Brea's POV
"Tara na Leon," Pag-aaya ko kasi sabi niya sasabay siya umuwi para maipasa na niya sa akin yo'ng mga videos na shinoot kahapon dahil nga ipapasa ko na agad ito sa computer sa bahay.
"Wait lang," sigaw ni Joy na nagpupulbo pa rin sa harap ng salamin.
"Hindi muna ako sasabay mga bakla," paalam ni Abby.
"Bakit?" Pagtatanong ko.
"May bibilhin pa kasi akong regalo para sa bebe ko kasi magkikita kami sa Saturday diba?" Paliwanag ni Abby.
"Eh may shooting mamaya ah?" Pagtatanong ni Joy.
"Aattend ako mamaya kaya nga nagmamadali ako ngayon hangga't may oras pa at maaga tayong pinauwi, sige na babush, kita kits later, sunduin mo ko Brea," paalam ni Abby.
"Sige," sagot ko.
Umalis na si Abby.
"Tara na," sabi ko.
Lumabas na kami na'ng gate at naglakad kaunti saka namin nilabas ni Leon ang mga phone namin.
"Naka-on na share-it ko," sabi ko.
"Yo'ng VIVO KALBO ba? HAHAHAHAHA" tanong ni Leon.
"Oo, AHAHAHAHA," sagot ko.
"Okay na sending na," sabi nito sa akin.
"Okay," sagot ko.
Apat kaming kasalukuyang naglalakad pauwi ngayon. Nasa harapan namin sila Leon at Miggy at nasa likod kami ni Joy.
BIglang humarap at nakipagkwentuhan si Leon at Miggy sa amin.
"Alam niyo nahihirapan na ako sa mga pinapagawa sa atin lalo na sa Filipino," reklamo ni Leon.
"Ako rin, hindi gaanong nagkaklase, pinapasulat lang yo'ng nasa libro lahat iyon," sabat ko.
"Kailangan pa kinabukasan ipapasa tapos need pa makompleto ang mga pirma para magkagrades," sabat uli ni Leon.
"Ako nga shinoshort cut ko yo'ng mga sulat doon e, hindi naman niya binabasa diretso pirma lang, HAHAHAHAHA," sabat ni Joy.
"Ako, hindi na ako nagpapasa, okay na ako sa 75," sagot ni Miggy.
"Sira ulo, bakit naman?" Pagtatanong ko.
"Hindi ko naman magagamit sa construction sites iyan," sagot ni Miggy.
"Sana all," sabi ni Joy.
"Sana ako rin," sabi ni Leon.
"Ay nga pala Boss Tolents, Brea, Joy dito na ako kakaliwa kasi amy bibilhin pa ako e, mauna na ako kita kits sa shooting mamaya," paalam ni Miggy.
"Oh, Babye Migs," paalam ni Leon.
"Babush," sabay naming sabi ni Joy.
Kasalukuyan kaming naglalakad tatlo nila Leon at Joy.
"Inaantok talaga ako lagi sa klase," paunang kwento ni Joy.
"Ako rin naman, napapapikit na lang talaga ako or kinukurot ko sarili ko," sabi ko.
"Ako kaya kong matulog ng nakadilat," sambit ni Leon.
"Sira ulo ka, imbento ka, paano iyon?" Pagtatanong ni Joy.
"Ikalma mo lang sarili mo at iimagine habang nakadilat na nasa higaan ka at natutulog, wala kang maririnig at lutang ang sarili mo no'n. Nakakarelax pa HAAHHAHAH," paliwanag ni Leon.
"Eh, kahit anong gawin ko talagang napapapikit ako," sabi ni Joy.
"Mahirap pala maging teacher, what if lahat tayo inaantok tapos napapapikit at napapatirik ang mata tapos nagkataon na sabay-sabay tayo. Creepy siguro no'n HAHAHAHAHAHA," nakakalokang imahinasyon ko.
"HAHHAHAHAHAH, baka isipin na nageexorcism tayo," sabay ni Leon.
"HAHAHAHAHAHHAHAHA," tawa ni Joy.
"Ay gagi dito na pala ako kakanan dadaanan ko pa si Mama hihingi ako pang-kain mamaya. Kita-kits na lang mamaya, sunduin mo ko Brea. Chat na lang sa group chat kung tuloy ang shooting," paalam ni Joy.
"Tungaks, malamang tuloy, bakit naman hindi matutuloy?" Pagtatanong ko.
"Baka makatulog ka at tinatamad ako, sige na babush," paalam ni Joy.
"Bye,"
"Bye boss Joy,"
So bali dalawa na lang kami ni Leon na naglalakad pauwi. Medyo magkalapit kasi ang kanto kung saan ako naninirahan at kung saan siya dadaan e.
HIndi naman ako naaawkwardan kasama siya at napakakomportable na'ng pakiramdam ko kapag kasama ko siya and besides he looks like a very entertaining and trustworthy friend of mine.
