Chapter 12

1523 Words
Nakapikit lamang si Sandra at nag iisip kung anong gagawin niya after ng pangyayare sa kanila ni Jasper. Alam niyang lasing ang lalaki kaya nangyare yon sa kanila dahil naging marupok siya kaya hinayaan niya si Jasper. Piping hiling na lang niya na sana ay walang matandaan ang binata sa naganap sa kanilang dalawa. Bumangon na siya at nag ayos ng sarili at nagmadaling lumabas ng kwarto ng maalala niya ang kanyang boss na baka hinahanap na siya nito.hindi siya pwedeng abutan ng boss niya sa kwarto na kasama ang kaibigan nitong si Jasper. mabilis siyang naglalakad upang makalabas na ng resort ng marinig niya ang pagtawag sa kanya ng boss niyang si Mr. Almeda. " Sandra, Ms.Pereira " tawag ng boss niya sa kanya kaya napatigil siya sa paglabas ng lobby at hinarap ito. " Bo- boss, a- andiyan po pala kayo kanina pa po ba kayo dito? a- ano po kase boss Marvin kumain lang po ako o - oo kumain ako at naglakad lakad oo ganon nga po naglakad lakad po ako para hindi mainip hehehe! !. Pasensya na boss hindi ko kayo napansin, ito na po boss yung mga papers na dapat nyong pirmahan ito pong ballpen. i- ito boss at ito pa, pati na rin po ito, ito din. ok na boss, alis na po ako. bye boss. " natatarantang sabi nya na isa isa ibinigay ang mga papers na dala nya para papirmahan kay Mr. Almeda. Nang nakakailang hakbang na sya ay muling nagsalita ang boss niya at napatakip siya ng kanyang bibig at nabitiwan niya ang bitbit niyang bag ng marinig ang sinabi nito sa kanya. " Nakita kita sandra sa loob ng kwarto kasama si Jasper " wika ng boss na ikina gulat niya talaga " Boss Marvin, please wala na po sanang ibang makaalam ng nakita mo. Pag pinagsabi nyo mag re resign ako " turan nya habang dinadampot ang mga nahulog niya at sabay kumaripas ng takbo dahil nahihiya siyang talaga sa boss niya at sa kasama nitong babae. Agad siyang sumakay ng kotse ni Arnel dahil hinintay siya ng driver nito dahil yun naman din ang bilin dito ng CEO nila ihahatid siya at ibabalik din naman ng Manila kaya hinintay talaga siya nito. Nakahinga lang siya ng maayos ng makalayo na sila sa batangas. Nakarating sila ng opisina ay ginabi na siya. inilapag na lamang niya sa table ng boss niya ang mga napirmahan nito at umuwe na rin siya ng bahay. Pagbukas niya ng pinto ay nasa sala pa sina Brielle at Alexa nanunood ng tv. Lumapit at umupo siya sa tabi ng mga ito at seryosong yumakap sa dalawa. " Anong nangyayare sayo, bakit may pag akap kang nalalaman ha Sandra? " wika ni Alexa sa kanya na dahil sa ginawa niya ay nagtaka ang dalawa. " May problema ka ba? tinanggal ka ba ng boss mo sa trabaho? " eksaheradong tanong naman ni Brielle sa kanya. Umiling iling naman siyang naluluha kaya lalong nag alala sa kanya ang dalawang kaibigan. " Eh bakit ka nagkakaganyan Sandra? Ano bang nangyayare sayo? kilala ka namin Sandra kapag ganyan ka alam namin na may pinoproblema ka. " ani ni Alexa na pinipilit na magsabi sa kanila si Sandra ng problema nito. " Ano eh kase.. kase.. ano naisuko ko na ang V card ko kanina. Hindi na ko virgin huhuhu.. " mahinang sabi niya pero dinig pa rin naman nila Brielle at Alexa ang sinabi niya at sabay pang nag “ What?/ Ano? " napatampal ng noo niya si Alexa at na shock naman si Brielle sa sinabi niya. " Kanino? sino? paano nangyare? mag kwento ka Sandra promise hindi ka namin ija judge ni Brielle gusto lang namin malaman ang nangyare sayo. " muling saad ni Alexa at lumapit pa ito sa kanya at yinakap siya si Brielle naman ay hinawakan ang dalawa niyang kamay. " Kay Jasper sa kaibigan ng boss ko. Naging marupok ako ng halikan niya ko dahil lasing siya hanggang sa tuluyang may mangyare na nga. Sana hindi niya matandaan ang namagitan sa amin dahil wala akong mukhang maihaharap sa kanya. " pagkukwento niya sa dalawa " Naku naman Sandra ikaw pa talaga ang mahihiya. Ikaw na nga kinuhanan ng v card eh!, pero nangyare na di mo na maibabalik ang nawala sayo. Ang tanong nagsisisi ka ba dahil naibigay mo sa Jasper na yon ang virginity mo? Matagal mo ng crush yon di ba? kaya siguro naging marupok ka dahil gusto mo rin naman talaga siya noon pa. " prangkang saad naman ni Alexa sa kanya. sanay na siya sa ugali ng kaibigan sasabihin kung ano ang gustong sabihin di katulad nila ni Brielle na may pagpipigil sa sarili dahil ayaw makasakit ng dahil lang sa may nasabi silang hindi gusto ng sasabihan nila. " Hindi naman porke't crush ni Sandra yung Jasper ay ganon na baka naman kase natakot lang din si Sandra dahil baka saktan siya kase nga lasing yung humalik sa kanya. " wika naman ni Brielle na pinagtatanggol naman siya " Hindi ganoon Brielle, aminado naman ako na ginusto ko rin ang nangyare sa amin, hindi lang ako makapaniwala na nagawa ko ang bagay na yon. Oo may lihim akong pagtingin kay sir Jasper totoo naman yun. Eh siya kaya gusto niya rin ba ako O baka naman kaya niya ako hinalikan ay dahil lang sa kalasingan? " ani ya sa mga kaibigan. " Bakit hindi mo itanong sa kanya? " sagot naman ni Brielle na ikana hampas ng throw pillow ni Alex sa mukha ni Brielle " Hindi ka na naman nag iisip babae ka! " asar na bigkas ni Alex sa kaibigan. " Nag sa suggest lang naman ako ah! ano bang masama sa sinabi ko? wala naman di ba, Sandra? " parang batang nagsusumbong na wika naman ni Brielle sa kanya. " Sus! piling bata ka na naman Brielle. Umayos ka nga seryoso na tong pinag uusapan natin. " ani pa ni Alex na inawat na ni Sandra. " Tama na nga kayo baka mamaya niyan magkapikonan na naman kayong dalawa. " saad niyang turan sa kaibigan. "Maiba tayo Sandra. masakit ba talaga pag first time? tanong ni Brielle " Oo nga Sandra, sabi nila masakit daw yon eh tapos hindi raw agad makakalakad ng maayos. pero bakit ikaw mukhang okay ka naman ibig sabihin hindi totoo yon? " curious natanong ni Alex kaya natawa siya dahil sa sinabi ng kaibigan. " hahahaha...!!! masakit naman talaga. yung hindi makalakad siguro sa iba oo o depende pa rin. kase ang totoo kaya naman yun nga lang mahapdi talaga yung napasukan ng ano ng alaga niya pero palagay ko depende rin sa ginawa siguro ng mag partner o sa alaga nung guy. " natatawa na niyang sagot sa kaibigan. " You mean maliit ang alaga ng crush mo? " si Brielle naman ang nag tanong na ikina hiya niya sa dalawa pero sinagot niya rin naman. " Hindi ah! hindi ko man nakita ay naramdaman ko naman na daks yung kanya. Ay ano ba naman yang pinag uusapan natin, change topic na tayo ha." nahihiya pa niyang sabi sa mga ito.na ikinatawa pa nung dalawa. " Parang ayoko ng pumasok sa DCEC hindi ko alam ang gagawin ko kapag nagkaharap na kaming muli ni sir Jasper tapos nakita pa kami ni Boss Marvin sa kwarto. Ano sa palagay nyo ang iisipin ni Mr. Almeda? " saad pa niyang muli " Malay mo naman di na matandaan ng crush mo ang nangyare o kaya naman ay balewala lang naman sa kanya. Wag ka na munang mag resign atsaka na kapag nasa ganon ka ng sitwasyon . " Advice sa kanya ni Alexa " Tama si Alex, Sandra. Sa panahon ngayon ay mahirap maghanap ng bagong work na malilipatan. Isipin mo na lang ang parents mo sa Binangonan at may bunso pa kayong pinag aaral saan ka kukuha ng pangtutustos sa kanila kung mawawalan ka ng work dahil lang sa nahihiya ka. Ang ate Sally mo naman ay may sarili na ding pamilya. Sige nga, pumikit ka isipin mo ang maaring mangyare kung magreresign ka! . " ani naman ni Brielle na tinanguan niya. Pumikit siya ngunit ilang minuto na ay hindi pa rin siya dumidilat ng marinig niyang nag salita si Alexa. " Malala na yan si Sandra, Brielle. Na virginan lang akala ko pag ka ganoon luluwag ang iniingatan natin mga birhen pa yun pala pati ata ang sa utak lumuluwag din ang braincells hahaha... ituloy mo na yan Sandra sa kwarto mo baka mamaya tulo laway mo pa rito sa sala eh! hahaha... inaantok ka na pala di ka pa magpaalam na matutulog na, akala ko ako ang pasaway sa atin tatlo rito aagawan mo pa ko ng bansag sa akin. Brielle, hilain mo na yan sa kwarto niya at baka nalamog ng husto katawan niyan kanina ng crush niya. " mahabang litanya ni Alexa na ikinamulat ng mata ni Sandra. Dumampot siya ng throw pillow at ibinato sa kaibigan " ikaw ang pasaway " ang sabi niya kay Alexa at mabilis na kumaripas ng takbo sa kwarto niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD