CHAPTER 9

4999 Words
Brea's POV Hays  sa wakas, natapos na rin ang mga klase namin sa araw na ito. Whooohh, uwian na. Need ko talaga iedit na ang mga videos namin. "Brea, mamaya ah?" paniniguro ni Leon. "Oo, sige kita kits," sabi ko. "Brea, may suklay ka? Pahiram ako," pakisuyo ni Joy. "Jusko te, pasalamat ka at kaibigan kita gigil mo ko," sabi ko sabay abot ng suklay. "Brea, bukas ah? Samahan mo ko, kasama bukas sila April, Tin, Jay, Alvin at Darwin," sabi ni Abby. "Marami pala tayo e, gora lang," sabi ko. "Salamat, " sabi ni Abby. "Talagang excited si Abby noh? Guwapo ba iyong kalandian niya?" pagtatanong sa akin ni Joy. "Hindi ko nga rin alam e, bali bukas pa natin malalaman," sabi ko. "Mamaya kamukha pala iyan ni Jomar Pilay HAHAHAHAH," pang-aasar ni Joy. "Ang sama mo, huwag ka ngang ganiyan," sabi ko. "Okay, tara na uwi na tayo," sabi ni Joy. Naglakad na kami pauwi. As usual, laging wala ang family ko sa bahay. Kung hindi abala sa bussiness, busy naman sa ibang bagay o sa work. Sanay naman ako tsaka lagi naman akong wala sa bahay e. Actually, nakabihis na ako, kumakain na lang ako habang nagdadrama sa hangin. "Brea,"  Ay gago! Nagulat ako dahil may tumawag sa akin mula sa labas. Pagtingin ko sa bintana ay si Leon pala at si Miggy. "Gagi bakit niyo ako sinundo, shocks. Wait lang," sabi ko. "Sige," "Sige boss," Dali-dali akong tumingin sa salamin at bumaba na. Nilock ko ang bahay saka umalis na. "Shocks, bakit niyo naman ako sinundo, nakakahiya," sabi ko. "Sana ganiyan din ang sinasabi nila Joy kapag sinusundo o nagpapasundo sila sa iyo lagi," sabi ni Leon. "Okay lang naman iyon e, babae naman kami parehas," sabi ko. "Bakit bawal kapag lalaki boss?" pagtatanong nito. "Para lang iyon sa mga makalumang lalaki na nanliligaw," sabi ko. "EHEEMMMM (cough) (cough) grabe, ang lala na ata na'ng ubo ko," biglang sabi ni Miggy. Tinignan siya ni Leon. "Okay ka lang ba? Dapat ipahinga mo iyan at kung hindi mo kaya pwede ka namang hindi na muna sumama," sabi ko. "Okay lang ako Boss Brea," sabi ni Miggy. "Nag-iinarte lang iyan," sabi ni Leon. "Tara na, pupuntahan pa si Joy," sabi ko. "Sige," sagot nito. Nagkukwentuhan lang about sa military keneme sila Leon at Miggy at ako naman ay tahimik na lang at nakafocus sa daan papunta kila Joy. "Joy to the world!" sigaw ko noong nakarating na kami sa bahay nila Joy. "Gagi ang dami niyong body guards ko, Ma, aalis na po ako nandito na mga body guards ko," sabi ni Joy. Pagkasara niya na'ng pinto ay naglakad na kami papuntang ville. "Te, bakit naman doon ka sa ville mag-eedit? Makakapagfocus ka ba? Tsaka diba maraming magnanakaw doon?" pagtatanong ni Joy. "Naisip ko na rin iyan, feeling ko hindi ako makakapag-edit masyado. Daldalan lang ata habol ko since sobrang nastress na ako sa school pati sa film," sagot ko. "HAHAHAHAH, sabi na e, daldalan lang, libre mo naman ako kwek-kwek para habang nagdadaldalan may kinakain ako," sabi ni Joy. "Hoy, sampu lang pera ko," sabi ko. "Pwede na iyan,"  "Oh ito," sabi ko sabay abot sa kaniya no'ng sampu ko. Buraot talaga ang kaibigan kong si Joy at nanuuot na sa kaniyang pagkatao ang pagkaburaot niya HAHAHAHAH.  "Nice, libre naman Joy," sabi ni Miggy noong huminto kami sa may kwek-kwekan at bumili si Joy. "Wala nga akong pera, nilibre lang sa akin ito ni Brea," sabi ni Joy. "Libre? correction, binuraot," sabi ko. "HAHAHAHH, same lang iyon," sabi ni Joy. "Eh ikaw hindi ka ba bibili Brea?" pagtatanong ni Leon. "Ahm, hindi. Busog ako," sabi ko. "Ako, gusto ko boss Tolents," pagpipresinta ni Miggy. "Oh sige na kumuha ka na at ikaw rin Brea, alangan namang kami lang kumakain," sabi ni Leon. Shet, wala na kasi talaga akong pera. "Ahm, hati kami ni Joy e, 'di ba Joy?" sabi ko. "Eh, tatlo nga lang ito e, HAHHAHAH," sabi ni Joy. "Libre ko na sige na," sabi ni Leon. Tinitigan ko lang siya sa mata at nagpakita ng nahihiyang look. Tumango siya at binigyan ako na'ng look na sige lang kumuha ka na. Wala na akong nagawa, kinuha ko ang stick at kumuha na'ng dalawa. "Sapat na ito, salamat Leon," sabi ko. Naglakad na kami papuntang ville at umupo sa may gitnang bahagi nito.  "Ano na ba ineedit mo, pwede naman ako mag-edit nong mga iilang videos na nasa akin na hindi pa naipasa," sabi ni Leon. "Ganito na lang, panoorin mo na lang ang mga iilang videos na nasa iyo tapos tignan mo yo'ng mas maayos ang kuha at ang flow ng nangyayari tapos isend mo sa akin," sabi ko. "Copy boss," sabi niya. "Eh so anong gagawin namin? Bali magdadaldal na lang ako siguro?" pagtatanong ni Joy. "Magsasapakan tayo Joy," paghahamon ni Miggy. "Sira ulo ka, eh anong gagawin nga?" pagtatanong nito ulit. "Sapakan nga. Ito kasing dalawa, magdidate na lang kailangan pa magdala na'ng kaibigan, HHHAHAHAH joke," sabi ni Miggy. Napalingon ako kay Miggy. "Ahhh wehh? so ano? oh my gosh? legit? true ba?" parang tangang sagot sa bawat makahulugang tingin ni Miggy sa kaniya na parang may nirerelay na silang chismiss na sila lang nakakaalam. "Bakit hindi ko knows? Oh my god, kaya pala ah, Leon ah?" sabi ni Joy. "Alam niyo, tigilan niyo na kachichismis," sabi ko habang patuloy pa rin na nag-eedit. Simpleng cuts muna ang mga ginagawa ko saka na yo'ng mas komplikado na bagay kapag nasa computer na ako. Pumayag lang talaga ako kay Leon dahil siguro gusto ko magrelax. "Ang tahimik ng dalawa noh?" pagtatanong ko kay Leon matapos ang ilang minuto na gumagawa ako at tahimik lang sina Joy at Miggy. "Ganoon lang talaga si Miggy, hindi sanay sa daldalan pero kapag dumaldal ah grabe iyan mang-asar," natatawang sabi ni Leon. "Tapos ka na ba? patingin nga?" binigay ni Leon ang phone niya sa akin saka ko tinignan kung ready to send na ang mga videos na maaayos. Aksidente kong na-back sa home ang phone niya at nakita ko ang wallpaper niya. Masyadong tinakpan na mukha at iisang mata lang ang nakikita. "Mata na'ng crush mo ito noh?" sabi ko sabay pakita sa kaniya ang phone niya. Nagulat siya at kinuha ang phone niya. "Ha? hindi mo namumukhaan?" pagtatanong nito. "Patingin nga," inagaw ko sa kaniya ang phone. Sobrang singkit at maliit kasi kaya hindi ko mamukhaan. "Kaklase ba natin ito?" pagtatanong ko. "Oo," "Oh my gosh, sino kaya ito, hmm," tinititigan ko yo'ng picture. "Si Brea--- ay malupit na leader. Tama, HAHAHHAHA," biglang sabi ni Miggy. "Ahh, so si Brea nga? ANG MALUPIT NATIN GROUP LEADER?" buang na pagtatanong ni Joy kay Miggy. "Oo, kaya shhh," sagot ni Miggy. "Pwede ko bang ipatingin kila Joy baka sakaling mamukhaan nila?" lumapit ako at bumulong kay Leon. "Hindi puwede, ikaw lang gusto ko makatuklas," sabi nito. "Para ngang mata ko e, so it means sino sa mga kaklase natin ang kashape na'ng mata ko?" nagtatanong na ako. Leon's POV Kasalukuyan kaming nag-eedit ng mga simpleng videos para isahan na lang kapag ginagawa ni Brea sa computer. Way ko na rin ito para makatulong. "Tapos ka na ba? patingin nga?" sabi ni Brea. Binigay ko sa kaniya ang phone ko at naka-open na dito ang video sections kaya isang tinginan na lang niya. Abala ako sa pagtingin sa paligid ng biglang... "Mata na'ng crush mo ito noh?" s**t! nakita ni Brea ang wallpaper ko. Agad kong kinuha ang phone ko. Na-back niya nga sa home.  