alis sa room.
Nanahimik na muna ako at umidlip habang wala pa iyong teacher ko. Inaantok din ako, Sana walang umistorbo sa akin.
"Brea, pwede ka maistorbo saglit,"
Potaaaaaaaaaaa! iidlip pa lang ako at kasasabi ko pa lang na huwag akong abalahin.
Inangat ko ang ulo ko para makita kung sinong pontio pilato ang umistorbo sa akin.
"Oh?" sabi ko.
"Patingin ng script, pwede?" sabi ni Leon.
Wala na akong sinabi at kinuha ko ang papel sa bag ko sabay bigay sa kanya.
"Basahin mo maigi, pabasa mo rin sa kanila please and sulat niyo mga revisions na gusto niyo and yo'ng character na gusto niyo gampanan. Huwag muna ako istorbohin dahil inaantok ako ah? " sabi ko.
"Salamat," sabi nito.
Sa wakas.
"Okay good morning class!" Bati ni Ma'am.
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! Gusto ko manakal!
"Oh, bugnot na bugnot ang mukha mo Villafuente, mukhang may tantrums ka, halika at manguna sa panalangin," sabi ni Ma'am.
Ay potaaa!
Pumunta akong harapan.
Pagharap ko sa mga kaklase ko, si Joy at Abby agad ang nakita ko na tawa na'ng tawa.
Ack! Mamatay na kayo.
Inaasar talaga nila ako.
"In the name of the Father and the Son and the Holy Spirit. Lord, HAHAHA, Ay sorry ma'am nagpapatawa po kasi sila," sabi ko.
"Lord, thank you for this day, guide us na matuto at huwag makipagdaldalan sa katabi. Talasan niyo po mata na'ng guro namin para makita kung sino ang mga hindi nakikinig, AMEN," sabi ko
Tawa na'ng tawa mga kaibigan ko. Mamaya kayo sa akin.
"Okay class, get 1/4 sheet of paper. We are going to have an exam today," sabi ni Ma'am.
Tumingin sa akin sila Joy.
Ah tinawanan niyo ko kanina ah, yare kayo sa akin. Tinaasan ko lang sila na'ng kilay sabay belat.
Nagstart na ang exam namin. Mukhang nakahingi na rin sila sa iba.
Shocks, wala pala akong pinag-aralan. Puro kasi ako tulog sa klase ni Ma'am. s**t! wait focus.
Sinubukan ko ang talent ko na mag-imagine. Tumitig ako sa pader matapos ko basahin ang nasa test papers tapos tinry ko iimagine na nasa pader ang notebook ko. Tinatandaan ko kung ano ang mga sinulat ko doon o mga nabasa ko.
"Okay ka lang Ms. Villafluente? Sabog ka ata. Kanina pa nanlalaki ang iyong mga mata at nakatitig ka sa pader. Okay ka lang?" Pagtatanong ni Ma'am.
Jusko naman. Nawala tuloy yo'ng focus ko.
"Okay lang po Ma'am, nagfofocus lang po," sabi ko.
Tumingin ako kay Joy.
Tumingin din siya sa akin.
"Anong sagot sa 23?" pabulong kong sabi
Lumingon muna siya sa kanyang test paper, luminga sa paligid sabay senyas ng letter A.
"Teknyu!" Sabi ko.
Ang tagal matapos ng oras kapag si Ma'am ay nagdidiscuss sa amin pero pag exam ang bilis- bilis matapos ng oras potek.
"Okay, times up. Pass your papers in a count of 1, 2, 3," sabi ni Ma'am.
"Oh,"
"Hoy papel mo,"
"Wait,"
"Ito na daliiii,"
"Akin na,"
"Gago pakopya sa 50,"
"Ma'am oh,"
"Okay, exchange to the opposite row," sabi ni Ma'am.
Nagchecheck kami ngayon ng papel. Sana naman kung sino ang nagchecheck sa papel ko sana may maganda siyang red ballpen. Huwag sana sa mga lalaki sa likod ang magcheck baka hindi nila ayusin.
"Okay na? Bring back to the owners," sabi ni Ma'am.
Nilagyan ko muna na'ng corrected by, with my full name and magandang pirma.
"Melissa papel mo, 23 ka," sabi ko.
"Brea ilan ka?" Pagtatanong ni Joy.
"Isa lang ako,"
"Brea, perfect ka," sabi ni Shane.
"Ay salamat," sabi ko.
"Weh, perfect ka? Patingin nga papel mo," sabi ni Abby.
HIlig niya magcompare na'ng mga sagot namin. Kaibigan ko naman siya so okay lang.
"Hoy, mali ka ata dito or mali si Shaine ng check. Sabi kasi ni Ma'am no erasures daw," sabi ni Abby.
Erasures?
"Nasaan ang Erasures diyan?" Pagtatanong ko sabay tingin sa papel ko.
"Ito oh, parang D pero B siya," sabi nito.
"Hindi naman erasures iyan tsaka okay naman ah," sabi ko.
"Wait tanong ko kay Ma'am," sabi nito.
Bida-bida amputa.
"Ma'am diba mali po ito? Kasi po mali din ako and hindi po pwede ang erasures, dapat marunong po tayo magfollow ng instructions. B po siya na dating D," sabi ni Abby.
"Ma'am hindi naman po siya erasures," sabi ko.
"Okay, mali iyan," sabi ni Ma'am.
Putangina. Okay na happy na? May mali na ako.
"Akin na iyan," sabi ko kay Abby.
"Okie," sabi nito.
"Who got perfect score?" Pagtatanong ni Ma'am.
"Wala? Okay, 49," sabi ni Ma'am.
Dalawa lang kami ni Abby na 49.
Bwesit ako today.
Perfect na sana iyon e.
Pero okay lang, isang puntos lang iyon. Mas mahalaga pa rin ang pagkakaibigan.
(Fast Forward)
"Brea, maganda iyong nagawa mong script," sabi ni Leon.
"Nagustuhan niyo? Medyo Comedy na Horrow iyan," sabi ko.
"Oo, maganda nga e, naisipan na talaga namin na si Abby ang multo este iyong namatay at gaganti," sabi ni Leon.
"Papayag kaya iyon?" Pagtatanong ko.
"Oo, ako bahala," sabi ni Leon.
"Mami, kailan ang ating shoot?" Sabi ni Joy.
"Bukas or Mamaya? Kayo bahala," sabi ko.
"Mamaya na lang, mahaba pa iyan," suggest ni Joy.
"Mamaya na," suggestion ni Leon.
"Later na lang," sabi ni Abby.
"Kasali pala si Tin tsaka si April ah?" sabi ni Leon.
"Hi, kasali kami," sabi ni Tin at April.
"Sige, kaso saan ko ilalagay sila June?" Pagtatanong ko kay Leon.
"Nagback-out si June, hindi daw siya magaling kapag camera ang usapan," sabi ni Leon.
"Ahh, Oh sige. Sakto na pala e. So, mamaya tayo sa may Ville tayo magshoot, ichachat ko iyong mga kakailanganin niyong props sa group chat, Leon please paki-add silang dalawa sa group chat," sabi ko.
"Sige," sagot nito.
"Kita kits na lang mamaya, mga 1:00 nandoon na dapat ah?" Sabi ko.
"Sana nga, baka mamaya tulog ka pa susunduin ka pa tuloy HAHAHAAHHAAH," sabi ni Joy.
"HAHAHAAHHAH," tawanan nila.
"Hayop kayo, oo na. Tsaka natimingan na pagod at puyat ako that time," sabi ko.
"Puyat ka pa rin ata ngayon e," sabi ni Leon.
"Medyo na lang," sabi ko.
"Oh sige, mamaya na lang," sabi ni Tin.
Tapos nagsi-alisan na sila sa paningin ko.
"Guys, sit down. May iaannounce ako," sigaw 'nong president namin.
"Mangongolekta na ako from now on na'ng tag lilima para marami tayong pondo like sa pagpapapotocopy, mga room cleaning materials at para habang malayo pa ay mapaghandaan na ang Christmas Party. Sisingilin kayo ni Treasurer at Auditor everyday," pag-aannounce nito.
"Hala, ang mahal naman," sigaw ni Gab.
"Gago, may pang dota ka nga, ilang oras pa iyon tapos limang piso per day lang hindi mo pa maibigay," sabi ni president.
"Paano president kapag walang pera that day lalo na kung nauubusan dahil sa iabng ambagan?" Pagtatanong ni Kiel.
"Edi bukas sampung piso na," sabi ni President.
"Ililista ko naman e," sabi ni Auditor.
"President, hindi pa pwedeng alternate weeks in a month? Grabe naman kung araw-araw. Mabigat sa bulsa," sabi ni Faye.
"Osige, basta wala na magkichristmas party ah," sabi ni President.
"Sige, ayaw din naman namin magchristmas party. Magandang gumala na lang," sabi ni Josh.
"Oo nga," sabi nila.
"Sige, bahala kayo. Ibang klaseng section ito," sabi ni President.
Kringgggggggggggggggggggggggggggggg!
Uwian na.
Chinat ko na muna sila para sa mga kakailanganin nila para sa shoot namin mamaya.
(Opens Messenger)
(Brea Villafuente: Hello, ito pala ang mga kakailanganin ninyo.) 12:38 pm
(Brea Villafuente: Bulak, Martayulet, T-shirts dalawa yo'ng isa pwede sana marumihan, Bag, Lubid kahit sino na meron, Make Up, Notebook Other Damit na gusto suotin.) 12:38 pm
(Brea Villafuente: Inuulit ko, sa Ville tayo by 1 pero kita-kita muna sa bahay nila Leon para makapagprepare.) 12:39 pm
(Brea Villafuente: Leon Bryle Tolentino2, paki-add na sila dito sa group chat. Salamat.) 12:39 pm.
(Leon Bryle Tolentino2: (Send Like) ) 12:40 pm
(Leon Bryle Tolentino2: Sorry boss, napindot. Iaadd ko na sila.) 12:40 pm
(Leon Bryle Tolentino2 added Tin_Salazar and April Shae De Guzman) 12:41 pm
(Brea Villafuente: Salamat. Anyways, pabackread na lang ng announcements ko.) 12:41 pm
(Joy Alexa Torral: Sabay-sabay tayo ah? sunduin mo kami ni Abby Brea.) 12:43pm
(Leon Bryle Tolentino: Lagi na lang kayo nagpapasundo, mauna na kayo.) 12:43 pm
(Leon Bryle Tolentino: Kasi baka tulog na naman si Brea HHHAHAHAHHA.) 12:46 pm
(April Shae De Guzman: Andito na kami ni Tin_Salazar.) 12:49 pm
(Leon Bryle Tolentino: Pababa na ako na'ng bahay.) 12:49 pm
(Leon Bryle Tolentino: @Miggy, nasaan ka na?) 12:58 pm
Habang nagbabasa ako ng chats ay naglalakad na ako papunta kila Joy.
"Tao po, Joy!"
"Wait lang," sabi nito.
"Gege,"
"Tara na," sabi ni Joy sa akin.
"Kompleto na props mo?" Pagtatanong ko.
"Oo, hihiram na lang ako na'ng kulang kila Abby," sagot nito.
"Galing!"
Matapos ang ilang minuto ay nakarating na rin kami ni Joy kila Abby.
"Gago, ang dami mong dala," sabi ko kay Abby.
"Malamang, for sure niyan manghihiram iyang mga ugok na iyan tsaka para hindi na pabalik-balik," sabi ni Abby.
Ting*
(opens messenger)
(Leon Bryle Tolentino: Nasaan na kayo boss @Brea Villafuente?) 1:30 pm
(Brea Villafuente: Sorry sinundo ko pa kasi sila, malapit na kami sa bahay niyo.) 1:30pm
(Leon Bryle Tolentino: Sige boss.) 1:30pm
(Brea Villafuente: Nandito na kami sa labas ng bahay niyo @Leon) 1:35 pm
(Leon Bryle Tolentino: Wait.) 1:35pm
"Ang tagal niyo naman, tara na simulan na natin," sabi ni Leon.
"Sige, bale dito muna kayo at inanarrate ko ang story at ang mga cast etc.," sabi ko.
Pumunta na sila sa salas nila Leon at nakapabilog kami.
"So ganito, pinapili kayo kung alin yo'ng gusto niyong character. Ito ang results, Si Abby si Barbara or Barbs, si Tin si Chimney, si Joy si Xianni, si April si Hana, si Leon si Khalid at si Miggy si Otep. Magkakaibigan silang lahat, mahilig nilang pagtripan si Barbara dahil mababa ang tingin nila dito dahil sa kulay nito na dark. Isang araw, napagisipan nila na magstay-in sa isang lugar at doon naisipan ang prank na magiging sanhi na'ng kapahamakan at pagkamatay ni Barbara. Itinago nila si Barbara at lumipas ang mga araw, minulto sila ni Barbara para gumanti. At the end of the story, malalaman nilang hindi pa pala patay si Barbara and magpapatawaran sila etc," paliwanag ko.
"Bakit wala ka?" pagtatanong ni Abby.
"Direktor s***h camera man and editor na ako plus script writter," sabi ko.
"Ahhh," sagot nito.
Nanahimik kaming lahat.
"Maganda yo'ng story," basag sa katahimikan ni Leon.
"Sus, baka--," naputol ang sinasabi ni Miggy na'ng bigla siyang titigan ni Leon.
"Tama na iyan, so bali need muna natin ang pictorial para sa ating pinakaposter na ipopost bukas sa school, sana manalo tayo," sabi ko.
