CHAPTER 10

4451 Words
Maaga ako gumising ngayon para iedit lahat ng videos namin kasi pasahan na nga. nagnotif ang messenger ko. (Leon Bryle Tolentino: Good morning boss.) 7:30 am. (Leon Bryle Tolentino: Ngayon mo diba ieedit ang videos natin? May assignment kasi tayo sa Physics, kung gusto mo na'ng help tutulungan kita sa Physics. Tapos na kasi ako.) 7:30 am. Wow, may pag good morning na ah? Crush kaya ako nito o nilalandi lang ako? Anyways hindi naman ganoon ang pagkatao ni Leon e. Baka concerned friend lang sa leader. (Brea Villafuente: Thank you, pwede bang paturo naman ako sa balancing equation?) 7:32 am. Gagi, seen agad. (Leon Bryle Tolentino: Ahh sige kailangan mo ba gusto? ) 7:32 am. (Brea Villafuente: Kahit mamaya, tatapusin ko muna ito.) 7:32 am. Hindi na siya nagreply, hindi niya rin sineen. Inilapag ko na ang phone ko sa lamesa.  Maya-maya ay nagnotif ito at dali-dali kong kinuha ang phone ko. Dali-dali? Bakit ba ako nagmamadali?  (Leon Bryle Tolentino: Slr. boss, may inutos lang si Mama. Sige boss sabihan mo ko, tatawagan kita kahit video call.) 7:44 am. (Brea Villafuente: Sige, salamat.) 7:44 am. (Leon Bryle Tolentino: You're welcome boss.) 7:44 am. Napangiti ako dahil sa hindi ko malamang dahilan. "Ayyy delikado ka na, delikado," biglang sabi na'ng kapatid ko. Kinunot ko ang noo ko at tumingin sa kapatid kong nakapamewang. "Gagu? Bakit?" pagtatanong ko.  "Pangiti-ngiti ka na naman diyan sa cellphone mo, memes na naman ba?" sarkastikong sabi na'ng kapatid kong si Lei. "Alam mo, mind your own business ha? Sira ka kung anu-anong pinagsasabi mo. Kulang ka ata sa anti-rabis," sabi ko. "Okay fine, chill," sabi ni Lei. Umalis na siya sa kwarto at nagpatuloy akong mag-edit. Ackkk sa wakas natapos rin. Nag-open ako na'ng messenger baka may mga nagmessage na sa akin. (Leon Bryle Tolentino: Kamusta boss? Natapos mo na ba? Huwag papasobra, okay lang magpahinga. Mananalo tayo niyan, tiwala lang.) 2:30 pm. Halaa? Ang sincere naman na tao nito. Pafall, char. Siyempre hindi tayo padadala sa mga ganiyan hangga't walang inaamin noh. Isipin na lang natin na sobrang friendly and thoughtful siya. (Brea Villafuente: Ahm, tapos na ako, please paturo ng science.) 2:48 pm. (Leon Bryle Tolentino: Sige, video call ba?) 2:48 pm. (Brea Villafuente: Call na lang, pahingi number mo para hindi choppy sa pag eexplain, data lang kasi ito at mukhang expired na.) 2:49 pm. (Leon Bryle Tolentino: Sige boss, 09755842145.) 2:49 pm. Ehemmm.. Dialing.... "Hello, boss?" rinig ko ang boses ni Leon. "Woyyy paturo naman, 1 to 5," biglang sabi ko. "Okay ganito kasi iyan boss, sa una kailangan mo lang gamitin itong periodic table of elements tapos nakita mo yung notes natin? Yo'ng dinrawing natin? Susundan mo lang iyon, kapag hanap mo na saka mo gawin yo'ng step  by step na illustration ni Ma'am. Nagsulat ka naman diba?" pagtatanong nito. "Oo nagsulat ako, ahh so susundan ko lang ito?" pagtatanong ko ulit. "Oo, try mo tapos sabihin mo sa akin ang sagot tignan ko kung parehas tayo," sabi ni Leon. "Sige," sabi ko. "Iintayin kita sa call huwag mong papatayin," sabi ni Leon. "Baka maubos yo'ng load," sabi ko. "Eh 'di pag namatay ako tatawag sa iyo," sabi niya. "Oh sige,"  Ang hirap naman kasi nito. Actually, honor studenta ko, nahihirapan ako sa mga bagay-bagay kapag wala akong sa mood gawin or tinatamad nga ako. 16 2 8 Cl 2Cl+4H+3Ar "Leon, 2Cl+4H+3Ar ba?" pagtatanong