Shen's Point of View HALOS mahilo ako sa tanong ng mga reporter na parang gusto na akong dumugin kung wala lang mga security guard sa paligid, buti na lang ay nakaalalay sa akin si Spencer the whole interview at halos ito na rin ang sumagot sa mga tanong na dapat sana ay ako ang sasagot, pero inako niya at maayos naman niyang masagot lahat. And I don't know but… I feel safe in his arms. Akala ko ay pababayaan niya na lang akong pagpiyestahan ng mga reporters tulad ng inaasahan ko, kasi alam kong mas masaya siyang makita akong umiiyak at nasasaktan. But I didn't expect him to protect me, siguro ay iniingatan niya lang ang pangalan ko at gano'n din ang kanya dahil nga ay mag-asawa pa rin naman kami at maapektuhan ang kumpanya kapag napatunayan na totoong kabit ko ang kasama ko sa video. Pin