"Anong concept ng poster natin or ano yo'ng gagawin?" pagtatanong ni Tin.
"Si abby nakaupo sa may taas ng tricycle tapos may lubid na nakapulupot sa leeg niya. Hawak sa kanan na bahagi ni Miggy yo'ng lubid pero nasa likod dapat siya na'ng tricycle tapos takot yo'ng facial expression. Si April nasa may pintuan ng tricycle tapos hawak ang pinakadulo na'ng lubid. Sa may gitna ng trycycle sa loob sisilip naman si Tin. Si Leon naman nasa may driver's seat ng tricycle na parang siya yo'ng nagdidrive tapos sa pinakaunahan sa harap nakaupo si Joy pero nasa baba. Lahat kayo ay gagawan ng diy na sugat it's either sa noo or sa pisnge. Para magiging dating niya ay naaccident kayo because of killing someone. 'Yong ponytail mo Abby parang annabelle ah? Ganoong tirintas ah?" Paliwanag ko.
"Maganda, navivisualize ko, ang angas na nakakatakot," sabi ni Tin.
"Game na, bihis na kayo," sabi ko.
Kasalukuyan akong nageexperiment sa paggawa na'ng diy na sugat. gamit ang bulak, hinaluan ko na'ng martayulet, betadine at ketchup. Nagmukha naman siyang sugat tapos nadidikit naman sa balat kaya maganda at mukhang sugat talaga sa picture.
"Ito nakajumper na ako," sabi ni Abby.
"Ayaan, mas bagay," sabi ko.
Nagsimula na kaming magpicture.
Ang gagaling nila sa fierce or natatakot na facial expression. Ramdam kong mananalo kami.
Nagshoot na rin kami na'ng ibang scenes.
Napapagod na ako, ako yo'ng akyat ng akyat kung saan-saan makakuha lang ng magandang shots tsaka cellphone lang kasi gamit ko.
Natapos din kami sa first part.
"Brea, pahinga ka muna," sabi ni Leon.
Binigyan niya ako na'ng tubig.
"Salamat," sabi ko.
"Birthday bukas ng kapatid ko, punta kayo dito," sabi ni Leon.
"Nakakahiya naman, birthday ng kapatid mo iyon," sabi ni April.
"Sige lang, walang tumatanggi sa disgrasya," sabi ni Joy.
"Hoy gago ka nakakahiya," sabi ni Tin.
"Ma diba okay lang na pumunta sila dito bukas?" Pagtatanong ni Leon sa mama niya.
"Oo, wala naman masyadong bisita e," sabi na'ng mama niya.
"Yesss! Pwede po take-out?" Pagtatanong ni Joy.
"Nakakahiya ka girl," bulong ko.
"Sige lang," sabi na'ng Mama ni Leon.
"Anong oras pala kami pupunta?" sabi ni Miggy.
"Alas dos," sagot ni Leon.
"Anyways mauuna na kami, anong oras na rin baka hinahanap na kami," sabi ni Tin.
"Oh sige, tagal pa magsend ng mga videos sa phone ko e, " sabi ko.
"Una na rin kami, babye Leon," sabi ni Abby.
"Babye, Thank you po," paalam ni Joy.
"Tol, alis na ako, babush," paalam ni Miggy.
Gago, maiiwan ako mag-isa dito.
Umalis na sila.
"Leon, labas tayo," sabi ko kay Leon at pumunta kaming labas nila kasi mainit sa loob habang nagpapapapasa ako no'ng mga videos na shinoot kanina.
"Okay ba? Maganda ba yo'ng setup kanina?" pagtatanong ko.
"Oo, maganda boss," sagot ni Leon.
"Ay nga pala, may napapansin ako, gusto mo si April?" pagtatanong ko.
"Ha? Bakit naman? Tsaka hindi, may syota na iyon," sabi ni Leon.
"Wala, may napapansin lang ako sa mga ngitian niyo ni Miggy. Leader niyo ako, hindi pwede maglihim ah HAHHAHA," sabi ko.
"Hindi nga," sabi ni Leon.
"Iba gusto ko," dugtong nito.
"Si Joy?"
"Hindi,"
"Si Tin?"
"Hindi,"
"Si Abby?"
"Mas lalong hindi," sabi nito.
"May word na mas talaga? Ang sama mo," sabi ko.
"Hoy, wala akong sinasabi HAHHAHAH," sagot ni Leon.
"Baka naman si Lyssa pa rin, yieeeeeeeeee," pang-aasar ko.
"Hindi na, alam mo, grabe ako paasahin no'n. Porket maliit ako, pangit at hindi maganda ang balat ko," sabi nito.
"Ha? Huwag mo nga laitin ang sarili mo, lahat tayo unique. For sure may tatanggap din ng love mo kahit na ano or sino ka man and hindi niya titignan na kakulangan or mali yo'ng mga qualities na sinasabi mo sa sarili mo," sabi ko.
"Talaga ba? possible iyon?" Pagtatanong nito sa akin.
"Oo naman, alam mo ako, hindi ako maganda, hindi pantay mata ko, maputi lang daw ako, medyo matalino, walang kilay dahil sa puti, hindi magaling manamit at iba pa pero look at me, proud ako sa sarili ko. Kahit hindi ako crush ng crush ko before tsaka mga bata pa naman tayo e," sabi ko.
"May crush ka ngayon?" Pagtatanong nito.
"Wala, actually wala talaga e, hindi ko pa alam saan or kanino ako tatamaan. Sobrang dami na kasing na-paasa or nanakit saakin. Alam mo yo'ng bibigyan ka na'ng magandang love story tapos at the end iiwan ka or pagtataksilan ka," sabi ko.
"Grabe, anong mga love story iyon?" Pagtatanong ni Leon.
"Alam mo ba, simula elementary, lapitin na ako. Mga nagkagusto sa akin, pupuntahan ako sa bahay, bibigyan ng bulaklak o stuff toy. Noong una kong jowa, grabe iyon. Sikat siya, anak kasi ng teacher. Nagulat nga ako na nanligaw sa akin iyon sa dami na'ng nagkakagusto sa kaniya. Alam mo, noong naging kami, gagi buong school year ako nakakatanggap ng death threat sa mga kaschool mates ko dahil nga ako yo'ng jowa. Mahilig kami magpalitan ng panyo, sulat. Doon nabuo ang love letters concept. Naghiwalay kami kasi noong mga panahon na ayaw na na'ng magulang ko na magoonline ako sa f*******: e humanap siya na'ng mapapagcomfortan at makakausap, ayon, ang best friend ko. To the rescue. Sumali pa ako na'ng badminton competition kahit hindi ako magaling, lumipad raketa ko HAHAHHAHHA para mapatunayan lang na kaya ko siya sabayan. Habang nagtitraining siya, nasa gilid ako, sub lang kasi ako. Nagsusulat ako lagi sa diary ko tapos ibinigay ko sa kaniya iyon noong araw na nalaman kong sila na pala na'ng bestfriend ko," paliwanag ko.
"Ang sakit naman no'n," sagot nito.
"Sa pangalawa kong jowa, siya ang pinakamatalino sa math pero pinakamakulit sa klase. Tahimik lang ako noon, naisipan niya akong pagtripan, pinagpustahan nila ako no'ng tropa niya na ligawan daw ako kung mapapasagot. Noong una niya akong tinanong kung pwede manligaw, hindi ako pumayag hanggang sa pumayag na ako. May nanunuot na landi pero mabait likido sa puso ko kaya ganoon. At the end of the month, umiiyak siya at umamin sa kasalanan niya na kesyo pustahan lang daw iyon pero nahulog na siya sa akin ng tuluyan. Iniwanan ko siya. Duhh, hindi mo dapat ifake ang isang feelings noh tsaka hindi magiging excuse ang kesyo naging totoo na ang nararamdaman para lang mapagtakpan mo ang nagawa mong kagaguhan. Last surprise niya noon sa akin bago ko malaman lahat e yo'ng nakapalibot kami, kapit kamay tapos nananalangin kaming magkakagroup bago mag last practice na'ng sayaw sabay pag-ikot namin at pagmulat ng mata nasa likod ko na siya may dalang mga rosas. Like, akala ko totoo, fake lang ata feelings niya kasi nagstart lang naman ako sa pustahan," kwento ko.
"Hala? bugbugin ko iyon," sabi ni Leon.
"Siraulo," sabi ko.
"Ang gaganda pala na'ng mga love story na tinala mo sa buhay mo noh? Kaso lagi kang sinasaktan, sinasayang. Sana matagpuan mo yo'ng pag-ibig na hindi ka sasayangin," sabi ni Leon.
"Sana nga,"
*Ting*
"Ayan, okay na napasa na, sige na bukas na lang. Salamat sa pakikinig," sabi ko.
"Hatid na kita, gabi na rin e," sabi ni Leon.
"Sige diyan lang sa may kanto since madilim diyan e," sabi ko.
"Tara,"
Naglalakad lang kami habang nagkukwentuhan about naman sa mga naranasan niyang pambubully sa kanya simula pagkabata at kung bakit ninais niyang maging unique, maging matigas at malakas physically.