Kinakahanan tuloy ako, hindi ito ang plano na araw upang umamin ako sa kaniya. Tsaka baka crush lang ito, mawawala rin. "Ha? hindi mo namumukhaan?" pagtatanong ko habang nakatingin sa mga mata niya. Sobrang inosente na'ng mga tingin niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. "Patingin nga," inagaw ni Brea ang phone ko. Tinitignan niya talaga na'ng maigi at inuusisa. Nakatingin lang ako sa kaniya. Parang bata siya kung mag-imbestiga. Gusto ko tuloy pisilin pisnge niya. Cute. "Kaklase ba natin ito?" pagtatanong nito. Bigyan ko kaya na'ng hint. "Oo," "Oh my gosh, sino kaya ito, hmm," tinititigan niya yo'ng picture. "Si Brea--- ay malupit na leader. Tama, HAHAHHAHA," biglang sabi ni Miggy. Napalingon ako kay Miggy at pinigilang huminga sandali. Hinuhuli ko ang tingin ni Miggy pero nakatingin siya kay Joy. "Ahh, so si Brea nga? ANG MALUPIT NATIN GROUP LEADER?" buang na pagtatanong ni Joy kay Miggy. Mukhang narelay na ni Miggy ang secret ko. Yari ka talaga sa akin Miggy. Mamaya ka lang. "Oo, kaya shhh," sagot ni Miggy. "Pwede ko bang ipatingin kila Joy baka sakaling mamukhaan nila?" lumapit si Brea at bumulong sa akin. Mas lalo akong kinabahan dahil noong una komportable naman ako na lumapit or tumabi sa akin si Brea pero bakit kinakabahan ako ngayon? "Hindi puwede, ikaw lang gusto ko makatuklas," sabi ko dahil baka masabi agad nila. "Para ngang mata ko e, so it means sino sa mga kaklase natin ang kashape na'ng mata ko?"  Ang mga salitang iyon ang mas lalong nagpafreeze sa utak at puso ko. Magagalit ba siya kapag nalaman niyang siya ang gusto ko? Iiwasan niya ba ako kung sasabihin kong siya ang binibining hinahangaan ko? Bibigyan ko na'ng pagkakataon ang sarili ko mag-isip mamaya tungkol sa nararamdaman ko kay Brea. Ayokong lumapit sa kaniya kung paghanga lang ito dahil ito'y mawawala. Kailangan kong siguraduhin na malinis ang intensyon ng puso ko dahil deserve niya iyon. "Hindi ko alam e, HAHAHAHH," huling sabi ko na lang at tumingin sa langit. "Ang ganda na'ng araw tuwing alas-tres dito ano? Hindi gaanong mainit at sobrang ganda na'ng paligid," sabi ni Brea. "Oo nga e, pakiramdam ko kapag pinagmamasdan ko ang ganiyang araw parang nasa walang hanggan na ako, masarap enjoyin ang tanawin na iyan kung ang taong gusto mong makasama hanggang sa pagtanda ang katabi mo," sabi ko habang nakatingin sa langit. "Totoo, kaso bata pa naman ako e tsaka hindi pa madalas magseryoso ang mga lalaki. Kung pagkakalooban man ako ni Lord ng chance na makilala ang taong pinagkaloob sa akin habang bata pa, sana hindi ko sayangin at sana kasama niya akong umabot ng success at pangarap ng bawat isa," sabi ni Brea. "Ano bang pangarap mong propesyon at kukunin mo sa kolehiyo?" pagtatanong ko. "Noong una, gusto ko talaga maging scientist. Bata pa lang ako, hindi ko alam ang dahilan pero gusto ko talaga. Ayaw ng mga magulang ko kaya hindi ko na alam. Noong katagalan, nakikita ko na ang sarili ko na tumutulong sa mga tribo o mga mahihirap like puwede akong magin teacher," paliwanag nito. "Ang ganda naman pala na'ng hangarin mo," compliment ko. "Eh ikaw, anong pangarap mo?" pagtatanong ni Brea. "Gustong-gusto ko talaga maging sundalo. Gusto kong ipaglaban ang bansa, gusto kong magtanggol. Kaso ayaw ng mama ko, ayaw niya akong mamatay dahil bilang sundalo, hindi sigurado ang buhay mo. Isa ko pang nais ay ang maging isang architect," kwento ko. "Oo mahirap ang sundalo, kung wala kang pamilya sa future, pwede ka magsundalo. Walang future family kang bubuohin pa lang e hindi na sigurado kung makokompleto pa," sabi ni Brea. "Iyon ang naisip ko, okay lang sa akin pero kasi nahanap ko na yo'ng babaeng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Kapag nag-architect ako, makakasama ko siya na'ng matagal," sagot ko habang nakatingin pa rin sa langit. "Kaya mo iyan, sundin mo ang path kung saan ka masaya, Leon," sabi ni Brea. "Ikaw rin, maging masaya ka palagi boss," sabi ko. "Gago Leon, ang oras na may kanina pa umiikot-ikot na naka-motor dito. Tinitignan yo'ng mga phones natin," sabi ni Joy. "Saan?" pagtatanong ni Brea. "Ayon oh," mata ang ginamit ni Joy upang ituro ang mga nagmamasid sa amin. Kanina ko pa talaga napapansin iyan. Pero kalma lang dapat, marunong ako sa martial arts at sa self-defense. "Migs, Look over, Golf, Uniform, Alpha, Romeo, Delta, Juliet, Oscar, Yankee," relay message ko kay Miggy. Get's niya na iyon at gets niya na rin ang gagawin ko. "Makinig kayo, huwag niyong titignan, sa may tulay tayo dumaan para maraming sasakyan. Kalmado na parang hindi pa natin napapansin na may binabalak sila and then laging stick together. Huwag ipahalatang mabilis ang ating lakad okay?" paliwanag ko. "Kinakabahan tuloy ako," sabi ni Brea. Kita mo talaga sa mukha niya ang kaba at takot. "Huwag ka mag-alala, magiging safe tayo. Migs, Lima Indian Kilo Oscar Delta tayo," sabi ko. Nag-okay sign lang siya. "Mauna kayo," sabi ko. Naglalakad na kami patungong tulay. "Look around," sabi ko kay Miggy. "Sumusunod," sabi ni Miggy. Binilisan namin ang lakad namin at nakaakyat na kami sa tulay. "Tawid tayo sa kabila," sabi ko. Tumawid kami. Nagulat kami dahil noong bandang kalagitnaan kami ay nakita namin ang isang motor na nakaabang sa amin. "Fuckkk Leon anong gagawin natin????" natatarantang sabi ni Brea. "Gago, sila yo'ng mga kasama at nakatingin sila sa atinnnnn," natatarantang sabi ni Joy. "Boss, talon tayo sa tulay dito medyo mababa ata ito at kaya naman nila ito dahil lupa ang babagsakan," sabi ni Miggy. "Brea, Joy, dadaan at tatalon tayo dito ah?" sabi ko sabay turo sa tulay. "Kaya ba natin? Mataas!" natatarantang sabi ni Joy. Nauna na si Miggy. Sumunod ako, dahil ayaw nila sumunod. Pagkatapak ko sa baba ay tinignan ko ang natatakot pero determinadong mukha ni Brea. Mag-iingat ka. Kakayanin kong saluhin ka. Nagulat ako sa taas ng talon ni Brea. "Oh ha? Kaya naman pala e, tara na Joy," nakatingin lang ako kay Brea. Isa talaga siyang pambihirang babae. Ang taas ng talon niya.  Nakatulala pa rin ako at tinitignan kung okay ba siya at mukhang okay naman siya. Noong nakababa na kami sa tulay ay tumakbo na kami paikot papuntang bahay at nagstay muna saglit bago sila ihatid pauwi dahil baka hanapin kami sa labas. Umiinom sila na'ng tubig at palihim akong nakatingin kay Brea at nag-aalala kung okay lang siya. Nakapataas no'n. Isa talaga siyang pambihirang tao. Naluluha ang mga mata niya siguro dahil sa pressure, takot at iba pa. "Hatid na namin kayo," pag-aaya ko. Noong nasa kanto na kami, biglang nagsalita si Brea. "Huwag niyo na ako ihatid sa bahay, mas maiging si Joy ang ihatid niyo. Kaya ko sarili ko at ilang liko lang ito at lakad makakarating na ako sa bahay. Mas malayo si Joy," sabi ni Brea. "Te, delikado," sabi ni Joy. "Mas delikado kung iisa-isahin sa paghatid lalo na ikaw na mas malayo tapos mamaya makatagpo nila sa daan yo'ng mga lalaking iyon. Napahamak pa sila? Oh sige na ingat at salamat," sabi ni Brea at tumakbo na. Grabe yo'ng kabutihan niya. Hindi na ako nakapagsalita at nahatid na rin namin si Joy. "Boss, sobrang bait ni Brea," sabi ni Miggy. "Hindi mo talaga dapat siyang iunderestimate noh? Grabe nga eh, hindi lang sa ugali, kaya niya ring magpatawa na'ng tao tapos kita mo yo'ng sa tulay, ang taas no'ng talon niya pero grabe tapos ngayon kaibigan pa rin niya iniisip niya," sabi ko. "Oo nga e, kaya boto na ako kay Boss Brea," sabi ni Miggy. Brea's POV Maaga akong nagising dahil ngayon lang emipekto sa paa ko ang ginawa kong mataas na talon kahapon. Punyeta, mahal ko pa buhay ko. Lagi na lang akong napapahamak. Kainis. "Ma, aalis pala kami mamayang hapon nila Abby pupunta po kaming riverbanks." paalam ko. "Maglinis ka muna na'ng bahay bago ka umalis," sabi ni Mama. "Opo," sagot ko. (opens messenger) (Brea Villafuente: Leon, okay ka lang ba? Alam mo ngayon lang umepekto yo'ng sakit sa paa ko dahil sa pagtalon natin sa tulay.) 8:32 am (Leon Bryle Tolentino: Good morning boss, ay nako ipahinga mo iyan. Ay hindi ba may alis kayo ni Abby mamaya? Paano iyan?) 8:32 am (Brea Villafuente:  Mawawala din ito agad kapag galaan AAHAHAHAHHAH.) 8:32 am (Leon Bryle Tolentino: Ingat boss.) 8:32 am. Naglinis na muna ako na'ng bahay para hindi ako pagalitan ni Mama.  Sound trip muna habang naglilinis. Ang saya kaya maglinis kapag malakas ng music, kapag walang tao at walang magkakalat. Minsan lang talaga ako sipagin maglinis. Lalo na kung gagala. AHHAHAHHAHA. Ayan, nasa kwarto na ako naglilinis. Nakita ko ang dalawang kumot namin. Ginawa kong mga dress at rumampa sa salamin.  Hindi ako mahilig sa pangbabaeng damit dahil tingin lagi sa akin ng tao is lalaki. Hindi rin bagay dahil straight katawan ko na medyo chubby. Tapos lagi akong nagiging bakla sa mga lalaki. Putcha, pati sa mga kaibigan ganoon ako. Kapag nasa kwarto at nakakarampa ako sa salamin, feeling ko babae na ako. Ang sarap kaya sa feeling na babae ka ituring ng mga tao sa paligid mo. Hindi kasi ako maganda e, manipis kilay ko, maputi lang ako, mataba pisnge, medyo pango, singkit mata pero hindi same size. Buang na mukha ito. Pero atleast kahit ganito ako kapangit e ang mga napuntang love story sa akin ay sobrang sasaya, romatic at unique. Mga memories na madadala ko sa future.  Naghugas naman ako na'ng plato, ubos lagi isang pack ng joy sa akin. Buang kasi, pinalalagay ko lahat sa isang garapon, lagyan ng tubig para sobrang bula. Gumagawa pa ako na'ng bubbles. HAHAHAHAHAH. "BREAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA! ANG SAHIG KAFOFLOOR WAX KO LANG NIYAN, BINABASA MO NA NAMAN!!!!!" sigaw ng nanay ko. "Sorry po," sagot ko. Bilisan ko na nga lang. Matapos kong kumain, maglinis at maligo ay nagbihis na rin ako. Hindi naman ako magirly na tao kaya bihira talaga na magsuot ako na'ng dress. Hindi rin siguro  kasi bagay sa katawan ko e. Suot ko today ay maong pants, black t-shirt, denim jacket tapos black shoes. Okay na siguro ito. "Ma, alis na po ako," paalam ko sabay mano at umalis na. Papunta na ako kila Abby. "Abbyyyy," sambit ko habang kumakatok sa kanilang pinto. "Tara na," "Wowwwwwwwwwwwwwww gandaaa!" Nakadress si Abby tapos naka-braid. "Nasaan na pala sila?" pagtatanong ko. "Nandoon sa waiting shed, kompleto na sila, tayo na lang nila Joy ang kulang," sabi ni Abby. "Ang aaga naman nila, mas excited pa sa mga may kadate," sabi ko. "Tara bilisan mo puntahan na natin si Joy para makarating na tayo agad," sabi ni Abby. "Okie," "Joyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy to the world!" sigaw ko. "Te, bilisan mo!" sigaw ni Abby. "Teka ;ang, landing landi? Ito na!" sigaw din ni Joy. Tumawa na lang ako.  "Oh pak, nasa pang korean outfit si Joy pero pants naman," sabi ko. "Syempre, aawra din ako doon noh?" sagot  ni Joy. "Te, dalian niyo, kinakabahan na ako," sabi ni Abby. "Tanga mo kasi, makikipagmeet up ka buong barangay pa dinala mo," sabi ni Joy. "Gusto rin kasi nila gumala doon sa riverbanks dahil bukas na ang perya doon kaya sumabay na lang sila,"  sabi ni Abby. "Sabagay, mas masaya kung marami tayo," sabi ko. Naglalakad lang kami papuntang waiting shed.  Sa wakas, nakarating din kami at HAHAHHAHA, mga nakapants, short sila. Kaniya-kaniyang daldalan. "Tara na!!!!!!!" sigawan nila Alvin. "Sugod!" gagong sigaw ni Darwin. "PARAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" sigawan nila na parang mga hayop na pumapara ng jeep na paparating. HAHAHAHAHHAH, paunahan kami makasakay. Parang mga zombie na nagpapaunahan humabol sa jeep. Marami kasing ibang sasakay dahil maraming tao kapag nagsimula ang ganitong buwan doon sa Riverbanks dahil bukas ang mga attraksyon at perya doon. "HAHAHAHHAHAHAH!' tawanan namin no'ng nakasakay na kami sa jeep. "Hoy, Alvin magbayad ka! Kuya si Alvin hindi nagbayad, HAHAHAHAH," siraulong daldal ni Jay. "Hoy, nagbabayad ako. Hindi ko kayo ililibre," sabi ni Alvin. "Joke lang naman, alam mo naman love kita. Pakiss nga," sabi ni Jay sabay yakap kay Alvin. "Hoy, huwag nga kayo magbading-badingan dito," paninita ni Joy. So bali ganito ang scenario, nagbubugbugan sa tapat ang mga lalaki naming kaibigan, si Abby kausap sa phone bebe niya, si Joy dumadaldal sa akin dahil natatawa kami sa taong nasa harapan namin. Naaawa ako, bawal tumawa. Naglalaway kasi siya, nakatirik mata at ayaw magpasandal no'ng katabi niyang babae din. Grabe mga ilag nila. Hindi ko alam kung kaya pa today no'ng ate. Bali-bali buto niyan sa batok kakaleft and right dahil sa galaw ng jeep. Binuksan ko ang phone ko dahil nagpophone na si Joy, traffic din kasi. Naboboring ako. Hala, nagchat pala si Leon. (Leon Bryle Tolentino: Boss, nakarating na kayo?) 3:00 pm. (Brea Villafuente: Hindi pa nga e, traffic.) 3:05 pm. (Brea Villafuente: Tara, sunod ka dito. Kapag hindi ka busy or wala kang gagawin.) 3:05 pm. (Leon Bryle Tolentino: Pwede ba? Nakakahiya, hindi naman ako sinama ni Abby.) 3:05 pm. (Brea Villafuente: HHAHHAHAHHA, nandito nga sila Jay, hindi naman inaya ito, sumama lang HAHAHAH.) 3:05 pm. (Leon Bryle Tolentino: Weh? HAHAHAH lalakas nila.) 3:05 pm. (Brea Villafuente: Sige na, sunod ka ditoooo.) 3:05 pm. (Leon Bryle Tolentino: Nasaan na ba kayo?) 3:06 pm. (Brea Villafuente: Nasa jeep pa rin, traffic e.) 3:06 pm. (Leon Bryle Tolentino: Hahabol ako, saan ba banda?) 3:06 pm. (Brea Villafuente: Susunduin ka na lang namin sa may entrance. Sabihan mo lang ako.) 3:06 pm (Leon Bryle Tolentino: Sige boss, kita kits.) 3:06 pm. (Brea Villafuente:: Sige.) 3:07 pm. Bakit ako naexcite? Ininvite ko lang naman siya para mas marami kami ah? Wala ito Brea. Chill. Walang something okay? Baka naeexcite ka lang mag rides.  "Bakit ngumingiti iyan?" pagtatanong ni Joy. "Sino?" pagtatanong ko. "Boba, ikaw," sabi niya. "Baliw, naeexcite lang ako magrides," sabi ko. Sa wakas nakarating na rin kami. "Ay Abby, nandito na ba siya? Pupunta na ba tayo agad sa may riverside?" pagtatanong ko. "Wala pa siya bakit?" pagtatanong ni Abby. "Pinasunod ko kasi si Leon, gusto niya rin sumama. Intayin ko lang din siya rito sa entrance," sabi ko. Napalingon si Tin, April, Joy at tumingin lalo si Abby sa akin. "Ehem," sabi ni Tin. "May something ata," sabi ni April. "Kayo?" pagtatanong ni Joy. "Pumapag-ibig kay boss Tolents HAHAHAHAH," pang-aasar ni Abby. "Hindi, para nga mas marami tayo," sabi ko. "Marami naman tayo ah?" narinig ni Alvin ang usapan kaya sumabat. "Wala, kasi ano, para may mag-ambag ng pagkain dahil hindi naman kayong mga lalaki nag-aambag," sabi ko. "Mag-aambag ako, sila hindi," sabi ni Alvin. Matapos ang ilang minuto ay nagchat na rin si Leon na nandiyan na siya.  Bakit ako kinakabahan??  Chill. Ayun.. "Leon!" tawag ko. "Boss,"  "Natraffic ka?" pagtatanong ko.  Takte, bakit naman ako kinakabahan na naeexcite?  "Hindi naman boss," sabi ni Leon. "Yo'ng totoo? Kayo na?" nagulat ko sa tanong ni Joy. "HA?!" gulat na sabi ko. "Hala," sabi ni Leon. "Kayo na ba?" pagtatanong ni Joy. "Hindi ah. Hindi naman kami tsaka malabo, may pinopormahan itong bata ko hindi ba Leon?" mabilis kong sabi. "Oo boss," mabilis niyang sagot. "OWKAY!"  "Nasaan na ba ang kalandian ni Abby?" pagtatanong ni Joy. "Ayun oh!" sabi ko sabay turo sa kausap ni Abby na nakatalikod. "Hoy, Uhm, Hi, jowa ka ni Abby noh?" sabi ni Joy no'ng nakalapit na kami sa kanila. "Opo, hehe," parang tangang sagot no'ng lalaki. "Anong name mo?" pagtatanong ni Tin. "Mark po, hehe," nakaka-ilang hehe na ito?  "Ahhh, sige tara na let's enjoyyyyyyyyyyy!" pag-aaya ni April. Pumunta na kami sa may perya side. Magkasama sa unahan si Abby at si Mark. Sa likod si Tin at April. Sa likod nila ay si Alvin, Leon, Ako at Joy tapos on the side si Darwin at si Jay. "Ferris Wheel tayo!" pag-aaya ko. "Ekis, nakakatakot," sabi ni Joy. "Ah, bahala ka diyan, ikaw lang maiiwan," sabi ni Abby. "Basta libre mo ko?" sabi ni Joy. "Sige,"  So ganito, sa bawat ano ba tawag dito? Yo'ng sa ferris wheel, basta dapat dalawa-dalawa. Si Tin kasama ni April. Si Abby kasama si Mark. Si Joy kasama si ALVIN? HAHAHAHAHAHAH. Nagpapatayan pa sila sa loob. Galit na galit sa isa't-isa. Si Jay katabi si Darwin. Ako? "Tabi tayo okay lang boss?" pagtatanong ni Leon. "Gora na, tara na," sabi ko sabay sakay sa Ferris Wheel. "YIEEEEEEEEEEEEEEEEEE Joy, maiinlove kay Alvin," pang-aasar ko. "Mamatay na ako pero hindi mangyayari iyon!" sigaw ni Joy. Hindi pa pala umaandar ang Ferris Wheel dahil inaantay pa ang dalawang vacant para makaandar na. "Hoy! Huwag kayong magbugbugan diyan! Ang galaw niyo HAHAHAH," sigaw ni Tin. Sa lahat kasi, sa kanila lang yo'ng pagalaw-galaw. Nasa pinakataas kasi kami ni Leon tapos nasa bandang ibaba sila, nagpapatayan ata. Hindi ko matignan kasi nakakalula. Tumatawa lang si Leon habang nakikinig sa mga sigawan nila na'ng mga kasama namin. "Natatakot ako Leon, gagi sana hindi kita masapak," sabi ko. "Okay lang boss, tsaka enjoyin mo lang, huwag ka matakot, nandito ako tsaka kung mamamatay tayo, nandiyan si Lord HAHAHAH," sabi ni Leon. "Nananakot ka ba o ano?" pagtatanong ko. "Biro lang boss, kapit ka lang dito sa handle kasi mahigpit naman ito," sabi ni Leon habang chinicheck ang handle. Medyo may space between our upuan dahil siguro nahihiya kami sa isa't isa. "Alam mo ba boss, isa sa pinakamagandang pwesto itong itaas sa buong buhay ko? Mataas, mahangin, kitang-kita mo ang mga taong masayang nagpipicnic sa gilid ng ilog, makikita mo ang mga usok mula sa mga iniihaw sa ibaba, kitang-kita ang mga bituin at malapit pa sa akin ang aking pangarap," sabi nito. "Pangarap?" pagtatanong ko. "Basta boss, kaya eenjoyin ko lang ang bawat sandali," sabi nito. "Ako rin eenj------WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH MAMAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA PAPAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA,"  Umandar ng mabilis ang Ferris Wheel at hindi nakakatuwa dahil hindi nagpaabiso. Feeling ko ibang Ferris Wheel ata ito. "MAMATAY NA KAYO! KUYA IBABA NIYO NA AKOOOOOOOOOOOOOOOOOO AYOKO NAAAAAAA!" sigaw ko. "AHHAHAHAHAHHA," tawa ni Leon. Napakapit ako sa braso niya tuwing bababa ang Ferris Wheel dahil pakiramdam ko nahuhulog ang kaluluwa ko. "AAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw nila. "MAMAAAAAAAAAAAAAAAAA ANG PANGIT NI ALVIN!" rinig kong sigaw ni Joy. Hindi ko magawang tumawa dahil natatakot ako. "HAHAHAHAHHAHAH,"  Grabe to'ng Ferris Wheel sa perya. Abot kamay ko na ang langit at naiwan pa sa ere ang kaluluwa ko.  Natapos din. Gusto ko muna kumalma. "Tara boss," inilahad ni Leon ang kamay niya para maaalalayan ako sa pagtayo. "Okay lang ikaw boss?" pagtatanong nito. "Medyo," sagot ko. "Upo ka muna," sabi niya sabay turo sa akin kung saan din umupo at nagpakalma ng kaluluwa ang mga kasama kong nabaliw. "Te, feeling ko nga magkakapalit na kami na'ng mukha ni Alvin. Mabuti na lang hindi, MABUTI NA LANG TALAGA!" sabi ni Joy. "Ayoko mapalit itong gwapong mukha ko sa mukha mo noh," sabi ni Alvin. "Ah, asa ka, sayang mukha ko noh?" sabat ni Joy. "Eh, kamusta naman ang magbebe?" pagtatanong ni Tin sabay tingin kila Abby. "Okay naman, I feel safe," nanlaki ang mga mata ko. Ganito ba talaga kapag inlove? "Eh yo'ng isa pang bagong love team?" pagtatanong ni April sabay tingin sa.. Akin? Amin? Sinundan ko mga tingin nila na nakatingin sa amin ni Leon. "Bakit kami?" pagtatanong ko. "HAHHHAHA," tawanan nila. Nagtataka pa rin ang mukha ko. "WALA," sabi ni Tin. "Kain muna tayo," pag-aaya ni Abby. So hati-hati kami sa pagkain na binili namin. Tatlong malalaking chichirya, dalawang 1.5 na softdrinks.  "Video naman Leon, remembrance lang," pag-aaya ni Tin. Kinuha ni Leon ang phone niya at nagvideo. "Hello, kasalukuyan po kaming nasa riverbanks, ito po si Jay, hoy Jay hello ka," sabi ni Leon. "Wazzap," sabi ni Jay. "Ito po si Alvin panot,"  "Guwapo kamo," sabi ni Alvin. "Ito po si Darwin, si Joy, Si Tin," "Itapat mo pa sa akin ang camera, whole body, dalii," sabi ni Tin. Tinapat ni Leon ang camera. "Ang sexy ko po diba?" pagtatanong ni Tin. Sumabat ako. "Huwag po kayong maniniwala pawang kasinungalingan lang ang sinasabi nito," sabi ko. Nagtawanan kaming lahat. "Ito po si April, ito po si Abby at si bebe niya Mark," "Hellooooo!" bati ni Abby at Mark. "Ito po si Brea,"  Ngumiti lang ako. Pagkatapos ay tinutok niya ang camera sa kaniya at nagsalita ulit. "Iyon lang po at maraming salamat," sabi ni Leon sabay end ng video. After ng video ay nagselfie at groufie kami. "Brea, tara picture tayo,"  Pagkatapos naming magselfie and groufie ay iniyaya ako ni Leon na mag selfie daw kami. Nagselfie na kami. "Lakad tayo pauwi, wala naman na tayong mga pera para mag perya pa e," sabi ni Alvin. "Tara na simula na natin maglakad," sabi ni Tin. Niligpit muna namin ang aming mga kalat at nagsimula na maglakad. Magandang maglakad dito sa may gilid ng river, maganda ang daanan, maraming palamunti, displays theme ng pasko, mga tao, nagbibike, nagjojoggine or naglalampungan sa dilim HAHAHAHAH. Mga pamilyang masayang nagpipicture kada may display na nakatayo sa bawat gilid. Mga magjowang nagpipicture, mga magtotropang may dalang speakers at iba pa. At ayon, napasama na lang ako kila Leon dahil by pair and three sila. Kada display nagpipicture kami.  One of the boys ika nga nila. Nakarating din kami sa kaniya-kaniyang bahay. Hindi alintana ang pagod buhat ng paglalakad dahil lahat kami nagkukwentuhan at nagkakasiyahan. Wala, nauna sila Joy kaya ako lang babae na kasabay nila. May mga lalaki pa palang marespeto noh kahit tropa.  (Leon Bryle Tolentino: Boss nakauwi na ako.) 7:02 pm. (Brea Villafuente: Same. Maaga pala ako matutulog ngayon dahil may mga gagawin pa ako bukas.) 7:02 pm. (Leon Bryle Tolentino: Sige good night boss.) 7:02 pm. (Brea Villafuente: Good night din :) ) 7:02 pm. Napangiti ako. "MAAAAAAAAAAAAAAAAAAA SI ATE MAY JOWA NA, NAKANGITI SA CELLPHONEEEEEEEEEE!"  Ang hayop ng kapatid ko, nakangiti lang may jowa na agad?  "HOYYYYYY WALA, MAY PINAPANOOD AKONG MEMES!" sigaw ko. "Bakit nakangiti? Dapat tumatawa ka tsaka halatang kinikilig ka. Bawal ka pa magjowa!" sabi ng kapatid ko. "Eh, naka tatlong jowa na nga ako e, HAHAHHAHA," sabi ko. "Hala susumbong kita!" sabi na'ng kapatid ko. "Oh, sumbong mo, samahan pa kita," sabi ko. "Pero weh? Nakadalawa ka na? Pero seryoso iyon?" parang timang na tanong ng kapatid ko. "Hindi masyado, basta kapag nakahanap na ako na'ng worth it ipakilala sa magulang at ipaglaban kahit sa ganitong edad pa lang ay nako," sabi ko. "Bata ka pa, paano mo malalaman na worth it yo'n?" pagtatanong ng kapatid ko. "God's will, ipapakita at ipaparamdam niya sa akin iyon, abangan mo lang," sabi ko. "Sa mga libro lang nangyayari iyon e," sabi ng kapatid ko. "Kapag pinagdasal mo, posible na mangyari iyon sa real world noh. Manahimik ka nga, matutulog na ako bye," sabi ko. ------------------------------------------------------------------------------------------------------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD