Kahit ayaw ko pang umuwi dahil gusto ko pang makausap si Axle nang kaming dalawa lang ay wala pa rin akong nagawa nang yayain na akong umuwi ni Spencer. Tatanggi pa nga sana ako at balak pang magpalusot pero baka maghinala ito, kaya minabuti kong sumang-ayon na lang at sumama sa kanyang pag-uwi. “‘Yung lalaking kasayaw mo kanina, mukhang malapit yata kayo sa isa't isa kung mag-usap. Do you know him?” Spencer asked curiously. Sakay na kami ngayon ng kanyang Lamborghini at kasalukuyan nang nasa biyahe pauwi. “Gano'n lang talaga ako makipag-usap kapag mabait ang kausap ko,” patay-malisya kong sagot habang nakasandal sa upuan at nakatingin lang sa labas. “It's obvious that you were flirting with him.” Hindi ko mapigilan ang inis na mapairap. “Tsk. It's none of your business, Spencer. Prob