Nakarating na rin kami sa kanto.
"Uy Leon, salamat ah?" sabi ko.
"Wala iyon boss," sabi nito.
"Ingat, babye," sabi ko.
"Sige ingat din," sagot niya.
At naglakad na ako pauwi sa amin.
Leon's POV
Nakarating na rin ako sa bahay. Pagbukas ko na'ng pinto ay nakita ko si Mama na naghuhugas ng plato.
"Anak, sinong gusto mo sa mga dalagita doon?" Pagtatanong ni Mama.
"Wala man Ma," sabi ko.
"Bakit may paghatid sa isa?" Pang-uusisa uli nito.
"Gabi man tsaka babae iyon, delikado na," sagot ko.
"Sus, ayaw ka maglihim sa akin ah?" Paalala ni Mama
"Opo Mama, alam mo naman na never ako naglihim sa iyo tungkol sa lovelife at mag-aaral pa ako na'ng mabuti," sabi ko.
"Okay lang naman magkagusto at magkaroon ng kasintahan kasi normal iyan sa edad mo pero huwag mo muna seryosohin, mag-aral ka muna. Panganay ka tandaan mo iyan," paalala ni Mama.
"Opo, tsaka magsusundalo pa ako," sambit ko.
"Leon, napag-usapan na natin na hindi ka magsusundalo, alam mo iyan. May isa ka pang pangarap, iyon ang sundin mo huwag na iyang pagsusundalo na iyan," sabi ni Mama.
Nalungkot ako. Ayaw niya kasi magsundalo ako.
"Huwag kang malungkot diyan, para sa iyo rin ang payo ko. Sige na kumain at magpahinga ka na dahil may pasok ka pa bukas," sabi ni Mama.
"Opo," sagot ko.
Nakakalungkot na gabi. Pinaalala sa akin ni Mama na ayaw niya talaga sa pangarap ko. Pero konting tiis lang, malay mo soon pumayag na siya. Anyways, ako at si Miggy lang nakakaalam sa pangarap at istorya ko sa buhay. Wala kasi akong gaanong pinagkakatiwalaan. Nabully ako before and ayokong gamitin ng tao ang mga mahahalagang impormasyon sa buhay ko para itake-advantage ako.
*ting*
(opens messenger)
Sino nag-message?
(Brea Villafuente: Leon, salamat sa paghatid sa kanto. See you bukas, practice ka na rin maigi sa remaining scenes and pasabi sa mama mo thank you sa pagpayag na diyan uli tayo magshoot.) 7:24 pm
Hala, si Brea pala. Bakit automatic akong ngumiti.
(Leon Bryle Tolentino: Wala iyon, sige boss masusunod.) 7:24 pm.
(seen 7:35 pm)
Bakit ko inantay? siraulo ka talaga Leon.
(Leon Bryle Tolentino: Migs.) 7:36 pm
(Miggy James Obias: Boss Tolents bakit?) 7:37 pm
(Leon Bryle Tolentino: Sino sa mga kagroup natin sa film ang tingin mong attractive?) 7:37 pm
(Leon Bryle Tolentino: Chinecheck ko lang kung sinong ano gusto ni ano ni June sa mga kamembers natin.) 7:37 pm
(Miggy James Obias: Talaga ba boss?) 7:37 pm
(Miggy James Obias: Iyon talaga ang dahilan mo?) 7:37 pm
(Miggy James Obias: Ang pagkakakilala ko sa iyo hindi ka nakikialam or wala kang pakialam sa feelings ng iba e maliban na lang kung ano.) 7:37 pm
(Leon Bryle Tolentino: Masasapak kita, huwag mo ko inisin. Tinatanong ka lang at iyon talaga ang dahilan ko.) 7:38 pm
(Miggy James Obias: Ah okay, hmm para sa akin siguro si Abby HAHAAHAHAHHAHAH kasi love team sila ni June AHAHAHAHAHAAHHAAHAHAH.) 7:39 pm
(Leon Bryle Tolentino: Iba iyang tawa mo, yo'ng totoo nga na para sa iyo nakakaattract.) 7:39 pm
(Miggy James Obias: Oh, akala ko ba kay June bakit sa akin na?) 7:39 pm
(Leon Bryle Tolentino: Ang pangit mo kausap.) 7:40 pm
(Miggy James Obias: Hindi boss, binibiro lang kita pero for me ang attractive talaga ay si Brea.) 7:41pm
(Leon Bryle Tolentino: Si Brea? Bakit?) 7:42 pm
(Miggy James Obias: Sobrang simple at genuine niya. Walang halong kapekean or kaartehan at mostly sa mga lalaki iyon ang gusto. Tignan mo kung manamit, napakasimple. Sobrang cute tumawa at sobrang matalino at magaling sa leadership. Pero hindi ko gusto iyon ah? May nililigawan na ako e.) 7:43 pm
(Leon Bryle Tolentino: Wala naman akong sinasabi na gusto mo iyon. Sino nililigawan mo? Iyon pa rin ba? Si Angela?) 7:43 pm
(Miggy James Obias: Oo, bukas nga e pupunta ako sa kanila bago ako pumunta sa inyo sa birthday kasi mag-isa lang daw siya. Alam na, kambyuhan na! HAHAHAHHA.) 7:44 pm
(Leon Bryle Tolentino: Masarap iyang iniisip mong gawin kung kinasal na kayo pero ngayong bata pa kayo, respect naman sa babae.) 7:45 pm
(Miggy James Obias: May respeto ako pero kung siya ang mangunguna bukas, pipigilan ko pero pag hindi bahala na siya. Smack na lang.) 7:45 pm
(Leon Bryle Tolentino: Bahala ka, ang gago mo talaga.) 7:46 pm
(seen 7:50 pm)
Inaantok na ako.
"Nasa panaginip ba ako? Bakit nandito ako sa field? Nasa langit na ba ako?" Nagtatakang tanong ko habang lumilinga-linga sa paligid.
"Leon!" Tawag sa akin ng isang pamilyar na boses ng isang babae.
Agad akong lumingon sa kinaroroonan ng boses na iyon at nakita ko si----
"Brea?"
Nakangiti siya sa akin.
"HOY ANAK GISING NA ANONG ORAS NA MAY PASOK KA PA PURO KA PUYAT AT CELLPHONE! ALAS- KWATRO NA!" Sigaw ni Mama.
Nagising ako dahil sa bato na'ng unan sa akin ni Mama.
"Opo gising na ako," sagot ko.
Tumayo ako at pumunta sa salamin.
Lalaki ako, hindi ako pwedeng kiligin or magpakita na'ng kahinaan. Kalma Leon.
Kumilos na ako para makapasok na ako na'ng maaga sa school since lagi akong early bird.
Matapos ang kalahating oras ay lumabas na ako na'ng bahay.
"Ma, papasok na po ako," paalam ko kay Mama.
"Oh sige, mag-iingat ka," sabi ni Mama.
Nagmano at umalis na rin ako.
Nakarating ako sa room at nagulat akong maaga ngayon si Joy at si Brea. Nagtatawanan sila sa may bintana at halatang may chinichismis si Joy at tawa lang ng tawa si Brea.
Napakaganda mo binibini...
"Hoy boss Tolents!" Bati sa akin ni Miggy na early bird din kung pumasok.
Napalingon sila Joy at Brea sa akin at ngumiti si Brea sabay bati sa akin ni Joy.
"Boss Tolents mamaya sa bahay niyo ah?" Paniniguro ni Joy.
"Birthday ba o film ang tinutukoy mo?" Pagbibiro ko.
"Both, HAHAHAHHAH," sabi ni Joy.
Nagsign lang ako na'ng okie dokie sign.
"Bakit pala ang aga mo ngayon Brea?" Pagtatanong ko.
"Hoy grabe, lagi ba akong late pumasok? HAHHAHHA," pagtatanong din nito sa akin.
"Oo, HAHAHHHAHA," honest na sagot ko.
"Eh wala e, pinapasok ako na'ng maaga ni Joy dahil may ikukwento daw siya. Chismis lang pala. HAHAHAHA," sabi nito.
"Ayan tayo boss, sa chismiss mabilis at maagap. Biro lang," sabi ko.
"Ganoon talaga, HAHAHAHAH," sabi nito.
Umupo na siya sa kaniyang upuan at ako nama'y umupo na rin sa upuan ko.
Tinititigan ko lang siya mula sa likod at nagulat ako na'ng biglang lumingon siya sa akin.
Ako si boss Tolents hindi ko dapat ipahalata na tinititigan ko siya.
"Hoy Leon, dala ko phone ko. Tignan mo inedit ko na poster natin at ipapaprint namin sa tarpaulin na maliit ni Joy at Abby para mapost na mamaya after uwian. May nakaupo ba sa tabi mo? paupo ako, tignan mo lang," sabi nito.
"Wala boss," pagkasabi ko ay inalis ko ang bag ko sa tabi ko at umupo siya. Kinuha niya sa bulsa niya ang phone niya at patago niyang inopen ito at pinakita sa akin ang inedit niya.
"Tignan mo, ito oh," sabi niya sabay dikit sa ulo ko na'ng ulo niya para makita ko at maitago na'ng konti ang cellphone since baka may makakita mula sa labas e bawal pa naman cellphone sa school.
Tignignan ko ang sinasabi niyang poster na inedit niya at ang astig.
"Ang galing ng pagkakatake mo ng photo at ng pageedit mo boss, magkano ambagan sa poster?" sabi ko habang nakatingin pa rin sa photo.
Humarap siya sa akin at medyo magkalapit ang aming mga mukha.
Medyo lumayo siya in normal way at animo'y nagbibilang.
"Bale tag 20 pesos tayo today para maprint na ito," sabi niya.
"Oh sige, sisingilin ko sila," pagvovolunteer ko.
"Sige pero huwag mo na singilin ni Joy, wala siyang pera ako na mag-aabono for her," sabi ni Brea.
"Walang pera? bakit lumalamon, ayon oh, mukhang galing canteen," sabi ko.
"Walang almusal iyan kaya iyong pera niya pang almusal at recess niya na iyan, hayaan na," sabi ni Brea.
"Mag-iingat ka boss sa pagiging mabait at baka maabuso ka, ako ay naging mahina na rin dahil sa kabaitan ko kaya ako naabuso at ngayon hindi na ako makakapayag," sabi ko.
"Hindi naman ako mabait sa lahat, sa mga pinagkakatiwalaan ko lang na kaibigan," sabi nito.
Tumingin lang ako sa kaniya habang siya'y nagiscroll sa phone niya.
"Oh sige na babalik na ako sa upuan ko, mamaya dumating na si Ma'am e," sabi ni Brea.
Tumango lang ako.
May naiisip akong tula. Buang. Out of nowhere.
Isinulat ko sa likod ng notebook ko ang naisip kong tula.
Binibini,
Napakadalisay ng iyong ngiti,
Sing-perpekto na'ng iyong labi,
Sing-ganda na'ng ilog sa paraiso,
Isa kang natatangi, binibini ko.
Nais kong lagi kang masilayan,
Kahit sa malayo, ikaw man lang ay masulyapan,
Pakiramdam ko'y unti-unti na kitang nagugustuhan,
Dahil sa iyong pambihirang kabutihan, kagandahan.
"Buang ka Leon, waahh," bulong ko sa sarili ko.
Magfofocus muna ako sa klase.
"Good morning class, okay now we will discuss about the DNA," sabi ni Ma'am.
Nagpapaliwanag si Ma'am sa harapan habang ang mga kaklase ko sa karow ko ay nagdadaldalan about sa nilaro nilang LOL. Nahahati tuloy ang attensyon ko..
"Tol, kapag ba tatlo yo'ng water tubig pa rin ba inggles niya?" Nakakagagong tanong ni Gab.
"Ewan ko, hindi ko na nga maintindihan ang lesson pati ikaw hindi ko na rin maintindihan, paglaki ko magtatrabaho lang naman ako sa may construction nila papa bakit kailangan ko pa aralin ang DNA na'ng tao?" sabi ni John.
"Bakit? Iyon lang ang pangarap mo? Ayaw mong umabot pa na'ng ibang mataas or magandang propesyon o kaya magkolehiyo?" Pagtatanong ni Fate.
"Gusto kaso sinasabi na sa akin ng tatay ko na hindi namin kaya magkolehiyo kaya hanggang highschool lang ako tsaka tinatamad na rin ako mag-aral, lahat naman tayo magtatrabaho, kakain at mamamatay," sabi ni John.
"Siraulo ka talaga, tigilan mo ang palagiang kahihithit na'ng shabu ah?" Biro ni Gab.
Hindi talaga ako makapagpokus, nakatitig lang ako sa orasan at inaantay na mag-time na.
Five minutes na lang.
Four minutes..
Three minutes..
"Oh, marami na sa inyo ang nakatitig sa oras sa harapan ah at mukhang nagrorosaryo na kayo sa isipan niyo para bumilis ang oras at mag-time na," sabi ni Ma'am.
Ay gago yari, masyado na ba kaming halata?
"Dahil pinapakita niyo ang kawalan ng interes sa aking subject, next meeting mag-eexam tayo 1-55. 50 is the passing score. Ang hindi makapasa ay papalabasin at izezero ko sa susunod na activities," sabi ni Ma'am.
Ay poteeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeekkkkkkkkkkkkkkk!
Bakit naman kasi nagsabay-sabay pa tayo sa pagtitig sa orasan. Accccccccccccck. Magrereview pa tuloy ako imbes na matutulog ng sabado.