Brea's POV
"Brea, alam mo ba naeexcite na ako kumain na'ng marami doon sa birthdayan kila Leon? Kaya talagang hindi ako kakain mamayang uwian. Tingin mo kaya marami silang handa?" Nababaliw na sabi ni Joy.
Kasalukuyan kaming nasa klase at siya nagdiday-dream sa pagkain. Kung nagtataka kayo kung bakit katabi ko siya ay dahil nasa harapan ko siya at nakaupo siya sa sahig. Palusot method na kunwari hindi makita kahit na may eye glasses siya para lang makadaldal sa akin.
"Mukhang marami naman, dahan-dahan lang tayo sa pagkain at baka mapagalitan tayo, sabihan pa tayo na rated patay gutom," bulong ko.
Anyways, kung nagtataka kayo kung bakit bihira ko na lang kasama si Abby. As usual kasi, laging kausap ang jowa. Nagtatago sa likod at nagcecellphone at kapag klase nagdiday dream. Mayghad. Alam mo kung bakit?
(Flashback)
(Abbygail Cruz xD: Breaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! ) 11:30 pm
(Abbygail Cruz xD: Breaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! ) 11:31 pm
(Abbygail Cruz xD: Breaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! ) 11:31 pm
(Abbygail Cruz xD: Breaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! ) 11:32 pm
(Brea Villafuente: Bakit??????) 11:32 pm
(Abbygail Cruz xD: May chika ako sa iyo, naalala mo naman siguro itong bebe ko. Si Jan, makikipagkita at pupuntahan niya ako dito sa saturday!) 11:32 pm
(Brea Villafuente: Weh? Congrats. Tapos?) 11:33 pm
(Abbygail Cruz xD: Pota ka kausap, malamang dahil ikaw best friend ko, sasamahan mo ako sa saturday at naeexcite ako.) 11:33 pm
(Brea Villafuente: Ahh. Goodluck sa iyo. Ipakilala mo sa amin iyan kapag nagkita na kayo ah?) 11:33 pm
(Abbygail Cruz xD: Bobo mo, kaya nga kita isasama para maipakilala ko sa iyo sa sabado, kayo ni Joy.) 11:33 pm
(Brea Villafuente: Inaantok na kasi ako e. Sorry! Oh sige na madaling araw na halos, magpapahinga na ako, matulog ka na rin. Maypasok pa bukas. Bukas mo rin ituloy ang kwento mo tsaka may assignment pa tayo sa Physics, baka hindi mo pa nagagawa.) 11:34 pm
(Abbygail Cruz xD: Naman! Sige good night besty.) 11: 34 pm
(End of Flashback)
See? Madaling araw guguluhin ako para ikuwento ang bebe niya na naging dahilan bakit lagi siyang busy. Sarap saktan ng mga inlove. Nakakagalit.
"Oh, tuloy ba tayo sa sabado bakla?" Pagtatanong ni Joy.
"Oo, need ng kasama ni Abby sa bebe niya malay mo matanda or arabo pala iyon or what," sabi ko.
"Sabagay," sagot ni Joy.
Pagkatapos ng klase namin sa Science ay recess na.
"Tara na," pag-aaya ko kay Joy at Abby papuntang canteen.
"Wait lang, pahingi pulbo," sabi ni Joy.
"Ako rin," sabi ni Abby.
"Wala nga akong dala e," pero may dala talaga ako, pang-ilan ko na kasi iyan. Iniisip na ng nanay ko kung kumakain ba ako na'ng pulbo at bakit araw-araw nauubos ito.
"Sus, ito oh," anak ng tinapa. Kinuha ni Joy ang pencil case ko kung saan nakalagay ang pulbo at agad niyang nakita ito dahil transparent yo'ng design no'n.
"Kasi nauubos palagi, lagi kang namimigay," inis na sabi ko.
"Oh hindi na, kami-kami na lang," sabi ni Joy sabay lagay ng pulbo sa palad ni Abby sabay lagay sa bag ko.
"Tara na," pag-aaya ni Abby.
"Anong kakainin ko kaya?"
"Gusto ko na'ng turon," sabi ni Abby.
"Tignan mo muna, mamaya mas makunat pa iyan sa hollow block ng bahay niyo," paalala ko.
Kasi naman, madalas makunat ang turon dito. Masungit pa ang nagtitinda. Galit na galit pa kapag marami kaming bumibili, ano ba gusto nila? Huwag kaming bumili?
"Bakla, tikman mo nga agad binili mong turon, makunat ba?" Patatanong ni Joy kay Tin.
"Hindi, mainit nga e," sabi nito.
"Baka pinainit ng ilang beses, sige na bumili ka na, bili mo na rin ako. Ito bayad ko," sabi ko kay Joy.
"Wait lang, ako na bibili na'ng drinks natin, ano sa inyo?" pagtatanong ni Abby.
"C2 sa akin," sagot ko.
"Magnolia sa akin," sambit ni Joy.
"Oh bayad niyo?" Paniniguro ni Abby.
"Mamaya na ako," sabi ni Joy.
"Sus, scam iyang mamaya na iyan, bayad-bayad din," sabi ko.
"Oh, ito na," sabi ni Joy.
Nakabili na rin kami at doon kami sa may bench kung saan nakatambay ang mga lalaki at ilang babae kong kaklase. Nagtatawanan lang kami dahil nantitrip ang mga lalaki sa mga dadaan.
Ang iingay namin magdaldalan.
Maya-maya, napansin naming wala na kaming kaklase sa fourth floor na nakatambay sa hallway kaya lahat kami na nakatambay sa bench ay nagpaunahan umakyat sa taas at baka dumating na yo'ng teacher naming masungit sa Physical Education.
See, sabi na e, andiyan na si Ma'am.
"Gagi, yari tayo," sabi ni Joy.
"Hala, bakit ang aga ni Ma'am?" pagtatanong ni Gab.
"Ngiti lang tayo," plano ni Jessica.
"Good afternoon po Ma'am," sabay-sabay naming bati sabay yuko.
"LABAS!"
GAGO, galit na galit na naman si Ma'am.
1 minute late lang kaming ilan ba kami,
1, 2, 3, 4, 5, 6, 7,
Humabol sila Miggy at Froi.
Bali 9 kami.
"Anong oras na, 1 minute kayong late! HUWAG NA KAYONG PAPASOK SA KLASE KO!" galit na galit na sabi ni Ma'am.
"Ma'am kasi kumakain pa kami,"
"Ma'am nagpaxerox po kasi kami,"
"Ma'am kasi---"
Kaniya-kaniyang dahilan pero walang talab kay Ma'am sungit.
"Humilera kayo diyan sa gilid sa labas ng classroom. Saka lang kayo papasok kapag tapos na ang klase ko!" galit na sabi ni Ma'am.
"What the nako pow," bulong ko sa sarili ko.
Mga kaklase ko na lalaki mukhang natatawa pa at masayang magstay sa labas kaysa magklase kay Ma'am.
"Hoy, gagi huwag kayong tumawa baka mapatawag adviser natin," paalala ni Abby.
"One minute late or kahit hindi pa time tapos nasa room na ako, lahat ng huling papasok ay hindi na papapasukin sa buong klase ko naiintindihan niyo iyon? Ayoko sa lahat ang mga pasaway at walang disiplina kaya matuto kayong mag-adjust. Isuksok niyo sa lalamunan niyo ang pagkain at hindi na kailangan magtambay sa labas. Dito kayo kumain, naiintindihan niyo ba?" Sermon ni Ma'am na ubod ng lakas at rinig sa labas.
"Opo," sagot ng mga kaklase ko na nasa loob.
"Gagi, bakit kayo nasa labas?" pagtatanong ni President. Kasama niya ang apat ko pang kaklase.
"Tangeks yumuko ka, huwag kang pahalata na kararating mo lang, one minute lang kami late tapos andiyan na si Ma'am. Pinalabas kami, hindi daw pwede pumasok sa klase niya. Saka lang papasok kapag natapos na ang oras niya," paliwanag ni Abby.
"Hala, atat pa sa first. Galing naman," inis na sabi ni President.
"Eh, wala tayong magagawa," sabi ni Jessica.
"Baka may toyo si Ma'am at hindi sinuyo kaya ganyan, tayo nadadamay," sabi ni Froi.
"Hoy, siraulo ka marinig ka," sabi ko.
May dalawang taga-ibang section ang tumawa at kinausap ang President namin. Mukhang tropa ni President.
"Zel, bakit kayo nasa labas?" Pagtatanong nito.
"Tantrums, one minute late pinalabas na," paliwanag ni President.
"HAHAHAHAHAHAHHA, kami nga kahit late kami sa kaniya okay lang e. Sobrang init ata na'ng dugo niya sa section niyo," sabi no'ng isa na kasama nong kaibigan ni President.
"Wala e, mainit talaga, siraulo kami e," sabi ni President.
Natapos na ang klase kay Ma'am sungit. Gusto pa namin magsorry. Humilera kami bago siya lumabas kaso hindi niya kami pinansin ni tinignan man lang. Grabe talaga tantrums no'n.
Pagpasok namin sa room, normal daldal at ingayan lang. Hindi naman mawawala iyon.
"Boss Brea, ito na pala yo'ng mga bayad nila for tarpaulin mamaya. Nasingil ko na sila. Kasama pa ba kami sa pagpapaprint ng tarpaulin?" Pagtatanong ni Leon.
"Kayo bahala," sagot ko.
"Sige sama kami para naman dama namin ang paglalagay ng tarpaulin ng film natin," sabi nito.
Hindi na ako nagsalita at ngumiti na lang ako sabay daos-dos ng mukha sa mesa ko dahil inaantok na naman ako.
Matapos ang lahat ng klase ay uwian na.
"Brea, pahingi pulbo,"
"Ako rin lodi,"
"Pahingi, salamatszcv,"
"Brea frenny,"
"Brea, salamat,"
Ay putcha, ilalabas ko pa lang, naghingian na sila.
"Oh, balik niyo na lang,"
Matapos mag-pulbo ay paunahan kami sa malaking salamin sa likod ng classroom. Kaniya-kaniyang pulbo, suklay, ayos ng mukha, pagpapacute at 'yong mga bakla ay rumarampa. Kasya pa naman kami.
"HOY MGA HUDAS NA CLEANERS! ISA NA LANG NAIWAN DITOOO NAGTAKBUHAN NA NAMAN KAYO!" Sigaw ng President namin.
"Hala hindi, nag-aayos kami na'ng upuan," sabi ni Harold.
"Oo nga," dagdag ni Faye.
Ayan na naman ang mga kaklase kong cleaners na kunwari naglilinis pero hahawak-hawak lang naman ng upuan o ng dust pan at kapag hindi na nakatingin si President ay nagtatakbuhan.
HHAAHHAHAHA, Relate ako. Gawain ko iyan e.
"Brea tara na?" Pag-aaya nila Leon.
"Bakit magdidate kayo?" Pang-aasar ni Joy.
"Gago hindi, sasama sila sa pagpapaprint ng tarpaulin at pagkakabit nito dito," sabi ko.
"Sus, kayo ah. Naiwan lang kayo alone together forever e nagiging cheesy at close na kayo," pang-aasar ni Abby.
"Bobo mo, masyado kayong maraming isyu," inis na sabi ko.
"Uy, namumula, ACKKK--- sorry na," sabi ni Abby matapos kong hilain ang buhok niya.
Ito namang si Leon ay nagpatay malisya lang sa mga pang-aasar nila.
Paglabas namin ng room e nakita na namin sa hallway sa ibaba na nakapost na ang tarpaulin ng mga ibang section na kasali.
"Shock, mas maganda sa atin," sabi ni Leon.
"Oo nga e, kasing ganda ko," sabi ni Abby.
"Tara na Brea ipaprint na natin para makita agad kung sinong magistand-out," sabi ni Tin.
"Exciting," sabi ni Miggy.
Pinatarpaulin na namin ng maliit at pinaskil na namin ito sa hallway.
"Hoy, walang late mga 2:00 na tayo magshoot for next scenes," paalala ko.
"Same pa rin ba ang dadalhing mga gamit or props?" Pagtatanong ni April.
"Oo, same pa rin pero syempre ibang damit na mamaya isipin ng mga manonood na hindi kayo naliligo e," pagbibiro ko.
"Sige, una na kami kita kits na lang mamaya," paalam ni Leon.
"Sige babye,"
"Ingat kayo," paalam ni Tin.
"Bye,"
At naglakad na rin kami ni Joy at Abby pauwi ng tahimik. Ay kami lang pala ni Joy ang tahimik. Si Abby kasi kausap ang sweety peewee niya sa phone habang naglalakad tapos si Joy busy sa pagkain ng ice cream samantalang ako busy sa pagkain ng kwek-kwek.
"Andito na daan ko, babye," paalam ko sa kanila.
"Babye,"
"Bye,"
Nakauwi na rin ako sa bahay at magpapahinga na muna ako. Wala naman si Mama e at si Papa. Nasa work pa ata or nasa palengke.
*ting*
(opens messenger)
(Leon Bryle Tolentino: Boss, sa loob ba tayo ng bahay magshoshoot or sa labas?) 1:23 pm
(Brea Villafuente: May handaan sa inyo e so sa labas na scenes muna para hindi maabala ang birthday party.) 1:23 pm
(Leon Bryle Tolentino: Nakauwi na ba kayo?) 1:23 pm
(Brea Villafuente: Ako nakauwi na, sila Joy at Abby baka nakauwi na rin iyon.) 1:24 pm
(Leon Bryle Tolentino: Sige boss.) 1:24 pm
(seen 1:24 pm)
Nakaidlip ako, sakto 1:58 pm na. Aalis na ako at susunduin kila Joy at Abby. Hindi na ako magtatanghalian dahil lalamon naman kami sa birthdayan.
Naglakad na ako papunta kila Joy.
Sunod naming pinuntahan si Abby.
Papunta na kami kila Leon.
"Hello po Tita," bati ni Abby.
"Magandang araw po," bati ko.
"Hello wazzap," buang na sabi ni Joy.
"Oh, kuya Leon nandito na chicks mo," pang-aasar ng mama ni Leon.
"Hindi po, si Abby lang po chicks sa amin HAHHAHAHHA," sabi ni Joy.
"Hoy," pagsuway ni Abby.
"Uy tara na guys, nandito na sila," pag-aaya ni Leon kila Miggy, Tin at April na mukhang kanina pa nandito.
"Pabihis muna ako Leon," paalam ni Abby.
"Sige lang," sagot ni Leon.
"Sunod ka na lang, doon lang kami sa tapat, sisimulan na ang shoot," sabi ko.
"Para makachibog na, ready na ang videoke e," sabi ni Joy.
"AHAHAHAHHHAHA," tawanan naming lahat.
"Ge ge," sagot ni Abby.
Nagstart na talaga kaming magshoot ng ilang scenes and ginagalingan nila na'ng sobra today. Sobra ata silang naiinspire sa handaan kaya ginagalingan nila para hindi kami umulit. AHAHHAHAHAH.
Natapos kami ng alas-tres sa iilang shoots for this day. Hindi pa totally tapos ang shoot, bukas naman. Need kasi sa loob ng bahay iyon e.
"CHIBUGAN NAAAAAAAAAAAAAA!" Sigaw ni Miggy.
"Wala akong hiya Leon, may dala aakong tupperware, salamat," sabi ni Joy habang nilalabas ang isang tupperware mula sa kaniyang bag.
"HOY, NAKAKAHIYA KA AHAHAHAHAH," paninita ni Tin.
"Gagi, tara na," sabi ni Leon.
Naglakad na kami papunta sa bahay nila at nakadisplay na ang mga handa. Naka-on na ang videoke. Birthday pala na'ng baby niyang kapatid na si Princess.
"Happy Birthday Princess," sabi ni Abby.
"Happy Birthday bibi girl," sabi ni Joy.
"Happy Birthday, Leon ang cute ng kapatid mo," sabi ni April.
"Halika ka dito Princess," pag-aaya ni Tin para kalungin si Princess.
"Halina kayo sa loob at kumain. Kumanta ang gustong kumanta pero ako muna HAHHAHAH," sabi ni Leon.
"Geeee," sabi namin.
Tumabi sa akin ang kapatid niyang pangalawa.
"Hello po," pagbati nito.
"Hello," sagot ko.
Kumakanta na si Leon. Okay naman ang boses niya. HIndi siya magaling pero nakakakanta siya. Kinanta niya ang Upside Down by 6Cyclemind.
"Alam mo ate, iyan ang kinakanta niya para kay ate Lyssa. Crush na crush kasi ni kuya si Ate Lyssa," kwento ng kapatid ni Leon sa akin.
"Ahh, kaya pala ramdam niya," sagot ko na lang.
Taeng iyan. Bakit naman ako nalungkot? Siraulo. Baka mood swings lang ito. Nakakapikon kasi ang chicken wings e, hindi ko malasahan.
"Yownnnn," sabi ni Joy.
Natapos na rin kumanta si Leon.
"Hoy, umalis ka diyan," sabi ni Leon sa kapatid niya.
Hindi harsh ang pagkakasabi niya ah.
Bakit ko ba ineexplain. Nakakapikon, namomood swings ata ako.
"Yieeee, para kay Lyssa raw pala yo'ng kinanta mo?" Pang-aasar ko kay Leon.
Bakit hindi ako genuinely ngumiti kung pang-aasar lang iyon.
"Ahh, before pero matagal na ako nakamove-on sa kaniya kasi syempre may gusto na akong iba na mas better, HHAHAHHHA," sabi ni Leon sa akin.
"Ayieeeee, sino iyan, nandito ba?" Parang gagong sabi ko.
"Oo, nandito pero shhhh ka lang, narealized ko na totoo yo'ng nararamdaman ko for her and she's so simple and special for me. Pero baka hindi na ako umamin, sino ba naman ako diba compare sa magugustuhan no'n," sabi ni Leon.
"Buang ka, tinanong mo na ba siya kung gusto ka rin niya or magugustuhan ka rin niya? Hindi pa naman diba? Tapos anong sinasabi mong ito lang ako? Sad boy 'yan? AHAHAHHAHA," pang-aasar ko.
"HAHAHHAHAHAH, cringe ng mga lalaking sad boy, hindi ako sad boy sinabi ko lang iyon pero seryoso na yo'ng tama ko doon e. Ay wait tawag ako," sabi ni Leon.
"Sige,"
Leon's POV
"Ma? bakit po?" Pagtatanong ko matapos akong tawagin ni mama.
"Picture picture kayo, dalhin mo rin itong coke sa mesa ninyo," sabi ni Mama.
"Opo,"
"Ito na chance mo para magpapicture sa crush mo kuya," pang-aasar ni Mama.
"Maa, shhh," sabi ko.
Tumawa lang si Mama.
"Guys--,"
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko. Tahimik ko na lang na nilagay ang coke sa ibabaw ng mesa namin at nakikinig ako sa magandang tinig ni Brea. Scared to Death ang kinakanta niya at halatang nahihiya pa siya.
Sobrang talented niya at gifted pa siya. Sobrang masiyahin, genuine, walang arte at iba pa.
Now I know bakit ang ganda na'ng mga pages ng love stories ng buhay niya. Its because she deserves it and she's the most genuine person na deserve sumaya ng sobra. I wish I could be one of it.
"Tara groufie tayo, lapit dito. Brea mamaya na iyan picture muna, one, two, three,"
Sobrang ganda niya. Ang cute niya pa.
"Isa pa wacky, one, two, three,"
HAHAHAHAHAH, she doesn't care about her wacky face.
"Leon, selfie tayo," pag-aaya ni-- Brea sa akin.
"Sige boss, one two-- three," sinandal niya ang siko niya sa balikat ko.
See the height difference? 5'3 ata siya tapos 5'1 and 1/2 lang ata ako.
Naka-apat na picture kami at nakasandal sa bawat picture ang kaniyang siko sa balikat ko.
Save to File Safe Pictures.
Napacute niya talaga.
This will be the first time na nagpicture kami together.
Binibini,
Maging sa larawa'y hindi maikaila,
Natatanging ganda na sa iyong mata'y nakikita,
Lalo akong nahuhulog sa iyo,
Maaari kaya kitang tawaging mahal ko?
Tinig mo ang nais kong marinig sa umaga,
Sing-ganda na'ng boses gaya na'ng Ibong Adarna,
Ngayon, mas naiintindihan ko na,
Kung bakit deserve mong sumaya.
Notes Save.
Kumakain at nagdadaldalan lang kami.
Ang saya naman ng araw na ito.
Sana dumating ang araw na maamin ko ang pag-ibig ko kay Brea.
"Anak, yo'ng leader niyo yo'ng maputi ang crush mo noh?" Ayan na naman ang pang-aasar ni Mama.
"Hala, hindi ma," pag-ilag ko. Saka ko na ipapaalam kay Mama kapag handa na ako.
"Ahhhh," makahulugang sabi ni Mama na akala mo nang-aasar at nagdududa.
Nagsiuwian na silang lahat at nagpaalam na sila.
Ipapahinga ko na muna ang aking sarili dahil napapagod ako ngayon.
Brea's POV
Ay sulit ang aming kainan kila Leon. Ang daming pagkain, umuwi na nga kami e dahil sa busog na busog kami. Ay shet, nalimutan ko ipapasa sa phone ko ang mga videos na tinake namin kahapon. Bukas na lang, baka pagod na rin si Leon.
Hoy, hindi ako concern, reality lang iyon.
"Ma, nakauwi na po ako, kumain na rin po ako sa birthdeyan. Magpapahinga na po ako," sabi ko kay Mama.
"Kanina ka pa hinahanap ng papa mo," sabi ni Mama.
"Hala nagpaalam naman ako ah," sagot ko.
"Kay papa mo hindi," sagot ni Mama.
Ay shet.
Umakyat na ako ng bahay. Nakita ko si papa na nagbubunot ng sahig.
"Papa, nakauwi na po ako, kumain na po ako sa birthdeyan, marami po kami," sabi ko.
"Mga babae or mga lalaki kasama mo?" Pagtatanong ni Papa.
"Both pa, mga kasamahan ko iyon sa film making sa school. After po namin mag shooting e dumiretso na kami sa kainan," sagot ko.
"Ahh sige," maikling sagot ni Papa.
Pumasok na ako sa kwarto ko upang magpahinga at matulog. Bukas ko na lang gagawin sa room ang assignment.
Shet, 5:45 na. Late na ako. 6:30 pa naman pasok namin. Tae, magmamadali na nga ako at hindi na ako kakain.
"Ma, hindi na ako mag-aalmusal, late na po ako e, maliligo na po ako," sabi ko kay mama.
"HA? Oh ito ihahanda ko na lang ito as baon mo, ilalagay ko na sa bag mo," sabi ni Mama.
"Sige po, salamat po," sabi ko.
Ilang minutong ligo, natagalan nga lang, mabilisang bihis at violaaaa okay na ako. Habang naglalakad papuntang tricycle station ay nagsusuklay ako na'ng buhok.
Ilang minuto lang ay nasa room na ako, mukhang hindi pa ako late dahil nakikita ko pa sa corridor ang mga lalaki at babae kong kaklase na nagdadaldalan.
Mabilis kong inakyat ang hagdan papuntang fourth floor.
"Brea!" Sigaw ni Joy.
"Oh?" Nakabusangot na sabi ko.
"Ang ganda daw ng poster natin, malaking ang chance na manalo tayo dahil mas maganda ito compare sa iba," sabi ni Joy.
"Malamang sasabihin mo iyan kasi member ka na'ng gumawa, tsk," sabi ko sabay lapag ng bag ko.
"Gaga, totoo sinasabi ni Joy bakla, ang ganda na'ng poster niyo at mukhang nakakaexcite panoorin," sabi ni Edrian.
"Ay weh? hehe," parang tangang sabi ko.
"Oh sige na, lumapit lang naman ako sayo para sabihin yo'ng good news. Balik na uli ako sa kabilang section at makikipagdaldalan, babye," sabi ni Joy.
"Hoy gago, baka maabutan ka na wala sa room ni Ma'am?" Pagtatanong ko.
"Shunga, hindi ka ba nagbabasa sa group chat? Free time natin ang one hour this morning hays Brea sabog," sabi nito.
"Ahh, sa wakas makakapag-almusal din ako," sabi ko.
Inilabas ko ang baunan ko at kumain habang free time namin.
"Brea, hindi ka nag-almusal noh?" Pagtatanong ni Leon.
"Hindi nga e, napagod ako kahapon," sagot ko.
Bigla kong naalala na hindi ko pa pala napapasa sa kaniya ang mga videos na shinoot kahapon.
"Ay, Leon, nalimutan ko ipapasa sayo yo'ng mga videos na shinoot natin kahapon," sabi ko.
"Ay, oo nga, sige mamayang uwian, sabay tayo umuwi para habang naglalakad ay mapasa na," sabi ni Leon.
"Oh sige," sabi ko.
"Brea, pwede ba ako umupo sa tabi mo, may itatanong ako sa iyo about sa crush ko," sabi ni Leon.
"Halika dito, sino yan? HAHAHAH, ikwento mo go, makikinig ako," sabi ko habang may laman ang bibig ko.
Umupo sa tabi ko si Leon habang ako'y busy sa paglamon ng baon ko na hotdog, fried rice and bacon.
"Ganito kasi, alam ko sa sarili ko na gusto ko na siya kaso," pabitin na sabi ni Leon.
"Hindi niya ata ako magugustuhan, maliit ako compare sa kaniya, kulay pa lang wala na," sabi nito.
"Ano ka ba, we should know how unconditional love works, mas maganda and fullfiling iyon. Yo'ng tipong wala kang aasahan pabalik, aamin ka, gusto ka man niya o hindi ang mahalaga naipakita mo ang love mo and nakaamin ka. Mahirap magsisi sa huli na hindi ka pa umamin, malay mo gusto ko rin niya," sabi ko sabay subo sa kanin.
"Eh ako may tula akong ginawa para sa kaniya, tula na'ng isang sundalo ito pero may deeper meaning, basahin mo nga," sabi ni Leon sa akin.
Nagwait sign muna ako at uminom ng tubig sabay kuha sa magandang papel at binasa iyon.
Isang sundalong naglalakbay sa malayong nayon,
Nakakilala na'ng isang binibining sing-ganda ni Magayon,
Handa na ang kaniyang armas, puso't kakayahan,
Upang pag-ibig niya'y maipakita't, maipaglaban,
Ako ang sundalong malakas, makisig, mataas ang tiwala,
Ngunit sa digmaan ng pag-ibig mo ako'y nanghihina,
Hindi ko magawang lumakad pasulong kung nariyan ka,
Hindi ko rin magawang umatras dahil ayokong ika'y mawala.
Kahit gaano pa ako kahanda na mahalin ka,
Kung takot naman akong aminin sa iyo sinta,
Na nahuhulog ako sa taglay mong ganda,
Sa likod ng simple at nakakapukaw mong mata,
Alam mo kung anong napagtanto ko, binibini,
Kaya ako napaibig sayo dahil ika'y katangi-tangi.
Susugal ba ako para sa pag-ibig ko sa iyo?
Kung hindi sigurado na mananalo ba ako o matatalo.
"Aaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh, kung ako lang sana ito noh? Nakakakilig Leon!!!!!!!!!!!!!!!!!" Papuri ko sa nakakakilig na tula ni Leon.
"Anong kung ikaw?" Pagtatanong nito.
"Hindi joke lang, syempre ang sarap sa puso na may nag-aalay sa iyo na'ng tula. Mostly sa mga kabataan ngayon nadadaan na lang sa text, call or messenger," sabi ko habang nililigpit ang baunan ko.
"Gusto mo na'ng tula ko?" Pagtatanong ni Leon.
"Oo naman, kaya ibigay mo na iyan sa tamang oras at pagkakataon para makaamin ka na yieeeee," sabi ko.
"Hindi ko nga alam yo'ng tamang oras ata pagkakataon, magbigay ka nga na'ng halimbawa," sabi ni Leon.
"Hmm, paramdam mo muna na gusto mo siya, na mahalaga siya sayo tapos pagnacurious na iyan go ibigay mo iyan. Ang pangit naman kung out of nowhere e nagbibigay ka na'ng tula na walang clue or what," sabi ko.
"Sige, ipapakita ko na sobrang-- sobrang halaga niya," nakatingin sa mata ko na sabi ni Leon.
Ang gago bakit naman ganoon ang epekto sa akin.
Brea, baliw ka na.
"Oo, goooo," sabi ko.
Bumalik na si Leon sa upuan niya at nagsimula na rin ang klase.
Matapos ang mahabang klase ay recess na. Wala naman, sobrang boring lang ng klase namin, puro lecture at pasulat.
"Joyyyyyyyyyy bili mo ko tubig, ayokong bumaba," sabi ko.
"Matatagalan pa ako bago ko iakyat dahil may dadaldalin pa ako," sabi ni Joy.
"Hayyy sige huwag na,"
"Abbbbbbbbbbbbbbyyy, pakisuyo na'ng tubig," sabi ko kay Abby.
"Leon, pakisuyo daw ng tubig, may gagawin pa ako e," sabi ni Abby.
Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa ni Abby.
"Hoy baliw ka ba, nang-iistorbo ka na'ng tao, hindi Leon, baliw lang iyan," sabi ko.
"Tubig boss Brea?" Pagtatanong nito.
"Hindi huwag na nakakahiya, salamat na lang," sabi ko.
Umalis na si Leon at jusme ilang minuto lang nasa room na siya at mag-isa lang siya dala ang dalawang tubig.
"Oh, sinabay ko na," nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya.
"Halaaaaa, wait ito bayad ko," sabi ko sabay kuha na'ng barya.
"Hindi huwag na boss," sabi ni Leon.
"Siraaaa," sabi ko.
"Okay na, bayaran mo na lang ako kapag mayaman ka na," sabi ni Leon.
"Buang, bahala ka ah? Salamat," sabi ko.
Uhaw na kasi ako, huwag tumanggi sa libre at grasya noh?
Back to klase na uli kami. Mabuti at student teacher ang teacher namin sa Physical Health at hindi si Ma'am sungit.
Ang daming assignments and mga projectsplus groupings.
Noong dumating na ang teacher namin sa Filipino ay ang mga kaklase kong tamad at mautak ay nagsimula na maghasik.
"Ma'am, ang ganda mo today, nakita ko my day mo sa ibang lugar," sabi ni Gab.
"Wow, sosyal na si Ma'am," sabi ni TIn.
"Ma'am saan kayo galing no'n?" Pagtatanong ni President.
"Yieeeee, namumula siya," pang-aasar nila June.
"Syempre naman, kaya ako maganda that day kasi nagkita kami na'ng asawa ko, uwi niya kasi kahapon," sagot ni Ma'am.
Ayan na, sinisumulan na nila si Ma'am. Si Ma'am kasi, kapag pinakwento mo talagang dire-diretso at hindi matatapos kaya ayun, kunwari nakikinig ka at nakikitawa or kilig para naman walang ipagawa or klase or exams. Ang dami niya kasi magpagawa and hindi namin kaya today dahil sabay-sabay.
"So ayun na nga nagkita kami, maganda yo'ng suot ko that time, tapos pinuri niya----,"
Mga kwento ni Ma'am na wala akong naiintindihan dahil patago akong nagbabasa na'ng w*****d sa likod ng notebook. Kasi naman, kada minuto naiimagine ko yo'ng part kung saan ako nagstop at nabobother ako kung ano na ang susunod.
Sobrang ganda kasi e tsaka hindi naman sa wala akong pakialam, talagang kwentuhan lang about sa asawa niya at anak niya ang storya. Mas lalo ata akong naduduling sa pagkakaantok.
Natatawa ako, si Glenda nasa floor naglatag ng manila paper. Eh napansin ko kaagad noong lumingon ako sa likod. HAHAHAHAHAHAHHAHAHA, humiga siya HAHAHAHAHH ready na matulog. Si Ma'am kasi bihira mag-ikot lalo na kapag nakwento tsaka medyo malabo ang mata so hindi niya mapapansin na may natutulog or nagpapatayan na sa likod.
"Ayoooooonnnn, yieeeeeeeeeee kaya pala blooming kayo lagi Ma'am," mga sabat ng mga lalaki sa likod.
"Hoy, mga bolero," sabi ni Ma'am.
So bali ganito ang set-up. Yo'ng dalawa si Aimee at Glenda natutulog sa likod sa floor pero may sapin na manila paper. Ang mga bruha nagsusun kissed selfie sa gilid sa may bintana, ang mga lalaki sa likod nagkukwentuhan at akala mo si Cong TV ang nagkukwento. si Tin, April, Hannah, at Faye ay nagtitirintas ng buhok. Yo'ng iba akala mo nakikinig talaga at nakikita pa sabay tango-tango. Ang mga kaibigan ko nagtatago sa notebook at nagbabasa na'ng w*****d. Ang katabi ko naman jusme nag SOS HAHAHAHAHAHAHAHAHAH. Natatawa talaga ako sa section na ito. Andito pa naman galing ang mga maraming honors at maraming bagsak. Pinagmix kasi kami.
Sa wakas, nag bell na. Natapos na rin ang adventure namin kay Ma'am. Balik na lahat sa dati at nabaliw na katatakbo sa ibang sections ang mga walang dala na libro dahil required iyon ng next teacher namin sa Economics. Terror pa naman iyon. Buti may dala akong libro, atleast hindi na ako mahihirapan.
Nagbabasa at nagkakabisado na ako kasi bigla-biglang nanunuro iyon at kapag hindi ka makasagot goodluck sa susunod na kabanata ng sermon at grades mo at mangawit ka na nakatayo. Good thing kaya naming tulungan ang isa't isa at magturo ng sagot kaso putragis ibang klase na kasi si Sir, umiikot na kaya mahirap na magpass the message.
Nasa aisle pa naman ako, madalas unang natatawag ang mga nasa aisle. Kahit nasa likod ka kaya ang teknik ko titigan si Sir e pero huwag tumango kung hindi mo alam. Hindi siya nagpapa-index card, talagang nababasa niya sa mata yo'ng mga hindi nagbasa at nagbasa. Galing noh? Mabuti't mabilis ako magkabisado kapag napipressure.
"Good morning class," bati ni Sir.
"Good morning Sir,"
"Okay Please sit down except Mr. Javier, tell us about the difference of Macro and Micro in Economics,"
Potek see sabi ko sa inyo e, hindi ka makakahinga.
"Economics is divided into two categories: microeconomics and macroeconomics. Microeconomics is the study of individuals and business decisions, while macroeconomics looks at the decisions of countries and governments," sagot ni Javier.
"Ang galing ni Javier, sinearch what's the difference of Macro and Micro in Economics tapos kinabisado," sabi ni Sir.
Nanginginig ako. Ako kinakabisado ko pero nilalagyan ko ng example para kunwari nauunawaan ko talaga ang mga pinagsasabi ko diba.
"Hindi na nakagot, nice try. Best in Memorization huh," sabi ni Sir.
Buong subject ni Sir hindi ko siya maintindihan. Paikot-ikot kasi sa utak ko lahat ng mga menimemorize ko plus prayers na babawi na lang ako bukas at huwag niya na ako tawagin. May isa sanang technique which is yo'ng taas ka dapat ng taas ng kamay para kunwari alam mo, mostly hindi tinatawag ni Sir ang mga nagtataas ng kamay pero mukhang nabuking niya ang strategy na iyon dahil nababasa niya ata kami at napapaghalataan dahil maraming nakataas ang kamay.
Pero magaling siya magexplain at magturo, tinuturuan niya talaga kami na'ng tamang disiplina sa pag-aaral na dapat talagang magsipag at huwag umasa sa memorizations dahil sa college hindi na daw ganoon.
Mabuti naman at tumalab ang lahat ng prayers ko dahil nagring na ang bell at natapos na ang klase na hindi ako tinatawag. Malakas ako today kay Lord pero bukas mag-aaral na talaga ako, baka mamaya hindi na ako malakas kay Lord e.
"Good bye class,"
"Good bye Sir Vicente, mabuhay!"
May last subject pa dapat kami pero maaga kami pinauwi dahil may meeting daw ang mga teachers.
"YESSSSSSSSSSSS " sigawan ng lahat after iannounce na maaga ang uwi.
"Sm tayo,"
"Taraaaaa,"
"Hoy gotohan tayo,"
"Hoyy pahingi pulbo,"
"May liptint ka be?"
"Tara mall tayo,"
"Tara,"
Ayan ang mga maririnig mo sa mga kaklase ko, kaniya-kaniyang plano na'ng gagawin pero sad to say kami hindi namin magagawa dahil nga may shooting kami mamaya.
"Una na ako Brea," paalam ni Abby.
"Bakit?" Pagtatanong ko.
"Bibili pa kasi ako na'ng gift para kay bebe ko dahil magkikita nga kami bukas,"
Ay bukas nga pala iyon noh?
"Eh may shooting e," sabi ni Joy.
"Aattend ako mamaya, bukas aattend din ako bali diretso na tayo sa meet up bukas," sabi ni Abby.
"Oh sige ingat ka," sabi ko.
"Byeee,"