Third POV NAKASANDAL lang si Axle sa kanyang kinauupuang swivel chair habang pinapaikot-ikot sa kamay ang hawak na ballpen at seryosong nakatingin sa kawalan na tila ba malalim ang iniisip. Kahit anong focus ang gawin niya sa trabaho ay hindi pa rin mawala sa isip niya ang panlalamig sa kanya ni Shen kagabi na tila ayaw na siya nitong makita pa. Ngayon tuloy ay hindi siya mapakali sa kakaisip kung ano na ang susunod niyang gawin. Mukhang nagkamali yata siya sa kanyang unang hakbang na ipaalam dito ang tunay na pagkatao ng asawa nito, ngayon tuloy ay parang may chance pa na magkaayos ang mga ito dahil sa kagagawan niya. “Shen baby, ano ba ang dapat kong gawin para mapasa-akin ka?” mahina niyang bulong. And he exhaled heavily. “Just do your best to get her, Kuya.” Nagulat pa siya sa pag