ko. "Ayoooonn, tama ka, madali mo lang pala ma gets e," sabi nito. "SIge itutuloy ko na ito, salamat," sabi ko. "Papatayin mo na?"  pagtatanong nito. "Eh, baka nakakabala na rin ako sa iyo," sabi ko. "Hindi ah, hindi ka magiging abala, sige na go lang gawin mo na habang nasa call ako," sabi niya. "Oh sige kanta ka na lang HAHAHAHHA," sabi ko. "HA?" gulat niyang sabi. "Sabi ko kanta ka na lang," inulit ko sa kaniya. "Ano ba kakantahin ko?" pagtatanong nito. "Kahit ano," "Kung wala na'ng salita, wala'ng kakayahang makapagsalita, makikinig pa rin ako sayo,  Kung wala na'ng luha, wala ka na'ng maramdaman, mararamdaman pa rin kita, Kung hindi na magliwanag ang araw, Kung naubusan na na'ng oras ang pag-ibig, Nasa iyo pa rin ang puso ko hanggang sa dulo, Ikaw ang kailangan ko, minamahal," kanta ni Leon. Napatigil ako sa pagsusulat ko dahil kahit hindi gaanong maganda ang tinig niya ay ramdam ko ang sinseridad nito. Siguro, siguro suwerte ang taong mamahalin nito. Ay shet huwag mo muna isipin iyang love-love na iyan. " Buong buhay ko, nag-aantay ng para sa'kin, ikaw ang binigay, Binuksan mo ang mata ko, pinakita kung paano magmahal ng wagas, Kung hindi na magliwanag ang araw, Kung naubusan na na'ng oras ang pag-ibig, Nasa iyo pa rin ang puso ko hanggang sa dulo, Ikaw ang kailangan ko, minamahal," kanta ni Leon. "Hoyyyyy, ang gandaaaaaaaa," sabi ko. "Tapos ka na ba?" pagtatanong nito. Shet hindi pa. "Kanta ka lang, tatapusin ko lang ito," "Hindi ako sigurado, nang ika'y makita, ako'y hindi makapagsalita, At sa pinakapuntong ito, nahanap ko na ikaw, ang nawawalang bahagi, na'ng buhay ko, Hanggang sa nabubuhay ako, iibigin ka, aalalayan, iingatan, dahil ikaw ang buhay ko, sinta," Napahinto siya sa pagkanta. "Bakit?" pagtatanong ko. "Wala, nararamdaman ko lang yo'ng labis na kagalakan at kagustuhan na aminin yo'ng nararamdaman ko para sa taong gusto ko," sabi nito. "Oh, sinabi ko naman sa iyo, regardless of the feelings no'ng gusto mo ang mahalaga naamin mo, mahirap magsisi," sabi ko. "Sabagay," sagot nito. "Alam mo ba share ko lang ah, pinakamasarap at masayang nagawa sa mundo ay ang pag-ibig kaya gusto kong maranasan ito lagi kaso hindi naman ganoon e. Mabuti na lang at kahit papaano'y napaparamdam naman ng parents ko na mahal nila ako kahit hindi sila showy," biglang pagdadrama ko. "Hindi ba kayo close na'ng magulang mo?" pagtatanong ni Leon. "Medyo lang, lagi kasi silang busy pero supportive naman sila lalo na si Mama," sabi ko. "Alam mo ba, close ko rin magulang ko and masaya nga ako na naging magulang ko sila. Sobrang cute kaya na'ng love story nila," sabi ni Leon. "Wehh? Bakit?" pagtatanong ko. "Mahabang kwento pero maaari ko siyang mapaikli sa mga katagang 'may mga taong inilaan talaga ang Diyos para sa bawat isa at kahit anong ipilit mo kung hindi siya ang inilaan sa iyo, hindi siya mapapasa-iyo," sabi ni Leon. "Paano kaya ano kung may ways tayo para malaman yo'ng tamang tao para sa atin? Edi hindi na nasasaktan ang mga tao," sabi ko. "Hindi rin maganda na puro saya, sa bawat pain mas lalo kang natututo at lumalaban. Kapag alam na agad ng tao ang para sa kaniya edi hindi na siya mageextennd ng effort to learn at maghanap hindi ba?" sabi ni Leon. "May point ka naman diyan," sabi ko. Nanahimik kami saglit. "Ay, tapos na pala ako, salamat sa help Leon," sabi ko. "Wala iyon boss basta para sa iyo--- sabi sa kanta ni Manny