"Brea gusto mo kwek-kwek?" Pagtatanong nito.
Kinapa ko muna ang bulsa ko kung may pera o barya man lang ako. Ayooooonn mabuti na lang at mayroon dahil kung iaassume ko na ililibre ako nito ay huwag na dahil ayoko magkautang na loob uli at kung hindi niya ako ililibre nakakahiya naman na nakatingin lang ako sa kaniya habang kumakain siya noh.
"Libre ko," sabi niya.
Libre naman pala. Ayoko nga, marami na ako utang sa iyo.
"Ay huwag na, may pera ako," sabi ko.
"Ikaw bahala,"
Lumapit kami sa nagtitinda na'ng kwek-kwek, kumuha na kami na'ng stick and lalagyanan.
Kumuha na kami na'ng kwek-kwek at tumayo muna sa gilid upang sumilong dahil tanghali na at mainit.
"Okay ba ba?" Pagtatanong ko no'ng napansin ko siyang binuksan ang kaniyang phone.
"Malapit na konti na lang," sabi nito.
Mainit yo'ng kwek-kwek potek wala akong tubig.
"Ieedit mo lahat ng shinoot natin ng mag-isa?" Pagtatanong ni Leon.
"Oo pero sa phone nga lang kasi mas komportable ako at mas gamay ko kung sa phone e," paliwanag ko sabay subo na'ng kwek-kwek.
"Magaling ka pala talagang mag-edit noh? Ang dami mong skills and talents ah," sabi nito sabay subo na rin ng kwek-kwek.
"Natuto lang atsaka nahilig lang din pero hindi ako magaling," sabi ko habang nginunuya ang kwek-kwek.
"Gusto mo ba na'ng palamig?" Pagtatanong nito.
"Ay hindi na," sabi ko.
Wala na rin kasi akong pera, piso nalang ito. Tiis na lang.
"Pakiramdam ko hindi e," sabi nito.
Lumapit siya sa nagtitinda ng kwek-kwek. Bumili siya ng palamig.
"Kuya, dalawang palamig po," sabi nito.
"Bakit dalawa?" Pagtatanong ko.
"Mainit ang panahon dahil tanghali, pawis ka, mainit din ang kwek-kwek at kita ko sa gilid ng bag mo na naubos na ang tubig mo kanina," sabi nito.
"Eh, may utang pa ako sa iyo na tubig kanina tsaka nakakahiya naman, hindi ako kasama sa budget ng magulang mo," sabi ko.
"Ipon ko ito huwag kang mag-alala HAHHAHAH," sabi nito sabay lapit sa akin at bigay ng palamig.
"Salamat, mahilig ka pala manlibre noh? Bagay sa iyo sumama sila Joy," sabi ko sabay inom ng palamig dahil uhaw at init na init na ako.
"Hindi ah, depende lang sa tao," sabi nito.
"I mean leader ka kasi namin, lagi kang naggigive ng extra time and effort mapaganda lang ang film natin. Minsan deserve mo rin makatanggap ng small effort sa aming mga members mo kagaya nito," paliwanag ni Leon.
"Mabuti ka pa, salamat ah?" sabi ko sabay sincere na nakatingin sa kaniya.
Nanahimik kami sandali.
Tinignan ni Leon ang phone niya.
"Okay na tapos na boss, nasend ko na lahat," sabi nito sa akin.
Tinignan ko ang phone niya at nasend na nga niya. Agad kong isinubo ang huling kwek-kwek at itinapon ang lalagyanan at saka naglakad na para makauwi.
Noong nasa kanto na kami kung saan maghihiwalay ang aming landas at nagpaalam na ako.
"Ingat, salamat," sabi ko.
"Ingat din," sabi ni Leon.
Tuluyan na akong naglakad.
Leon's POV
Sabay kaming umuwi ni Brea dahi pinapasa niya ang mga videos na shinoot namin kahapon.
(flashback)
"Ingat, salamat" sabi ni Brea sabay ngiti habang may pagkain sa bibig.
------------------------------------------------------------------------------------------------
"Mabuti ka pa, salamat ah?" sagot ni Brea sabay tingin sa akin ng kaniyang maamong mukha.
------------------------------------------------------------------------------------------------
(end of flashback)
Nababaliw na ata ako sa mga tingin at ngiti niya. Lalo akong nahuhulog sa pagiging simple, genuine at mabuti niya.
Tigil ka nga Leon, nakakahiya. Cringe mo na. Lalaki lang dapat, hindi pahalata, kalmado lang tsaka kilala ka bilang matikas kaya kalma. Hindi ka magugustuhan no'n. Maliit ka lang, hindi sobrang gwapo o matalino.
POTANGINA, bakit ko ba sinisiraan ang sarili ko? Okay confident ako sa kung ano ako ngayon.
Pero seryoso, sobrang gaan sa pakiramdam kapag kasama o nasa tabi ko si Brea. Sobrang unique niya.
Ipaparamdam ko palagi sa kaniya ang pagkagusto ko sa kaniya hindi gamit ang mga mabubulaklak na salita o banat, hindi gamit ang mga pakindat o pasikat kundi ang pagiging gentleman, marespeto, maresponsable at matulungin. Sa ganoong paraan mas mapapakita ko non-verbal kung gaano kalinis ang tingin ko sa kaniya at ang intensyon ko.
"Ma, nakauwi na po ako," sabi ko pagkarating ko sa bahay.
"Oh, bakit masaya ka ata? Love life na naman noh?" ang galing na talagang manghula ni Mama.
"Po?" sabi ko.
"Nako anak, okay lang iyan basta hindi mo papabayaan at lagi mong ipaprioritize ang pag-aaral at ang pag-abot sa tagumpay na gusto mo habang buhay lalo na't panganay ka. Normal lang ang mainlove pero bantayan at ang tukso'y papalapit ah? Isa pa, matuto ka na sa ginawa sa iyo ni Lyssa, ayokong masaktan ka ulit," pagpapaalala sa akin ni Mama.
"Opo mama, lagi kong tinatandaan lahat ng iyan pero mama deserving po at unique po talaga siya," sabi ko.
"Yo'ng leader niyo ba? Iyon ba? Maganda, marespeto at sobrang simple niyang babae makikita mo rin iyan sa pananamit niya at kung paano siya makipag-usap pero malakas ang boses anak at mukhang may p*********i ang kilos," sabi ni Mama.
"May ganoong side po talaga siya mama para maprotektahan niya ang sarili niya pero nakita ko na po yo'ng soft side niya at sobrang worthy po kaso mukhang takot siya sa tao e," sabi ko.
"Yieeeeeee si Kuya may crush, si ate Lyssa ba iyan?" pang-aasar ng pangalawa kong kapatid.
"Hindi, yo'ng leader nila iyon si ate Brea," sabi ni Mama.
"Hala siya na ba? siya pa naman kinuwentuhan ko about sa paborito mong ikanta para kay ate Lyssa kahapon noong kumakanta ka diyan," sabi na'ng kapatid ko.
"Eh anong reaksyon niya?" Pagtatanong ko.
"Sekret kuya HAHAHAHAHA, babye papasok na po ako," sabi na'ng kapatid ko. Pang hapon kasi pasok niya.
"Yari ka sa akin mamaya Josh kapag hindi mo sinabi," pagbabanta ko.
"Yari ka din kuya isusumbong kita kay ate Brea," pang-bablack mail din nito.
"Sige na ihahatid ko pa si Josh, kumain ka na at may shooting pa kayo. Magpabango ka para pogi ka sa paningin at pang-amoy niya," hindi ko alam kung inaasar ba ako ni Mama o ano e.
"Opo,"
Kumain at nagbihis na ako. Napalingon ako sa kalendaryo, grabe ang bilis pala na'ng oras at araw ano? Dating june pa lang at pasukan na ngayong nangangalahati na kami sa oras at araw na magkakasamang magkakaklase. Marami akong nabaon na mga aral pero punyeta tinatamad na ako.
*ting*
(opens messenger)
(Brea Villafuente: Hello Leon, nasa labas na ako na'ng bahay niyo kasama ko sila Abby at Joy hehe.) 2:02 pm
Gagi. Binilisan ko ang kilos ko at nagpabango ng sobra saka lumabas.
"Hoy Leon painom tubig malamig," bungad ni Joy.
"Wala kaming tubig ata na malamig e, tubig lang na kumukulo HAHAHAHAH," pang-aasar ko.
"Hala Brea oh," pagsusumbong nito.
"Hala?" nagulat si Brea sa sumbong ni Joy.
"Sige na pasok na kayo," Pag-aaya ko.
Ilang minuto ang nakakalipas at nakompleto na kami. Nagstart na kaming ishoot ang mga nasa bahay location sa film. Ang daming misunderstandings pero mabuti't malupit si Boss Brea. Sobrang understanding niya, sobrang creative niya and magaling na leader.
Napangiti tuloy ako habang tinititigan siya na nagkukuha na'ng video habang nagaacting sila Abby.
"Tolents, baka matunaw, hinay lang," bulong sa akin ni Miggy.
"Hoy, hindi ko naman masyadong tinititigan si Brea, natutuwa lang ako kasi sobrang galing niya," sagot ko.
"Yieeee, Boss Tolents naiinlove kay Brea," pabulong na sabi ni Miggy.
"Shhh," paninita ko.
"Uyyyy, ano iyon?" s**t, narinig ni April.
"Hala, wala boss April," sagot ko kaagad.
"Crush mo si Brea? Yieeee, huwag ka mag-alala atin-atin lang ito," sabi ni April.
"Shhhh kasi tayo-tayo lang nakakaalam. What we talk here, when we leave, we leave here okay?" Paalala ko.
"Oo na Tolentino, yiiieeeeeeeeeee," pang-aasar ni April.
"Ito kasi si Miggy, ang ingay-ingay," sabi ko.
"Bakit ako? Halata ka masyado," sabi nito.
"Bakit ayaw mong aminin kay Brea na gusto mo siya," pagtatanong ni April.
"Syempre may tamang pagkakataon para diyan," sagot ko.
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH, sana alll," pang-aasar ni April.
"Leon tara na kayo na ni Abby ang scene," nagulat ako na lumabas si Brea sa pintuan at tinawag ako.
"EHEM,"
"EHEM,"
"Sige boss," sagot ko.
"Shhh, manahimik kayooo," pagsisita ko sa kanila.
Pumasok na ako at nakita ko si Abby na HAHHAHAHAHAHHAH nakawhite lady costume na.
"Okay ready na Leon?" Pagtatanong ni Brea.
"Go na," sagot ko.
Nagshoot na kami at tinapos na namin ang ilang mga bahagi ng shooting.
Kumain muna kasi saglit ng meryenda at nag-usap-usap na.
"Walang shooting sa saturday ah?" sabi ni Brea.
"Okay,"
"Okie,"
bakittt?? joke lang.
After namin kumain at magdaldalan ay nag-siuwian na ang lahat. Hindi ko na maihahatid si Brea kasi baka mahalata na may something diba? Ayokong iwasan ako ni Brea.
Gusto ko na talagang umamin. Ilang buwan na lang at magkakalayo na ang mga landas naming magkakaklase lalo na ni Brea.
*ting*
(opens messenger)
(Brea Villafuete: Guys thank you for this day, konti na lang matatapos na and worth it ito feeling ko mananalo tayo. After this and the exams sana magcelebrate tayo ang I hope we can still choose one another as group sa darating na thesis. Labyu guys.) 9:00 pm
(April Shae De Guzman: Labyu Brea. Ehem.) 9:01 pm
(Leon Bryle Tolentino: Thank you din Brea.) 9:01 pm
(Abbygail Cruz xD: Thank you din, magkakagroup pa rin sana tayo sa thesis.) 9:01 pm
(Joy Santos: Mama mo blue.) 9:01 pm
(Tin_Salazar: Thank you guys, magkakagroup pa rin tayo kahit mapapangit kayo.) 9:02 pm.
(Brea Villafuente: Thank you tin AHAHAHAHHAH.) 9:02 pm.
(seen 9:02 pm)
Paplanuhin ko na talaga ang pag-amin.
(opens messenger)
(Leon Bryle Tolentino: Boss.) 9:25 pm
(Miggy James Obias: Sup?) 9:34 pm
(Christian Franky Dela Cruz: Woy.) 9:34 pm
(Dave John Madrid: Yow.) 9:34 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Aaminin na ako mga boss sa gusto ko na gusto ko siya kasi maikli na lang ang panahon natin at mabilis ang oras.) 9:36 pm.
(Miggy James Obias: Ayown lumalaban na si Boss Tolents.) 9:36 pm.
(Christian Franky Dela Cruz: Weh? Kanino? Bakit hindi ko alam?) 9:36 pm.
(Dave John Madrid: Ehem baka sa leader nila AHHAHAHAH.) 9:37 pm.
(Alvin Corpuz: Ganito lang iyan brad, una mag-effort ka, magpapansin ka tapos ayain mo gala kayo tapos kapag naglalakad mauuna kami tapos umamin ka na.) 9:38 pm.
(Christian Franky Dela Cruz: Wow himala nagparamdam ka, akala namin patay ka na.) 9:38 pm.
(Dave John Madrid: Kapag babae o chismisan mabilis at present pero sa school lulubog lilitaw.) 9:38 pm.
(Miggy James Obias: Boss tolents, huwag ka maniniwala sa sad boy. May sarili kang paraan alam mo na iyan.) 9:38 pm.
(Alvin Corpuz: Hoy ang sama!) 9:38 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Iyak ka na HAHAHAHHAH. De biro lang, ganito na nga sana maasahan ko kayo sa mga plano ko ah?) 9:39 pm.
(Dave John Madrid: Yes boss.) 9:39 pm.
(Christian Franky Dela Cruz: Okie.) 9:39 pm.
(Miggy James Obias: gege. Goodluck sa unang plano mo.) 9:39 pm.
(Leon Bryle Tolentino: Kaya nga e.) 9:40 pm.
(Alvin Corpuz: Tara laro tayo sa computer shop sa taasan para mapagkwentuhan din natin iyan.) 9:40 pm
(Leon Bryle Tolentino: Hoy hindi ka na nga pumapasok may gana ka pa maglaro, magreview ka may exam na naman bukas.) 9:40 pm.
(Alvin Corpuz: Sorry na boss, hindi na papalag.) 9:41 pm.
Ganiyan lang kami na'ng mga tropa ko mag-usap. Lagi kaming nagkakasundo sa lahat ng bagay mapasurpresa sa mga babaeng gusto namin, mapalaro man iyan o training ng ROTC pero hindi kami pare-parehas ng hilig sa pag-aaral dahil most sa kanila tinatamad. Hays.
Bukas ko na lang kakausapin si Brea para may dahilan ako para malapitan siya.
Matutulog na muna ako.
Binibini,
Magsisimula na ang sundalong ito,
Hahakbang pasulong palapit sa iyo,
Huwag mo sanang layuan kung ipapakita nito,
Ang tunay na nararamdaman ng pusong sabik sa iyo.
Binibini,
Sa aking unang hakbang,
Ipaparamdam ko sa iyo na ako'y nakaabang,
Handa kang alalayan, o protektahan
Nandito na ang sundalong ika'y ipaglalaban.
______________________________________________________________________________________________________
"Magandang umaga ma, mauuna na po ako," nagulat si Mama dahil maaga akong umalis ngayon.
"Ang aga mo kumilos at umalis anak ah? Paaralan ang pupuntahan hindi ba?" Pagtatanong ni Mama sa akin.
"Opo, sa classroom ko na po kasi gagawin ang ilang mga gawain ko at para po makapagtanong na rin po ako sa coverage ng mga quiz namin ngayon," sagot ko.
"Ahh, oh siya ingat ka pogi kong anak," pang-aasar ni Mama.
"Ma naman e, sige na po babye," paalam ko.
Maaga talaga akong pumasok dahil may exams kami at ayokong malate dahil first subject iyon. Baka mamaya, mas maaga pa sa manok ang pasok sa room ng teacher namin diba?
Pagpasok ko ay wala pa rin si Brea. Ilang minuto na lang at magtatime na. Isang minuto na lang, halaaa.
Nasaan na kaya iyon? Nakatingin lang ako sa upuan niya sabay baling ang tingin ko sa pinto noong nakita ko siyang singkit ang mata mukhang bagong gising at naligo ka agad, may dalang notebook at mukhang nagreview sa daan at pagod dahil fourth floor ito.
Umupo siya agad sa kaniyang upuan. Mabuti't wala pa si Ma'am kaya kinuha niya ang bisquit sa bag niya at kumain. Halatang wala pa siyang almusal. Bakit siya napuyat? Dahil sa sa film?
Maya-maya'y naghahalungkat siya sa bag at may hinahanap.
Tumingin ako sa kaniya na busy sa paghahanap.
Tumingin ka sa akin Brea, ako hiraman mo na'ng kailangan moooooo.
Breaaa..
"Leon, pahiram ballpen if may extra ka, bibili ako mamaya. Nalimutan ko kasi," sabi nito sa akin.
"Sige wait," agad akong kumalma ang mukha at kinuha ang ballpen sa bag ko sabay abot sa kaniya.
"Salamat," ngumiti ito na'ng saglit at agad na bumaling sa sinusulat niya.
Napakaganda niya.
"Sobrang ganda ba?" nagulat ako dahil nasa gilid ko na si Miggy.
"Hoy sira ka!" sabi ko.
"Tolents, pahiram naman ballpen," panghihiram nito.
"Hala, napahiram ko na kay Brea e, nauna siya," sabi ko.
"AHHH. HAHAHAHHA, 'di biro lang," sabi nito.
"Naeexcite na ako makausap siya mamaya," bulong ko kay Miggy.
"Nuks naman," sagot nito.
"Osige na bumalik ka na sa upuan mo at baka dumating si Ma'am. May exam pa naman, sabihin mo kila Franky, Dave, Alvin na magreview para hindi bagsak. Huwag niyong sulitin na manirahan sa kangkungan," sabi ko.
"Okie," maikling sabi ni Miggy.
Nagsimula na kaming magklase.
"Leon, anong sagot sa 5?" Pabulong na sabi ni Alvin.
"Bahala ka nako," sagot ko.
Hindi ako masungit o madamot, syempre kaibigan ko sila kailangan ko rin sila turuan ng disiplina at huwag umasa sa sagot ng iba.
"Sige na," pagpupumilit nito.
"Sinabihan na kita, pumasok ka lagi at hindi tuwing exam lang at pinaalala ko pa kahapon na magreview, anong ginawa mo?" pagtatanong ko sa kaniya.
"Sorry naman wala akong notes e," sagot nito.
Hay nako.
Natapos na ang exams at nagklase na uli kami sa susunod na subject. Habang nagdidiscuss si Ma'am ay may supreme student council na pumasok at nagpaalam kay Ma'am dahil may iaannounce.
"Listen, may announcement, okay go ahead," sabi ni Ma'am.
"Hello Shakespeare, I'm Santin, President of Supreme Student Council of our school and I am here to announce that we will have a club day next month so be prepared and register as early as now. Thank you," sabi ng Student Council.
"YEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEHEEEEEEEEEEEYY!"
"YESSSSSSSSS!"
"YAHOOOOOOOOOOOOOOOOO!"
"LULULULULUKLUKLUK"
Sigawan naming lahat na parang mga tribong nakawala sa hawla.
Masaya kaya ang club day. Sobrang daming pakulo, pagkain at mga pasurprises.
"Anyways, those Club Officers in every sections are always excused starting tommorrow. Please prepare your excuse letters. Anyways, who are those Club Officers? Kindly, raise your hands," sabi no'ng student council.
Hala? Club Officer pala si Brea? Edi lagi na siyang excuse simula bukas? Ang lungkot naman.
"Okay, thank you," paalam no'ng student council.
Lumabas si Ma'am dahil pinatawag daw siya sa faculty. Tinitignan ko si Brea baka sakaling mahulli ko ang tingin niya at makapag-initiate ako na'ng usapan. Nakakahiya naman kung bigla akong tatabi sa kaniya at makikipagusap.
Ang tagal niyang lumingon..
Brea.
Huyy...
Ayun.
"Kasali ka pala sa mga Club Officers? Anong Club ka kasapi?" Pagtatanong ko.
"Ahh oo, ESP club kaming tatlo nila Abby at Joy. Treasurer ako doon," sabi nito.
Ahhh, kaya pala.
Tumango na lang ako.
Nag-iisip pa ako na'ng sasabihin.
"Ikaw? Bakit hindi ka ba member or officer ng kahit anong club?" Pagtatanong nito.
"Ahh, hindi e, sayang nga e," sagot ko.
Tumango lang din siya sabay baling ang tingin kay Joy na tinatawag siya.
Wait, ano ba sasabihin ko.
"Ehem, ahm Brea," tawag ko sa kaniya.
Nagbigay siya ng wait sign dahil kinakausap pa siya ni Joy at naghintay naman ako.
"Ano iyon?" Tumingin siya sa akin.
"May shooting ba mamaya?" Pagtatanong ko.
"Editing na lang ako mamaya e, kapag may kulang pa edi sa monday ishoshoot," sabi nito.
"Sama ako," biglang sabi ko.
"Ha?"
"Sama ako, tulungan kita mag-edit. Sa phone ka lang diba? Sama mo si Joy at isasama ko si Miggy. Sa may ville tayo," sabi ko.
"Wait,"
Kinausap niya si Joy at tumango si Joy sa kaniya.
"Sige, anong oras ba?" pagtatanong nito.
"Ikaw bahala," sagot ko.
"Sige 1," sabi nito.
"Sige, kita kits sa ville," sabi ko.
"Sige," sagot ni Brea.
Nagklase na kami. Buong klase ay lutang ako. Hindi ko alam kung antok ba ito o gutom e.
"Boss Leon," bati sa akin ni --- Lyssa.
"Oy," maikling sabi ko.
Umupo siya sa tabi ko.
"Hindi ko makita e, wala na upuan sa harapan," paliwanag nito.
"Ahh," maikling sabi ko.
Gusto kong tanungin kung kamusta na siya o sila na'ng boyfriend niya pero ayoko kasi baka isipin niya hindi pa ako nakakamove-on sa kaniya. Grabe kaya yo'ng sakit na binigay niya sa puso ko.
"Boss Leon, balita ko may gusto ka na daw sa room ah? Yieeeeee," pang-aasar nito.
"Mayroon na pero secret lang iyon, ayoko rin masayang pagkakaibigan namin. Malay mo hindi pala ako gusto tapos nilayuan pa ako," sabi ko.
"Magugustuhan ka no'n, maeffort ka naman tsaka labis magmahal yowwwnn. Baka boss Leon iyan? Try mo," sabi nito.
Sana nga.
"May tamang pagkakataon para diyan," sagot ko.
Nagpatuloy na ako sa pagsusulat at hindi ko na pinansin o tinignan si Lyssa.
Recess na!
Sa wakas, kanina pa ako nagugutom e. As always ang mga kaklase ko ay kaniya-kaniyang paganda at papogi sa salamin habang naglalagay ng pulbo. Gumagamit din naman ako na'ng pulbo pero minsan lang kapag oily na talaga ang mukha ko.
"Boss Tolents, alam mo ba may nangtrashtalk sa akin kagabi habang naglalaro e hindi niya alam na practice hero lang ginamit ko. Talagang nakipag-aya siya ng one v one e. Talo tuloy siya," pagsusumbong ni Alvin.
"Ang galing, kaya pala hindi nakapagreview," sagot ko.
"Bakit kaya tahimik si Franky? Sawi iyan?" Pagtatanong ni Miggy.
Tinignan ko si Franky at tahimik nga siya.
"Boss Franky, anong mayroon?" Pagtatanong ko.
"Natatae lang boss, HAHAHAHAHH," sagot nito.
"Gago ka, ang baho mo," sigaw ni Miggy.
"HAHAHAHAHH kaya pala nag-oorasyon ka diyan, bakit hindi ka mag-cr?" tanong ko.
"Alam mo naman kung gaano ka quadtriple ang baho sa cr ng mga boys diba?" pagrereklamo nito.
"Arte mo parang hindi ka mabaho ah," pang-aasar ni Alvin.
"Eh ikaw nga hindi naliligo, mas mabaho ka. Sinulatan ko ng ballpen uniform mo kahapon tapos ngayon nandiyan pa rin," sabi ni Franky sabay turo sa tinta na'ng ballpen na nasa uniform ni Alvin.
"HSHAHAHAHHAAH,"
"HAHAHHAHAHAHAH,"
Tawanan namin.
"Gunggung ka, ikaw pala nagsulat nito kaya pala galit na galit nanay ko dahil hindi niya matanggal, huwag ka dadalaw sa bahay ah?" pagbabanta ni Alivn.
"Huwag ka rin makikikain kila Leon ah?" Sagot ni Franky.
"Boss, tignan niyo nga kung maganda ang mash up na ginawa ko pati ang B-Boy ko," sabi ni Dave.
"Patingin," sabi ko.
Sumayaw si Dave at nag B-Boy. Hilig niya iyan at kaming magtotropa ay gumagaya sa kaniya kaya nagagawa namin. Madalas kaming mag B-Boy sa unahan tuwing recess dahil nasa likod ang mga lalaking kunwari may basketball ring at nagdidribble.
"Angas men,"
"Try ko nga," sabi ni Alvin.
Ang galing na nila lahat.
Biglang pumasok sa room si Brea at tumingin sa amin.
"Tatry ko nga," sumubok ako sa steps at B-Boy na tinuro ni Dave.
"Yownnn," sabi ni Miggy.
Napasulyap ako na'ng palihim kay Brea at nakatingin pa rin siya sa amin. Halatang amaze na amaze. Napakatransparent niya kasi na tao lalo na sa feelings niya. Iyon ang napansin ko sa kaniya kaya sa bawat tingin o ngiti niya malalaman mo ka agad kugn genuine o pakitang tao lang.
Kaya nga gustong-gusto ko siya e.
Brea's POV
Nababaliw na ako sa mga formula pati ba naman sa science may formula? Matalino naman ako no'ng bata ako hanggang last year, bakit ngayon hindi ko maintindihan? WAAAAAAAAAAAAAAAAAHH.
"Joy, paturo naman oh," pakiusap ko sa kaniya.
"Teh, madali lang iyan, nasaan na ba ang periodic table of elements mo, ayan, tapos hanapin mo 'yong proton and electron gamitin mo lang formula. Ganoon lang," paliwanag nito.
"Eh bakit parang ang daming pinagsasabi ni Ma'am? Bakit parang ang komplikado kapag siya ang nagpapaliwanag? Sure ka bang tama iyan?" pagtatanong ko.
"Oh edi sa iba ka magtanong. Malamang bonak, pinakasimpleng method ang tinuturo ko sa iyo at pinauulit-ulit lang ni Ma'am iyan. Akala mo part pa rin ng steps or complicated pero hindi," sagot ni Joy.
"Ahhh,"
Tinry kong isolve at sundin ang pinaliwanag sa akin ni Joy.
Proton is equal to...
Ahh..
Then..
Hmm..
"Tapos na ako," sabi ko kay Joy.
"Kanina pa ako, ipasa na natin," sabi ni Joy.
"Sige,"
Ako na ang nag-abot ng papel namin kay Sir at pagkatapos ay bumalik na ako sa upuan.Si Joy ay bumalik sa sarili niyang mundo na'ng w*****d. Ako naman ay bumalik na sa pwesto ko sa harapan.
Umupo sa tabi ko si Leon.
"Uy, alam mo ba makikipagkita na si Abby sa kaharutan niya bukas, actually kasama kami. Sa may riverbanks daw e," chika ko kay Leon.
"Yo'ng lagi niyang katawagan? Nako, mabuti at sinama kayo dahil delikado, madalas iscam iyang mga iyan," sagot ni Leon.
"Oo nga e, ay nagsimula na pala na pagandahin ang Riverbanks, marami na ulit mga magagandang display doon at bukas na ang perya pero kaunti pa lang siguro ang tao dahil hindi pa naman pasko at malapit pa lang ang ber months," kwento ko ulit sa kaniya.
"Ang aga naman nilang buksa iyon. Alam mo ba, taon-taon dati, lagi kong kasama ang buong pamilya at mga pinsan ko para gumala diyan at magpicturan," kwento ni Leon sa akin.
"Edi naging kasama mo na si Lyssa diyan?" pagtatanong ko.
"Oo, kasi noong mga nasa unang taon kami ng highschool mahilig ang mga kaklase namin pumunta dito kaya sumasama kami pero wala namang magandang nangyari o kung ano sa lugar na iyon," paliwanag nito.
"Bakit nagpapaliwanag ka? HAHAHHAHA," pang-aasar ko.
"Syempre para malinaw diba?" sagot niya.
"Gusto ko na nga pumunta doon e, alam mo ba iniisip ko anong gagawin ko bukas if ever hindi makakasama si Joy sa meet-up ni Abby at ng bebe niya,"
"Bakit ikaw lang ba kasama?" Pagtatanong nito.
"Hindi ko nga alam e, marami daw kami na mga kaklase natin," sabi ko.
"Edi bantayan mo si Abby, mamaya makuha pa siya ng Mafia Boss HAHAHHAHAH," biro ni Leon.
"Baliw,"
Nanahimik kami sandali.
"Ay Brea, ano palang gusto mo sa isang lalaki?" pagtatanong n Leon.
Nagulat ako sa tanong niya.
"Bakit?" parang tangang tanong ko.
"Alam mo ba, si June may gusto rin pala sa iyo?" sagot ni Leon.
"Hoy siraulo ka? Love team sila ni Abby tsaka tignan mo ko? Sinong magkakagusto sa akin diba? Maski kilay ko manipis loook," sabi ko sabay lapit sa kaniya ng mukha ko at turo sa kilay ko.
"Ha? Ah-ano, syempre mayroong magkakagusto sa iyo. Masyado mo lang pinagdududahan ang sarili mong taglay na katangian tsaka walang anak ng diyos na pangit noh," sabi ni Leon.
"Edi anak pala ako ni Satanas? HAHHAHAHAH," pabibiro ko.
"Maganda ka sira," biglang sabi niya.
Hindi ko na bibigyan ng reaksyon o malisya ang compliment na sinabi niya. Mahirap na.
"So, paano mo nalaman na gusto ako ni June?" pagtatanong ko.
"Gusto niya sumali sa thesis group natin e tapos tinanong ko siya kung bakit sabi niya mas nakakainspire daw kung kasama mo ang gusto mo sa paggawa ng project tapos sabi ko si Abby iyan noh? Sabi niya hindi, mas maputi daw e sino bang maputi sa group natin? Ikaw lang," paliwanag ni Leon with hand gestures pa HAHAHHAH.
"Kung totoo man iyan o hindi, pababayaan ko na lang," sabi ko.
"Bakit? Kapag ba may umamin sa iyo iniiwasan mo?" pagtatanong ni Leon.
"Hindi ko iiwasan kung, basta," sabi ko.
"So ano nga daw?" pagtatanong ni Leon.
"Simple lang, ituring akong babae kasi lagi na lang simula noong natapos ang mga magagandang relasyon ko lagi na lang akong ginagawang manliligaw, lalaki, hindi ako nirerespeto sa mga sasabihin ko at kung ano-ano pa kaya ako ganito manamit, ganito mag-ayos, ganito maglakad at ganito magsalita. Pakiramdam ko hindi ko deserve maging babae, lalo na at hindi ako maganda," paliwanag ko.
Natahimik siya at tumingin sa mga mata ko.
"Hoy, okay lang ako tsaka tanggap ko naman iyon noh? Kaysa naman gawin akong babae sa umpisa tapos sasaktan at lolokohin lang ako, huwag na," sabi ko.
"Ngayon boss, mas nauunawaan na kita," sabi ni Leon.
"Salamat at nauunawaan mo ako. Mahalaga sa akin na kahit may iilan man lang na genuinely nakakaunawa sa akin at sa kung bakit ako ganito," sabi ko.
"Alam mo, naranasan ko rin na hindi maunawaan pero nanalangin lang ako, tinatagan ko loob ko hanggang sa may ipagkaloob sa akin ang Diyos na tao na nakaunawa sa akin, pamilya na nakaunawa sa akin at bagong kakilala na nakaunawa at nakatanggap sa akin. Sobrang malaking blessings kaya lagi akong nagpapasalamat sa Diyos," sabi ni Leon.
"Napakagrateful mo namang tao, ipagpatuloy mo iyan, Mas need ng mundo ang mga taong gaya mo Leon," sabi ko.
"Sige, balik na ako sa upuan ko," paalam ni Leon.
Tumango ako at nagsimula na kaming maglecture.
Alam niyo naman ang lectures, napakahaba at nakakaantok minsan kaso napawi ang antok ko noong nakarinig ako ng chips na binubuksan mula sa likuran ko at ang kaklase kong lalaki ang nagbukas nito.
"Pahingiiiiii," bulong ko.
Patago niyang iniabot ang chips sa gilid ng upuan ko at kumuha na ako na'ng marami.
"Salamaaaaaaat," bulong ko.
Paglingon ko sa likod at katabi na'ng kaklase kong si John ay lahat sila patagong ngumunguya. Siya ang kaklase kong mala-tindahan ang bag. Makalimutan na lahat huwag lang ang pagkain