We started dancing. Nakayapos ang isang braso ni Spencer sa baywang ko at nakawak naman ang isa kong kamay sa kanyang balikat, habang ang aming kabilang kamay ay magkasiklop. Pero habang sumasayaw ay nawawala ako sa focus dahil sa aking nakaw na tingin sa puwesto ni Axle at ng babae nitong kasama na ngayon ay kasalukuyan na ring sumasayaw mula sa 'di kalayuan sa amin, kaya naman dahil sa pagkalutang ko ay napapatikhim na lang si Spencer tuwing naaapakan ko ang paa. “Mamayang gabi pala, gusto kong doon muna tayo sa mansyon ng Lolo mo makitulog,” Spencer said. “No, ayoko,” walang gana kong sagot bago muling binalik ang tingin sa puwesto ni Axle, pero hindi ko inaasahan na nakatingin din pala ito sa akin. And damn, ang talas ng kanyang tingin na para bang gusto na akong lunukin ng buo. I