Pacquao, HAHAHAH," sabi nito. "Baliw, sige na may klase pa bukas magpapahinga na ako, ang dami nating dinaldal hahahahha alas-7 na oh," sabi ko. "Hala oo nga, hindi ko namalayan, sorry," sabi nito sa akin. "Okay lang, sige na babye,"  "Babye," sabi nito. Call ended. Gusto ko na muna matulog. "Ateeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!" "ANO NA NAMANNNNNNNNNNNNNNNN!" sigaw ko habang nakapikit ang aking mga mata. "WALA HAHAHAHHA," abnormal na sabi na'ng kapatid ko. Alam naman niyang inaantok ako e bwesit! ___________________________________________________________________________________________ Kinabukasan. Late akong nakapasok. Umuulan pa, shocks. Walang tricycle! Grrrrr. Lord please naman. halos 10 minutes na akong late. Yes, nakasakay na rin ako. Mabilis akong kumaripas ng takbo dahil nasa fourth floor pa yo'ng room ko. Let's go. (hingal) "Good morning ma'am, I'm sorry, I'm late po," sabi ko noong madatnat na nagsasalita  na si Ma'am sa harapan tungkol sa instructions sa chemistry. Tumango lang siya at tumakbo na ako papuntang upuan. "May exam ba?" pagtatanong ko kay James. "Oo, hingi ka test paper kay ma'am," sabi nito. Pagkaayos ko na'ng gamit ko ay lumapit na ako kay Ma'am para manghingi na'ng test paper. "Ma'am," sabi ko. "Ms. Villafuente, I don't want to see you late again in my class. Today is our exam and you only have thirty minutes. Make sure you will finish it on time," sabi ni Ma'am sabay abot ng test paper sa akin. "Yes po ma'am, sorry po," sabi ko sabay balik sa upuan ko. "Shocks, wala akong papel," sabi ko sa sarili ko. Napapikit ako sa frustration. "Ito oh," nagulat ako na'ng inabot ni Leon yo'ng ballpen niya. "Salamat," sabi ko sabay focus sa paper agad. LEON'S POV Anong oras na, wala pa rin si Brea. Malakas kasi yo'ng ulan, baka nahirapan sumakay. Sana makarating siya na'ng maaga. "Good morning, please take your seats and prepare a piece of intermediate paper," sabi ni ma'am. Exam namin ngayon, dumating ka na sana Brea. Habang nag-eexam ako ay panay tingin ko sa oras. Halos kalahating oras na wala pa rin si Brea. Habang nagsosolve ay nagulat ako sa pagsasalita ni Brea.  Basang-basa yo'ng buhok at laylayan ng palda niya. Hingal na hingal din siya. Bakit wala siya jacket? Nakatingin lang ako sa kaniya habang natataranta siya sa pag-aayos ng gamit niya.  Noong nakaupo na siya ay napansin kong napabulong siya sa sarili niya about sa ballpen. "Ito oh," bigla kong sabi sabay abot sa kaniya na'ng ballpen ko. "Salamat," sagot niya. Nakapagpokus na ako sa exam.  Marami na kaming tapos at hindi pa rin siya tapos. Kaya mo iyan. Ipapasa ko ang papel ko pero doon ako dumaan sa harap niya para masilayan siya. Okay lang kung umikot ako. "Ma'am," sabi ko sabay abot na'ng papel. Napalingon ako dahil nakita kong tapos na siya. "Akin na iaabot ko kay ma'am," sabi ko. "Salamat Leon," sabi nito habang nakangiti. Kita ko sa mga mata niya yo'ng pagod at namumutla pa siya. Pagkaalis ni Ma'am ay nakita ko siyang patagong kumakain ng kaniyang baon. "Wala kang kinain na almusal noh?" sabi ko. "Oo, late kasi ako nagising tapos umulan pa. Wala akong masakyan," sabi ni Brea sabay subo na'ng kinakain niyang kanin at afritada. "Pwede ba ako tumabi sa iyo para hindi ka mahiya, sabay tayong kumain, wala rin kasi akong almusal," palusot ko. "Weh? sige dito kaaaa," sabi nito. Tumabi ako sa kaniya para may kasabay siya kumain at maayos yo'ng pagkain niya.  Actually nag almusal na ako. Gusto ko lang siyang sabayan. "Ngayon daw ang announcements ng winners ah?" sabi ko. "Ha? weh?" sabi nito habang may laman ang bibig niya. Ang cute niya. "Oo boss, tingin ko naman mananalo tayo e, sobrang galing kaya nating lahat," sabi ko. "Sana nga e," sabi nito. "Anong plano sa celebration kung mananalo tayo?" pagtatanong ko sa kaniya. "Inuman! char, videoke tayo kung pwede sa inyo," sabi nito. "Sige papaalam ako. Teka, umiinom ka ba?" pagtatanong ko ulit. "Hindi e tsaka hindi pa ako nakakatikim ng alak," sabi niya. "Eh anong iinumin?" pagtatanong ko ulit. "Tanungin na lang natin sila," sabi nito. Natapos na kami kumain at nagsimula na ang klase. Normal lang na araw ito, discussions and quizzes. Kaya ko naman e. Hindi sa sobrang maasukal ako ah? pero sobrang inspirado kasi ako, nakaupo siya sa unahang row tapos kapag sumisikat ang araw talagang tinatamaan siya.  Binibini, Sa bawat umagang pwede pa kita makasama, Sana lagi kong masilayan ang iyong mukha, Ilang buwan na lang at magkakalayo na tayo, Maaari na kaya akong umamin sa iyo? Magagalit ka ba kung aaminin ko, Na ikaw ang nais makasama na'ng pusong ito, Binibini, gagawin ko lahat para sayo, Ako, iyong sundalo, hinahanda ang sariling lumapit sa digmaang ito. Natapos na ang klase. "Leon," tawag sa akin ni Brea. Kinabahan ako bigla. "Bakit boss?" pagtatanong ko. "Gets mo ito? Patulong nga," sabi nito sabay lapit saakin at upo sa aking tabi. "Sige, sige,"  Tinuturo ko sa kaniya ang number 1 tapos tinatry niya na isolve ang mga sumusunod. Nakatingin lang ako na'ng patago sa kaniya habang busy siya sa pagsosolve sa tabi ko. "WAAAAAAAAAAAAAHHH, tama baaaa?" pagtatanong niya bigla habang nakatingin sa aking mga mata. Sandali akong natigil dahil napakacute ng mga tingin niya. "Ah, ha, wait, hmmm, tama siya. Nice one boss," sabi ko. "YESSSSSSSSSS! Thank you talaga, AHAHAHAHAH," sabi nito. "Wala iyon," sabi ko. "Wait ligpit ko lang ito tapos chikahan tayo," sabi niya sabay alis sa tabi ko at inilagay niya ang gamit niya sa loob ng kaniyang bag. Kinakabahan ako. Kalalaki kong tao pero ang lakas magpakaba ni Brea dahil sa mga simple niyang ginagawa. "So ayun na nga--,"  "BREA!"  Hindi natuloy ni Brea ang paglapit sa akin dahil tinawag siya ni June. May gusto sa kaniya si June e pero nilolove team ng klase si June kay Abby. "Whyyyyy? teka lang Leon," sabi niya sabay punta sa tabi ni Leon. "Oww, boss, inaagawan ka oh HHAHAHAH," pang-aasar ni Miggy. "Bugbugan kami? AHHAHAHAH," sabi ko. "Bagal mo kasi e," sabi ni Miggy. "Paano ako makakaaamin eh wala akong lakas ng loob. Ang lakas ng loob ko at matapang ako pero sa kaniya boss sobrang nanghihina ako at naduduwag," sabi ko. Kaya kong indain lahat ng kapahamakan, patalim at iba pa dahil malakas ako physically pero sa pag-amin lang, tumitiklop ako. "Kami bahala AHHAHAHAHA," sabi ni Miggy. "Bakit anong gagawin niyo?" pagtatanong ko. "Secret," sabi ni Miggy sabay tawa. Lumilingon-lingon lang ako kay Brea na tawa na'ng tawa habang nakikipag-usap kay June. Ano bang nakakatawa sa ugok na iyon? "Kalmahan mo lang AHAHAHAHAH," pang-aasar ng mga tropa ko na naglapitan na. "EWAN KO SA INYO," biglang sabi ko. "HAHAHAHAHAHA," sabay-sabay nilang tawa. Maya-maya'y bumalik na sa tabi ko si Brea. "So ano na nga? Kwento ka na Leon. Nakaamin ka na ba?" pagtatanong nito. "Hayaan mo na muna iyon, may tamang panahon para doon," sabi ko. "Ehem-ehem. Leon, may langgam ata sa ilalim ng upuan mo," sarkastikong sabi ni April. Alam kong inaasar niya ako.  "Oo nga e," sabi ko sabay ngisi na'ng konti. "Weh? Paano mo agad nakita?" pagtatanong ni Brea. Napalingon ako sa kaniya para makita ang mukha niya at nagkukunwaring hindi niya alam na sarkastic yun. "HAHAHAHAHAHAH," tawang-tawa si April. Tinitigan ako ni Brea sa mata at kita ko kung gaano ka inosente ang kaniyang mga mata.  Parang tinusok ako na'ng karayom na malaki. Parang may dumaloy na kuryente sa katawan ko. Napakacute niya. "Wala hayaan mo iyan, oh boss April bakit ka ba narito?" pagtatanong ko. "Hindi ko iniisitorbo ang bebe time niyo ni Brea, pumunta lang ako dito para sabihin sa inyo na balak namin mag-inuman tayo sa bahay niyo Leon as victory party kasi ramdam na naming mananalo tayo," sabi nito. "Chill ka lang wala naman kaming sinasabi tsaka hindi naman kami magbebe buang," sabi ni Brea. "Hindi pa, i mean hindi pa ba ninyo alam na naisipan na rin namin ni Brea iyan at balak namin sabihin sa inyo mamaya sana, hindi ba Brea?" pagtatanong ko. "Oo ngaaaaa, so g????" excited na sabi ni Brea. "G naaaa! sige mamaya na lang baka ibalibag ako ni boss Tolents dahil sinira ko bebe time niyo, hahahahahah, babye!" sabi nito. "Buang!" sabi ko. "Bakit ba nila iniisip na mag bebe tayo?" pagtatanong ni Brea. "Ewan ko diyan," sabi ko. "Nasasakal ka ba or nahihiya sa pang-aasar nila? If oo, medyo didistansy---," " 'WAG! I mean huwag tayong papasindak, magkaibigan tayo noh, hayaan mo sila na mang-asar," sabi ko. Halatang nagulat siya sa tinuran ko. "Oh, okay hehe," sabi nito. Humarap siya sa akin bigla at nagsalita. "Pwede gawa mo ako tula, tungkol sa akin. Gusto ko kasi makabasa na'ng tula about sa kung paano ako tignan na'ng tao, kung pangit na pangit ba ako or 'yong pagkatao ko," sabi nito. "Sige teka," Kumuha ako na'ng papel at nagsimula na magsulat. Binibini, Halika at dadalhin kita,  Sa magandang paraiso kung saan mo makikita, Ang simbolo na'ng pagkatao mo, Sa harap ko at na'ng maraming tao. Ipikit ang iyong mata at masisilayan mo sa dulo, Isang dalisay na batis, halika, sundan mo ako Nakikita mo ba kung gaano kadalisay ito? Ganiyan ang pagkatao mo, ang kabutihang nanunuot sa puso mo Teka, napakagandang rosas,  Dahil sa tinik nito'y hindi ko mapitas, Kagaya mo na sing-ganda ng rosas na hawak ko, Malapit na saakin pero ang pagkuha'y hirap ako. "Ayaan na," sabi ko sabay bigay sa kaniya na'ng papel. Labis ang ngiti niya na parang isang batang nabigyan ng pamasko. cute. Magegets niya kaya? Sana hindi masyado. Ayokong umamin sa ganitong paraan. "WWWWWWWWWWOWWWWWWWWWWWWWWWWWWWWW! ANG GANDAAAA HUHUHUHU! AKIN NA LANG!"papuri nito. Mukhang hindi niya nga nagets, mabuti naman. "Sige pero sa isang kondisyon?"  "Ano? Huwag mahirap ah?" sabi niya. "Talon ka sa ilog HHAHAHHAHA," "AYYYYYYYYYYYYYYY!" inis na sabi niya. "Hindi joke lang, I mean sa isang kondisyon, pumayag kang sumama sa akin sa fireworks display sa riverbank," sabi nito. "GOOOOOO! MAY JOWA SI ABBY E, AYAW NAMAN SUMAMA NI JOY E WALA AKONG KATROPA MAOOP LANG AKO, IKAW NA KASAMA KO!"  "GALIT?" sabi ko sabay tawa. "HINDI HAHAHHHAHAHA," sabi niya. Yes.. Mission 1 complete. "Sige sa iyo na iyan," sabi ko. ""Thank you lodi, labyu," sabi nito sabya balik sa upuan. Natigil ang mundo ko doon ah. Lalaki akooooooooooooooooooooo. BREA'S POV Labyu? potaena, anong sinabi ko?? Taeng iyan, ngayon ko lang narealized yo'ng mga pinagsasabi ko. Gosh! Lumingon ako saglit kay Leon at no'ng tumingin siya sa akin ay binigyan ko siya na'ng awkward na ngiti sabay talikod. Wala lang iyon, tropa vibes. Tsaka nilalabyu labyu ko naman yo'ng ibang mga tropa ah? Bakit ako natataranta? Chill lang. "HOYYYYYYYYY! BAKIT SINUSULAT MO ANG NAME NI TOLENTS?" nagulat ako sa hirit ni Joy. "GAGOO!!! LISTAHAN 'YAN ANO KASI, ILALAGAY KO LAHAT, INUNA KO LANG SIYA," palusot ko. Putragis, bakit kasi sa kakaisip ko sa labyu-labyu na 'yan pati pangalan niya naisusulat ko dito? "WEH? GUSTO MO SI TOLENTS?" pagtatanong ni Joy. "HINDI AH, SI KUYA MIKE PA RIN YO'NG CRUSH KO, YO'NG NASA GRADE 12 LEVEL," agad kong sabi. "AHHH, okie," sabi ni Joy. "Teka bakit ba nandito ka na naman?" pagtatanong ko sa kaniya. "Ahh, magtatanong lang kung tuloy inuman if  matalo tayo," sabi ni Joy. Sinabunutan ko siya ka agad. "ARAAAY GAGO ANO IYON??" pagtatanong niya sabay hampas sa akin. "NAPAKA NEGA MO? MANANALO TAYO!" sabi ko. "BAKIT? I'M JUST THINKING OUTSIDE THE BO AND FACING THE POSIBLE REALITY IF HINDI TAYO MANALO KAHIT ALAM NATING MANANALO TAYOOO!" pasigaw na sabi ni Joy. "ARAY POTAAA ANG SAKIT SA TENGA!" sigaw ko rin. "MAGSISIGAWAN PA BA TAYO DITO? AYAN OH, MAGKALAPIT NA KAYO," sita na'ng president namin sa klase. Sowy.  Nag peace sign na lang kami sabay balik ang diskusyon sa isa't isa. "Oh, ano na nga? matutuloy ba?" pagtatanong ni Joy. "Manalo o Manalo o Manalo oooooooooo matalo man pero alam ko hindi, mag-iinom tayo," sabi ko. "Okie, babye," sabi ni Joy sabay alis. Ang galing, sabay alis?  KRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRINNGGGGGGGGGGGGGG "Taena, recess naaaaaa!" sigaw ni Miggy. "TANGA BOBA, EARTHQUAKE DRILL 'YAN! HINDI KASI KAYO NAKIKINIG SA ANNOUNCEMENT KANINA EH," sabi na'ng president namin. "Ay weh? True ba?" pagtatanong ni Tin. "GAGU WEHHHHH?" pagtatanong ni Rana. "OO  NGA," sabi na'ng president namin. "OH MY GOSH, SHAKESPEARE! This is an earthquake drill and you're supposed to duck, cover and hold right? Why are you still sitting on your chair!" sigaw na'ng adviser namin. Nagsi-duck, hold and cover kami. Ngumingisi pa ang iba. Ang ibang girls, nagliliptint. Ako?  Nakatingin kay Joy. "Pssstt, intayin mo ko ah?" pabulong kong sabi. Para magkatabi kami mamaya. "Ge," sabi niya. AYANNNN NA NATAPOS RIN, LALABAS NA KAMI NA'NG MABILIS PAPUNTANG LABAS NA'NG SCHOOL. "SUGODDDDDDDD!" sigaw na'ng bakla kong kaklase. Nagtawanan lang kami. Paunahan kaming lumabas ng pintuan. Ang mga mababait, nagtatakip ng aklat sa kanilang ulo. Ang mga semi-mababait, hawak lang ang aklat habang nakikipagkwentuhan. Ang mga hindi mababait, nagpapaypay, nagpapasiga-siga maglakad at naghahampasan ng aklat habang pababa na'ng hagdan. "PSTT!" gagi, sita iyon na'ng teacher sa lilkodd. "Yare kayo," sabi ni Paul. So ayun nakababa na kami. "Pumila kayooooo by section!" sigaw no'ng teacher sa harapan. "Imagine, lumilindol, mamamatay na tayo tapos kailangan pa nating hanapin kaklase natin para pumila? kaloka!" pagrereklamo ni Joy. "HAHAHAHAHAHA,"  "Groupings papuntang langit kasi ito," pagbibiro ni Paul. "Paano 'yan, hindi naman sa langit diretso ko?" pagbibiro ni Justine. "AHHAHAHAAHAH," tawanan namin. "TAWA KAYO NA'NG TAWA DIYAN, GUSTO NIYO TALAGANG MAPAGUIDANCE!" sigaw na naman nag isang teacher mula sa harapan. Yumuko lang kami habang nakangisi. Nasa gitna kami na'ng kalsada, traffic tuloy. Ang init pa. TANGHALING TAPAT BA NAMAN GAWIN 'TONG EARTHQUAKE DRILL NA ITO. Ginawang pamaypay, upuan at pang sunshield ang mga aklat. Wala silang magagawa, ang tagal magsalita 'nong nasa harapan, mainit pa. "Ang kukupad ninyo, kapag nagkaroon ng lindol, mamamatay kayong lahat dahil sa kakuparan at kaartehan," galit na sabi na'ng principal. "May mga nagtatawanan, nagbabatuhan ng bote, nagliliptint, naghaharutan pa habang bumababa na'ng hagdan!" sigaw nito ulit. "Si Grace at Kevin po," pang-aasar ng kaklase kong si June. "Gagi," sabi ni Grace. "Humanda talaga kayo sa akin pag-akyat sa room shakespeare," gigil na sabi na'ng adviser namin. "Gagi, yari tayo kay ma'am," sabi ni Joy. "Kaya nga e," sabi ko na lang. "Ang daming pinagsasabi 'nong speaker sa harapan," pabulong ni Miggy. "Katamadddddd!" iritableng sabi ni Tin. Maya-maya'y pinabalik na kami sa kaniya-kaniyang classroom. "Te, tara samahan mo ako sa canteen," sabi ni Joy. "Gagi, baka pagalitan tayo," sabi ko. " 'Yong ilang mga boys nga nasa canteen e, sabihin na lang natin umihi tayo," sabi ni Joy. "Ay ayoko nga, kita mong gigil na sa atin si Ma'am, mas lalo pa nating gigigilin? Ikaw na lang," sabi ko. "Kill joy mo talagaaa, sige na nga, mamaya na lang," pagrereklamo ni Joy. Pagkapasok namin sa room, nadatnan namin si President na nakatayo sa harapan. "BILISAN NIYO UMUPO MGA PUNYETA HABANG WALA PA SI MA'AM!" sigaw nito sa amin. Pagka-upo naming lahat.. "TANGINA NIYO SINO 'YONG MGA NAHULI NA NAGBABATUHAN AT NAGLALANDIAN SA HAGDAN? SHAKESPEAR NA NAMAN ANG BIDA SA OFFICE! MGA MATATALINO PERO BAGSAK SA UGALI!" sigaw ng President namin. "ANG GAGO KASI, KUNG GAGAWA KAYO NA'NG KALOKOHAN, SIGURADUHIN NIYONG WALANG MAKAKAKITA!" banat ni Vice-president. "UPO!" sigaw ni Ma'am pagkapasok niya. Dali-daling umupo si President at Vice sa kanilang upuan habang kami'y nananatiling gulat sa sigaw ni Ma'am. "Nasaan ang mga boys sa likod?" pagtatanong ni Ma'am. "Nasa comfort room po ata," sabi ni Paul. "Wala na ba talaga kayong magawang mabuti sa loob ng paaralan na ito shakespeare?" pagtatanong ni Ma'am. Katabi ko pala si Joy. Bigla siyang bumulong na parang demonyo sa tabi ko. "Hindi ba may second earthquake drill pa?" pagtatanong nito habang bumubulong. "Oo," pabulong ko ring sabi. "Sana mag-earthquake drill na para maiwasan natin ang sermon ni Ma'am," sabi nito. "Gago," 'yon na lang ang nasabi ko. "Ano shakespeare? May earthquake drill na pangalawa, kapag hindi kayo umayos, hindi ko na kayo papasukan sa lahat ng klase ko sa inyo sa natitirang buwan. Kayo na rin bahala paano niyo sasagutan ang mga exams niyo," sabi ni Ma'am. "Ma'am sorry po," sabi ni President. "Ma'am," tawag 'nong mga boys namin na nasa canteen kanina. "May balak pa kayong pumasok?" pagtatanong ni Ma'am sa kanila. "Sorry po Ma'am," sabi ni John. Nakayuko lang ang iba sa kanila. Bale 'yong anim na magkakaibigan pala ang nasa canteen. Si Andrew, John, Warren, Josh, Steven, at Franz. "Bumalik na kayo sa upuan niyo!" sigaw ni Ma'am sa kanila. Kinuha niya ang pamaypay niya sa kaniyang mesa at humarap ulit sa klase. "Nastress ako sa section na ito, mga matatalino pero bagsak sa pag-uugali," sabi nito. Krrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrrriiiiiiiiiingggggggggggggggggggggggg Ayan na, earthquake drill na ulit! "DUCK, COVER AND HOLD! HUWAG TANGA!" sigaw ni Ma'am. Mga boba kasi mga nasa likod, parang mga statwa na nabuang. Tumatawa pa paupo nila sa ilalim ng kanilang mga mesa. Natapos na ang bell "GO! Lintek kayo, umayos kayo, may supervisor at taga-monitor!" sigaw ni Ma'am. Dali-dali kaming naglakad papuntang pintuan palabas na'ng room. Dumaan kami sa gitnang hagdan at mabilisang pumunta sa labas ng gate. Naka-upo ulit kami sa initan. "Congratulations, nakaabot kayo na'ng 2 minutes," sabi no'ng nagsasalita sa harapan. "Eyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyyy!" sigawan ng lahat. Wala, hindi na ako nakinig sa mga pinagsasabi 'nong nasa harapan. Ang init-init e. "Araaayy!" biglang sabi ko na'ng may nakatapak sa aking kamay. "Ay sorrrrrrrrryyy," sabi ni-- Leon. "Ayt, HAHAHAHAH, okay lang tangeks. Isa pang tapak, babaliktad ka na," sabi ko. "Sorry talaga boss, hindi ko talaga nakita," sabi nito. "Gagi, okay lang," sabi ko. "Leon, bakit nandito tayo? Hindi ba doon tayo nakau----," Biglang naputol ang sinasabi ni Miggy. "HA??? Hindi ba pinalilipat tayo dito kasi medyo malayo na 'yong pwesto natin kanina sa mga kaklase natin?" sabi ni Leon. "Ahhhh, aray. Oo," sabi ni Miggy. "Bakit? Sino ang nanita?" pagtatanong ko. "Ayun oh, 'yong nakatayo na teacher sa likod, 'yong kulot," sabi ni Leon sabay turo. "Ahhh, masungit pa naman iyan," sabi  ko. "Oo nga e," sabi ni Leon. Ang init talagaaaa. Maya-maya, nagpaypay si Leon sa--- sa aming dalawa?  Awkward.. Biruin ko nga. "Yown, thank you sa pagpaypay boss Tolents, pampalakas ng muscles iyan," pagbibiro ko para mailingat ang aking isipan sa mga bagay na hindi ko dapat iassume. "HAHAHHAHAHHA, Oh, gusto mo kendi, ito oh," inabot niya sa akin 'yong kendi na XO. "Panghimagas sa gitna na'ng kagipitan at kainitan HAHAHAHA," pagbanat niya. "Salamat HAHAHAHAH," sabi ko. "Paborito mo ba ang kape?" pagtatanong ko. "Ha? Hindi naman, napadalas lang ang pagtake ko na'ng kape or kahit anong may flavor ng kape para mawala 'yong antok lalo na kung may mga importanteng bagay akong kailangan gawin," sabi nito. "Ahhh," sagot ko. "Eh, ikaw? Mahilig ka sa kape?" pagtatanong nito. "Hindi ako masyadong nagkakape kasi bawal sa akin iyon, siguro gatas lang ganoon," sabi ko. "Ahhhh, kaya pala ang puti-puti mo," sabi nito. "Buang, maputi talaga ako kasi maputi ang aking nanay at tatay," sabi ko sa kaniya. "Ala--" hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil pinatayo na kami at pinabalik sa kaniya-kaniyang classroom. May program pa kasi mamaya, awarding din kaya mag-aayos sila na'ng gymnasium. "Ang saya naman ng kwentuhan niyo ni Leon," biglang sabi ni April. "Gagi, selos ka?" sabi ko. "AHHAHAHAHA hindi noh, natutuwa pa nga KAMI na close na CLOSE kayo at napapangiti ka niya," sabi nito. "Grabeng salitaan iyan, tigil mo na kakashabu," sabi ko. "Yieeeeeeeeeeeee, may fee--" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya dahil hinatak na siya ni Tin. May ibinulong si Tin tapos nanahimik habang nakangiti pa rin si April. "Brea! gusto mo? Ube?" pag-aalok sa akin ni Leon na'ng hawak niyang ube. "Hala, wala pa ako barya," sabi ko. "Libre ko na boss," sabi niya. "Bakit? Crush mo ko? HAHAHAHHAHA," pagbibiro ko sabay halakhak. "Maaari, binibini," sabi nito. Parang may lamok na pumasok sa bibig ko.  "HAHAHAHAHAHAHAHAH, joke lang sorry na boss," sabi nito. "Hehehe," awkward na sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD